MasukMay sa lahing pusa nga siguro ‘tong si Leo. Biruin mo nasundan pa rin ako rito. Ang lakas ng radar niya. Sana magamit niya iyon sa sarili niya para masagap niyang wala akong pagtingin sa kaniya.
“May atraso ka ba sa kanila kaya ka nila hinahabol?” biglang tanong ng lalaki na nakatingin na pala ngayon sa gawi nina Leo. Kita mo itong lalaking ‘to? Kalalaking tao, tsismoso. “At bakit naman ako magkakaroon ng atraso sa kanila, aber?” “Sabihin na natin na nakadamit pangkasal ka at ‘yong lalaking ‘yon,” sagot niya sabay turo kay Leo na hindi pa rin kami napapansin, “ang magiging asawa mo pero tinakbuhan mo, tama?” Pusang gala, baka ituro pa niya ako kay Leo. Kailangan ko lumayo sa kanila dahil hindi ko matitiyak ang kalayaan ko ngayon. Dahan-dahan akong umatras palayo sa lalaki bago pa niya ako ituro sa baliw kong fiancé. Hindi pa niya nahahalata ang ginagawa ko, kaya tuloy-tuloy ako sa pag-atras. Sana nga hindi niya mahalata. I need to escape now. “At saan ka pupunta?” tanong ng baritonong tono na parang binabantaan ako. Hindi man siya nakatingin sa’kin, alam kong napansin niya ang ginawa ko. Isa rin ‘tong malakas ang radar eh. Ay hindi, sonar pala ang sa kaniya. Hindi sila puwedeng magkatulad ni Leo. Kung ikukumpara nga silang dalawa, mukhang mas malakas ang lalaking ‘to. Teka, bakit ko ba sila pinagkukumpara? Halata namang iisa lang sila ng iniisip ‘pag sa kaniya nangyari na iniwan siya ng bride. “Pakialam mo.” Hinarap niya ako na masama ang tingin. Hindi ko alam pero nakakatakot siya. “Anong kailangan niya sa’yo? Ba’t mo siya tinatakbuhan?” Akala mo naman may pakialam siya sa problema ko. Hindi ko sana siya sasagutin pero hindi pa rin nawawala ang tingin na binibigay niya sa’kin. Nakakapanghina ng mga tuhod. “Ang lalaking ‘yon ay ang mapapangasawa ko sana. Pero hindi ko siya mahal ha. Ginipit lang ako,” sagot ko at nilingon saglit si Leo na hindi pa rin umaalis sa puwesto niya. Nakita kong kumunot ang noo ng lalaki. Nagtataka siguro siya kung bakit ako ginigipit ng fiancé ko. Hindi ko naman puwedeng sabihin na naka-arranged marriage ako. Hindi niya puwedeng malaman na anak-mayaman ako. Sa awrahan niya kasi mukhang siya ang tipo na walang pakialam kung mayaman ka. Baka nga galit siya sa mga katulad ko. Naalala ko kasi bigla ang sinabi ni dad na baka makidnap ako. Baka magkatotoo ‘yon. “Bakit ka naman niya gigipitin?” Hayst, hindi ba titigil ang pagiging imbestigador niya? “Why do you keep asking? Maniwala ka na lang sa sinabi ko, will you?” angal ko. Lalong kumunot ang noo niya kaya kinabahan na ako. May nasabi ba akong mali? “Mayaman ka?” tanong niya na biglang dumilim ang mukha. Sh*t, sinasabi ko na nga ba, galit siya sa mga tulad ko. Now, kailangan kong magsinungaling para wala siyang gawing masama sa’kin. “Nagpapatawa ka ba? Ako? Anak-mayaman? Magiging pink muna ang uwak bago mangyari ‘yon,” sabi ko at tumawa nang pilit. Nawala rin ang pandidilim ng mukha niya sa sinabi ko. Phew! Naniwala rin siya sa akin. Akala ko pagpapawisan ako ng bonggang-bongga. Kung bakit ba kasi ako nagsalita ng English. “Ayon siya!” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang isa sa mga butler ni Leo. Nilingon ko sila at nakitang tumatakbo papunta sa’kin. Anak ng pating, ano nang gagawin ko? Dahan-dahan akong lumingon sa lalaki at nginisian siya. Kumunot na naman ang noo niya kaya pinanliitan ko siya ng mga mata. Tiningnan ko ang motor niya at binalik din kaagad ang tingin sa kaniya. “Anong binabalak mo?” “Puwede ba akong sumakay sa’yo?” Tumaas ang isa niyang kilay kaya ako naman ang kumunot ang noo. May mali na naman ba sa sinabi ko? “Talaga? Sasakay ka sa’kin?” Sa sinabi ng lalaki ay nanlaki ang mga mata ko. Sh*t, may double meaning ang sinabi ko para sa kaniya! Pero ang ibig ko lang naman sabihin ay kung puwede ako umangkas sa motor niya. Nakakainis! May pagka-greenminded yata ang isang ‘to. “G*go, ibig kong sabihin, pasakay sa motor mo.” “Minumura mo ba ako?” “Hindi mo ba narinig?” sabi ko sabay lingon kina Leo na malapit na sa’min. Please lang pumayag ka! Babalikan talaga kita ‘pag nahuli ako ni Leo. “Ayoko.” Anak ng pating. Ang hirap naman suyuin ang taong ‘to. Ano bang gusto niya para pumayag siya? “Dali na, kuya. Kailangan na kailangan kong makaalis ngayon na,” pagmamakaawa ko at hinawakan ang kamay niya. Agad naman akong napabitaw at umatras dahil masama na naman ang tingin na ipinupukol niya sa’kin. Sige na nga. Mukhang wala siyang balak na tulungan ako. Hindi ko na lang siya kinulit ulit at tinaas na lang ang laylayan ng wedding dress ko. Kung ayaw niya akong tulungan, eh ‘di wag. Ma-flat sana motor niya. Maubusan sana siya ng gas. Iniwan ko na lang ang lalaki at tumakbo palayo. Malapit na akong maabutan ni Leo eh. Hindi ‘yon puwede. Hindi niya ako makukuha. Sana may mabuting tao ang dumaan at tulungan ako… Lumingon ako sa likuran ko at nakita ang motor na papalapit sa’kin. Parang bumagal ang lahat habang tumatakas ako. Pero ang tingin ko ay nasa dalawang mata na seryosong nakatingin din sa’kin. Hindi ko alam pero sa paraan ng pagtitig niya, naramdaman kong magiging ligtas na ako. “Sakay,” ikli niyang sabi nang tumigil ang motor sa tabi ko. Napangiti ako nang malawak at kaagad na lumapit sa kaniya. Inayos ko ang suot ko bago umangkas sa motor. Hindi ako sanay sa ganitong sasakyan kaya napahawak ako nang mahigpit sa beywang niya. Napansin kong nanigas siya pero tahimik pa rin. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kaniya kaya parang niyayakap ko na rin siya. Nakakatawa lang dahil sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Siguro dahil na rin sa kinakabahan akong maabutan ni Leo. “Kumapit ka nang mabuti. Hindi mo magugustuhan ang susunod na mangyayari.” “Ha?” sabi ko na lang at bigla niyang pinaharurot ang motor. Napamura ako nang malutong sa isip ko dahil sa takbo ng motor na sinasakyan ko ngayon. Kulang na lang yata ay sunduin kami ni San Pedro. Sobrang bilis ng takbo ng motor. Halos hindi ko na maaninag nang maayos ang mga gusali at imprastraktura na nadadaanan namin. Pero hindi pa ro’n nagtatapos ang suicide edition namin. Sumisingit ba naman siya sa mga sasakyan at malimit din siyag mag-overtake. Natatakot ako baka maaksidente kami. “PUWEDE BA PAKIBAGALAN ANG MOTOR?! MAMAMATAY TAYO NG WALA SA ORAS EH!” sabi ko habang mahigpit pa rin na nakayakap sa kaniya. Pero hindi niya ako pinansin kaya kinurot ko siya sa tiyan. Unti-unti namang bumagal ang takbo ng motor niya. Mabuti naman– “G*go ka ba? Puwede tayo maaksidente sa ginawa mo!” Tinaasan niya ako ng boses. Kaya napabitaw ako sa paghawak sa kaniya. Parang maiiyak na ako. Sinabi ko lang naman na bagalan ang pagpapatakbo niya, mali ba ‘yon? Ang mali ko lang naman ay kinurot ko siya. Paano ba naman, ayaw ako pakinggan. Ngayon kasalanan ko pa? Aba’t g*go ‘to ah. Maya-maya, umalingawngaw ang sirena ng pulis kaya nilingon ko ang nasa likuran namin. Sh*t, hinahabol kami ng mga pulis. Kasalanan ‘to ng lalaking ‘to. Nagmukha tuloy kaming kriminal. “Humawak ka nang mahigpit,” utos niya pero hindi ko siya sinunod. Aba, bahala siya riyan. Mabuti nga na mahuli siya ng pulis. Mukha naman siyang kriminal. “Tsk.” Inabot niya ang mga kamay ko gamit lang ang isa niyang kamay at pinulupot iyon sa beywang niya. Napa-rolled eyes na lang ako sa ginawa ng lalaki. “Higpitan mo.” Tsk. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa beywang niya at unti-unti kong naramdaman ang pagbilis na naman ng motor. Bahala na nga. Ang importante makalayo ako kay Leo. Hindi naman siguro ako huhulihin ng pulis dahil sa overspeeding. Hindi naman ako ang driver at puwede kong sabihin na kinidnap lang ako.“Cassie. Clara. Saan kayo galing?” bungad na tanong sa amin ni Rico nang pumasok kami ng kusina. Mukhang kanina pa siya kumakain dahil nasa kalahati na ‘yong laman ng pinggan niya at may bawas na ang kape sa tasa. Tsk. Hindi manlang siya nagtaka kung bakit wala ako sa kusina kanina. Hindi manlang niya ako hinanap.Nagkatinginan kami ng kapatid niya at pinalakihan ng mga mata ang isa’t isa. Pagkatapos ay mabilis na ibinaling ang tingin kay Rico. Ngumiti ako ng hilaw sa kaniya at umupo sa tabi niya. Samantalang si Clara ay kumuha lang ng tinapay at umalis na.Bakit kaya ganito ang batas na pinatupad ni Rico sa bahay niya? Pamilya niya rin naman sila Clara. Pero bakit kailangan na wala siyang kasabay? At bakit kailangan siya ang mauna na kumain? Hindi naman siya royalty para magpakahari rito eh. “Saan ba kayo galing?” tanong niya ulit. Inabot ko ang tinapay pero mabilis niya itong kinuha at nilagay sa pinggan ko, kaya hinarap ko siya. “Nagpahangin lang sa labas,” sagot ko at kumuha ng
“Hindi ka ba nagugutom?” tanong ni Rico habang nilalaro ang buhok ko.Sa totoo lang ay nagugutom na talaga ako, pero ayokong umalis sa kama. Gusto ko nandoon lang kami buong magdamag. Ayokong umalis sa puwesto ko. Pero itong si Rico mukhang mas gutom na sa akin. Nakailang tanong na siya sa akin eh. “Ikaw, nagugutom ka na ba?” balik kong tanong sa kaniya at nilingon siya.Nahihiya siyang ngumiti at kinamot ang ulo. Kaya naman alam ko na kung ano ang sagot ni Rico. Nagugutom na rin siya. Nakakatuwa. Ang cute niya ngayon. Unti-unti ko na talagang nakikita ang soft side niya. Pero nakakalungkot lang. Baka hanap-hanapin ko ang side niyang ito. Hindi siya showy na tao eh. “Tara na nga sa kusina baka pagalitan ako ng nanay mo kasi pinapagutom kita.”Bumangon na ako sa puwesto ko at hinila siya para tumayo na. Pero hindi siya gumalaw. Sinasadya niya yatang mahirapan ako. Ano na namang trip nito? “Rico. Ano ba? Bumangon ka na!” pikon kong sabi at muli siyang hinila, pero lalo lang siyang na
“Good morning.”Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at ang mukha ni Rico ang unang tumambad sa akin. Ang amo ng mukha niya ngayon, ibang-iba sa palagi kong nakikita sa kaniya. Umihip ba ang magandang hangin kaya mukhang good mood siya ngayon?Tapos, nagsalita pa siya ng ingles? Ito ang unang beses na nag-english siya. Hala… Baka may sumapi na mabuting espiritu sa kaniya kaya nawala ang bad boy na si Rico? O, ‘di kaya may matalinong kaluluwa ang naligaw sa katawan niya kaya nagsasalita na siya ng ingles. “Anong nangyari sa’yo?”Nilapat ko ang likod ng kamay ko sa noo niya at pinakiramdaman ang temperature sa katawan niya. Pero normal naman, wala siyang sakit.Bakit ganito? Natulog lang kami paggising ko nag-iba na si Rico! “Anong ginagawa mo?” nagtataka niyang tanong at napakunot ang noo. “Eh, kasi naman, hindi ka naman ganiyan kahapon ah. Anong nangyari sa bad boy ng Compound?” “Bad boy pala ang tingin mo sa akin?”Hala, ang bilis naman nitong magtampo. Nagdududa na talaga a
Hindi ko na alam kung anong oras kami nakarating ng bahay. Hindi ko kasi suot ang smart watch ko kaya wala akong mapagtingnan. Wala namang wall clock sina Rico para matingnan ko ang oras. Ganito na siguro karamihan ngayon. Sapat na ang relos at mga gadgets para tingnan ang oras.Walang imik si Rico simula nang umuwi kami. Kahit nga ako ay wala ring imik. Ang awkward kasi ng nangyari. Bakit kasi nahantong pa sa ganoon? Wala kaming relasyon para gawin iyon, pero kung makaasta kami para kaming mag-asawa. Nakakahiya iyon kanina, sa totoo lang. Tapos, sinabi ko pang ipagpatuloy niya? Gosh, nagmumukha akong uhaw sa s*x.Hanggang sa makapasok kami sa kaniya-kaniyang kuwarto ay wala kaming kibuan. Hindi na ako nakapagsabi ng good night sa kaniya, kasi sino ba naman ako ‘di ba? Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan ni Rico. Siguro nabigla lang siya kanina. Na-tempt lang siya na gawin iyon sa akin.Pero hindi ko maipagkakaila na nagustuhan ko ang ginawa namin. Hindi ko tuloy masabi kong
“Ate Sandy!” tawag sa akin ni Clara habang patakbo itong lumapit sa akin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Naramdaman ko ang saya niya nang makita ako. Kaya natutuwa ako dahil may isang tulad niya na may malasakit sa akin. “Sandy.” Nilingon ko si Mrs. Varela na sinalubong din ako ng masaya niyang ngiti. Kumalas ako sa yakapan namin ni Clara at humarap sa kaniya. Nangilid ang mga luha ko sa tuwa dahil hindi ko inakalang magkikita pa kaming muli.Oo, nasaktan ako sa mga sinabi niya kay Rico. Pero hindi ko naman siya masisisi. Napamahal din siya kay Ria. Kaya naiintindihan ko na ngayon. “Mrs. Varela,” tawag ko at niyakap siya nang mahigpit. Naramdaman ko rin ang mahigpit niyang yakap kaya lalo akong natuwa. “Masaya po akong makita ka uli.”“Mas masaya ako na makita kang muli, na ligtas at buo, anak,” ani Mrs. Varela. “Para namang hindi ninyo nakita si Sandy ng maraming taon. Huwag na kayong umiyak dahil makakasama pa natin siya nang matagal. ‘Di ba, Sandy?” singit ni Tonyo kay
“Sa tingin mo ba ay ibibigay ko sa iyo si Cassandra? Huwag kang mangarap, Varela. Dahil kahit kailan ay hind imo siya makukuha sa akin.”Matapos iyon sabihin ni Leo ay lumapit siya sa akin at kinalagan ako. Pero hindi niya kinuha ang tali na nakagapos sa mga kamay ko. Pagkatapos ay pinatayo niya ako at hinila papalapit sa kaniya. Inabot niya rin ang pera kay Vito na ngayon ay nagdidiwang na dahil nasa kamay na niya ang isang bilyon.Pilit kong tinanggal ang tali sa mga kamay ko pero hindi ito makalusot. Sa inis ko ay padabog kong binaba ang mga kamay ko at masamang tiningnan si Leo. Sinalubong niya ako ng ngiti na lalong nagpainis sa akin.“Don’t worry, wifey. Ilalayo na kita sa kanilang lahat at magsisimula tayong muli.”“Rico! Sasama ako sa iyo kung kukunin mo ako!” sigaw ko habang nakatingin kay Leo na unti-unting sumama ang timpla ng mukha.Dahil sa sinabi ko ay hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin. Pero hindi ako nagpatinag. Kahit saktan pa niya ako ay hindi ako sasama sa kan







