ATASHIAParang donya na pumasok si Ma'am Olivia sa silid na kinaroroonan namin ni Misis Friol. Agad kong itinago sa aking likuran ang basa pa rin na mga kamay ko. Iniiwasan ko kasi na magtanong siya ng kung anu-ano dahil hindi pa naman ako sanay magsinungaling. “Have you seen Belle?" tanong ni Ma'am Olivia sa aming dalawa ng kasama ko. Nangatal ang mga labi ko dahil sa sobrang nerbyos. "We are not lost and found section,” biglang sagot ni Mrs. Friol. "You are so taray, huh?" Palaban na sabi ni Ma'am Olivia sa ginang na kasama ko.Hinawakan ko ang kamay ni Misis Friol para patahimikin siya. Iyon lang kasi ang paraan para mapigilan si Ma'am Olivia sa pwede niyang gawin. Hanggang sa lumabas nga siya ng silid namin. Saktong pagpasok naman ni Liza hindi sa galing sa ibang direksyon. *Bakit nandito ka?" tanong ko kay Liza. "Magmadali kayo. Tatakas na tayo," sagot ni Liza. "Agad-agad? Ngayon na?" tanong ko para makasigurado. “Bakit biglaan?”"Oo. Inutusan ako ni Sir Lance na puntahan
OLIVIAI am so mad. Nakatakas silang lahat at wala akong nagawa. Wala kasing silbi ang mga tauhan ko. Wala talaga akong ideya kung ano ang nangyari. Nagising na lang ako isang madaling-araw na nagkakagulo na ang mga tauhan ko. Wala na ang mga bihag namin. Gosh, I am so irritated. I make paypay to myself kasi sobra akong nababanas. Lahat kasi ay nawala na sa akin; my husband, my son, everything. And it is because of Atashia. Para siyang leech na hindi maalis-alis sa sistema ko. I'm so galit na talaga. Habang naghahanap kami sa mga nakatakas na bihag, biglang dumating ang napakaraming alagad ng batas. Hindi ko alam kung sino ang nagsumbong sa kanila o tumawag sa kanila, ngunit naiinis ako dahil pakialamero sila. I want to welcome them naman. Unfortunately, hindi pagtanggap sa isang simpleng bisita lang ang gagawin ko sa kanila, kung hindi with a blast na. That's awesome, right? Dahil nilulusob na kami ng mga alagad ng batas, we decided na pumunta na muna sa kakahuyan. Instead na ako
LANCEMy heart is beating so fast. Dalawang taong minamahal ko ang kritikal ngayon sa ospital. Kapwa sila sa dibdib ang tama. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko habang pinapanood ko sila na kapwa lumalaban para mabuhay. Tita Olivia. Parang napakahirap tawaging tita ang taong buong buhay ko ay tinawag kong mommy. Sa paglabas ng katotohanan, my heart is aching. I keep denying that everything I have heard is true. Hindi ko alam kung dapat ko rin bang sisihin si Daddy sa mga naganap. Sa ngayon ay nasa presinto rin siya dahil sa ginawa niyang pagbaril kay mommy, Tita Olivia pala. Hindi! Mas gusto ko siyang tawagin na Mommy Olivia. Samantala, iniimbestigahan ng mga pulis si Mark na kaagad nahuli pagkatapos niyang paputukan sa dibdib si Mommy Olivia. Dumating din sa hospital ang mga Regalado. Matindi ang takot na nararamdaman ko. Wala akong masabi sa kanila kung hindi ang pasensya. "It's not your fault. Matapang ang kapatid ko kaya sigurado akong lalaban siya para sa inyo ni C
ATASHIA Makalipas ang tatlong taon, naghahanda ako sa isa na namang okasyon. Birthday ng inaanak namin ni Lance at ang restaurant ko ang magse-serve ng pagkain doon. Excited na ako para sa okasyon na iyon lalo na at matagal kong hindi nakita si Loida. "Wenna, tapos na ba tayo? Gemma okay na ba lahat?" tanong ko sa dalawa. "Okay na po, 'Wag na pong ma-pressure," sagot naman sa akin ni Gemma na ngayon ay nakakalakad na. "Naku, sobrang praning na praning na naman si Atashia," wika ni Wenna. "Kami na ang bahala rito. Umuwi ka na para makapag-prepare ka na rin. Aba, hindi ka pwedeng pumunta roon na haggard na haggard ka." "Kung sabagay, matagal ko rin na iniwan sa inyo ang restaurant at napatakbo ninyo ito ng maayos. Ano ba naman ang isang birthday party, 'di ba?" tanong ko sa kanila. "Easy," sabay na sagot ng dalawa. Nagkatawanan kaming tatlo. Pagkatapos kong ma-check ang ilan pang detalye, umuwi na rin ako kaagad. Sa bahay ay naabutan kong nanonood ng TV si Lance. Kinansela niy
