Namuti ang mukha ni Diana sa isang iglap. Hindi na niya alam ang gagawin. Kabadong-kabado siya.
Diyos ko, bakit blinock siya nito?!Siya si Diana Valdez, paano siya nagkaroon ng ganitong lakas ng loob na tratuhin siya ng ganito?! Hindi niya kilala kung sino ang kinakalaban niya!Pinindot ni Diana ang "add as a friend," ngunit natuklasan niyang hindi niya ito ma-add. Tuwing susubukan niya, biglang nagla-lag ang kanyang cellphone.Ano ang nangyayari? Bakit ganoon?Patuloy pa ring nakatingin si Celestine sa cellphone ni Diana. Nang makita ito, mabilis na tinakpan ni Diana ang screen ng kanyang cellphone para hindi ito makita ni Celestine.Agad niyang tinawagan ang kanyang mga tauhan at nagtanong, "Bakit hindi ko siya makontak? Ikaw ba, nakokontak mo pa siya?""Hindi na po eh. Ms. Valdez, na-offend mo ba siya?""Ano ang ibig mong sabihin?" kinagat ni Diana ang kanyang labi.Di nagtagal, narinig niya ang boses ng kanyang ina mula sa cellphone, "Diana, ano ang itsura ng snow lotus grass na ito? Dalhin mo ito pauwi at ipakita sa amin!""Diana, ngayon ang pamilya Valdez ay yayaman na nang yayaman! Tinawagan ako ng mga kaibigan ko at tinanong kung pwede nilang makita ang snow lotus grass! Ano? Pwede ba?” tanong ng ina ni Diana sa kanya.Kumplikado ang ekspresyon ni Diana at dahan-dahan niyang hinawakan ang kanyang noo gamit ang isang kamay.Patay na, mukhang lumaki na nang husto ang gulong ito. Ano ang gagawin ni Diana ngayon? Paano niya aayusin ito?Ibinaba ni Diana ang kanyang cellphone at nilagay sa silent mode. Tiningnan niya ang walang laman na box kung saan niya sana ilalagay ang snow lotus grass, pagkatapos ay naalala niyang dalawang beses na siyang iniwan sa kwartong ito, bigla siyang nagalit.Lintik! Bakit hindi nagpaloko ako sa lalaking iyon?! Ano na ang gagawin niya ngayon?Huwag lang niyang malaman kung sino talaga ang taong iyon, kung hindi, baba
"Mrs. Belen Peters, narinig ko na mahilig kayo sa alahas! Nagpadala ang pamilya Seniva ng isang pares ng white pearl earrings! Sana'y tanggapin ninyo po ito!""Mrs. Belen Peters, hindi pwedeng wala ring regalo ang pamilya Regala. Naghanda kami ng pinakamaganda na green Agatha pearl para sa inyo!"Tiningnan ni Mrs. Belen Peters ang mga lalaking nasa harapan niya na may ngiti sa kanyang mga mata. Ang buong eksena ay puno ng kasiyahan.“Maraming salamat sa mga regalo niyo. Well appreciated ang lahat ng iyan,” nakangiting sabi ni Mrs. Belen Peters.“Nida, kunin mo na ang mga regalong binibigay nila ha. Salamat,” utos ni Mrs. Belen Peters.Kaya naman, isa-isang tinanggap ng mayordoma ni Mrs. Belen Peters ang mga regalo at isinulat ang pangalan ng mga nagbigay.Hindi lamang nagbigay ng regalo ang lahat, nagbigay rin sila ng pagbati sa matanda at sinikap na maging pamilyar sa kanya.Marami sa kanila ang nagsumikap para makahana
