Nagpakasal sina Celestine at Benjamin pero ang lahat pala ng iyon ay for show lang dahil ayaw ng mga magulang ni Benjamin sa minamahal nitong si Diana. Nakatakda ang divorce nila in six months pero laking pagtataka ni Benjamin na bigla na lang pumayag si Celestine kahit hindi pa tapos ang six months na sinasabi niya. Nagulat na lang si Benjamin, pagkatapos ng isa nilang pagtatalo, pagbalik niya ng bahay ay bigla na lang nawala ang kanyang asawa. Nasaan na kaya si Celestine at paano na ang kanilang magiging buhay lalo pa at na-sign na pala niya ang divorce papers nila?
view moreâPwede ba Celestine? Huwag mo nang asahan na mamahalin kita!â sigaw ni Benjamin Peters sa asawa nito.
Mahigpit niyang hinawakan ang leeg ng kanyang asawa at saka tinulak sa kama. Kitang-kita ang galit sa kanyang mga mata. âInubos mo na talaga ang pasensya ko sa iyo. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Hayaan mo, divorced naman na tayo pagkatapos ng anim na buwan. Konti na lang.â âHindi ko naman talaga tinulak si Diana sa pool. Nawalan siya ng balanse noon kaya nalaglag siya,â sagot ni Celestine sa kanyang asawa. May takot sa boses ni Celestine. Basa rin ang buo niyang katawan. Nanginginig din siya habang kausap ang asawa. Kitang-kita pa sa kanya ang pagkagulat sa pagkakalaglag niya sa swimming pool kanina. âHuwag nang maraming satsat! Kung anu-ano pang alibi mo dyan. Alam mo naman na takot si Diana sa tubig tapos ginawa mo pa iyon sa kanya? Matagal na kayong magkaibigan, hindi ba?! Dapat alam mo iyon!â sigaw ni Benjamin sa asawa. âAlam mo, kapag namatay siya ay isasama talaga kita sa hukay niya. Tandaan mo iyan,â habol pa niyang sabi na labis na dumurog sa puso ni Celestine. Tumahimik lang si Celestine noon, nakaupo pa rin sa sofa at basang-basa dahil nga sa pagkakahulog niya sa pool. Hindi niya alam pero sa bawat salita na lumalabas sa bibig ng asawa niya ay siyang hiwa naman sa puso niya. Hindi na siya halos makahinga. âMatagal na kayong magkaibigan â âyong mga salitang iyon ay tumatak na sa isip ni Celestine. Nagulat na lang siya nang maramdaman na may luha na tumulo sa kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala na ang taong nagtatanggol sa ibang babae ay mismong ang asawa niya. Pitong taon na ang kanilang relasyon, apat na taon bilang magkasintahan at tatlong taon naman bilang mag-asawa. Tatlong taon na ang nakakalipas noong malaman niyang ikakasal sila ni Benjamin ay sobrang saya niya. Matagal na kasi niyang pangarap ang pagiging isang asawa. Pero, pagkatapos niyang ikasal sa asawa ay nalaman niyang ayaw lang pala ng nanay ni Benjamin kay Diana para rito. Ginamit lang siyang kasangkapan ng ginang para masabing kasal na ang kanyang anak at tuluyan nang magkalayo sina Benjamin at Diana sa isaât isa. Noong nalaglag si Diana, ang daming gustong tumulong sa kanya pero noong si Celestine ang naroon sa pool, kahit mamatay na siya ay wala pa ring sumaklolo sa kanya. Sobrang nasaktan si Celestine noon dahil naalala ni Benjamin na takot si Diana sa tubig pero hindi man lang naalala nito na ang asawa ay takot din sa tubig. Natatawa na lang siya sa kanyang sarili dahil ang relasyon na pilit niyang binubuo sa asawa ay puro kalokohan lang pala. Ang sabi nga ng iba, sa una lang maganda ang lahat ng bagay sa mundo. Tiningnan siya nang masama ni Benjamin habang siya ay nasa sofa. âBaliw!