Share

Chapter 437

Author: Athengstersxx
last update Huling Na-update: 2025-07-28 11:34:35

Halatang walang interes si Celia sa kung ano man ang regalo sa kanya ni Celestine.

At dahil dito, nalungkot nang husto si Manuel dahil pinahanap niya talaga itong mabuti sa kanyang apo.

Napilitan si Celestine na tumulong sa kanyang Lolo Manuel dahil mukhang wala talagang balak si Celia na tingnan iyon. “Lola, bihirang-bihira po ang halamang ‘yan. Tingnan niyo na po, sige na.”

Napakurap si Celia nang marinig si Celestine. Para bang may bulb na bigla na lang nag-pop sa kanyang ulo.

Interesado na siya sa regalo ng kanyang asawa.

‘Oh? Isang halamang-gamot pala ang ibibigay niya sa akin?’

Kung halamang-gamot ang usapan, interesado pa rin si Celia dyan.

Napabuntong-hininga si Manuel, “Aba, apo, tingnan mo. Mas interesado ang lola mo sa mga halamang-gamot kaysa sa iba, pati sa akin na asawa niya! Pambihira!”

Napatawa si Celestine at kumuha ng isang bag ng potato chips para kainin.

Nang marinig ni Celia na halamang-gamot pala ito, naging mas mahinahon at maingat ang kanyang kilos habang binub
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 438

    Papasagot na sana si Celia sa tanong ng babae nang bigla nitong lingunin si Celestine.Tinanong niya, “Prof, bakit ka nagdala ng isang taong hindi naman yata makakatulong sa atin? Para namang wala siyang kwenta.”“Ano’ng walang kwenta? Apo ko siya! Tumigil ka nga dyan.” Naiinis na sagot ni Celia sa sinabi ng babae.Tiningnan niya si Celestine, pero halatang hindi maganda ang tingin niya rito.Hindi pinansin ni Celestine ang tingin ng babae sa kanya. Sa totoo lang, alam naman niyang isa siyang "outsider" sa paningin ng iba.“Becky, apo ko siya. Hindi siya iba sa akin,” mariing ulit ni Celia roon sa babae.Si Becky ay isang mahalagang tao sa laboratory, ngunit mayabang ang personalidad nito. Madalas niyang maliitin ang ibang tao. Pero dahil napakahalaga ng kanyang posisyon niya at isa siya sa mga natatanging pinili mula sa daan-daang applicants, matagal na siyang tinitiis ng lahat, kabilang na roon si Celia.Sa totoo lang, mahusay naman talaga siya kaya nga lang ay may kakaibang ugali

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 437

    Halatang walang interes si Celia sa kung ano man ang regalo sa kanya ni Celestine.At dahil dito, nalungkot nang husto si Manuel dahil pinahanap niya talaga itong mabuti sa kanyang apo.Napilitan si Celestine na tumulong sa kanyang Lolo Manuel dahil mukhang wala talagang balak si Celia na tingnan iyon. “Lola, bihirang-bihira po ang halamang ‘yan. Tingnan niyo na po, sige na.”Napakurap si Celia nang marinig si Celestine. Para bang may bulb na bigla na lang nag-pop sa kanyang ulo.Interesado na siya sa regalo ng kanyang asawa.‘Oh? Isang halamang-gamot pala ang ibibigay niya sa akin?’Kung halamang-gamot ang usapan, interesado pa rin si Celia dyan.Napabuntong-hininga si Manuel, “Aba, apo, tingnan mo. Mas interesado ang lola mo sa mga halamang-gamot kaysa sa iba, pati sa akin na asawa niya! Pambihira!”Napatawa si Celestine at kumuha ng isang bag ng potato chips para kainin.Nang marinig ni Celia na halamang-gamot pala ito, naging mas mahinahon at maingat ang kanyang kilos habang binub

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 436

    “Boss, anong balita? Si Benjamin ba ang ka-transaction talaga natin?” tanong ni Vernard habang nagmamaneho.Umiling si Celestine. “Alam mo, kung siya iyon ay makikita mo kong nausok na dito ngayon dahil sa galit.”Pagkatapos ay ngumiti. Pero may naalala siya.“Pero may kakaiba sa kanya, hindi ko lang alam kung ano iyon. Alam mo ba, hindi niya alam ang tunay na presyo ng cypress grass?”Nagulat si Vernard sa kanyang narinig.“Huh? Aba, kakaiba nga ang taong iyan. Gusto mo ba boss, i-background check ko ang lalaking iyon? Sabihin mo lang sa akin. Gagawin ko naman.”Tumingin si Celestine sa cypress grass bago tuluyang sumagot. “Huwag na. Ang importante ay nasa atin na ang tunay na cypress grass ngayon. Medyo natagalan lang pero wala na tayong problema ngayon.”Sa Base.Muling chineck ni Celestine ang cypress grass na binili niya.Matapos makumpirma na walang problema roon, muling ipinack ni Celestine ang cypress grass at ini-upload ang impormasyon at mga picture nito sa base.Tahimik na

