Share

Chapter 266

Penulis: Athengstersxx
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-28 14:56:56

Iniisip ni Celestine na siguradong nakita ni Nancy si Benjamin na isinama si Diana roon sa press conference.

Nakaramdam siya ng awa para sa pamilya Yllana dahil kahit hindi man nila sabihin, alam ni Celestine na napahiya sila.

Talagang sumobra si Benjamin sa pagkakataong ito at hindi na niya pinahalagahan ang pamilya Yllana bilang pamilya ng kanyang asawa.

Napangiwi si Celestine noon at hindi napigilang tumingin kay Nancy. Naglilinis si Nancy habang pinapagalitan si Celestine, "Hindi mo man lang malinis nang maayos ang bahay na ito!"

Nagdilim ang mga mata ni Celestine pagkarinig noon, alam niyang may iba pang ibig sabihin ang mga salita nito. Kaya ngumiti siya at nagbiro, "Nagpa-kalkula na naman ba si Lolo Manuel sa mga nabasa niya tungkol sa general cleaning?"

Kumaway si Nancy bilang tugon sw anak, "Ay hindi ‘no! Hindi na tayo maniniwala sa Lolo Manuel mo. Maghugas ka na ng kamay, sabay tayong kakain, nandito na rin naman ang Tito Axl mo ngayon.”

Kumurap si Celestine nang marinig ang
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Ever Doctor
si celestine ang tunay na anak ng mga Valdez,,
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 423

    Tahimik na pinanood ni Celestine ang nangyayari at narinig niyang mahina lang na nagsabi si Benjamin ng, "Hmm."Napakahina. Parang kahit anong mahinang ihip ng hangin, pwede siyang tangayin nito at bigla na lang mawala."Diana, bumaba ka na at mag-usap tayo, ganyan ka ba talaga? Parang lagi mo na lang binabasag ang puso ko bilang ina mo!" umiiyak na sabi ni Mary sa kanyang anak, nanginginig ang katawan.Nawawala pa rin si Freesia, hindi niya pa rin ito mahanap, at ngayon pati si Diana, mawawala rin ba dahil sa walang kakwenta-kwentang bagay?Paano pa siya mabubuhay? Kung ang dalawang anak niya ay mawawala na lang?Itinakda na ba siyang mabuhay sa dalamhati habang-buhay para sa kanyang mga anak?"Ma, sorry. Hindi ko naman gustong gawin 'to, pero sobrang lungkot ko na talaga at hindi na ko makapag-isip ng tama." Umiling si Diana habang umiiyak, "Ilang araw na akong hindi nakakatulog ng maayos, kahit ipikit ko lang ang mga mata ko, hindi ako masaya sa mga nangyayari sa buhay ko. Ayaw ko

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 422

    Habang nagpapagaling si Diana sa bahay, bigla siyang nakatanggap ng message sa kanyang cellphone.Si Jerome, ang lalaking inuutusan niyang pumatay kay Celestine ay tinawagan siya.“Miss Valdez, napag-alamanan ko na iniimbestigahan ka pa rin ni Mr. Peters hanggang ngayon.”Mahigpit na kinapitan ni Diana ang kanyang cellphone, ramdam ang pagkainis sa paghawak niyang iyon.Hindi pa rin siya pinagkakatiwalaan ni Benjamin hanggang ngayon kahit na ilang beses na niyang sinabi rito na siya talaga ang nagligtas sa kanya!Galit siyang tumayo at tumingin sa labas ng kanyang bahay, nakakunot ang noo niya.Sa gilid ng kanyang mata, napansin niya ang fruit knife sa coffee table. Napakuyom siya ng kamao at mabilis na nilapitan iyon.Di nagtagal, may sumigaw mula sa loob ng bahay ng pamilya Valdez.“Naku! Naglaslas ng pulso si Diana! Tulungan niyo ko! Kailangan natin siyang madala sa ospital sa madaling panahon!”“Sir! Madam! Nagpakamatay si Miss Diana at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko!”Kuma

