Next:Nang malaman ni Claire ang ginawa ng kanyang ama, ni Benjamin ay lalo siyang nagkaroon ng galit para dito. Hindi niya akalaing pagdududahan siya ng ama pero kung negatibo ang resulta, na hindi nga si Benjamin ang kanyang ama ay matutuwa siya. Ang problema…“Maapektuhan ang reputasyon ng aking ina. Kung hindi nga si Benjamin ang aking ama, ibig sabihin ay nagloko din ang aking ina?” Claire shuddered with that thought. Ipinaalam na niya sa kanyang lolo, sa tatay ni Benjamin ang tungkol dito pero nag-aalala pa rin siya na baka ituloy ni Benjamin ang paternity test. Nabalitaan niya mula kay Manson na pinakulong ni Benjamin sina Lanette at Oscar sa iisang bahay bilang parusa. Malaya si Oscar na gawin kung ano ang gusto nitong gawin kay Lanette habang sa loob ang mga ito ng iisang bahay. Kung malaman nito na nagtaksil din ang unang asawa, ano naman kaya ang gawin nito sa kanyang ina?“Huwag kang mag-alala, Claire. Sigurado akong hindi nagtaksil ang iyong ina. Hindi siya katulad ng ka
Next:Agad na pinadakip ni Manson si Oscar pati na si Mrs. Vea dahil sa confession ni Jessie sa tulong na rin ni Gen. Torquino. Pero hindi tuluyang naniniwala si Claire na walang kinalaman si Joseph Tang sa nangyari sa kanya lalo pa at ito ang may galit kay Benjamin, sa kanyang ama. Ang problema nga lang ay wala pa silang ebidensya na magsusuporta kung may kasalanan nga si Joseph o wala lalo pa at inako na ng pamangkin nito ang lahat. Nahuli ng mga pulis si Mrs. Vea pero hindi nakasama ang ina ni Veena na si Lanette dahil katulad ni Jessie ay inako lahat ng matanda ang kasalanan at napawalang sala si Lanette. They were sentenced for ten years in prison, but Claire was not satisfied by the result. Lalo na at alam niya na ang tunay na salarin ay buhay pa at malayang makakagawa ng masama. Isa pa, naawa siya sa lolo Rigor niya dahil ilang beses na itong niloko ng asawa, ni Vea. hindi makapaniwala ang matanda na ang asawa at bayaw nito ang siyang mismong nagdala ng kapahamakan sa anak at
Next:Habang nakaantabay si Manson sa pag-umpisa ng kanilang plano, si Lucas naman ay pasikretong inakyat ang isa sa pinakamataas na puno, limandaang metro ang layo mula sa abandonadong factory. Kailangan nilang mag-ingat dahil may hostage na hawak ang mga ito at iyon ay ang anak ng taong nagligtas kay Claire. Bagama’t ginawan nang masama ni Carla si Claire noong bata pa ito ay ang babae rin naman ang nagtanggol dito. “I’m in position, Manson. Tell me when you are ready and I’ll shoot.”“Copy that, Luke. nagpadala na ako ng tao para guluhin sila sa loob.”Pagkaraan pa ang ilang minuto ay biglang umusok ang buong factory at agad iyong sinamantala ng mga tauhan ni Manson para pumasok. Nagsilabasan naman ang lahat ng tauhan na nasa loob pero hindi kasama ng mga ito ang anak ni Carla. Malamang ay nakagapos pa ito sa loob. Lahat ng tauhan na lumabas ay isa-isang nagtumbahan matapos pagbabarilin ito ni Lucas. Tranquilizer gun lang ang ginamit nito kaya walang namatay ni isa sa mga kalaban
Next:Matagumpay ang ginawa nilang pagkuha sa kapatid ni Carla at ang pagmamanman sa asawa at anak nito. Dalawang araw lang ang lumipas ay nagparamdam na ito at tumawag pa kay Claire sa kalagitnaan ng gabi.“Hello?” “Hello, iha! Ikaw ba ito, Nyxie?” Nang marinig ni Claire ang garalgal na pagtawag sa tunay niyang pangalan ay nawala ang pagkakakunot ng kanyang noo dahil nakikilala niya kung sino ang nasa kabilang linya. “Carla. Mabuti naman at ikaw mismo ang tumawag sa akin. Baka kapag si manson ang makahanap sa ‘yo ay hindi mo na makikita ang kapatid mo.”Dahil sa tawag na ito ni Carla ay nagising rin ang katabi niyang si Manson pero sinenyasan niya itong huwag maingay at inilagay sa loudspeaker ang tawag upang marinig din nito kung ano ang sasabihin ni Carla. Yakap siya ng asawa sa beywang habang pareho nilang pinakinggan ang kuwento ni carla. “Patawarin mo ako sa ginawa ko sa ‘yo, Nyxie. Patawad… pero kailangan ko ngayon ang tulong mo. Kinuha nila sa akin ang anak ko at kung hind
Next:Hindi kayang tanggapin ng puso ni Claire ang natuklasan. Mabilis siyang napatayo at nandidilim ang mukha na naglakad-lakad sa harapan ng mesa ng kanyang lolo. Mahigpit niyang kinuyom ang kamao. “Sino? Sino ang mga walang hiyang gumawa niyon sa isang walang kamuwang-muwang na sanggol?” Naiiling at naluluhang sumagot ang kanyang lolo. “Dahil sa negosyo ni Benjamin ay maraming tao siyang nakakabangga. Baka isa sa mga kalaban niya sa negosyo ang gumawa niyon sa apo ko.”Lalong naikuyom nang mariin ni Claire ang kamao pero hindi niya kayang sabihin dito na ang totoong pinaghihinalaan niyang mastermind ng pag-kidnap ay ang anak at ang pangalawang asawa nito. “Hindi maari ito. Kailangan kong hanapin ang Carla na iyon at ang kapatid niya para malaman ko ang totoo. Kung sino ang taong gustong manakit sa aking ina…” sa wakas ay hindi na kayang itago ni Claire ang tunay na katauhan. Hindi na nagulat si Rigor nang marinig kung ano ang sinabi ni Claire. Panahon na rin para ipaalam sa la
Next:Hindi alam ni Claire na ilang ang pareho niyang lolo, ang tatay ni Benjamin at si Lolo Rigor ay nalaman na ang tungkol sa totoong pagkatao niya. Na siya ang tunay na anak ni Odette. Palihim ang mga itong kumuna ng DNA samples sa kanya at kay Vincent upang i-test at tingnan kung tama nga ang hinala ng dalawang matanda. Iyon ay matapos maghinala ni Lolo dahil napaka-rare na magkapareho sila ng bone marrow ni Rigor. Isa pa, noong kabataan ni Odette ay kamukha nito si Claire kaya lalong lumakas ang kutob ng dalawa na baka kamag-anak nga ng mga ito si Claire at hindi nagdalawang-isip na magsagawa ng DNA test. At nang makita nga na positibo ang resulta ay labis na tuwa ang naramdaman ng dalawang matanda. Pero ang tuwa na iyon ay may kaakibat na pangamba.“Walang dapat na ibang makakaalam tungkol dito. Pareho nating alam ang dahilan kung bakit nagkalayo ang mag-ina. May taong gustong manakit sa kanila.”Dahil sa natuklasan, sa mga sumunod na araw ay pinatawag si Claire ng dalawang mata