Share

CHAPTER 6

ATASHIA 

Hindi maitago sa magandang mukha ni Belle ang matinding pagkagulat nang sinabi ni Lance na asawa niya ako. Kinilig man pero parang gusto kong itago sa bulsa ko ang aking asawa. I hate the way Belled looked at him. Ako lang dapat ang may karapatan na tumingin sa mister ko ng ganon. Dala ng matinding selos, umungol ako ng bahagya. Nagmamadali na lumakad si Lance palabas ng hotel habang ang mukha ko ay nakasubsob sa malapad niyang dibdib.  

Nang ibaba ako ni Lance sa loob ng sasakyan, hindi ko napigilan ang mapasuka. Halo-halo na ang amoy ng mamahalin niyang kotse at kaniyang pawis, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit bumaliktad ang sikmura ko. Ang totoo ay hindi talaga kasi sanay malapatan ng alak ang sikmura ko. 

“What the héck, Atashia? I had no idea that marriage could be so difficult. You're giving me a headache on our first night together as husband and wife,” reklamo ni Lance.

Napahagikhik ako. Hinaplos ng hintuturo ko ang kaniyang mukha. Grabe sa kinis iyon na para bang balat ng baby ang hinawakan ko. Namumungay ang mga mata na tumingin ako sa kaniya habang ang daliri ko ay naglalaro sa gilid ng kaniyang labi. 

“Kung makapag-reklamo ka, akala mo wala kang kasalanan sa akin,” nang-aakit kong sita sa kaniya. 

Napalunok si Lance at kinagat niya rin ang mapula niyang pang-ibabang labi. Shit na malagkit! Ang sarap halikan noon. Ngunit tinanggal ng mainit na palad ni Lance ang daliri ko sa kaniyang mukha. Pinaandar niya ang sasakyan at walang imik siyang nagmaneho. 

Pagdating sa condo ay inalalayan niya akong bumaba ng sasakyan. Nang makita niyang susuray-suray ako ay muli niya akong kinarga. Hindi ko napigilan ang aking kamay na haplusin ang dinbdib niya. Para akong nasa loob ng isang sauna dahil sa init na nararamdaman ko. Subalit manhid ang lalaking may karga sa akin. 

“Hindi ba ako maganda o sexy sa paningin niya? Bakit wala yata akong epekto sa kaniya?” tanong ng isip ko habag pinapanood ko ang pagtaas-baba ng adams apple niya. Ngunit kalaunan ay sinaway ko rin ang sarili ko. Lasing lang ako at hindi ako pakawalang babae. Kahit kasal na kami ni Lance ay hindi pa rin kami normal na mag-asawa. 

Sa shower room ako dinala ni Lance. Sinabihan niya akong maglinis muna ako ng katawan bago raw ako sumampa sa kama. Ang arte niya, grabe! Hindi ko kinaya ang kalinisan niya sa katawan. 

“Akala niya naman tatabi ako sa kaniya.” Bubulong-bulong ako habang nakatingin sa kaniya. Hanggang sa isara n’ya ang pintuan. 

Sa halip na mag-shower, nahiga ako sa malamig na semento. Hay, para akong hinihila ng katawan ko sa mundo ng panaginip. Wala akong pakialam kung mukha akong pulubi sa ayos ko. Habang dinadala ako ng ispiritu ng alak sa ibang daigdig, bumalik sa isip ko ang eksena kung paano akong ipinakilala ni Lance sa babaeng pinagseselosan ko. 

Kinabukasan, nagising ako sa amoy ng sinangag. Nakaramdam ako agad ng matinding gutom kaya napabalikwas ako. Ngunit bigla akong natigilan nang mapansin kong nasa kama ako. Iba na rin ang suot kong damit. Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko dahilan para mapatakbo si Lance sa loob ng silid. 

“Hayop kang lalaki ka. Ano ang ginawa mo sa akin? Ni-rápe mo ba ako?” Kasabay ng mga tanong ko na iyon ay nagliliparan ang mga unan papunta sa asawa kong nakasuot lang ng apron bilang pang-itaas.

“What exactly are you talking about, Atashia? I'm your husband, and it's perfectly fine if I put you back in bed after you slept on the shower room’s floor,” depensa ni Lance. 

“Sino ang nagtanggal ng damit ko?” Nanlilisik ang mga mata ko habang inuusig ko siya. 

“Me, but I didn’t…

Bago niya pa natapos ang sasabihin niya ay tumayo ako sa kama at agad ko siyang tinalunan. Naabot ko ang buhok niyang kahapon lang ginupitan at sinabunutan ko siya. 

“Mányakís ka! Mányak! Alam mo bang wala pang lalaki ang nakakita ng katawan ko?” Hysterical na ako at parang gusto ko na siyang lamunin ng buhay. 

