ATASHIASeven days, seven days na akong trinatrato ni Lance na parang reyna. Mula paggising hanggang matulog, kulang na lang ay sambahin niya ako. For the very first time in my life, I felt how valuable I am. Hindi ko na pala kailangan malungkot dahil pilit pinupunan ni Lance ang kakulangan ni nanay. Each day na lumilipas ay lalo akong nahuhulog sa CEO kong asawa. Hindi n'ya kasi ipinararamdam sa akin ang layo ng agwat namin sa buhay. Sa halip ay ipinapakita niya sa akin how I deserve all the love and attention na hindi ibinigay sa akin ng sarili kong ina. "Hon, let's ride a Kayak," sabi niya sa akin isang umaga. Nasa Lancenta Hotel pa rin kami at nakababad ako sa pool. First time kong maligo roon dahil katatapos lang ng period ko. "Ano iyon?" Inosente kong tanong sa kaniya. "It is a boat commonly used in sports. It needs physical strength which is why I have to paddle for us to get into the deep part of the sea," paliwanag ni Lance. "Walang makina pala iyan. Huwag na. Nakakatako
ATASHIAI didn't confront Lance in front of Wenna. Hindi pwede. Bawal. Wala pa dapat makaalam kung sino ako sa buhay ng isang Lance Henzon. But I couldn't keep my mouth shut. Hindi kasi ako ang tipo ng tao na basta na lang papayag na maagawan. I must do my part to keep the marriage last for a lifetime katulad ng sumpaan namin ni Lance. Muli akong bumalik sa silid kung saan kami tumutuloy ni Lance. Hindi ko ginalaw ang mga pagkain kasi wala akong gana. Feeling ko ay busog na busog ako. Ang puso ko ay parang pinipiga dahil sa matinding paninibugho. As time passed by, lalo akong nanggigigil kay Lance. Ang dami kong naiisip na maaaring ginagawa nila ni Wenna. Hanggang sa dumating na ang mister ko. Kung kanina ay ready na ako to scold him, ngayon ay parang naputol ang dila ko. Na-blangko kasi ang utak ko kaya walang kahit na ano ang lumalabas sa bibig ko. Bigla akong naduwag na komprontahin siya. "Hi, hon. Oh, why did you not eat your breakfast?" tanong niya. Naks! Ang lambing niya. Pa
ATASHIA Lapu-Lapu, Magellan, Heneral Luna…Lahat na yata ng magigiting na taong nakilala ko sa history ay naisip ko habang ipinagtatanggol ako ni Lance laban kay Gemma. Pero hindi ko mapigilan ang mapabungisngis ng maalala ko si Gagamboy. Panay kasi ang kumpas ni Lance habang inuutusan niya ang mga guards na huwag na huwag palalapitin sa akin si Gemma. Para siyang ang pinoy hero na napanood ko. "Iyong asawa mo, may plus three sa akin," bulong ni Loida. "Grabe pala siyang magalit. First time kong nakita siyang gan'yan. Sa restaurant kasi, kahit nagkakamali kami ay hindi naman siya nagagalit. Ikaw lang pala ang may kakayahan na palabasin ang demonyo sa katawan niya.""Tumigil ka nga. Ang daldal mo," bulong ko kay Loida. Bahagyang lumayo sa akin ang kaibigan ko nang makita niyang lumalakad si Lance palapit sa 'kin."Are you hurt?" tanong ni Lance sa akin sabay tingin n'ya sa pisngi kong dinapuan ng palad ni Gemma. "Nakakainis ka. Hindi mo man lang ako hinayaan na gumanti," sagot ko.
LANCEAtashia's mother slapped me across the face, not once or twice. I couldn't even remember how many there were. I stood like a tree trunk protecting my wife. I accepted all the insults and remained silent. I am not a saint, but I did everything I could to avoid further conflict. She is, after all, my wife's parent. I must respect her despite her bad attitude."Nanay, tama na." My wife begged her mother. She was terrified and trembling. "Lance, okay ka lang ba?" I nodded kahit nahihilo na ako dahil sa mga sampal na tinamo ko. It was my first time being beaten. I, Lance Henzon, was always treated like a prince. But for my wife, I am willing to be a sacrificial lamb. "Sino ba iyang lalaking iyan, ha? Bakit kung makasigaw para patigilin ako ay akala mo kung sinong anak ng hari?" My mother-in-law asked Atashia. "He is the son of Congressman Henzon, ma'am," singit ng abogado ko. "Pwede ba, huwag kang pa-Inglis-Inglis? Pinoy tayo, Pinoy!" Atashia's mother emphasized. "Sir, would yo
ATASHIABiglang nabura ang mga ngiti sa labi nina Lance at Belle. Maging ang excited kong mukha ay napalitan ng lungkot. What the fuck! Maniniwala na sana akong mahal ako ni Lance pero nagsusumigaw ang katotohanan na isa lamang akong spare tire. I am the legal wife pero wala sa 'kin ang puso ng asawa ko. Ang pagtago niya sa akin ng mga ginagawa nila ni Belle ay isa lamang patunay na hindi ko pa nga lubos na kilala ang mister ko. “Atashia, ito ang kabayaran ng mga pangarap mo.” I told myself to boast my self-confidence. Dama ko kasing bibigay na ako dahil sa matinding selos. Bigla akong tumayo sa kinauupuan ko. Nasa office ako at inutusan ko si Loida na dalhan ng hygiene supplies ang asawa ko dahil sabi niya noong nasa condo kami ay paubos na raw ang stocks n’ya sa office. It was supposedly a surprise for him kaya nga binilinan ko si Loida na i-video call ako kapag nasa restaurant na siya para makita ko ang reaction ni Lance. Hindi ko akalain na ako pala ang masu-surprise. “Huwag ka
ATASHIALumipas ang tatlong buwan, natatawa na lang ako sa tuwing naaalala ko ang incident sa grocery store. Buong akala ko kasi noon ay giyera ang haharapin ko, iyon pala ay mamimili lang si Ma'am Olivia kasama ang isang batalyon n'yang mga alalay. Hanggang ngayon ay isa siya sa mga regular customers namin. Subalit madalas ay nagpapa-home delivery na lamang siya kaya hindi kami nagkikita. Marahil nakalimutan niya na rin kung sino ako at wala na rin siyang pakialam sa akin. Sa tuwing o-order sila ng mga kailangan nila sa mansion ay si Loida ang nakakausap ng personal assistant niya kaya hanggang ngayon ay ligtas pa rin ang sikreto namin ni Lance. Ang asawa ko naman ay madalas pa rin akong biruin dahil sa paglalayas ko ng biglaan dahil sa sobrang kapraningan ko noong araw na pumunta siya sa penthouse niya. Muntik pa silang mag-ina na magpang-abot noong sinundo ako ni Lance sa grocery store. Mabuti na lang talaga at very attentive si Loida. Agad niyang tinawagan ang mister ko bago p
ATASHIA Lance and I talked about our problems. Ngunit bigla na namang lumabas ang pagiging protective niya. Galit na galit siya habang pinagsasabihan niya ako sa ilang araw na paglilihim ko sa kan'ya ng problema ko. "Do you want me to handle your mom? I'm fed up with her. She's so annoying. Kung hindi lang talaga siya ang nanay mo, matagal ko na siyang binigyan ng lesson. She's unreasonable," litanya ni Lance. "Gusto kong matigil si nanay sa mga gawain niya pero ayaw ko rin namang masaktan siya," paliwanag ko kay Lance. Idiniin ko kay Lance ang bagay na iyon. "Mahal ko kasi si nanay sa kabila ng mga ginagawa niya sa akin." "Okay. You go to school tomorrow, and let me handle your situation, hon." Niyakap ako ni Lance mula sa likuran. He assured me na everything will be alright dahil kakausapin niya ang Dean ng school. "Sigurado ka ba? Paano kung hindi siya maniwala sa mga sasabihin mo?" nag-aalala kong tanong. "Saka ano ang sasabihin mo sa kan'ya? Baka lalo niya lang akong pag-
ATASHIAHalos magkapasa ang balat ni Lance dahil sa mga hampas ko. Buong akala ko kasi ay kung saan na niya ako dadalhin dahil may hindi magandang nangyari. Iyon pala ay pinakaba lang ako ng aking asawa para sa isang sorpresa. Sorpresa na talaga namang naging dahilan para mas mahalin ko pa ang aking asawa."You are overthinking, hon. I can't believe na magiging madali lang ang pagtangay ko sa iyo. Hindi kasi ikaw ang tipo ng tao na hindi nag-iisip muna bago kumilos," Lance told me. Oo nga naman. Ano ba ang nangyayari sa akin? Tila yata nasosobrahan na ako ng kape. I almost got a heart attack nang akala ko ay kailangan namin ni Lance na tumakas. Gosh, kasalanan talaga ito ng malikot kong utak. Napatingin ako sa paligid ng resort na pinagdalhan sa akin ni Lance. Cozy iyon kaya naman hindi ko na nagawa pa ang makipagtalo sa mister ko kahit hindi ko nagustuhan ang pananakot niya sa akin. Semi-private ang lugar kaya marami akong time para mag-relax at damhin ang kapayapaan ng nature. The