Início / Romance / Dirty Rich Billionaire / Chapter Six: A Wife and A Colleague

Compartilhar

Chapter Six: A Wife and A Colleague

Autor: purplepink
last update Última atualização: 2025-11-01 12:00:24

Isang linggo na ang nakalipas magmula nang tumira ako rito kina Rico. Sa una, hindi ako komportable dahil nasanay ako sa buhay-mayaman. May mga bagay silang kahit kailan hindi ko naranasan sa mansion. Pero ginawa ko ang lahat para hindi nila mapansin na nagpapanggap lang akong mahirap.

“Sandy, hinahanap mo raw ako? Miss mo 'ko?” bungad na tanong ni Tonyo pagkarating niya sa rooftop. Hingal na hingal siya, mukhang tumakbo pa siya para makarating kaagad sa bahay ni Rico. At, mukhang tinakbo niya rin ang hagdan. “Ikaw ha, bakit ako ang hinahanap mo? Hindi ba dapat ang asawa mo ang hinahanap mo?”

Tinaasan ko siya ng kilay. Kung alam lang niya na hindi totoo lahat. Pero hindi ko puwedeng ipagsabi sa iba ang sekreto namin ni Rico, maging sa matalik niyang kaibigan. Baka mamaya ipagkalat niya at makarating kay Eva. Speaking of her, hindi na siya muling nagpakita. As in hindi na siya bumalik ng Compound. Ang sabi ni Rico ay baka may pinaplano nang masama sa’kin ang admirer niya. Pero hindi pa naman ako kinakabahan dahil alam kong poprotektahan ako ni Rico.

“G*go, assuming mo naman. Kaya kita hinahanap ay para samahan mo akong mag-shopping,” sabi ko pagkatapos ay piningot ang ilong niya na ikinasama niya ng tingin.

Ganito na kami ka-close ni Tonyo kahit isang linggo pa lang ako rito. Paano ba naman siya palagi ang kumukulit sa’kin. Naging comfortable din ako sa kakulitan niya. Sa kaniya na nga ako pinapabantayan ni Rico. Dahil ang peke kong asawa ay maraming gawain ngayon. Tinanong ko naman kung anong work niya. Ang sabi niya isa siyang bodyguard. Pero hindi nawala ang pagdududa ko na isa siyang gangster. Soon, malalaman ko rin ang tinatago niya.

“Aray, Sandy. Ilong ko na naman ang pinuntirya mo. Hindi naman pango ang ilong mo ah, matangos din. Ba’t ka naiinggit sa ilong ko?”

“Excuse me, hindi ako naiinggit sa ilong mo, pare. ‘Di hamak na mas matangos naman ang ilong ko kaysa sa’yo ano?” depensa ko at pinahid ang kamay sa shirt niya dahil oily pala ang ilong ng mokong. Eww…

“Makapahid naman ‘to akala mo tae ‘tong ilong ko,” kunwari nasasaktan siya sa ginawa ko pero inikutan ko lang siya ng mga mata, pagkatapos ay ngumisi.

“Hindi tae. Iyang ilong mo puwede nang isalang sa kawali.”

“Aba’t—” Tumakbo na ako palayo sa kaniya dahil alam ko na kung anong susunod niyang gagawin. Kikilitiin niya ako hanggang sa mahiga ako sa sahig.

‘Yong huling beses na kiniliti niya ako ay muntik na akong maihi sa pajama ko. Mabuti nga at nakapagpigil ako. Sinipa ko siya sa pribadong parte ng katawan niya, pero mahina lang. Atleast, huminto siya no’n kaya nakatakbo ako papuntang cr. Ayoko nang maulit pa iyon dahil baka maihi na talaga ako sa shorts ko.

“Ricooo… ang kaibigan mo ohhh!” sigaw ko habang tumatakbo palayo kay Tonyo. Nakita ko ang malademonyo niyang ngiti kaya hindi ko gugustuhin ang susunod niyang gagawin.

“Tony Almodal! Titigil ka o babalibagin kita pababa?”