Kinagat ni Diana ang kanyang labi. Kitang-kita na interesado rin si Mrs. Belen Peters sa snow lotus grass. Kung ibibigay niya ang snow lotus grass sa matanda ngayon, tiyak na magbabago ang pagtingin nito sa kanya! Pero kung malalaman ni Mrs. Belen Peters na peke ang snow lotus grass na ibinigay niya… Hindi! Hindi niya hahayaang malaman ng matand na ito ay isang pekeng snow lotus grass lang! Sa pag-iisip nito, tinaas ni Diana ang kanyang mukha, puno ng kumpiyansa ang kanyang mga mata. "Grandma!" Ngumiti si Diana at masiglang lumapit kay Lola Belen. Tiningnan siya ni Lola Belen pero hindi tumugon. Seryoso pa rin ang kanyang mukha. Hindi ito pinansin ni Diana. Lumapit siya kay Lola Belen, ngumiti, yumuko, at nagsabi, "Grandma, binabati kita po kita ng happy birthday! Nawa'y magkaroon ka ng mabuting kalusugan at mahabang buhay!" sinubukan niyang humalik sa cheeks ni Lo
Tumigil si Diana nang paalis na sana niyang buksan ang peke na snow lotus grass. “Lola Belen, hindi niyo na po ba titingnan itong snow lotus grass? Ito po ay para sa inyo!” pilit pa niya. Tiningnan na lang niya ang likuran ni Lola Belen habang naglalakad ito palabas ng pinto, ramdam ang inis at mariing kinagat ang kanyang ibabang labi. Ano ba ang maganda kay Celestine? Simula nang dumating si Celestine, hindi na man lang niya nilingon ang snow lotus grass?! Pagdating sa kagandahan at kasikatan, walang makakatalo sa kanyang mahal na si Celestine. Suot ni Celestine ngayon ang isang V-neck na pilak na chiffon fishtail dress, nakapusod ang kanyang maitim na buhok, maayos at malinis. Ang kanyang kutis ay labis na maputi, bahagyang nakikita ang kanyang dibdib, at ang damit ay perpektong nagpalutang sa kanyang kaakit-akit na kurba, ipinapakita ang kanyang magandang linya ng leeg at perpektong balikat.
Pinagpagan ni Sean ang kanyang mga kamay, at sumunod ang katiwala sa likuran niya. Sinabi ni Sean, "Lola Belen, ito ang regalong inihanda ng pamilya Vallejo para sa iyo, sana po ay magustuhan niyo!” Inihandog ng pamilya Vallejo ang isang hand-made jewelry ng isang sikat na jeweler sa buong Pilipinas! White jade earrings ito na para lang kay Mrs. Belen Peters. Nang lumabas ang regalo, kumislap ang mga ilaw, napakaliwanag. "Lola Belen, nawa’y maging malusog ka, magkaroon ng mahabang buhay at kaligayahan, at nawa’y pagpalain ka ng May Kapal!" personal na inihandog ni Sean. Hindi maitago ni Lola Belen ang tuwa at sinabing napakagandang regalo nito! Mahina na ang kanyang kalusugan, kaya’t talagang nakaaantig ang regalong ito. "Ito ba ay isang hand-made jewelry ng sikat na si Anton Cuevas? Aba, talaga namang napakagaling niya, ano!" sabi ni Mrs. Belen Peters, tuwang-tuwa. “Opo, iyan nga. Sigurado po akong bagay na bagay sa inyo iyan,” sagot ni Sean. "Ang kulay white jade na i
"Marahil ito ay dahil lahat ng mahahalagang halamang-gamot ay may pagkakatulad! Sinasabi mong mukha itong ginseng, pero hindi naman!""Tingnan mo ang ugat, ibang-iba! Mas makapal ito kaysa sa ginseng!""Wala bang damo ang snow lotus grass? Akala ko may damo talaga ito.”Patuloy na nagbigay ng opinyon ang lahat tungkol sa bagay na kamukha ng ginseng.Si Celestine ay napakagat-labi, hinaplos ang kanyang baba gamit ang isang kamay, at tinakpan ang kalahati ng kanyang mukha. Hindi niya mapigilan ang mapangiti.‘Ano ka ba naman, Diana? Talagang lolokohin mo pa ang mga tao para lang mapabilang ka sa pamilya Peters? Kawawa ka naman talaga.’ sabi niya sa kanyang isip."Paano ito naging snow lotus grass? Hindi ba ito simple at binagong bersyon lang ng ginseng? Pininturahan lang ito, pinakapal ang rhizome, kaya't mukhang kakaiba!"Si Diana ay mayabang na ipinahayag na nakuha niya ang snow lotus grass pero peke