Subalit na-shock ako nang maramdaman kong nakapulupot ang mga binti ko sa baywang niya at sapo niya ang puwet ko para hindi ako bumagsak.    

Pinagpawisan ako ng malagkit at unti-unti ay binitawan ko ang buhok niya. Wala sa sarili na nilagay ko sa dibdib ni Lance ang dalawang palad ko. Wala na akong nasabi dahil nakakatakot ang mga tingin niya sa akin na para bang tumatagos hanggang sa kaluluwa ko. 

“Are you done tweaking my hair? Mabuti na lang pala at matibay ang buhok ko. Naniniwala na ako ngayon sa commercial ng shampoo na gamit ko. Wala ka kasing nabunot kahit isa.” Lance laughed his heart out. 

My goodness! Bakit ba ako naging very impulsive? Parang matutunaw ako sa hiya dahil sa kagagawan ko. 

"I want you to eat more. Sexy ka naman pero parang wala kang timbang," komento ni Lance sabay baba niya sa akin. "I did nothing wrong to you. I just played a good samaritan, trying to serve my wife while she was unconscious due to alcohol intake. Follow me." 

Obediently, parang mabait na tupa akong sumunod kay Lance. Pina-upo niya ako sa isang upuan at pinagsilbihan niya ako para raw marami akong makain. Gusto kong sumigaw sa sobrang tuwa. Hanep naman kasi talaga, hindi lang mayaman ang asawa ko, guwapo at maalaga pa. Daig ko pa ang naka-jackpot sa lotto. 

Habang kumakain ay nagbait-baitan ako. Ayaw ko naman na isipin ni Lance na isa nga akong pagkakamali. Isa pa, parang gusto ko nang kainin na lang ng lupa dahil sa mga pinaggagawa ko simula pa kahapon. Masyado kasi akong nag-o-overthink to the point na nakagawa na ako ng hindi maganda. 

"Is Loida your good friend? Would you mind if I tell you to stay away from her?" Bigla kong naibagsak ang kutsara at tinidor dahil sa labis na gulat. 

Sandali lang, ano nga ulit ang narinig ko? Pinalalayo ako ni Lance sa nag-iisang kaibigan ko? Kaibigan na bukod tanging nakakaunawa ng mga nararamdaman ko. Aba, hindi pwede iyon. Ikinasal lang ako pero hindi ako utusan ng asawa ko. Lalong hindi niya ako pwedeng ilayo sa taong nakasama ko bago pa siya dumating sa buhay ko.

"Alam mong kailangan kita, right? In fact mukhang nahuhulog na nga ang puso ko sa iyo. Lance, ayaw kong dinedektahan ako ng ibang tao. Walang kasalanan sa iyo si Loida para utusan mo akong lumayo sa kaniya.” Nanginginig ang boses ko habang sinasabi iyon. 

“Do you really know her?” tanong ni Lance. 

“Yes.” 

“Since when?” 

“Teka, may profiling bang nagaganap?”

“Let’s say, ganoon na nga.” 

"Loida is my friend since elementary grade. Huwag mo akong gawing tau-tauhan mo. Lalong huwag mo akong diktahan kung sino ang dapat kaibigan ko."

Mata sa mata, nagtititigan kami ni Lance. I know he’s challenging me pero wala yata sa vocabulary ko ang salitang suko. Kahit na sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa nang-aakit niyang ngiti, hindi ko ibinaba ang tingin ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay para hindi niya mahalata na naiihi na ako sa pánty ko.  

"If she's your good friend, hindi ka niya yayayain na uminom sa mismong araw ng kasal mo, Atashia."

“Wala kang alam. Alam mo bang pinipigilan ako kahapon ni Loida na uminom dahil sa iyo? Alam mo rin bang ikaw ang iniisip n'ya kaya pinagalitan niya ako habang nilulunod ko ang sarili ko sa alak? Ikaw pa talaga ang galit ngayon, huh? Ikaw na kahit araw ng kasal natin ay mas pinili ang meeting kaysa ang makasama ako,” tapang-tapangan kong sabi. 

“In that case, Atashia, abswelto na siya sa ginawa ninyo kahapon. You can go out with her, but…

“Nanay ba kita para bigyan ako ng mga kondisyon?” 

“Nope. I am your husband. Your very handsome and loving partner from now on.” 

Napabungisngis ako dahil sa kayabangan niya. Siya man ay napahalakhak dahil sa itinatakbo ng usapan namin. In a short span of time, bati na kami at masayang nag-uusap habang kumakain.

Nang pumasok akong muli sa room, nagulat ako sa mga maleta na nakahilera sa tabi. I didn’t see it there a while ago, kaya pasigaw na tinawag ko si Lance. Nagmamadali naman siyang pumasok sa silid dahil akala niya ay kung ano na ang nangyari sa akin. 