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 435

    Halatang ayaw naman talaga niyang magbigay ng presyo.Pakiramdam ni Celestine, natatakot itong malugi kung masyadong mababa ang presyo na babanggitin niya.Itinaas ni Celestine ang kamay at nagpakita ng “3” gamit ang kanyang mga daliri.“Tatlong daang libo? Sige. Okay na iyan sa akin.”Napakalinaw ng pag-ubo ni Celestine nang marinig ang sagot ni Lance.Napatingin siya kay Lance noon na may gulat sa mukha, tatlong daang libo?! Seryoso ba ang batang ito sa sinasabi niya? Alam ba niya ang totoong presyo ng cypress grass?Pumayag siya sa tatlong daang libo? Nagpapatawa yata ang batang ito. Napansin din ni Lance ang gulat ni Celestine matapos siyang pumayag.Pwede kayang masyado palang mababa ang sinabi niyang presyo? Napailing si Lance sa kanyang isip.Gusto niya kayang sabihin na tatlong milyon ang cypress grass at hindi tatlong libong piso?!“Hehe, nagbibiro lang ako! Ikaw naman, Miss Yllana! Syempre, hindi iyon ang presyo nito!” Agad na winagayway ni Lance ang kanyang kamay, “Ang tot

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 434

    Nagtataka na pinakita ni Vernard ang text message kay Celestine.Pakiramdam ni Celestine ay napasubo na siya sa taong ito.‘Sino ba talaga ‘to?! Anong kailangan niya sa akin at talagang ako pa ang pupunta sa loob para kausapin siya?’"Boss, sa tingin mo sino ang nagdala ng cypress grass sa China? Sino ang nagmamay-ari nito?" biglang tanong ni Vernard, tila may naisip na mahalagang detalye.Isa lang naman ang taong mula Nueva Ecija na pumunta sa ibang bansa, hindi ba?Nagkatinginan ang dalawa, saka biglang sinabi ni Celestine, gulat na gulat, "Benjamin Peters?"Napapalakpak si Vernard noong mga oras na iyon . "Oo nga! Bukod kay Benjamin, sino pa ba ang kasabay nating pumunta roon?!""Pero nawala daw ang cypress grass noon. Hindi naman ito nakuhanan ng kahit anong picture ni Louis, baka nabili ito ng iba? Baka nagmamadali lang ang taong ‘to na maibenta agad, o baka kailangan lang niya ng pera?" tanong ulit ni Celestine.Hindi na niya alam kung na kanino ba talaga ang cypress grass na ma

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 433

    "Kailangan ko pa ang cypress grass na iyon, hindi ko ito maibibigay sa’yo." Diretsahang tumanggi si Benjamin sa kanya.Hindi natuwa si Diana sa sagot ni Benjamin. "Hindi mo nga binigay kay Louis, bakit hindi mo maibigay sa akin? Benj, damo lang naman ‘yan! Bakit kailangan mo niyan? Kung pera ang kailangan mo, mabibili ko naman ito! May pera ang pamilya ko, remember?""Hindi ito tungkol sa pera, Diana. May mas higit pang dahilan," muli niyang pagtanggi.Hindi talaga niya maibibigay kay Diana ang cypress grass."Ibigay mo ba ito sa iba? Kung oo, kanino?" Tanong ni Diana, may halong pagtataka ang mukha niya.Hindi naman si Benjamin‘yung tipo ng taong madamot sa mga gamit kung hindi niya rin lang ginagamit.Ganoon ang pagkakakilala ni Diana sa kanya.Kung ayaw niyang ibigay, malamang may silbi ito para sa kanya o ibibigay niya iyon sa iba."Oo. May pagbibigyan akong iba kaya hindi ko ito maibibigay sa’yo, sagot ni Benjamin, ayaw niyang magsinungaling kay Diana.Nang marinig iyon, napasima

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status