Home / Romance / Dirty Rich Billionaire / Chapter Seven: Street Foods Feat the Heiress

Share

Chapter Seven: Street Foods Feat the Heiress

Author: purplepink
last update Last Updated: 2025-11-01 18:00:09

“Sandy, dito tayo!” Tinabi niya muna ang mga pinamili ko sa gilid at kaagad na kumuha ng isang stick ng hindi ko alam kung anong tawag. Para siyang mahabang pagkain na tinuhog ng pa-zigzag. Isinawsaw niya ito sa suka na maraming sibuyas at bawang. Sarap na sarap si Tonyo sa kinakain niya. Samantalang ako, nangangasim at hindi na maipinta ang mukha.

Hindi ko alam kung anong tawag sa kinain niya pero mukha itong bituka.

Teka… Bituka?

 Nanlaki ang mga mata ko sa na-realize pero hindi ko pinahalata, dahil magmumukha akong ignorante sa tingin nila. Madadagdagan lang ang pagdududa sa’kin ni Tonyo. Pero bakit nila kinakain ang bituka? Bituka ng ano ‘yon? Ng manok? Ng baboy? Anong lasa no’n.

“Tonyo, nandito ka na naman!” sabi ng ale na nagluluto ng street foods. Pinasadahan niya ako ng tingin at muling binalik ang tingin kay Tonyo na abala na sa kinakain.

“Hindi ko alam na may nobya ka na pala, Tonyo.” Napaubo si Tonyo sa sinabi ng ale at ako naman ay tawang-tawa. Hindi niya siguro inasahan na iyon ang sasabihin ng ale. ‘Sabagay, pagkakamalan kaming magkasintahan dahil kami lang dalawa ang magkasama.

“Aleng Bebang naman, ang pangit mo magbiro. Kapag narinig ‘yan ni Rico, lagot ako.”

“Ay hindi ba? Hindi mo ito syota?” hindi makapaniwalang tanong nito at tiningnan pa ako ulit.

“Hello po, ako po si Sandy. Asawa po ako ni Rico.” Nagpakilala na ako dahil mukhang hindi naniniwala ang ale kay Tonyo. Hindi naman kasi mukhang kapani-paniwala ang pagmumukha ni Tonyo eh.

“Talaga? ‘Yong siga sa Compound, asawa ka niya?” Tila hindi pa naniniwala sa’kin ang ale. Pero hindi ako makapaniwala  sa binanggit niya.

Si Rico siga ng Compound? So, posibleng totoo ang hinala ko na isa siyang gangster? Sa ale na mismo nanggaling na gano’n siya. Pero bakit hindi ko manlang nakita ang ganoong side niya. Ang nakita ko lang ay ang pagiging cold niya. Well, makukumpirma ko lang ang hinala ko kapag nakita ko siyang nakikipagbasagan ng bungo.

“Paano po naging siga si Rico?” kuryos kong tanong.

Paano iyon nasabi ng ale? At parang confident pa siya sa sinabi niya. Unless, nakita na niyang nakipag-ayaw si Rico.

“Sandy, tikman mo ‘tong isaw oh!” singit ni Tonyo at isusubo sana sa akin ang kinakain niya pero umiwas ako. Yuck, ‘di ako kakain ng bituka.

“Hindi ka kumakain ng street foods?” Nag-iba ang expression ng mukha ni Tonyo, parang naging seryoso siya bigla. Sh*t, kailangan ko na naman magsinungaling.

“Sira! Sinong ‘di kakain ng street foods? Eh, favorite ‘to ng mga mahihirap. Syempre, kumakain ako nito. Mahirap ako ‘di ba?” sabi ko saka tumawa nang hilaw. Napatitig lang silang dalawa sa’kin, kahit nga ang mga customer na malapit sa amin napapatingin na rin. Okay, mukha ba akong weird? Below the belt ba iyong sinabi ko?

“Grabe ka naman, Sandy. ‘Wag mong idiin pababa ang sarili mo. Yayaman ka rin, okay? Tsaka, asawa ka na ni Rico. Hindi ka na mahihirapan.” Kung alam mo lang, Tonyo. Mas higit pa sa kinikita ni Rico ang pera ko. Kung hindi lang ako naglayas.

“Oo naman. Tsaka, favorite ko kaya ang isaw.”