“A-alis ka ba? Saan ka pupunta?” I stammered as I asked him question after question. 

“Hey, relax. Atashia, I apologize for not informing you that we will spend our honeymoon in Boracay. Aalis tayo mamayang gabi.”

Honeymoon? Oh my gulay! Nanginig ang buong katawan ko. Pinapantasya ko ang katawan ng lalaking nakatayo sa harapan ko lalo na at palagi siyang n*******d ng damit pang-itaas pero hindi ko yata kaya ang bigat ng katawan niya. Katulad nga ng sabi niya, ang baba ng timbang ko. Ang liit ng katawan ko kahit na thirty-five ang bust and hip line ko.

Oppsss… ang layo na naman ng narating ng isip ko. Mukha yatang ako ang mányakís. Napangiti ako ng wala sa sarili dahil sa mga tumatakbo sa isip ko. 

"Wala akong passport," bigla kong nasabi. Napansin ko kasi ang pilyong ngiti sa labi ni Lance. 

"You do not need passport, Atashia. We will ride in a private plane."

"Yaman. Private plane talaga?"

"I bought it with my savings after graduation. It's a gift for myself. Hindi alam nina daddy at mommy iyon kasi kunwaring nakapangalan sa friend ko." 

Awang ang mga labi, napatango-tango ako. Speechless kasi ako for a moment. Hanep! Ang gara ng sasakyan ng asawa ko. Samantalang ako, masaya na sa sarili kong bike na malapit nang maghiwa-hiwalay. 

"May gagawin pa pala ako ngayong araw," sabi ko. Kailangan kong pumunta sa grocery store para asikasuhin iyon," palusot ko para iwasan si Lance. Nakakailang kasing kasama siya sa iisang bahay. First time niyang natulog at nag-stay sa condo unit niya kaya daig ko pa ang sinisilihan. 

"Samahan na kita," presenta niya. 

"Huwag na. Wait. Nasaan ang cellphone ko? Kailangan kong tawagan si Loida. Baka hinahanap na niya ako."

"Don't worry about her. I asked the hotel's manager to take care of her. If she wants to stay longer in that area, it's up to her. I will be paying whatever her balance is." 

Kumislap ang mga mata ko. Galante ang asawa ko. Siguro naman ay hindi niya ako pagdadamutan lalo na kapag nag-aaral na ako. Saka na ako magpapalam kay Lance tungkol sa plano na iyon tutal ay matagal pa naman ang enrollment. Chill lang muna ako habang naghihintay ng tamang pagkakataon. 

Sa grocery store, naabutan kong natataranta ang cashier dahil sa isang customer. Nang lapitan ko sila ay nagulat ako nang makilala ko ang babaeng parang sinunong na ang rainbow. Iba-iba kasi ang kulay ng buhok nito. 

"Nandito na pala ang magaling kong anak! Siya na ang bahalang magbayad ng mga kinuha ko." Kumukumpas pa ang kamay ni nanay sa ere. 

"Ako na ang bahala," sabi ko sa cashier. Iniwan n'ya na kami ng aking magaling na ina. 

"See? Mayabang ito, eh. Manang-mana ito sa pinagmanahan niya." Walang preno na sabi ni nanay. 

"Kumuha lang po kayo ng mga kailangan ninyo sa bahay tapos umalis na kayo," seryoso kong turan. 

"Hoy, Atashia, huwag mo akong tratuhin na pabigat. Aba, malakas pang kumita ang katawan kong ito. Kaunting búkaká lang, libo agad ang pumapasok sa wallet ko." 

Napalingon ako sa buong paligid. Nahihiya na ako sa mga mamimili kaya hindi na lang ako kumibo. Pinanood ko na lang si nanay nang umalis siya sa counter area at bumalik sa mga istante. Halos limasin na niya ang grocery store. 

"'Nay, pwede bang mga kailangan mo na lang ang kunin mo? Malulugi ang grocery store dahil sa iyo," pakiusap ko kay nanay. 

"Oy, buong buhay mo, ako ang nagpalamon sa 'yo. Minsan ka na nga lang gagastos para sa akin, kinukontrol mo pa! Lapastangan kang anak. Nagasgas ang maria ko ng paulit-ulit dahil sa iyo kaya wala kang karapatan na hindian ako sa bawat gusto ko."

Napabuga ako ng hangin. Gusto kong patulan si nanay kaya lang baka kung ano pa na hindi magagandang salita ang sabihin niya sa harapan ng mga taong kanina pa nakatingin sa amin. Napapikit na lang ako habang panay ang kuha ni nanay sa mga paninda namin.

