Home / Romance / Divorce Now, Marry Me Later / Chapter Thirty-Eight : Divorced

Share

Chapter Thirty-Eight : Divorced

Author: SQQ27
last update Huling Na-update: 2024-07-03 23:11:45

Naabutan ni Claire si Manson bago pa man ito makapasok ng elevator. Mabilis siyang pumasok bago man sumara iyon. Hindi nagsalita ang asawa at pareho silang tahimik hanggang sa muling bumukas ang elevator at lumabas sila.

“Manson…” mahinang tawag niya sa pangalan ng asawa. Nasa harapan niya lang ito pero pakiramdam niya ay ang layo-layo nito dahil wala itong imik.

Narinig niya ang mahinang pagpakawala nito nang marahas na hangin saka siya nilingon.

“You should go back, Claire. Baka ma-bored ang bisita mo kung hindi mo siya i-entertain.” May pagtatampo sa boses ni Manson nang magsalita. Hindi rin niya mabasa ang mukha nito.

“Manson,” iling niya. “Huwag mong paniwalaan ang sinasabi ni mama. Nagbibiro lang ‘yon.” Nilapitan niya ang asawa at niyakap ito sa braso.

Hindi sumagot si Manson pero alam ni Claire na humupa na ang inis nito pero hindi pa rin siya umaalis sa tabi nito. Nanatili siya hanggang dumating ang sasakyan nito na minamaneho ng assistant nito.

“Susunduin kita mamaya,”
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Yeedah Ydelle Ang
pa u lock pls
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
dahil sa ama mo Manson
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 225: Tracking The Truth

    Next:Isang linggo pa matapos ang insidente ay nailabas na ng mental institution si Odette at nanatili ang mga ito sa bahay ni Khaleed. Mag-asawa na ang dalawa sa mata ng mga tao lalo na kay Claire dahil tanggap na tanggap niya si Khaleed bilang ama. Hindi pa nasasabi ni Khaleed kay Claire na bumisita si Benjamin kay Odette upang komprontahin ito kung sino ang tatay ni Claire. Hindi rin alam ng anak niya na isa itong produkto ng test-tube baby at hindi pa alam kung sino ang tunay na ama. May dalang maraming shopping bags sina Manson at Claire nang bumisita sa kanyang ina kinagabihan. Lahat ng iyon ay mga damit at jewelries, saka mga cosmetics na pinamili nila para sa kanyang ina. Excitement was written all over Claire’s face as she entered the house. Nang makita siya ng kanyang ina na naghihintay na sa pagdating nila ay napamangha siya at napaawang ang labi. Tila bumalik sa dating anyo, dalawampung taon na ang nakalilipas, ang mukha ng kanyang ina. Kinulayan ng itim ang namumuti ni

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 224: Who Is The Father

    Next:Nang malaman ni Claire ang ginawa ng kanyang ama, ni Benjamin ay lalo siyang nagkaroon ng galit para dito. Hindi niya akalaing pagdududahan siya ng ama pero kung negatibo ang resulta, na hindi nga si Benjamin ang kanyang ama ay matutuwa siya. Ang problema…“Maapektuhan ang reputasyon ng aking ina. Kung hindi nga si Benjamin ang aking ama, ibig sabihin ay nagloko din ang aking ina?” Claire shuddered with that thought. Ipinaalam na niya sa kanyang lolo, sa tatay ni Benjamin ang tungkol dito pero nag-aalala pa rin siya na baka ituloy ni Benjamin ang paternity test. Nabalitaan niya mula kay Manson na pinakulong ni Benjamin sina Lanette at Oscar sa iisang bahay bilang parusa. Malaya si Oscar na gawin kung ano ang gusto nitong gawin kay Lanette habang sa loob ang mga ito ng iisang bahay. Kung malaman nito na nagtaksil din ang unang asawa, ano naman kaya ang gawin nito sa kanyang ina?“Huwag kang mag-alala, Claire. Sigurado akong hindi nagtaksil ang iyong ina. Hindi siya katulad ng ka