Nginisian ko si Tonyo dahil pinagbantaan na siya ni Rico na ngayon ay nakaupo sa table habang nagbabasa ng dyaryo at may kape na nakahain. Maya-maya ay aalis din siya dahil kailangan niya raw magtrabaho para buhayin ako. Wow ah, akala mo naman isang taon na akong naninirahan sa kanila.

“Pasalamat ka, Sandy, at kampi sa’yo ang kaibigan ko. Kung hindi–”

“Kung hindi ano, Tonyo?” tanong ni Rico na may tono ng pagbabanta. Naitikom ni Tonyo ang bibig niya at nag-peace kay Rico na seryosong nakatingin sa kaniya.

“Tara na nga, Tonyo.” Lumapit na ako sa kaniya para hilahin siya pababa ng rooftop. Wala na siyang nagawa kaya nagpatianod na lang siya sa’kin.

“Sandy, may bibilhin ka pa ba? Halos nalibot na natin ang buong mall,” reklamo ni Tonyo.

Kanina pa nga niya ako pinaparinggan. Baka raw ubusin ko lahat ng paninda rito. Eh sa wala nga akong magustuhan na damit sa mall na ‘to. Iba pa rin ‘pag nag-shopping kami sa luxury malls. Mas maganda mga items nila roon.

“Nagrereklamo ka na ba?” pang-aasar ko.

“Hindi pa ba halata?”

“Uy, teka ano ‘yon?” pag-iiba ko ng usapan sabay turo sa store na mukhang maraming items. Medyo marami rin ang mga customer sa loob kumpara sa mga store na nadaanan namin.

“Ukay-Ukay lang 'yan eh.”

“Ukay-Ukay? You mean Uk-Uk?”

Sa sinabi ko ay humagalpak ng tawa si Tonyo. Kumunot ang noo ko sa naging reaksyon niya dahil hindi ko maintindihan kung bakit tawang-tawa siya. Wala naman akong sinabi na nakakatawa para maging gano’n ang reaksyon niya. Unless… Sh*t! Did I say Uk-Uk?

“Saan mo naman napulot ‘yang salita na iyan, Sandy? Nagdadalawang-isip na talaga ako kung mahirap ka ba talaga.” Sinamaan ko na lang siya ng tingin at iniwan. Nilapitan ko ang Ukay-Ukay Store at nagsimulang maghanap ng mga damit na babagay sa’kin.

“Sandy, ba’t mo naman ako iniwan do’n? Galit ka ba? Sorry na. ‘Wag kang magsumbong kay Rico, ah…” Hindi ko siya pinansin. Tinuon ko ang atensyon ko sa mga damit mukhang mga magaganda kasi, tapos nakita ko kanina na five pesos to 100 pesos lang ang presyo.

Ba’t ang mura naman sa Ukay-Ukay? Kaya siguro maraming bumibili kasi ang baba ng presyo. Kung may 100 pesos ako tapos tig limang piso ang bibilhin ko, marami na akong mabibili na damit!

“Seryoso ka riyan?” tanong ni Tonyo habang bumabayad ako sa counter. Naka limang plastik bag kasi ako. Syempre ginrab ko na ang chance na nandito ako kasi minsan lang ako lumabas ng Compound.

“Oo naman, problema mo ba?” tanong ko, pagkatapos ay kinuha na ang mga binili ko. Binigay ko sa kaniya lahat ng mga binili ko kasi sabi niya tutulungan niya raw ako.

“Sandy, sa’n mo gustong kumain? Hindi ka ba nagugutom?” Sakto kumukulo na ang tiyan ko. Pero ‘di ko alam kung saan puwede kumain dito. Hindi ako pamilyar sa lugar nila.

“Ikaw na bahala.”

“Tara street foods!” What the heck? Sa dinami-rami ng puwedeng kainan, bakit sa street food hub pa? Hindi kaya healthy ang foods doon tapos sa kalye pa niluluto. Okay lang kaya siya?

“What?” Please lang, Tonyo, ‘wag mo akong dadalhin doon!

“Watawat! Tara na!” excited niyang sabi at hinila na lang ako palabas ng mall. Hindi ko na napansin kung paano niya ako nagawang hilahin sa kabila ng mga bitbit niya. May lahi ba siyang octopus?

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 35: Childhood

    “Cassie. Clara. Saan kayo galing?” bungad na tanong sa amin ni Rico nang pumasok kami ng kusina. Mukhang kanina pa siya kumakain dahil nasa kalahati na ‘yong laman ng pinggan niya at may bawas na ang kape sa tasa. Tsk. Hindi manlang siya nagtaka kung bakit wala ako sa kusina kanina. Hindi manlang niya ako hinanap.Nagkatinginan kami ng kapatid niya at pinalakihan ng mga mata ang isa’t isa. Pagkatapos ay mabilis na ibinaling ang tingin kay Rico. Ngumiti ako ng hilaw sa kaniya at umupo sa tabi niya. Samantalang si Clara ay kumuha lang ng tinapay at umalis na.Bakit kaya ganito ang batas na pinatupad ni Rico sa bahay niya? Pamilya niya rin naman sila Clara. Pero bakit kailangan na wala siyang kasabay? At bakit kailangan siya ang mauna na kumain? Hindi naman siya royalty para magpakahari rito eh. “Saan ba kayo galing?” tanong niya ulit. Inabot ko ang tinapay pero mabilis niya itong kinuha at nilagay sa pinggan ko, kaya hinarap ko siya. “Nagpahangin lang sa labas,” sagot ko at kumuha ng

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 34: Reveal

    “Hindi ka ba nagugutom?” tanong ni Rico habang nilalaro ang buhok ko.Sa totoo lang ay nagugutom na talaga ako, pero ayokong umalis sa kama. Gusto ko nandoon lang kami buong magdamag. Ayokong umalis sa puwesto ko. Pero itong si Rico mukhang mas gutom na sa akin. Nakailang tanong na siya sa akin eh. “Ikaw, nagugutom ka na ba?” balik kong tanong sa kaniya at nilingon siya.Nahihiya siyang ngumiti at kinamot ang ulo. Kaya naman alam ko na kung ano ang sagot ni Rico. Nagugutom na rin siya. Nakakatuwa. Ang cute niya ngayon. Unti-unti ko na talagang nakikita ang soft side niya. Pero nakakalungkot lang. Baka hanap-hanapin ko ang side niyang ito. Hindi siya showy na tao eh. “Tara na nga sa kusina baka pagalitan ako ng nanay mo kasi pinapagutom kita.”Bumangon na ako sa puwesto ko at hinila siya para tumayo na. Pero hindi siya gumalaw. Sinasadya niya yatang mahirapan ako. Ano na namang trip nito? “Rico. Ano ba? Bumangon ka na!” pikon kong sabi at muli siyang hinila, pero lalo lang siyang na

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 33: Baby

    “Good morning.”Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at ang mukha ni Rico ang unang tumambad sa akin. Ang amo ng mukha niya ngayon, ibang-iba sa palagi kong nakikita sa kaniya. Umihip ba ang magandang hangin kaya mukhang good mood siya ngayon?Tapos, nagsalita pa siya ng ingles? Ito ang unang beses na nag-english siya. Hala… Baka may sumapi na mabuting espiritu sa kaniya kaya nawala ang bad boy na si Rico? O, ‘di kaya may matalinong kaluluwa ang naligaw sa katawan niya kaya nagsasalita na siya ng ingles. “Anong nangyari sa’yo?”Nilapat ko ang likod ng kamay ko sa noo niya at pinakiramdaman ang temperature sa katawan niya. Pero normal naman, wala siyang sakit.Bakit ganito? Natulog lang kami paggising ko nag-iba na si Rico! “Anong ginagawa mo?” nagtataka niyang tanong at napakunot ang noo. “Eh, kasi naman, hindi ka naman ganiyan kahapon ah. Anong nangyari sa bad boy ng Compound?” “Bad boy pala ang tingin mo sa akin?”Hala, ang bilis naman nitong magtampo. Nagdududa na talaga a

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 32: Sweet Night (SPG)

    Hindi ko na alam kung anong oras kami nakarating ng bahay. Hindi ko kasi suot ang smart watch ko kaya wala akong mapagtingnan. Wala namang wall clock sina Rico para matingnan ko ang oras. Ganito na siguro karamihan ngayon. Sapat na ang relos at mga gadgets para tingnan ang oras.Walang imik si Rico simula nang umuwi kami. Kahit nga ako ay wala ring imik. Ang awkward kasi ng nangyari. Bakit kasi nahantong pa sa ganoon? Wala kaming relasyon para gawin iyon, pero kung makaasta kami para kaming mag-asawa. Nakakahiya iyon kanina, sa totoo lang. Tapos, sinabi ko pang ipagpatuloy niya? Gosh, nagmumukha akong uhaw sa s*x.Hanggang sa makapasok kami sa kaniya-kaniyang kuwarto ay wala kaming kibuan. Hindi na ako nakapagsabi ng good night sa kaniya, kasi sino ba naman ako ‘di ba? Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan ni Rico. Siguro nabigla lang siya kanina. Na-tempt lang siya na gawin iyon sa akin.Pero hindi ko maipagkakaila na nagustuhan ko ang ginawa namin. Hindi ko tuloy masabi kong

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 31: Joyride (SPG)

    “Ate Sandy!” tawag sa akin ni Clara habang patakbo itong lumapit sa akin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Naramdaman ko ang saya niya nang makita ako. Kaya natutuwa ako dahil may isang tulad niya na may malasakit sa akin. “Sandy.” Nilingon ko si Mrs. Varela na sinalubong din ako ng masaya niyang ngiti. Kumalas ako sa yakapan namin ni Clara at humarap sa kaniya. Nangilid ang mga luha ko sa tuwa dahil hindi ko inakalang magkikita pa kaming muli.Oo, nasaktan ako sa mga sinabi niya kay Rico. Pero hindi ko naman siya masisisi. Napamahal din siya kay Ria. Kaya naiintindihan ko na ngayon. “Mrs. Varela,” tawag ko at niyakap siya nang mahigpit. Naramdaman ko rin ang mahigpit niyang yakap kaya lalo akong natuwa. “Masaya po akong makita ka uli.”“Mas masaya ako na makita kang muli, na ligtas at buo, anak,” ani Mrs. Varela. “Para namang hindi ninyo nakita si Sandy ng maraming taon. Huwag na kayong umiyak dahil makakasama pa natin siya nang matagal. ‘Di ba, Sandy?” singit ni Tonyo kay

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 30: Caught in His Arms

    “Sa tingin mo ba ay ibibigay ko sa iyo si Cassandra? Huwag kang mangarap, Varela. Dahil kahit kailan ay hind imo siya makukuha sa akin.”Matapos iyon sabihin ni Leo ay lumapit siya sa akin at kinalagan ako. Pero hindi niya kinuha ang tali na nakagapos sa mga kamay ko. Pagkatapos ay pinatayo niya ako at hinila papalapit sa kaniya. Inabot niya rin ang pera kay Vito na ngayon ay nagdidiwang na dahil nasa kamay na niya ang isang bilyon.Pilit kong tinanggal ang tali sa mga kamay ko pero hindi ito makalusot. Sa inis ko ay padabog kong binaba ang mga kamay ko at masamang tiningnan si Leo. Sinalubong niya ako ng ngiti na lalong nagpainis sa akin.“Don’t worry, wifey. Ilalayo na kita sa kanilang lahat at magsisimula tayong muli.”“Rico! Sasama ako sa iyo kung kukunin mo ako!” sigaw ko habang nakatingin kay Leo na unti-unting sumama ang timpla ng mukha.Dahil sa sinabi ko ay hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin. Pero hindi ako nagpatinag. Kahit saktan pa niya ako ay hindi ako sasama sa kan

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status