Nakita ni Celestine ang saya sa mga mata ni Diana. Tila ba pinoprovoke siya nito.Ang matanda ay napakaproud, kaya binigyan siya ng sapat na pagpapahalaga ng pamilya Valdez ngayong gabi!Gaano kasaya ang matanda ngayong gabi? Matutumbasan ba ito ni Celestine?Maingay ang paligid, nang biglang may sumigaw, "Ano ang ibinigay ni Celestine Peters? May regalo ba siya para kay Mrs. Belen Peters?”Tumahimik ang lugar sa loob ng tatlong segundo, at ang lahat ng mata ay napunta kay Celestine."Tama! Nasaan ang regalo mo, Celestine? Binigay mo na ba kay Mrs. Belen Peters? Wala pa akong nakikita!""Nagbigay na ng regalo si Mr. Sean Vallejo, pero hindi mo pa naibibigay ‘yong sa iyo, Celestine? Hindi naman yata pwede iyon.”"Parang nakita kong dumating siyang mag-isa at walang dala kanina. Posible bang wala siyang inihandang regalo para kay Mrs. Belen Peters?”"Kahit mahal siya ng mata
Pagkatapos magsalita ni Celestine, agad niyang inudyok ang pagkadismaya ng lahat sa loob ng lugar!"Anong kalokohan ang sinasabi mo? Regalo iyon mula sa pamilya Valdez at gustong-gusto iyon ng matanda! Paano ito magiging peke?""Tama! Wala pang nakakita ng snow lotus grass! Ano ang basehan mo para sabihing peke ito?!""May mga balita kamakailan na ikaw at si Benjamin ay maghihiwalay na! Galit ka lang ba kaya mo ginugulo ang sitwasyon ngayon?""Sa tingin ko ay ganoon nga. Ang celebration ng birthday ay peke, pero ang pagkadismaya ay totoo!"Ang mga tanong at pang-iinsulto mula sa lahat ay nagpapatibay sa kamao ni Celestine. Parang gusto na niya tuloy suntukin ang lahat ng tao na magsasabing peke ang regalo niya.Lalong kumunot ang noo ni Lola Belen. Ayaw niyang magkaroon ng anumang gulo sa kanyang party! Hindi pwede itong nangyayari ngayon!Pagkatapos ng lahat, ang mga bisita ngayon ay puro mga kilalang tao sa industriya,
Sa tuktok ng bundok, nagtipon ang mga tao sa isang bilog, at napakaingay ng paligid. Tumingin si Celestine sa magkakapatong na kagubatan at mga aspalto sa ibaba, at hindi napigilang mangati ang kanyang mga paa."Gusto mo rin bang makisali sa car racing?" Narinig niyang sabi ni Shiela.Lumingon si Celestine. Si Shiela ay nakasuot ng itim, may suot na maskara at sombrero, napakalow-key niya para hindi siya makilala."Ang tunay na nakakakilala sa akin! Shiela, ikaw na talaga!" nakangiting sabi ni Celestine.Suot ni Celestine ang isang itim na crop top at skirt pants ngayong gabi. Nakalugay ang kanyang kulot na buhok at maayos ang kanyang makeup. Halatang isa siyang "hot girl" sa unang tingin."Sige, laro tayo. Basta mag-ingat ka lang ha," sabay turo ni Shiela sa registration sa gilid.Kinabahan bigla si Celestine, "Matagal na akong hindi tumatakbo. Hindi ko alam kung marunong pa ako.”
Ang kanyang divorce kay Benjamin ang nagpasaya sa lahat. Parang lahat ay gusto talagang matapos na kung ano man ang meron sila.Ngunit tila itinakda na may mga pamilyang masaya at may mga pamilyang malungkot. Dahil alam niyang malaki ang magiging epekto nito sa pamilya Peters.Sa ospital, mabigat ang loob ni Lola Belen habang tinitingnan ang balita sa kanyang cellphone.Bago pumirma at pagkaalis nina Benjamin at Celestine ay nakatanggap na siya ng tawag mula sa Civil Affairs Bureau.Sinabi ng kanyang impormante na nagpunta sina Celestine at Benjamin doon para ayusin ang kanilang divorce.Sinabi pa nito na sinubukan niyang pigilan ang dalawa pero hindi na talaga niya natuloy iyon dahil buo na ang desisyon ng dalawa.Talagang nalungkot si Lola Belen noon. Kapag naaalala niya kung paano hindi nakaranas ng kasiyahan si Celestine sa pamilya Peters sa loob ng maraming taon, at ngayon ay kailangan nitong umalis sa ganitong kahiya-hiyang
Kumakain si Celestine ng isang piraso ng maanghang na manok nang marinig niya ang sinabi ni Benjamin sa kanya, kaya tiningnan niya ito nang masama."Hindi ah! Ako? Iiyak? Hindi ko gagawin iyon! Saka, dati pa iyon. Hindi ko na maalala."Tumawa si Benjamin, "Sa tingin mo ay maniniwala ko sa iyo? Celestine, hindi ba kita kilala?""Alam mo, wala ka namang alam. Dati pa, wala ka nang alam.” Inis na inis na sabi ni Celestine.Ngumiti si Benjamin, bahagyang natawa, pero hindi na nagsalita pa."Hindi dahil sa’yo ang pag-iyak ko, 'no, huwag kang magpaka-importante. Ilang beses na akong nakapunta rito, minsan kasama pa si Shiela! ‘Yong best friend ko!" Masama ang tingin ni Celestine sa kanya, pero habang nagpapaliwanag siya, lalo lang lumalala ang dating."Si Shiela ay taga Department of Media, at wala namang Department of Media malapit dito, hindi ba? So, paano mo siya makakasama sa restaurant na ito?” Inilapag na ni Benjamin ang kanyang kutsara't tinidor, halos tapos na siyang kumain.Bigla n
Hinawakan ng may-ari ng tindahan ang kanyang baba, nag-isip sandali, at nagsabing may gulat, “Ay, oo nga! Ikaw nga iyon! Galing ka sa medical school, di ba?”Mahinang umubo si Celestine at ngumiti, “Miss, siguro nagkamali ka ng taong naalala. Hindi iyon ang totoo. Ngayon lang ako nakapunta sa restaurant na ito.”Hindi niya kailanman aaminin na siya ang tanga na pumunta rito mag-isa para kumain dahil hindi siya sinipot ni Benjamin noon. Alalang-alala pa niya, iyak nga siya nang iyak noon habang kumakain. Para siyang batang umiiyak dahil nawala at hindi makita ang magulang kung umiyak.Talagang labis ang kanyang kalungkutan noon, dahil ipinangako ni Benjamin na sasamahan siya kumain ng pinaka best seller sa restaurant na iyon na matagal niya iyong inasam pero hindi natuloy.Pero sa mismong araw ng kanilang dinner, tinawagan siya ni Diana at agad siyang pinuntahan ni Benjamin. Ang galing, ‘di ba? Kapag iyong babae na iyon ang tumawag, nasusunog talaga ang pwet niya.Ayaw na ni Celestine
Tiningnan ni Celestine ang kanyang mga mata at gusto sanang sabihin sa kanya na hindi na siya muling mangangahas lumangoy para lang iligtas siya. Kaya dapat siya ang manlibre.“Ikaw, ililibre ko?”Pero matapos marinig ang kanyang sagot, napangiti na lang siya nang may kaunting kapaitan sa kanyang mukha at nilunok ang lahat ng salitang gusto niya sanang sabihin.Yumuko si Celestine at tahimik na kumain nang hindi nagsasalita.Ang anghang ng pagkain sa restaurant na iyon.Sumulyap sa kanya si Benjamin, palaging pakiramdam niya ay may gusto itong sabihin, pero sa huli ay nanahimik na lang ito.Ilang minuto pa ay biglang tumunog ang cellphone ni Benjamin.Nang makita ang caller ID, agad niya itong pinatay. Pero pagkakapindot niya ng end call, tumawag ulit ito. Matapos niya itong patayan nang ilang beses, tuluyan na niyang ni-mute ang kanyang cellphone.Hindi napigilang tumingin si Celestine sa kanya, naalala niya bigla ang balita sa kanyang cellphone noong kinuha niya ang kanyang ID card.