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 421

    Nagliwanag ang pagkagulat sa mga mata ni Veronica noong mga oras na iyon ngunit agad niya itong itinago matapos marinig kay Celestine ang mga salita.Totoo nga."Miss Yllana, napansin ko lang, maganda pala ang butterfly tattoo sa likod mo. Bakit ngayon ko lang nakita na may tattoo ka pala? Ang tagal ko nang nagtatrabaho kay Mr Peters pero ngayon ko lang napansin iyan."Napahawak si Celestine sa kanyang likod, napabuntong-hininga nang hindi sinasadya pagkatapos ay binuksan ang pinto ng ward, at sinabing, "Wala akong tattoo noon kaya wala ka talagang makikita.”"Ito ang ward ni Reynaldo Reyes," turo ni Celestine sa loob.Nalinis na ng nurse ang kwarto kaya’t wala nang laman ngayon sa loob.Tiningin-tingin si Veronica sa paligid, maingat na hinawakan ang bawat sulok pero wala siyang nakita."Naghahanap ka ba ng kung ano?" tanong ni Celestine kay Veronica.Suminghot si Veronica at nagtanong, "Noong nilinis ba ng nurse ang banyo, may nakitang bagay na naiwan ni Reynaldo? Kahit ano?""Sa pa

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 420

    Nag-aalaga ng kanyang balat si Celestine sa bahay nang bigla niyang marinig ang malakas na sigaw ni Wendell sa ibaba.“Sobrang kapal ng mukha ng Benjamin Peters na ‘yan! Pinakialaman ang mga kargamento ni Benedict Salvador sa kalagitnaan ng gabi! Ano bang pumapasok sa utak niya at nangingialam?”Binuksan ni Celestine ang pinto at pumwesto sa railing sa second floor, pinagmamasdan si Wendell na galit na galit sa sala ng kanilang bahay.“Anong kinalaman ng mga kargamento ni Benedict Salvador kay Papa?” tanong ni Celestine sa kanyang sarili mula sa taas.Napatingala si Wendell, saka nag-isip. “Wala pa naman ngayon, pero malapit na tayong makipag-cooperate kay Benedict Salvador. Kung may mangyari sa kumpanya nila, madadamay din ang kumpanya natin!”Galit pa rin ang tono niya nang sabihin iyon.“Ano bang pinaggagagawa ni Benjamin? Anong gusto niya? Hindi naman ‘yan nakikialam sa customs noon! Bakit ngayon pa siya nangialam?!”Napakagat-labi si Celestine habang nakahawak sa railing, malali

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 419

    "Malapit na ang taunang cruise party sa Villamar City, Mr. Peters. Ihahanda ko na po nang maaga ang isusuot ninyo. If you want to suggest something, pwede naman po," sabi ni Veronica habang lumingon."Isasama niyo po ba si Miss Valdez sa cruise party?"Tahimik lang si Benjamin, tanda ng pagpayag."Veronica," pagod na sabi ni Benjamin habang itinaas ang mga mata,"Suriin mo ang medical records noong gabing dinukot ako."Sandaling natigilan si Veronica pero agad din siyang tumugon,"Opo! Sige po. Walang problema.”"Miss Valdez, patay na po si Reynaldo Reyes.”Sa isang café, nakasuot ng sunglasses si Diana habang umiinom ng kape. Nang marinig niya ito, tila gumaan ang pakiramdam niya.Pero hindi pa rin siya lubos na nasiyahan,"Sabi ko patayin mo, ang bagal mo namang kumilos! Wala kang kalakas-lakas ng loob! Kung pwede lang, ako na ang pumatay sa kanya, e!"Walang nagawa ang inuutusan niya kundi magpaliwanag,"Miss Valdez, espesyal kasi ang pagkakakilanlan niya, ginawa ko na ang lahat ng

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 418

    Pumunta pa rin si Benjamin sa ospital kahit na hindi siya sumagot kay Veronica.Sinabi ni Georgia sa kanya na posibleng pinatay si Reynaldo sa loob ng kulungan ng ilang beses dahil sobrang hina na rin ng kanyang katawan.Diretsong pumasok si Benjamin sa ward, wala nang nakakabit na kahit anong hospital equipment kay Reynaldo.Nakahawak lang ito sa gilid ng kama at tinitingnan si Benjamin na parang may awa sa kanyang mga mata.May gusto pa sana siyang sabihin kay Benjamin noon, pero wala na siyang lakas para magsalita pa.Alam ni Benjamin na wala na itong silbi sa kanyang buhay at isa nang malaking kabaitan na pinayagan pa niya itong mabuhay hanggang ngayon.Yumuko si Benjamin, tinitigan si Reynaldo ng madilim ang mga mata, puno ng paninikil ang tono niya,"Reynaldo, huling beses ko na itong itatanong. Si Diana ba talaga ang nagligtas sa akin noon?"Tinitigan ni Reynaldo si Benjamin, unti-unting naging malabo ang kanyang paningin.Gumalaw ang kanyang mga labi.Hindi marinig ni Benjamin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status