ATASHIAFirst day of work pero feeling ko ay kasama ko na naman ang espiritu ng kamalasan. Hindi ako nakaligo dahil gusto na yata ni nanay matulog sa banyo. Ang kakaunting pera na nasa wallet ko ay nawala pa. Ayaw kong magbintang pero alam kong isa na naman sa mga lalaking iniuwi ni nanay ang salarin. “Manong Fred, pakihatid naman po ako sa Raon City,” pakiusap ko sa matandang tricycle driver na nasa kanto. “Sige ba, basta ihatid mo rin ako sa langit mamaya,” sagot niya. Sinaniban ako ng demonyo dahil sa tinuran ni Manong Fred.“Hoy! Matandang hukluban! Hindi ako driver ng mga baliw!” Dinuro ko siya. Nagtawanan ang mga tao. Nanlisik ang mga mata ko. Sabagay, hindi na bago ang bastusin ako ng mga lalaki dahil sa uri ng trabaho ng nanay ko. Hanep, sikat na sikat kasi ang aking ina dahil sa pagiging Magdalena niya. Sa sobrang inis ko ay nagmamartsa na lumayo ako sa pilahanan ng tricycle. Sasakay na lang ako ng jeep. Hays, tiyak na mali-later ako agad sa first day pa lang ng pasok ko
ATASHIABitbit ang maraming folder, halos liparin ko ang hagdanan makaabot lang sa ika-30th floor ng gusali kung saan ginaganap ang board meeting ng Henzon Group of Companies. Overloaded na ang elevator kaya hindi na ako nakasakay doon. Hulas na ang make-up ko at amoy mandirigma na rin ako dahil sa sobrang pagod pero nasa ika-25th floor pa lang ako. Napangisi ako na parang baliw. Hindi ko kasi nararanasan ang lahat ng ito kung ang magaling kong tatay ay hindi kami iniwan ni nanay. Pero kaunti na lang, giginhawa rin ako. Mag-iipon lang talaga ako ng puhunan. "Diyos ko, ano ba namang kamalasan na naman ito?" tanong ko habang nakatingala at pilit hinahabol ang aking hininga. Napabuntong-hininga ako sa gigil habang nakakapit sa railings ng hagdanan. Naihanda ko na kasi kanina ang lahat ng folders na kailangan pero dahil sa malakas na sigaw ng masungit kong boss kaya naiwan ko iyon. Dahil sa amo ko, ito ako ngayon, parang pinarusahan na akyatin ang gusali mula sa office ni Sir Lance sa
ATASHIA Sigawan, tuksuhan! Napaka-ingay sa loob ng bagong bukas na restaurant ni Sir Lance Henzon. Nabibingi ako sa lakas ng ingay pero nakaguhit ang isang malapad na ngiti sa aking mga labi. I am holding a bouquet of roses and a box of chocolate. Bigay iyon sa akin ni Boss Lance Henzon. Sa wakas gumana ang aking ritwal. Hindi ko lang nalusutan ang panggagantso ko sa kaniya, napaibig ko pa siya! Sa harapan ko ay nakatayo ang isang gwapong lalaki. He's wearing a white long sleeve na ipinares niya sa itim na slacks pants. His tantalizing eyes are staring at me. The kilig is running all throughout my spine. My gosh, daig ko pa ang nasa cloud nine kaya napapa-inglis na ako. "Will you be my girl?" he asked. "Ako, magiging girlfriend mo? Ikaw na anak ng isang kilalang pulitiko ang magiging bf ko? Nagkakamali ka yata, sir," nagkakandautal kong pahayag. "Why not? Wala namang batas dito sa Pilipinas na bawal ma-inlove ang boss sa empleyado n'ya," sagot ni Sir Lance. Hindi ako nakaim
ATASHIAInstead na sa hotel na sinabi niya kanina, sa isang condo ako dinala ni Sir Lance. Hindi ito kalayuan mula sa Henzon Group of Companies. Lutang ako kaya kahit siguro sa impyerno n'ya ako dalhin ay sasama ako. Ang sama ng loob ko sa nanay ko. Kahit kailan talaga ay wala siyang pakialam sa akin. "Take a rest. Mag-o-order muna ako ng food natin. Don't overthink. You have me," sabi ni Sir Lance. Pinapasok niya ako sa isang napakalinis na silid. Amoy na amoy ko ang napakalinis na kurtina at bedsheets. Umiiyak na humiga ako sa kama. Hindi ko na tinanggal ang sapatos ko at hindi na rin muna ako nagpalit ng uniform. Wala akong pakialam kung nasaan ako o kung ano man ang suot ko. Ang gusto ko lang ay umiyak at ilabas ang lahat ng sama ng loob ko sa mundo, lalo na sa nanay ko. Pumasok si Sir Lance sa silid kung nasaan ako. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Madalas ay casual lang kami kung mag-usap kaya hindi ko expected na magtatapat siya sa akin kanina. Dahil sa kasungitan