Tiningnan ni Benjamin ang pangalan ni Celestine nang may magkahalong lungkot at saya sa kanyang mga mata.Itinaas niya ang kanyang ulo at tiningnan si Celestine. Parang may pagitan na sa kanilang dalawa na hindi matibag. Hindi niya lubos na maaninag si Celestine noong mga oras na iyon.Kinuha ni Benjamin ang ballpen niya mula sa kanyang bulsa.Kinuha niya ang form ng application for divorce na nasa harapan niya. Napakabigat ng paligid, na para bang nilulunok siya nito at hindi siya makahinga.Siya ang pinaka-nagnanais ng divorce noon pa man, pero nang dumating ang araw na ito, siya rin ang pinaka-malungkot! Sa isip-isip niya, bakit?Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang ballpen, napakunot ang noo, at yumuko, "Celestine, sigurado ka na ba talaga rito?"Parang binibigyan niya ito ng pagkakataong umatras, o baka binibigyan niya si Celestine ng isa pang pagkakataon para maayos ang kanilang relasyon.Naghihintay siya, naghihintay na sabihin ni Celestine na hindi siya papayag at gagawin ang
Maya-maya, isang itim na Porsche ang huminto sa tabi ni Celestine. Bumaba si Benjamin sa sasakyan at nagtagpo ang mga mata nila ni Celestine.Iwinagayway ni Celestine ang kanyang ID card, ang book of registry na kailangan nilang ipakita, at ang certificate of marriage nila sa kanyang kamay.Pinigil ni Benjamin ang kanyang labi. Suot niya ang isang itim na suit, maayos at malinis iyon, at napaka-dignified ng kanyang itsura. Ngunit hindi tulad ng dati ang kanyang mga mata, namumula at halatang pagod na pagod.“Wow, handang-handa ka na.”Mahinang sambit niya.“Halika na,” mabilis na sabi ni Celestine habang naglakad papasok, walang pag-aalinlangan, at tuluyang hindi na kinausap pa si Benjamin.Nakunot ang noo ni Benjamin dahil doon, magulo ang kanyang isipan. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, mabagal ang kanyang lakad noong mga oras na iyon, habang si Celestine ay palaging nauuna.Ang kilos ni Celestine ay katulad noong kukuha sila ng marriage certificate, masaya pero kinakabahan, takot
Sa nakaraang tatlong taon, paulit-ulit na iniwan ni Benjamin si Celestine para kay Diana.Mula sa dating "Asawa mo ako, dapat akong angkinin mo," naging "Hinahanap ka ni Diana,” ang kanyang response sa tuwing tumatawag si Diana kay Benjamin.Sa pag-iisip nito, biglang tumingin si Benjamin sa kalsada.Tinanong siya ni Celestine dahil pati siya ay lito na, “Saan ka ba pupunta?”“Pabalik na sa mansion,” malamig at matigas ang tono ng kanyang boses.“Benjamin, ihatid mo ako sa bahay namin. Sa pamilya Yllana ako uuwi,” mariing utos ni Celestine.“Doon ka muna sa mansion ngayong gabi,” malamig na sabi niya.“Gusto mo bang tumalon ako rito sa sasakyan o ihatid mo ako sa bahay ng pamilya ko?” malamig ang tingin ni Celestine kay Benjamin, may banta sa kanyang mukha at walang pag-aalinlangan ang kanyang mga salita.Lumingon si Benjamin sa kanya.Puno ng kaseryosohan ang mga mata ni Celestine, parang handa talaga siyang tumalon sa kotse anumang oras.Tapos na ang lahat para sa kanila, hindi na s
Tumama ang mga patak ng ulan sa salamin, at ang tunog ng pagtulo ay nagdulot ng pagkabagot sa mga naroon.“Aalis muna ako saglit. Babalik din naman ako.” Tumayo si Benjamin, kinuha ang kanyang coat at lalabas na sana pero napigilan siya ng kanyang ama.“Kakaupo mo pa lang, aalis ka na agad?” Sumbat ni Philip kay Benjamin.“May kailangan lang po akong gawin. Babalik na lang po ako,” sagot ni Benjamin pagkatapos ay umalis na.Sa harapan ng departament kung nasaan ang mga pasyente.Tumingin si Celestine sa malakas na ulan at napabuntong-hininga. Kahit anong pilit niya, patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. Gusto na niyang umiyak sa takot.“Bakit palaging umuulan sa Nueva Ecija nitong mga nakaraang araw?”“Ayos lang sana kung ulan lang, pero laging may kidlat at kulog, nakakakaba kapag laging ganoon.” Reklamo ng nurse na naka-duty sa tabi niya.Tumingala si Celestine sa langit