Share

Kabanata 17: Lungkot

Author: Georgina Lee
last update Last Updated: 2025-05-05 21:00:39

Sandali pang napasulyap si Kairo sa mag-asawang Van Buren bago lumingon kay Scarlett. "Ihahatid na kita.

Tipid namang ngumiti si Scarlett bago umiling. "Wag na. Salamat nalang. Sasakay nalang ako ng taxi pabalik."

Lumapit si Scarlett sa mag-asawa na ngayon ay tahimik parin. Kung siya nga ang nawawalang anak ng mag-asawa, sigurado siyang dismayado ang mga ito. Lihim siyang napabuntong hininga bago nagsalita.

"Mauuna na po ako," mahina niyang paalam.

Hindi sumagot ang dalawa. Mapait siyang napangiti bago tuluyan ng nilisan ang lugar.

Mataman namang pinagmasdan ni Kairo ang bulto ni Scarlett habang patawid ito ng kalsada. Nang makasakay na ng taxi si Scarlett, saka lang siya lumingon sa mag-asawa. Nakasandal na si Tita Emily sa balikat ni Tito Leo habang umiiyak. Mahigpit naman itong niyakap ng huli habang inaalo.

Nabasa na nina Emily ang impormasyon tungkol kay Scarlett—kung gaano kahirap ang buhay nito, ang pang-aapi ng head nito sa trabaho, pagtataksil ng asawa nitong si Liam, ang mis
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 1: Kabiguan

    "A—anong ibig sabihin nito?" Nanginginig ang boses na sambit ni Scarlett Dorothy nang makita mismo ng dalawa niyang mga mata ang kanyang asawa sa ibabaw ng kama, hubo't-hubad kasama ang isang babae.Gulat na napatingin sa gawi niya si Liam Griffin Vergara—ang kanyang pinakamamahal na asawa."S—scarlett," tanging naibulalas nito.Mabilis na bumangon sa kama si Liam at isinuot ang hinubad nitong boxer shorts samantalang ang babaeng kasama nito ay kaswal lang na nagtakip ng katawan para itago ang sarili habang siya ay halos hindi na makahinga dahil sa sakit na nararamdaman niya. Para bang pinipiga ang puso niya at mamatay yata siya sa sakit."P—paano mo nagawa sakin 'to Liam?" Hindi makapaniwala niyang hagulhol.Naalala pa niya kung paano siya niligawan noon ng lalaki. Lumabas siya sa library bitbit ang kanyang libro sa English subject. Malungkot siyang nagtungo sa pinakamalapit na bench para umupo. Nag-aral naman siyang mabuti. Maaga nga siyang gumigising pero hindi parin siya pumasa. M

    Last Updated : 2025-02-14
  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 2: Galit

    Inilibot ni Scarlett ang tingin sa loob ng bahay. Walang emosyon at sinlamig ng yelo ang mga mata nito nang i-angat ang hawak nitong patpat na kahoy. Unang tumama ang kahoy sa malaking TV na nasa dingding. Isinunod niya ang refrigerator, salaming mesa, mga pigurin, mga larawan, at kung ano pang mahagip ng kanyang mga mata. Hindi siya tumigil hanggang sa hindi niya nakikita na nabasag na niya ang lahat.Isang matinis na sigaw at tahol ng mga aso ang gumising sa nahihibang niyang diwa."Oh my God! Anong ginawa mo!"Nabitawan niya ang patpat na kahoy na hawak niya at napatingin sa duguan niyang mga kamay subalit kahit na may sugat siya, hindi siya nakaramdam ng anumang hapdi. Mas masakit parin ang ginawa ni Liam sa kanya. Napaatras siya pero natigilan din nang makaapak siya ng mga bubog. Inilinga niya ang tingin sa paligid. Basag lahat!Sobrang gulo ng buong bahay! Sira na ang lahat ng gamit na naroon…Hindi siya makapaniwala habang nakatingin sa mga kalat sa paligid. Siya ba talaga an

    Last Updated : 2025-02-14
  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 3: Pagbabanta

