Dirty Secret of the CEO's Wife

Dirty Secret of the CEO's Wife

last updateLast Updated : 2023-03-31
By:  Magic HeartCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
34 ratings. 34 reviews
112Chapters
23.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Wild and immodest are just a few words na ikinakabit sa pangalan ni Atashia Magnoia. Bakit? Anak kasi siya ng isang babaeng mababa ang lipad. People condemn her because of her mother's work. Dahil dito kaya simula noong bata pa siya ay pilit niyang pinatutunayan sa lahat na iba siya sa kaniyang ina. Sa kabila ng pangmamaltrato na kaniyang nararanasan, hindi niya magawang iwanan ang kaniyang nanay. Wala kasi siyang ibang matatawag na pamilya maliban dito. Hanggang sa dumating si Lance Henzon sa buhay ni Atashia. Wala siyang pakialam sa kung anuman ang kinamulatan na buhay ng dalaga. Sa kabila ng pagiging CEO ng Henzon Group of Companies, walang takot niyang aalisin ang babaeng minamahal sa putikan na kinasasadlakan nito, kahit kapalit noon ay madungisan ang apelyido na iniingatan niya. Handa siyang maging tanga at katawa-tawa sa ngalan ng pag-ibig. Pakakasalan niya si Atashia dahilan para isumpa siya ng kan'yang buong pamilya. Iiwan n'ya ang karangyaan at magtratrabaho siya bilang isang construction worker para buhayin ang kaniyang asawa. Sa kabila ng hirap, magiging masaya silang dalawa. Ngunit isang aksidente ang babago sa lahat. Sa muling pag-gising ni Lance, mamumulat siya sa katotohanan na ang kan'yang asawa ay nakalimutan na ang kanilang sumpaan at naging katulad na rin ng kaniyang biyenan. Bukod pa roon, may anak na si Atashia na pilit ipinaaako sa kaniya. Ang pusong dating wagas kung magmahal ay babalutin ng matinding poot at kasamaan na magdudulot ng matinding sugat sa mga puso nila. Ang kasal na nagbibigkis sa dalawa ay tatalikuran ni Lance at sa iba niya hahanapin ang panibagong kaligayahan. Ngunit paano kung gawin ni Atashia ang lahat upang muli siyang mapaibig, babalikan n'ya pa rin ba ang kan'yang asawa sa kabila ng pagkakaroon nito ng dirty secret?

View More

Chapter 1

PROLOGUE

ATASHIA

First day of work pero feeling ko ay kasama ko na naman ang espiritu ng kamalasan. Hindi ako nakaligo dahil gusto na yata ni nanay matulog sa banyo. Ang kakaunting pera na nasa wallet ko ay nawala pa. Ayaw kong magbintang pero alam kong isa na naman sa mga lalaking iniuwi ni nanay ang salarin. 

“Manong Fred, pakihatid naman po ako sa Raon City,” pakiusap ko sa matandang tricycle driver na nasa kanto. 

“Sige ba, basta ihatid mo rin ako sa langit mamaya,” sagot niya. 

Sinaniban ako ng demonyo dahil sa tinuran ni Manong Fred.

“Hoy! Matandang hukluban! Hindi ako driver ng mga baliw!” Dinuro ko siya. 

Nagtawanan ang mga tao. Nanlisik ang mga mata ko. Sabagay, hindi na bago ang bastusin ako ng mga lalaki dahil sa uri ng trabaho ng nanay ko. Hanep, sikat na sikat kasi ang aking ina dahil sa pagiging Magdalena niya. 

Sa sobrang inis ko ay nagmamartsa na lumayo ako sa pilahanan ng tricycle. Sasakay na lang ako ng jeep. Hays, tiyak na mali-later ako agad sa first day pa lang ng pasok ko sa trabaho. Bweist! Bwesit! Bwesit talagang buhay ko ito. Kailan kaya ako lalayuan ni kamalasan para makalasap man lang ako ng kahit kaunting ginhawa? Grabe, ako na yata ang pinakamalas na tao sa buong mundo.

Saktong pababa ako ng jeep ay parating naman ang isang rumaragasang mamahalin na sasakyan. Biglang tumigil ang mundo ko. Lord, hindi pa ako pwedeng mamatay. Hindi ko pa nakikilala ang pabaya kong ama. Hindi pa ako nakakatikim ng swerte. 

“Miss, are you okay?” Niyugyog ako ng isang guwapong lalaki. Sa hula ko ay nasa twenty lang ang edad niya. 

“Are you okay?” Sarkastikong tanong ko rin sa kaniya. “Seryoso ka ba sa tanong mo?” Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi niya.  

“Miss, I’m sorry. Look, hindi ka naman nabangga kaya siguro naman ay pwede na nating palampasin ito, right?” 

Palampasin? Oo nga pala. Late na ako sa trabaho. Kapag natagalan pa ako sa pakikipagtalo sa hukluban na nasaa harap ko ay baka wala na talaga akong trabahong maabutan pa. Pero bigla kong naiisp na pwede kong pagkakitaan ang sitwasyon. Umiral ang pagiging batang kalye ko. 

“Kailangan kong magpa-check-up,” pagsisinungaling ko. “May sakit ako sa puso at sa ginawa mo ay kailangan kong makipagkita sa doctor.” 

“I can bring you to the…”

“Hospital? Huwag na! May iba akong importanteng lakad ngayon. Nagmamadali ako. Babayaran mo ba ako o magsasampahan tayo ng kaso?” 

Lahat ng katarayan ko sa katawan ay inilabas ko na. Pati pangil ko nga ay ipinakita ko pa. Ngunit sa loob ko ay nagdarasal akong sana kagatin niya ang kadramahan ko para magkapera ako. Zero balance na talaga ako kaya pati wallet ko ay umiiyak na.

Biglang kumislap ang mga mata ko nang abutan ako ng lalaki ng malulutong na isang libo. Hinablot ko iyon sa kamay niya at walang thank you man lang na tumakbo na ako. Mga five minutes din akong nakipag-patintero sa maraming tao bago ko narating ang company kung saan ako dapat papasok. Hingal-kabayo akong pumasok sa mataas na gusali ng Henzon Group of Companies. 

“Miss, ID mo?” tanong ng guard sabay harang sa akin. 

“Kuya, wala pa po ako noon,” wika ko. Napatingin ako sa aking relo, ten minutes late na ako. 

“Miss Magnoia, right? Why are you late?” tanong sa akin ng manager ng company. “Nauna pa sa iyo ang boss mo.”

“I’m so sorry, ma’am. Naaksidente po kasi ako.“

“What? Go! Go! The boss is waiting for you!” sigaw niya. 

Patakbo akong sumakay ng elevetor. Kasunod ko ang masungit na manager.

“First day ni Sir Lance pero sermon na agad ang inabot ko dahil sa iyo. Balak ko pa naman sanang landiin siya ngayong araw pero mainit na ang ulo niya. Kasalan mo ito,” sermon ng manager sa akin. 

Yumuko ako kahit gustong-gusto ko nang sumagot. Kailangan ko ang trabaho na ito kaya kakalmahan ko muna. Hindi pwedeng ilabas ko agad ang aking sungay dahil baka masira ang mga plano ko. 

Habang naglalakad kami ng manager palapit sa opisina ng boss namin, nagtago ako sa likuran niya. Kabado ako at hindi ko alam kung may trabaho pa ba ako pagkatapos ng kaplpakan ko sa unang araw pa lang. 

“Good morning, sir. Your secretary just arrived. She met an accident along the way kaya na-late daw po siya,”  sabi ng manager. 

“Let her in.” Dinig kong sabi ng isang taong may baritonong tinig. 

Napilitan akong lumabas para ipakita sa aking new boss ang maganda kong mukha at katawan. Kahit wala akong ligo ay tiyak na hindi niya matatanggihan ang karisma ko.

“You?” gulat na tanong niya sa akin.

“Ikaw?” tanong ko rin. 

Humalakhak siya at nanginig ang buo kong katawan. 

“You can't work here because of your health condition,”  sabi niya. 

“Sir, fit to work po si Ms. Magnoia,” singit ng manager. 

“Really?” tanong ni boss.

Tiningnan  niya ako mula ulo hanggang paa. Alam ko kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Kahit gusto kong tumakbo palabas ng kaniyang opisina, hindi ko ginawa. May pangarap ako at handa kong ilatag ang aking huling baraha- ang akitin siya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

10
100%(34)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
34 ratings · 34 reviews
Write a review
user avatar
Amas mira Basher
ang gnda sna ng kwento pero sobrng mahal nmn Ang bwat episode
2023-03-31 15:47:53
1
user avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang ganda talaga ng mga story mo author lalo pagdating sa mga twist...️...️...️
2022-12-08 09:19:43
1
user avatar
Jaybee
Good job author. Walang kupas sa paggawa ng mga akda na tatatak sa mga mambabasa. Keep it up.
2022-12-04 09:58:13
1
user avatar
Conan Akatsuki
As expected sa story na ito. Hindi maikakaila na magaling ang Author
2022-12-03 18:28:30
1
user avatar
Grace Barber
ano kya yong dirty secret ni atashia magagaya din b sya s klase ng pamumuhay ng ina nya. umpisa p lang maiinis kn s nanay nya lalo n ng isumbat nya yong pagpapalki s kanya. pag si miss magic talaga ang gumawa talagang aabangan mo mga susunod n kabanta. d mo maiiwasan mapatanong at manghula
2022-12-03 17:32:41
1
user avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
pag si author magic po talaga gumawa ng story laging may pasabog
2022-12-03 14:01:35
1
user avatar
Janice Dumangas
isa na na man itong magandang kwento na aabangan ng lahat lalo nat may twist talaga.........
2022-12-03 13:42:18
1
user avatar
Evergarden
Isa na namang obra galing sa isa sa mga mahusay na manunulat. Kudos to the author!
2022-12-03 11:38:02
1
user avatar
Merlyn Gomez
Iba tlaga ang magic ng madam magic Heart, gigil ako sa nanay nya aabangan ko ang twist miss A
2022-12-03 09:59:14
1
user avatar
emzbranzuela
The story is so kaabang abang umpisa palang maiinis kna sa nanay nya di mo alam anong klasing ina, nakakagigil, , waiting for the confict and twist at nakakagulang na chapters, must read ...
2022-12-03 05:05:57
1
user avatar
Steph Pen
Opening pa lang, pak na pak na. Iba talaga kapag gawang Magic Heart. Kapag binitiwan mo, panghihinayangan mo; pero kapag tinapos ko, hindi mo basta-basta makakalimutan.
2022-12-02 20:44:31
1
user avatar
Aish
Magic Heart ito, oh. Alam na this! Pasabog kung pasabog na naman ito sa kilig. Sobrang makaka-relate talaga ang lahatsa story na ito.
2022-12-02 20:40:19
1
user avatar
Arlyn Maravillas Guimera
sabay sabay Po nating tuklasin Ang dirty secret Ng CEO's wife...️...️...️
2022-12-02 17:27:01
0
user avatar
Arlyn Maravillas Guimera
must read...iba talaga Pag si Ms. magic d mo palalampasin.highly recommended Po...️...️...️
2022-12-02 17:25:43
0
user avatar
Dimple
Atashia and Lance story......... Highly recommended...
2022-12-02 16:39:06
0
  • 1
  • 2
  • 3
112 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status