â Oo, aminado naman siya sa kanyang sarili na baliw siya. Hindi niya kasi sinunod ang kanyang ama kahit na pinagsabihan na siya nitong huwag magpapakasal kay Benjamin. Tinalikuran niya ang kanyang pamilya na umabot na sa puntong kailangan nang dalhin sa ospital ng kanyang ama dahil sa sama ng loob na binigay niya rito. Sinabihan na siya ng kanyang ama noon na kapag nagpakasal siya sa lalaking hindi naman siya mahal ay siya rin ang uuwing luhaan pero hindi nakinig si Celestine. Ang tanga niya para maniwala na gusto siyang pakasalan ni Benjamin. Dati kasi ay ito ang mapilit na nagsasabi ng kung anu-ano tungkol sa kasal. Naniwala rin siya noon na kapag minahal niya nang totoo si Benjamin ay lalambot ang puso nito sa kanya at mamahalin siya pabalik. Nilaban pa ni Celestine sa kanyang ama ang relasyon nila ni Benjamin. Pinangako niya rito na magiging masaya sila pagdating ng panahon pagkatapos ng kasal nila. Pero, anong nangyari? Nagkamali siya. Kahit gaano mo pala mahalin ang isang tao, o kahit gaano mo pa siya pakitaan ng tama ay mali ka pa rin para sa kanya. Baka nga pati ang paghinga mo ay mali na rin sa kanyang mga mata. Napagtanto niya na ang pagkapanalo pala ng kanilang relasyon o ang pagkatalo nito ay hindi manggagaling sa kanya kung hindi kay Benjamin Peters. Agad na nagliwanag ang mga mata ni Benjamin nang makita ang caller ID ng taong tumatawag sa kanya. Para bang nabura ang lahat ng galit na kanyang nararamdaman sa asawa. Kahit hindi naka-loudspeaker ay rinig na rinig ni Celestine ang boses ng isang babae sa kabilang linya. Hindi niya lang alam kung ano ang sinasabi nito kay Benjamin pero sigurado siyang babae iyon. Agad niyang kinuha ang kanyang suit habang hawak pa rin sa isang kamay ang kanyang cellphone. âO, huwag ka nang masyadong magalaw dyan, ha? Hintayin mo ako. Papunta na ako dyan.â Sa huling pagkakataon ay tiningnan ni Benjamin ang kanyang asawa at saka naglakad na palayo. Ni hindi na siya tumingin kay Celestine ulit. âBenjamin Peters,â malinaw na sabi ni Celestine. Ilang minuto pa ay nagsalita ulit siya. âTakot din naman ako sa tubig, ah?â Napatigil si Benjamin, ang iniisip niya ay sobrang kulit ni Celestine. Kitang-kita ang inis sa kanyang mga mata. Natakot lang si Diana noon sa tubig dahil na-kidnap si Benjamin dati. Kinailangan niyang lumangoy para masagip ang buhay ng lalaki. Simula noon ay namuo na ang takot sa tubig ni Diana. Pero, si Celestine? Marami pa nga itong medal at cetificate sa larangan nang pagda-dive pagkatapos ay sasabihin nito na takot siya sa tubig? Hindi siya naniniwala sa asawa. Ano bang akala niya? Mamahalin na siya ni Benjamin oras na sinabi niya iyon? Hindi, hindi pa rin siya mamahalin ng kanyang asawa. Ilang minuto pa ay nakita na ni Celestine na paalis na si Benjamin, durog na durog na naman ang kanyang puso. Hindi na niya alam ang gagawin kaya bigla na lang niyang natanong ang asawa tungkol sa isang bagay. âMinahal mo ba ako kahit minsan?