"Eight thousand? Ganito ba talaga karami ang kinuha ni nanay?" tanong ko sa cashier. 

"Opo, ma'am," sagot naman nito. 

"Bakit? May reklamo ka ba, Atashia? Gusto mo bang i*****k ko sa baga mo ang mga iyan?" matapang na tanong ni nanay.

Hindi ako umimik. Iniwan ko na lang si nanay habang inaayos ng bagger ang mga items na kinuha n'ya. Sa loob ng storage room ay napaiyak na lang ako. Hindi ko akalain na pupuntahan pa ako ng nanay ko kahit pinalayas na niya ako. Ni hindi man lang niya ako kinumusta. Nakakasama talaga ng loob. 

Sa storage room ay nagtago ako sa pagitan ng mga kahon. Doon ako umiyak nang umiyak. Kung pwede lang hilingin sa Diyos na palitan na ang nanay ko, hiniling ko na. Kung sana mayroon akong magic, binago ko na ang buhay ko. Kung pwede lang maglaho na sa mundo para hindi na ako makaramdam ng sakit, ginawa ko.

Isang tawag ang natanggap ko habang panay ang senti ko sa tabi ng mga karton. Si Loida ang nasa kabilang linya. 

“Bakit mo ako iniwanan dito, Atashia?” Agad na bungad niya. 

“Pasensya ka na. Sinundo ako ni Lance.”

“Umiiyak ka ba?” 

“Si nanay kasi…

“Pinuntahan ka?” 

Tumango ako na para bang nakikita ako ng kausap ko. Nang hindi ako sumagot ay napamura na lang si Loida. Alam niya na kasi ang ibig sabihin ng pananahimik ko. 

“Daig pa ng nanay mo ang aso. Ang talas ng pang-amoy,” wika ni Loida. 

“Malanding aso,” dugtong ko. 

Hindi ko namalayan na tumatawa na pala ako. Si Loida talaga ang happy pill ko. Ilang chickahan pa bago nagpaalam si Loida. Mabuti at malamig sa storage room, hindi ako pinagpawisan. Nahalata man ng mga empleyado ang pamamaga ng mata ko, hindi naman sila umimik. Nagkunwari silang hindi ako napansin. 

Funny how life is. Hindi naman ako papansin or naghahanap ng atensyon pero masakit iyong ako na lang lagi ang nakakaramdam ng sakit. Ayaw kong maramdaman na invisible ako sa ibang tao pero iyon ang madalas trato sa akin, lalo na ni nanay. Sabagay mas maganda na nga naman iyon kaysa parang may armalite na nakatutok sa akin. 

Nagbilin ako sa personal assistant na kinuha ni Lance para sa akin. Hindi ko naitanong sa asawa ko kung ilang araw akong mawawala kaya mahigpit ang utos ko sa kanila: kapag bumalik si nanay at nangulimbat ulit ng mga paninda, tumawag sila ng police o ng barangay officials. 

Bahala na kung isumpa ako ni nanay. 

Sa condo, naabutan kong nakahanda na si Lance. Naiinip na siya kaya hindi na maipinta ang mukha niya. Isa iyon sa characteristics niya na ayaw ko— mainipin. 

“Shall we go now, Atashia?”

“Galit ka ba?” Sinuri ko ang mukha niya. Nasa state pa ako na kapag may manghahamon sa akin ng away ay papatulan ko talaga kaya sinipat ko siya pailalim. 

“What happened to you? Umiyak ka ba?” Tumayo si Lance at hinaplos ang mukha ko. He kissed me tenderly malapit sa aking mata kaya parang yelong natunaw ang galit sa puso ko.

Hindi ko napigilan ang yumakap kay Lance. Sa mga braso niya ay naramdaman kong safe ako. Dama kong may kakampi ako. Ngunit biglang tumunog ang cellphone niya. Dinukot niya iyon mula sa kaniyang bulsa sabay sabi ng, “It’s mommy.” 

Oo nga pala. May nanay pa si Lance na kailangan kong harapin. Ang bilis kong makalimot. Nang binanggit ni lance ang pangalan ni Belle, kinabahan ako. Tiyak kong nagsumbong na ang babaeng iyon sa monster kung mother-in-law.

Dahan-dahan akong kumalas mula kay Lance, but he grabbed me on my waist. While listening sa sinasabi ng mommy niya, he abruptly kissed me on my lips.  

Mga Comments (18)
goodnovel comment avatar
Cherry Liza M. Cariño
nkakatakot ang magkaroon ng byenan n halimaw at pkialamera
goodnovel comment avatar
Lea Apillanes
maganda po ang story.
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
ala ako masabi sa nanay mo pero magulang ay magulang kahit Anong sama magulang parin Kasi dika lalaki Kong di dahil sa magulang mo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status