“Talaga?” Parang tuwang-tuwa pa siya sa sinabi ko. “Narinig mo iyon, Aleng Bebang? Peborit daw ni Sandy ang isaw. Isang dosena nga po.”

“WTH?” bulalas ko at kaagad na tinakpan ang bibig. Anak ng pating, Rico! Sasabunutan kita eh.

“Sandy?” nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa’kin, pero nginisian ko na lang siya.

“Joke.”

“Sandy naman, mapagbiro ka na ngayon ah. Ito Sandy, tikman mo ‘yong isaw. Promise mas masarap ‘to kumpara sa iba na mapait ang pagkakagawa. The best ang street foods ni Aleng Bebang.” Anak ng pating. Mukhang mapapasubo pa ako.

 Kumuha ako ng isang stick at isinawsaw ito sa suka. Binagalan ko ang pagsawsaw ng isaw kasi ayoko talagang kainin iyon. Pero nanonood sa akin si Tonyo. Anak ng pating talaga.

“Kainin mo na ‘yan, Sandy. Kanina mo pa iyan binababad sa suka.” At pagkasabi niya no’n ay isinubo niya sa akin ang isaw. Parang nanlalaban ang sikmura ko kasi pakiramdam nito hindi welcome ang isaw sa kaniya. I hate you, Tonyo!

“T-Tubig.” Pakiramdam ko mabubulunan ako sa ginawa ni Tonyo. Buwesit talaga.

May kinuha siya sa katabing bangketa at binuksan ito. Handa na sana akong inumin ang inaabot niya nang mapansin kung ano ang hawak niya. Sh*t, softdrinks? Tubig hinihingi ko, anak ng patola.

“Tubig nga!” Nilibot ko ng tingin ang paligid pero wala akong nakita na tubig. Anong klaseng lugar ito? Wala manlang ni isang nagbebenta ng tubig?

“Inumin mo na kasi ito, Sandy. Parang hindi mo naman ginawang tubig ang softdrinks sa bahay ni Rico,” pagpupumilit ni Tonyo.

Hindi ko siya pinansin at naglakad-lakad, nang makita ko ang isang bangketa na nagtitinda ng palamig. Kaagad ko itong nilapitan at humingi ng isang baso.

“Thank you po.” Binayaran ko na ang nagtitinda at bumalik kay Tonyo na masama ang tingin. Buwesit na lalaki ‘to. Gusto niya ba ako magkaroon ng uti? Softdrinks gagawing tubig? Okay lang ba siya?

“Ayos ka na, Sandy?” tanong ni Tonyo na kumakain pa rin.

“Mukha ba akong okey, ha Tonyo?” naiinis kong sabi at kinuha na lang ang mga pinamili. Nakakainis siya.

“Teka, Sandy, sa’n ka pupunta?!”

“Sa impyerno sama ka?”

“Ito naman. ‘Wag ka na magalit,” sabi niya at inagaw sa’kin ang mga pinamili ko. Pinaupo niya ako sa tabi ni Aleng Bebang at inabot sa akin ang isang cup ng pagkain na binalot sa lumpia wrapper. Hindi naman siguro ito lumpia ano? “Ito Sandy, try mo ‘yong cheese stick. Masarap ‘yan.”

Kumuha ako ng isa at kumagat ng kaunti. Mukhang masarap nga lalo na ‘pag sinawsaw sa sauce. In fairness, ang ganda ng sauce ng cheese stick. Mayonnaise plus ketchup?

“TABI!”

“Lagot, narito ang mga black mantis.”

“Sino kaya ang may atraso sa kanila? Lagot siya dahil ginalit ang mga mantis.”

“Kung sino man siya, tumakbo na siya dahil hindi siya palalampasin.”

Napatingin ako sa gawi ng nagkukumpulang mga tao. Mukhang nakakatakot ang mga lalaking dumating. Malalaki ang mga katawan nila at nakakatakot ang awrahan. Mukhang mas siga pa sila kaysa kay Rico eh. Mas bagay pa yata sa kanila ang salitang gangster.

‘Ginalit mo si Eva kanina.’

Sh*t, ito na kaya ang tinutukoy ni Rico? No, no, no. Hindi nila kasama si Eva kaya imposibleng kagrupo niya ang mga ito.

“Pst... Tonyo, umuwi na tayo,” baling ko sa kaniya na abala pa rin sa kinakain. Seriously? Hindi ba niya napansin ang mga dumating? “Mukhang magkakagulo rito.”

“Teka lang.” Tsk. ‘Pag pagkain talaga hindi maistorbo ang isang ‘to. Hindi naman tumataba.

Pero hindi na kami puwedeng magtagal dito. Baka madamay kami sa gulo. Inubos ko lahat ng pagkain ko at dinampot na ang mga pinamili. Hinila ko rin si Tonyo na hihigupin pa lang sana ang sauce ng isaw.

“Sandy... Teka—” Biglang may humarang sa amin kaya napahinto kami ni Tonyo sa pag-alis. Sh*t, ito na nga ba ang sinasabi ko. Madadamay talaga kami.

“At sinong nagsabi sa inyo na puwede kayong umalis?”                  

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 35: Childhood

    “Cassie. Clara. Saan kayo galing?” bungad na tanong sa amin ni Rico nang pumasok kami ng kusina. Mukhang kanina pa siya kumakain dahil nasa kalahati na ‘yong laman ng pinggan niya at may bawas na ang kape sa tasa. Tsk. Hindi manlang siya nagtaka kung bakit wala ako sa kusina kanina. Hindi manlang niya ako hinanap.Nagkatinginan kami ng kapatid niya at pinalakihan ng mga mata ang isa’t isa. Pagkatapos ay mabilis na ibinaling ang tingin kay Rico. Ngumiti ako ng hilaw sa kaniya at umupo sa tabi niya. Samantalang si Clara ay kumuha lang ng tinapay at umalis na.Bakit kaya ganito ang batas na pinatupad ni Rico sa bahay niya? Pamilya niya rin naman sila Clara. Pero bakit kailangan na wala siyang kasabay? At bakit kailangan siya ang mauna na kumain? Hindi naman siya royalty para magpakahari rito eh. “Saan ba kayo galing?” tanong niya ulit. Inabot ko ang tinapay pero mabilis niya itong kinuha at nilagay sa pinggan ko, kaya hinarap ko siya. “Nagpahangin lang sa labas,” sagot ko at kumuha ng

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 34: Reveal

    “Hindi ka ba nagugutom?” tanong ni Rico habang nilalaro ang buhok ko.Sa totoo lang ay nagugutom na talaga ako, pero ayokong umalis sa kama. Gusto ko nandoon lang kami buong magdamag. Ayokong umalis sa puwesto ko. Pero itong si Rico mukhang mas gutom na sa akin. Nakailang tanong na siya sa akin eh. “Ikaw, nagugutom ka na ba?” balik kong tanong sa kaniya at nilingon siya.Nahihiya siyang ngumiti at kinamot ang ulo. Kaya naman alam ko na kung ano ang sagot ni Rico. Nagugutom na rin siya. Nakakatuwa. Ang cute niya ngayon. Unti-unti ko na talagang nakikita ang soft side niya. Pero nakakalungkot lang. Baka hanap-hanapin ko ang side niyang ito. Hindi siya showy na tao eh. “Tara na nga sa kusina baka pagalitan ako ng nanay mo kasi pinapagutom kita.”Bumangon na ako sa puwesto ko at hinila siya para tumayo na. Pero hindi siya gumalaw. Sinasadya niya yatang mahirapan ako. Ano na namang trip nito? “Rico. Ano ba? Bumangon ka na!” pikon kong sabi at muli siyang hinila, pero lalo lang siyang na

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 33: Baby

    “Good morning.”Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at ang mukha ni Rico ang unang tumambad sa akin. Ang amo ng mukha niya ngayon, ibang-iba sa palagi kong nakikita sa kaniya. Umihip ba ang magandang hangin kaya mukhang good mood siya ngayon?Tapos, nagsalita pa siya ng ingles? Ito ang unang beses na nag-english siya. Hala… Baka may sumapi na mabuting espiritu sa kaniya kaya nawala ang bad boy na si Rico? O, ‘di kaya may matalinong kaluluwa ang naligaw sa katawan niya kaya nagsasalita na siya ng ingles. “Anong nangyari sa’yo?”Nilapat ko ang likod ng kamay ko sa noo niya at pinakiramdaman ang temperature sa katawan niya. Pero normal naman, wala siyang sakit.Bakit ganito? Natulog lang kami paggising ko nag-iba na si Rico! “Anong ginagawa mo?” nagtataka niyang tanong at napakunot ang noo. “Eh, kasi naman, hindi ka naman ganiyan kahapon ah. Anong nangyari sa bad boy ng Compound?” “Bad boy pala ang tingin mo sa akin?”Hala, ang bilis naman nitong magtampo. Nagdududa na talaga a

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 32: Sweet Night (SPG)

    Hindi ko na alam kung anong oras kami nakarating ng bahay. Hindi ko kasi suot ang smart watch ko kaya wala akong mapagtingnan. Wala namang wall clock sina Rico para matingnan ko ang oras. Ganito na siguro karamihan ngayon. Sapat na ang relos at mga gadgets para tingnan ang oras.Walang imik si Rico simula nang umuwi kami. Kahit nga ako ay wala ring imik. Ang awkward kasi ng nangyari. Bakit kasi nahantong pa sa ganoon? Wala kaming relasyon para gawin iyon, pero kung makaasta kami para kaming mag-asawa. Nakakahiya iyon kanina, sa totoo lang. Tapos, sinabi ko pang ipagpatuloy niya? Gosh, nagmumukha akong uhaw sa s*x.Hanggang sa makapasok kami sa kaniya-kaniyang kuwarto ay wala kaming kibuan. Hindi na ako nakapagsabi ng good night sa kaniya, kasi sino ba naman ako ‘di ba? Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan ni Rico. Siguro nabigla lang siya kanina. Na-tempt lang siya na gawin iyon sa akin.Pero hindi ko maipagkakaila na nagustuhan ko ang ginawa namin. Hindi ko tuloy masabi kong

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 31: Joyride (SPG)

    “Ate Sandy!” tawag sa akin ni Clara habang patakbo itong lumapit sa akin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Naramdaman ko ang saya niya nang makita ako. Kaya natutuwa ako dahil may isang tulad niya na may malasakit sa akin. “Sandy.” Nilingon ko si Mrs. Varela na sinalubong din ako ng masaya niyang ngiti. Kumalas ako sa yakapan namin ni Clara at humarap sa kaniya. Nangilid ang mga luha ko sa tuwa dahil hindi ko inakalang magkikita pa kaming muli.Oo, nasaktan ako sa mga sinabi niya kay Rico. Pero hindi ko naman siya masisisi. Napamahal din siya kay Ria. Kaya naiintindihan ko na ngayon. “Mrs. Varela,” tawag ko at niyakap siya nang mahigpit. Naramdaman ko rin ang mahigpit niyang yakap kaya lalo akong natuwa. “Masaya po akong makita ka uli.”“Mas masaya ako na makita kang muli, na ligtas at buo, anak,” ani Mrs. Varela. “Para namang hindi ninyo nakita si Sandy ng maraming taon. Huwag na kayong umiyak dahil makakasama pa natin siya nang matagal. ‘Di ba, Sandy?” singit ni Tonyo kay

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 30: Caught in His Arms

    “Sa tingin mo ba ay ibibigay ko sa iyo si Cassandra? Huwag kang mangarap, Varela. Dahil kahit kailan ay hind imo siya makukuha sa akin.”Matapos iyon sabihin ni Leo ay lumapit siya sa akin at kinalagan ako. Pero hindi niya kinuha ang tali na nakagapos sa mga kamay ko. Pagkatapos ay pinatayo niya ako at hinila papalapit sa kaniya. Inabot niya rin ang pera kay Vito na ngayon ay nagdidiwang na dahil nasa kamay na niya ang isang bilyon.Pilit kong tinanggal ang tali sa mga kamay ko pero hindi ito makalusot. Sa inis ko ay padabog kong binaba ang mga kamay ko at masamang tiningnan si Leo. Sinalubong niya ako ng ngiti na lalong nagpainis sa akin.“Don’t worry, wifey. Ilalayo na kita sa kanilang lahat at magsisimula tayong muli.”“Rico! Sasama ako sa iyo kung kukunin mo ako!” sigaw ko habang nakatingin kay Leo na unti-unting sumama ang timpla ng mukha.Dahil sa sinabi ko ay hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin. Pero hindi ako nagpatinag. Kahit saktan pa niya ako ay hindi ako sasama sa kan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status