    "Pag-isipan ninyong mabuti kung ano ba talaga ang nais ninyo para matapos na ang gulo sa pagitan ninyo. Marami pa akong gagawin kaya't tawagan niyo nalang ako kapag nagkasundo na kayo tutal ay dati naman kayong magkapamilya," ani ng pulis bago sila iniwang dalawa.Pinukol ni Amelia ng nang-aalipustang tingin si Scarlett na nakasandal sa upuan. "Mabuti nalang talaga na hiniwalayan ka na ng anak ko! Hindi ka nababagay sa kanya!" Mataray nitong anas at tiningnan pa siya mula ulo hanggang paa."Ikaw ang bumili ng mga gamit ha? Nakakalimutan mo na yata kung sino ang tumulong sayo para makahanap ka ng matinong trabaho! Kung hindi dahil sakin, isa ka paring inutil at palamunin sa bahay namin!"Hindi na niya napigilan pa ang pagpatak ng mga luha sa kanyang pisngi. Naalala niyang balak niyang magtake ng civil service exam noong nagpakasal sila ni Liam pero dahil nais niyang pagsilbihan ang kanyang asawa, hindi muna siya tumuloy.Kaya noong kailangan na niyang magtrabaho para makatulong din sa

    Last Updated : 2025-02-14
  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 4: Pagdududa

    Napatitig si Scarlett sa sa lalaking nasa harapan niya ngayon. Matangkad ito at may itsura. Mukhang galing sa isang prominenteng pamilya. Siya na ba si Mr.Vasquez na siyang tumawag sa kanya kanina? Bakit kaya? Sa pagkakaalala niya ay hindi pa niya ito kailanman nakita.Subalit kahit ano paman ang sadya nito sa kanya, nagpapasalamat parin siya at dumating ito. Nang sa ganun, makapagpahinga siya sa pakikipagtalo kay Amelia. Napahawak siya sa gilid ng mesa at dahan-dahang umupo at iniwasang masulyapan si Amelia.Sinipat naman ng tingin ni Amelia ang lalaking kaharap mula sa maganda nitong tindig, mga matang nakakatunaw kung tumingin, simpleng pananamit subalit napakaeleganteng tingnan at galing pa sa isang sikat na law firm. Napagtanto niyang hindi ito ang klase ng tao na sasantuhin ang sinumang makakalaban nito.Matagal din siyang nagtatrabaho sa gobyerno kaya't marami siyang alam na law firm at isa na doon ang Nexus. Nais niyang matawa. At nagtawag pa talaga ng isang abogado si Scarlet

    Last Updated : 2025-02-14
  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 5: Anak

    "Nagbibiro ka ba?" Nanginginig ang boses na tanong ni Scarlett kay Kairo nang masabi ng lalaki ang pakay nito sa kanya."Unfortunately, hindi ako nagbibiro, Miss Lopez. Romero Hospital… Does it ring a bell?" Ani Kairo.Of course alam niya ang tungkol sa Romero Hospital. Madalas itong banggitin ng kanyang ina sa kanya noon kung gaano kalaki ang nagastos nito mula sa panganganak sa kanya.Dahil mahirap ang buhay ng mga magulang niya noon sa bukirin, lumuwas ang kanyang ama sa Maynila para magtrabaho sa construction, sumunod naman ang kanyang ina habang buntis ito sa kanya at tumulong bilang tagapagluto subalit hindi paman nito kabuwanan ay napaanak ito ng wala sa oras at isinugod sa Romero Hospital.Hindi niya aakalain na malaki ang magiging parte ng ospital sa buhay niya at magdudulot ng kaguluhan sa isipan niya. Pilit man niyang pinapakalma ang sarili, sobrang lakas parin ng tibok ng puso niya.Halo-halo ang emosyong nararamdaman ni Scarlett kaya naman lumipas muna ang ilang minuto

    Last Updated : 2025-02-20
  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 6: Kabayaran

    "This is Doctor Shan and nurse Erin," pakilala ni Kairo sa dalawang panauhin na pumasok sa loob ng opisina nito. "Sila ang mag-aasikaso sa DNA testing na gagawin sayo," dagdag pa ng lalaki.Agad na binuksan ni Nurse Erin ang dala nitong medical box at inabot kay Doctor Shan ang isang pares ng hand gloves. Kumuha ng isang gunting ang doktor habang muling nag-abot ang nurse ng isang malinis na plastic na lagayan ng buhok ni Scarlett. Lihim niyang pinagmamasdan ang dalawa. Iba na talaga kapag mayaman. Isang tawag lang ay andyan agad ang doktor na aasikaso sa mga kakailanganin ng kliyente.Tinaguan ni Doctor Shan si Kairo senyales na magsisimula na sila. Tumango naman pabalik si Attorney Vasquez at nagset-up na ng isang camera at inirecord ang lahat ng ginagawa nila.Nang mapansin ni Scarlett ang camera malapit sa kanya ay nagsimula ulit siyang makaramdam ng kaba. Halos umabot lang ng sampung minuto ang proseso. Mabilis lang ding natapos ng dalawa ang paggupit ng kanyang buhok.Nang matap

    Last Updated : 2025-02-21
  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 7: Api