â ang mga luha niya ay pumapatak na naman sa sobrang lungkot. Umaasa pa rin siya na kahit paano ay may pagmamahal pa rin si Benjamin sa kanya. Kahit awa na nga lang ay tatanggapin na niya. Noong mga oras na iyon ay nilingon na ni Benjamin ang kanyang asawa. Handa na niyang kausapin ito. âSa tingin mo ay ngayon talaga ang tamang oras para pag-usapan ang pag-ibig na iyan? Celestine naman, huwag ka namang magpaawa sa akin. Hindi na gagana iyan,â masakit at sobrang linaw para kay Celestine ng mga binitawang salita ni Benjamin para sa kanya. Ang buong akala niya ay madali lang ang buhay noong maging asawa niya ang isang Benjamin Peters, pero ang hindi niya alam ay ganito pala ang sasapitin niya. Ganitong klaseng pagmamahal ang kayang ibigay sa kanya ng kanyang asawa. Puro luha.âBoss, anong balita? Si Benjamin ba ang ka-transaction talaga natin?â tanong ni Vernard habang nagmamaneho.Umiling si Celestine. âAlam mo, kung siya iyon ay makikita mo kong nausok na dito ngayon dahil sa galit.âPagkatapos ay ngumiti. Pero may naalala siya.âPero may kakaiba sa kanya, hindi ko lang alam kung ano iyon. Alam mo ba, hindi niya alam ang tunay na presyo ng cypress grass?âNagulat si Vernard sa kanyang narinig.âHuh? Aba, kakaiba nga ang taong iyan. Gusto mo ba boss, i-background check ko ang lalaking iyon? Sabihin mo lang sa akin. Gagawin ko naman.âTumingin si Celestine sa cypress grass bago tuluyang sumagot. âHuwag na. Ang importante ay nasa atin na ang tunay na cypress grass ngayon. Medyo natagalan lang pero wala na tayong problema ngayon.âSa Base.Muling chineck ni Celestine ang cypress grass na binili niya.Matapos makumpirma na walang problema roon, muling ipinack ni Celestine ang cypress grass at ini-upload ang impormasyon at mga picture nito sa base.Tahimik na
Halatang ayaw naman talaga niyang magbigay ng presyo.Pakiramdam ni Celestine, natatakot itong malugi kung masyadong mababa ang presyo na babanggitin niya.Itinaas ni Celestine ang kamay at nagpakita ng â3â gamit ang kanyang mga daliri.âTatlong daang libo? Sige. Okay na iyan sa akin.âNapakalinaw ng pag-ubo ni Celestine nang marinig ang sagot ni Lance.Napatingin siya kay Lance noon na may gulat sa mukha, tatlong daang libo?! Seryoso ba ang batang ito sa sinasabi niya? Alam ba niya ang totoong presyo ng cypress grass?Pumayag siya sa tatlong daang libo? Nagpapatawa yata ang batang ito. Napansin din ni Lance ang gulat ni Celestine matapos siyang pumayag.Pwede kayang masyado palang mababa ang sinabi niyang presyo? Napailing si Lance sa kanyang isip.Gusto niya kayang sabihin na tatlong milyon ang cypress grass at hindi tatlong libong piso?!âHehe, nagbibiro lang ako! Ikaw naman, Miss Yllana! Syempre, hindi iyon ang presyo nito!â Agad na winagayway ni Lance ang kanyang kamay, âAng tot
Nagtataka na pinakita ni Vernard ang text message kay Celestine.Pakiramdam ni Celestine ay napasubo na siya sa taong ito.âSino ba talaga âto?! Anong kailangan niya sa akin at talagang ako pa ang pupunta sa loob para kausapin siya?â"Boss, sa tingin mo sino ang nagdala ng cypress grass sa China? Sino ang nagmamay-ari nito?" biglang tanong ni Vernard, tila may naisip na mahalagang detalye.Isa lang naman ang taong mula Nueva Ecija na pumunta sa ibang bansa, hindi ba?Nagkatinginan ang dalawa, saka biglang sinabi ni Celestine, gulat na gulat, "Benjamin Peters?"Napapalakpak si Vernard noong mga oras na iyon . "Oo nga! Bukod kay Benjamin, sino pa ba ang kasabay nating pumunta roon?!""Pero nawala daw ang cypress grass noon. Hindi naman ito nakuhanan ng kahit anong picture ni Louis, baka nabili ito ng iba? Baka nagmamadali lang ang taong âto na maibenta agad, o baka kailangan lang niya ng pera?" tanong ulit ni Celestine.Hindi na niya alam kung na kanino ba talaga ang cypress grass na ma