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 223: Hidden Truth

    Next:Agad na pinadakip ni Manson si Oscar pati na si Mrs. Vea dahil sa confession ni Jessie sa tulong na rin ni Gen. Torquino. Pero hindi tuluyang naniniwala si Claire na walang kinalaman si Joseph Tang sa nangyari sa kanya lalo pa at ito ang may galit kay Benjamin, sa kanyang ama. Ang problema nga lang ay wala pa silang ebidensya na magsusuporta kung may kasalanan nga si Joseph o wala lalo pa at inako na ng pamangkin nito ang lahat. Nahuli ng mga pulis si Mrs. Vea pero hindi nakasama ang ina ni Veena na si Lanette dahil katulad ni Jessie ay inako lahat ng matanda ang kasalanan at napawalang sala si Lanette. They were sentenced for ten years in prison, but Claire was not satisfied by the result. Lalo na at alam niya na ang tunay na salarin ay buhay pa at malayang makakagawa ng masama. Isa pa, naawa siya sa lolo Rigor niya dahil ilang beses na itong niloko ng asawa, ni Vea. hindi makapaniwala ang matanda na ang asawa at bayaw nito ang siyang mismong nagdala ng kapahamakan sa anak at

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 222: The Culprits

    Next:Habang nakaantabay si Manson sa pag-umpisa ng kanilang plano, si Lucas naman ay pasikretong inakyat ang isa sa pinakamataas na puno, limandaang metro ang layo mula sa abandonadong factory. Kailangan nilang mag-ingat dahil may hostage na hawak ang mga ito at iyon ay ang anak ng taong nagligtas kay Claire. Bagama’t ginawan nang masama ni Carla si Claire noong bata pa ito ay ang babae rin naman ang nagtanggol dito. “I’m in position, Manson. Tell me when you are ready and I’ll shoot.”“Copy that, Luke. nagpadala na ako ng tao para guluhin sila sa loob.”Pagkaraan pa ang ilang minuto ay biglang umusok ang buong factory at agad iyong sinamantala ng mga tauhan ni Manson para pumasok. Nagsilabasan naman ang lahat ng tauhan na nasa loob pero hindi kasama ng mga ito ang anak ni Carla. Malamang ay nakagapos pa ito sa loob. Lahat ng tauhan na lumabas ay isa-isang nagtumbahan matapos pagbabarilin ito ni Lucas. Tranquilizer gun lang ang ginamit nito kaya walang namatay ni isa sa mga kalaban

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 221: Revelations

    Next:Matagumpay ang ginawa nilang pagkuha sa kapatid ni Carla at ang pagmamanman sa asawa at anak nito. Dalawang araw lang ang lumipas ay nagparamdam na ito at tumawag pa kay Claire sa kalagitnaan ng gabi.“Hello?” “Hello, iha! Ikaw ba ito, Nyxie?” Nang marinig ni Claire ang garalgal na pagtawag sa tunay niyang pangalan ay nawala ang pagkakakunot ng kanyang noo dahil nakikilala niya kung sino ang nasa kabilang linya. “Carla. Mabuti naman at ikaw mismo ang tumawag sa akin. Baka kapag si manson ang makahanap sa ‘yo ay hindi mo na makikita ang kapatid mo.”Dahil sa tawag na ito ni Carla ay nagising rin ang katabi niyang si Manson pero sinenyasan niya itong huwag maingay at inilagay sa loudspeaker ang tawag upang marinig din nito kung ano ang sasabihin ni Carla. Yakap siya ng asawa sa beywang habang pareho nilang pinakinggan ang kuwento ni carla. “Patawarin mo ako sa ginawa ko sa ‘yo, Nyxie. Patawad… pero kailangan ko ngayon ang tulong mo. Kinuha nila sa akin ang anak ko at kung hind

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 220: Looking for truth

    Next:Hindi kayang tanggapin ng puso ni Claire ang natuklasan. Mabilis siyang napatayo at nandidilim ang mukha na naglakad-lakad sa harapan ng mesa ng kanyang lolo. Mahigpit niyang kinuyom ang kamao. “Sino? Sino ang mga walang hiyang gumawa niyon sa isang walang kamuwang-muwang na sanggol?” Naiiling at naluluhang sumagot ang kanyang lolo. “Dahil sa negosyo ni Benjamin ay maraming tao siyang nakakabangga. Baka isa sa mga kalaban niya sa negosyo ang gumawa niyon sa apo ko.”Lalong naikuyom nang mariin ni Claire ang kamao pero hindi niya kayang sabihin dito na ang totoong pinaghihinalaan niyang mastermind ng pag-kidnap ay ang anak at ang pangalawang asawa nito. “Hindi maari ito. Kailangan kong hanapin ang Carla na iyon at ang kapatid niya para malaman ko ang totoo. Kung sino ang taong gustong manakit sa aking ina…” sa wakas ay hindi na kayang itago ni Claire ang tunay na katauhan. Hindi na nagulat si Rigor nang marinig kung ano ang sinabi ni Claire. Panahon na rin para ipaalam sa la

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status