    Kinabukasan ay maaga paring gumising si Scarlett para pumasok sa trabaho. Kahit pa may malaking pera na siya sa bangko, hindi pa rin siya liliban sa trabaho. Imbes na ubusin niya iyon, dapat ay mag-ipon parin siya para sa hinaharap niya lalo na't napakadali lang maubos ng pera sa panahon ngayon. Sapat na ang nagastos niya kahapon. Bukas ay weekend na kaya makakapagpahinga parin naman siya.Nakipagsiksikan siya sa bus kung saan kasabayan niya ang iilang mga empleyado ng iba't-ibang kumpanya sa siyudad. Pagdating niya sa opisina ay nalaman niyang kanselado pala ang meeting dahil sumama si Section Chief Darwin sa Director at may dinaluhan na conference meeting."Bakit kaya lagi nalang si Chief Darwin ang isinasama ng Director sa meeting sa Municipal Bureau. Mabilis lang naman matapos ang meeting tapos si Chief hindi na bumabalik dito pagkatapos. Hindi ba napakaunfair nun?" Biglang sambit ni Nina, ang kasamahan niya na nakaassign sa Budget Section.Graduate si Nina mula sa isang prestihiyo

    Last Updated : 2025-02-21
  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 8: Kahibangan

    Gabi na ng makalabas ng building si Scarlett. Pinili niyang sumakay ng bus pauwi sa tinuluyan niya. Mabuti nalang at halos kaunti lang ang sakay ng bus kaya hindi sila nagsisiksikan at malaya siyang makapamili ng upuan.Nang makaupo siya ay agad niyang hinugot ang kanyang cellphone mula sa bag niyang dala. Wala siyang nakikitang tawag doon maliban nalang sa dalawang mensahe mula sa partikular na sender.'Ang mabuting halimbawa ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila...''Kung gaano kataas ang lipad ay siya ring lagapak kapag bumagsak...'Hindi niya mapigilan ang sarili na mapangiti habang binabasa ang mga mensahe ng kanyang ama na si Simon. Araw-araw ay hindi ito pumapalya sa pagpapadala ng mga mensaheng salawikain sa kanya. Hindi niya alam kung saan nito galing ang mga iyon.Nagtipa din siya ng sarili niyang mensahe at ipinadala sa kanyang ama: 'Ang sakit ng kalingkingan, dama ng buong katawan...'Ilang saglit lang ay tumunog na ang kanyang cellphone. Nang muli niya itong sulyapan

    Last Updated : 2025-02-23

Latest chapter

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 17: Lungkot

    Sandali pang napasulyap si Kairo sa mag-asawang Van Buren bago lumingon kay Scarlett. "Ihahatid na kita.Tipid namang ngumiti si Scarlett bago umiling. "Wag na. Salamat nalang. Sasakay nalang ako ng taxi pabalik."Lumapit si Scarlett sa mag-asawa na ngayon ay tahimik parin. Kung siya nga ang nawawalang anak ng mag-asawa, sigurado siyang dismayado ang mga ito. Lihim siyang napabuntong hininga bago nagsalita."Mauuna na po ako," mahina niyang paalam.Hindi sumagot ang dalawa. Mapait siyang napangiti bago tuluyan ng nilisan ang lugar.Mataman namang pinagmasdan ni Kairo ang bulto ni Scarlett habang patawid ito ng kalsada. Nang makasakay na ng taxi si Scarlett, saka lang siya lumingon sa mag-asawa. Nakasandal na si Tita Emily sa balikat ni Tito Leo habang umiiyak. Mahigpit naman itong niyakap ng huli habang inaalo.Nabasa na nina Emily ang impormasyon tungkol kay Scarlett—kung gaano kahirap ang buhay nito, ang pang-aapi ng head nito sa trabaho, pagtataksil ng asawa nitong si Liam, ang mis

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 17: Pagkikita

    Unti-unting bumagal ang lakad ni Scarlett nang makita niya ang mag-asawa sa unahan. Nakasuot ang lalaki ng isang makintab at mamahaling suit habang ang ginang namang kasama nito ay suot din ang isang puting silk dress. Parehong elegante at kagalang-galang ang dalawa.Biglang nakaramdam ng panliliit sa kanyang sarili si Scarlett. Kitang-kita naman na malayo ang agwat ng estado nito sa kanya. Ang mabagal niyang lakad ay kusang huminto habang nanatili siyang nakatitig sa mag-asawa na papalapit na sa gawi nilang dalawa ni Kairo.Humakbang si Kairo at binati ang mag-asawa. Uncle Leo, Auntie Emily, this Scarlett Dorothy Lopez," pakilala ni Kairo sa kanya.Nag-alinlangan Scarlett kung lalapit ba siya para bumati sa mga ito pero dahil hindi naman sila magkakilala, napagdesisyunan niyang panatilihin ang distansya sa pagitan nila. Tumayo siya sa likod ni Attorney Kairo at nagsalita."Magandang araw po."Maingat na pinagmasdan nina Leo at Emily si Scarlett. Kahit nakita na nila ang impormasyon n

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 16: Kaba

    Dahan-dahang umusad ang sasakyan paalis sa tinutuluyan ni Scarlett. Nilibang nalang niya ang sarili sa panonood sa nakikita niyang mga building sa labas. Humigpit ang hawak niya sa laylayan ng kanyang damit.Hindi niya masasabi kung ano ang nararamdaman niya sa sandaling iyon, kung naghihintay ba siya sa katotohanang malapit nang mabunyag, o natatakot na harapin ang hindi mahuhulaan na hinaharap. Sobrang kumplikado naman ng lahat."Dito ka ba talaga nakatira, Miss Lopez?" Basag ni Kairo sa katahimikan sa pagitan nila."Oo, bagong lipat lang ako dito," patangong sagot ni Scarlett.Nakatira siya sa isang iskwater sa pagitan ng lungsod at mga kanayunan. Kung ikukumpara sa ibang mga lugar, medyo marumi at magulo nga ito at medyo malayo pa sa bus station. Gayunpaman, ang renta at ang mga presyo ng mga pang-araw-araw na pangangailangan dito ay mas mababa kaysa sa lungsod kung saan swak sa budget niya.Ngunit para sa mga taong nasanay sa maginhawang buhay na tulad ni Kairo na karaniwang luma

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 15: Awa

    Natigil si Scarlett sa plano niyang pagbubukas ng pinto kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. "Hindi kaya nagkakamali lang kayo, Attorney Vasquez?"Kinagat ni Kairo ang pang-ibaba niyang labi bago sumagot. "Kung totoo man ang nakasulat sa resulta then ikaw nga ang batang naipalit na anak ng mga magulang mo sa client ko ng taong iyon."Umawang ang labi ni Scarlett sa narinig mula sa abogado. Pakiramdam niya panaginip lang ang lahat at tila ba parang tumigil ang mundo niya sa pag-ikot. Wala sa sarili siyang pumasok sa loob ng tinutuluyan niya at napaupo sa sofa. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nanatiling tulala bago siya nahimasmasan."N—nandyan pa po ba kayo Attorney?" Tanong ni Scarlett sa nanginginig na boses."I'm still here.""Ano ang dapat kong gawin ngayon?" Naguguluhang tanong ni Scarlett. Hindi niya alam kung haharapin ba niya ang biglaang katotohanang pasabog o pipiliin niyang balewalain ang nalaman niya?"Are you free today? Gusto ng client ko na magsagawa pa ng karagd

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 14: Resulta

    Kinabukasan, nagluto ng sopas si Scarlett para magkalaman ang kumukulo niyang sikmura. Gutom na gutom siya lalo pa't tinanghali na siya ng gising. Nang matapos niya ang kanyang pagkain, saka palang siya nakaramdam ng kaginhawaan.Pagkatapos niyang kumain at maglinis ng kusina, muli siyang humiga sa kanyang kama. Pinakiramdaman niya ang sugat na natamo niya. Hindi naman iyon ganun kagrabe pero mas mabuti narin na makapagpahinga siya.Hindi namalayan ni Scarlett na nakatulog na pala siya sa kaisipang iyon. Nagising nalang siya dahil sa maingay na ringtone ng kanyang cellphone. Pupungas-pungas siyang nagmulat ng mata at tiningnan kung sino ang tumawag. Nangunot ang kanyang noo nang makitang si Mang Ben iyon. Gayunpaman, pinili parin niyang sagutin ang tawag ng lalaki."Hello po, Mang Ben…""Naaksidente ka raw kahapon, Scarlett. Kumusta ka na? Maayos lang ba ang kalagayan mo? Nagamot na ba ang mga sugat mo?" Tanong nito sa nag-aalalang boses."Ayos lang po ako, Mang Ben. Hindi naman ganun

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 13: Pag-aalaga

    Sa lakas ng impact ng pagkakabangga niya, nauntog ang ulo niya sa steering wheel ng kotse. Ramdam niya ang pag-agos ng mainit at malagkit na likido mula sa kanyang sugat sa bandang noo. At hindi lang iyon, pati ang dalawa niyang ilong ay dumudugo narin.Dahil nakaramdam ng pagkahilo si Scarlett, nanatili siyang nakasubsob sa steering wheel hanggang sa unti-unti na siyang bumalik sa huwisyo.Agad na nanuot sa kanyang ilong ang matapang na amoy ng gasolina. Mabilis siyang kumuha ng tissue at pinahiran ang dugo sa kanyang ilong saka bahagyang diniinan ang kanyang sugat para tumigil ang pagdurugo.Pilit niyang binuksan ang pintuan ng koste. Mabuti nalang at hindi siya masyadong nahirapan. Gumapang siya palabas ng sasakyan at nagpunta sa ligtas na lugar.Mabilis namang siniyasat ng driver na nakabanggaan ni Scarlett ang sitwasyon ng babae. Agad itong tumawag ng ambulansya. Hindi rin naman sila naghintay ng matagal at agad na dumating ang rescue. Isinakay si Scarlett sa stretcher at dinala

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 12: Aksidente

    Inalala ni Kairo ang mukha ni Scarlett. Kahit na mukhang haggard ang babae, mahahalata mo parin ang matangos nitong ilong at nagniningning na mga mata. Bilugan ang hugis ng mukha nito at kapag tinititigan mo ay parang kay sarap na pisilin. Kung mag-aayos lang ito kagaya ng mga babae sa alta sosyedad, mas maganda pa ito sa babaeng ipinalit ng dati nitong asawa…Kinabukasan, habang naglilinis sa kanyang mesa si Scarlett ay dumaan si Chief Darwin habang bakas sa mukha nito ang disgusto sa kanya. Sigurado siyang nagsumbong na si Liam at nakarating na sa tenga nito ang nangyari sa pagitan nila noong nakaraang araw. Malamang sa malamang, pagdidiskitahan na naman siya nito.Lihim siyang napabuntong hininga kasabay ng paglukob ng lungkot sa puso niya. Kailangang makapasa siya sa civil service exam sa susunod na taon para makakuha siya ng mas maayos pang trabaho malayo sa mga taong nang-aapi sa kanya.Hindi man siya kinausap ni Chief Darwin, tinambakan naman siya ng lalaki ng napakaraming file

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 11: Panonood

    "How dare you!" Nanggagalaiting sigaw ni Daphne. "You'll pay for this bítch!" Dagdag pa nito at akmang susugurin ang kaibigan ni Scarlett.Maagap namang pinigilan ni Liam si Daphne. Pareho na silang basa ang mga damit. Nahihiya narin siya sa klase ng titig ng mga taong nakapaligid sa kanila."Let's go, Daphne," aniya at sapilitang hinila ang babae palabas ng mall.Kahit anong pagpupumiglas ni Daphne ay wala siyang nagawa sa lakas ni Liam. Wala pa naman siyang balak na atrasan ang dalawa. She's planning to call the police so those two will pay for what they have done, but Liam ruined her chance para mas lalo pang ipahiya si Scarlett at pagmukhaing desperada.Hindi naman nilubayan ng tingin ni Scarlett ang dalawa hanggang sa mawala ang mga ito sa paningin niya. Nang humupa na ang galit niya ay saka lang niya napagtanto ang kalat na nagawa nila ni Celeste. At para humingi ng tawad sa panggugulo nila sa loob ng mall, silang dalawa ni Celeste ang nagpresinta na maglinis ng kalat nila.Haba

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 10: Muling Pagkikita

    Hindi na hinintay pa ni Celeste na magreact si Scarlett at inunahan na niya ang kaibigan. Agad niyang hinarang sina Liam at Daphne saka tiningnan ito mula ulo hanggang paa na may halong pandidiri."Wow, what a small world. Nagsama ang isang higad at isang manloloko," maanghang na patutsada ni Celeste.Hindi naman pinansin ni Liam si Celeste at dumiretso ang mga mata nito kay Scarlett. "What is this behavior Scarlett? Divorced na tayo. Ayaw mo parin ba akong tigilan? Hindi ka ba nahihiya?"Akala ni Scarlett ay masasaktan siya ngayong nakita niyang muli si Liam kasama si Daphne pero nakakatuwang kalmado ang puso niya at wala siyang naramdaman kahit na kaunting sakit. Bumaba ang kanyang tingin sa magkahugpong na kamay ng dalawa. Kung hindi lang niya kilala ang mga ito at hindi siya biktima ng panloloko ng dalawa, iisipin niyang isang perpektong relasyon ang meron sina Liam at Daphne at bagay na bagay ang mga ito.Pero nang maalala niya ang nawala niyang anak dahil sa dalawang ito na nasa

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status