"Kailangan ko pa ang cypress grass na iyon, hindi ko ito maibibigay saâyo." Diretsahang tumanggi si Benjamin sa kanya.Hindi natuwa si Diana sa sagot ni Benjamin. "Hindi mo nga binigay kay Louis, bakit hindi mo maibigay sa akin? Benj, damo lang naman âyan! Bakit kailangan mo niyan? Kung pera ang kailangan mo, mabibili ko naman ito! May pera ang pamilya ko, remember?""Hindi ito tungkol sa pera, Diana. May mas higit pang dahilan," muli niyang pagtanggi.Hindi talaga niya maibibigay kay Diana ang cypress grass."Ibigay mo ba ito sa iba? Kung oo, kanino?" Tanong ni Diana, may halong pagtataka ang mukha niya.Hindi naman si Benjaminâyung tipo ng taong madamot sa mga gamit kung hindi niya rin lang ginagamit.Ganoon ang pagkakakilala ni Diana sa kanya.Kung ayaw niyang ibigay, malamang may silbi ito para sa kanya o ibibigay niya iyon sa iba."Oo. May pagbibigyan akong iba kaya hindi ko ito maibibigay saâyo, sagot ni Benjamin, ayaw niyang magsinungaling kay Diana.Nang marinig iyon, napasima
Hindi napigilang tingnan ni Diana si Benjamin at nilunok na lang ang mga salitang dapat sana'y sasabihin niya.Nakasalamin na si Celestine at nakapagpaalam na kay Darling, pero nang marinig ang sagot ay hindi niya napigilang lingunin ang dalawa.Mukhang ang pag-ibig na labis na pinaninindigan ni Diana ay hindi naman talaga nagbibigay saya sa kanya.At si Benjamin, parang hindi na ganoon kabuti ang pakikitungo kay Diana gaya ng dati.Hindi kaya may lamat na talaga ang kanilang relasyon?Pagkatapos noon ay umalis na si Celestine.Umalis din sina Benjamin at Diana pagkatapos ng pag-uusap nila ni Darling.Pagkalabas nila sa store, nakatayo lang si Diana sa tabi ng sasakyan. Nagtaka si Benjamin kung bakit hindi pa ito sumasakay at nakatayo lang doon.âDiana? Ano na?" tawag niya.Hawak ni Diana ang door handle, at nakatitig siya kay Benjamin, may halong pagkalito sa kanyang mga mata, "Benj, sabihin mo nga sa akin ang totoo⊠hindi mo na ba ako gusto at napipilitan ka na lang sa atin?""Diana
Napatingin si Benjamin kay Celestine, bahagyang nagulat sa presensya ni Celestine.âNandoon din pala si Celestine?ââNagpapatahi rin ba siya ng damit para sa cruise party?âTinapunan lang siya ng tingin ni Celestine at hindi man lang binati. Hindi man lang ngumiti.Hindi na lang niya pinansin iyon.âNasukatan na ba si Diana?â lumapit si Benjamin at tinanong si Darling.Ngumiti si Darling, saka itinuro ang sofa sa gilid, hudyat na maupo muna ang lahat at mag-uusap sila.Habang naglalakad, sinabi niya, âOo. Nasukatan ko na si Miss Valdez kanina, pati na rin ang disenyo ng damit na gusto niya ay okay na rin. Mr. Peters, ang suit nâyo po ba ay naka-match sa dress ni Miss Valdez?âUmupo si Celestine sa single sofa, nagkrus ng binti, at nakasandal nang tamad sa sandalan habang nagsend ng text kay Shiela para magreklamo.âShiela, sino ba naman ang hindi maiinis? Pati ba naman dito sa dress appointment, makikita ko ang ex-husband ko at ang kabit niya? Nakakainis! Wala bang ibang store na pwed
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealistaïŒnais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments