(Monina POV)
Syempre nanatiling nakadikit sa labi ko ang ngiti. Yung puntirya ko nakahiga.
“Ikaw yung...” naalala ako ng isa. Napatango na lamang ako. Humakbang na ako palapit sa kanila at napabow na lang talaga.
“Yung pasyente na sinugod namin!” Sabay sabi ng dalawa.
Bingo! Di ko itatangi.
“Siya nga! Ako ang unang nakakilala sa kanya. Ano ka ba!” Alitan ng dalawang sabay ngang bumigkas ng parehong salita.
Bingo! Ikaw na po kuyang kulot ang nakabingo. Wag na mag-away. Wala akong oras para umawat.
Pero si Kuya Gwapo nakatitig lang sa akin. Parang huminga na lang ng malalim. Pagkatapos nga niya ako titigan mula ulo hangang paa. Tipong talagang okey lang ako at walang kailangan na ipag-alala. O baka alam na niya kanina na nagkukunwari lang ako. Tsk. Tsk. Sa titig pa naman niyang ipinukol sa akin.
“Teka?! Sabihin mo nga andito ka para sa kanya?” Turo niya sa biktima kong magbibigay ng pera sa akin. Ang galing talaga ni Kuya kulot. Mind reader masyado. Ahahaha.
Napatango na lamang ako. Kunyaring fans nga ako…. Uhmmm, ni Justin Sy.
“Actually, uhm… andito ako para ibigay ang sulat kong matagal ko na talagang gustong ibigay. Saka po, kakapalan ko na talaga ang mukha ko. Kung pagbibigyan niyo po sana, pwede makipag-picture sa kanya?
Ngumiti sa akin ang biktima ko. Let me introduce ng maayos, siya si Justin Sy. Ang in demand na studyante ngayon sa campus namin. Madaming fans na tumitili sa kanya. At marami pa ngang alam na ka-echusan ang fans niyang nalalaman.
Justin Sy, ng dahil sayo, mabubuhay kami ng mga kapatid ko. Akin ang pera kapag sumang-ayon ka sa akin.
“Pagbigyan mo na pare.” Kinuha ko na nga ang camera ko. Thank you sa support Kuya kulot.
“Sure. Sa higpit nga securidad paano ka nakapasok sa lugar na ito? Tiyak nahirapan ka.” Ngumiti ako ngunit...
“Sinasabi ko na nga ba nagkukunwari ka lang na nahimatay kanina.” sabi ni Kuya Gwapo na nakatingin sa bintana. Tumalikod na ito sa amin kanina at akala ko talaga hindi siya makiki-alam. Pero ano to? Binunyag niya ako. Tsk. Tsk. Wag naman Kuya Gwapo. Namnamin mo na lang ang view riyan sa bintana.
“Nahimatay lang ako dahil nga sa kanya.” depensa ko. Di man lang ito lumingon. Pero infairness ang lamig ng boses niya. Tipong titindig ang balahibo mo kapag sinubukan ka niya sigawan. Naku po! Wag niyang iisipin na maging professor.
Natawa si Justin Sy.
“Timothy, kunan mo kami ng larawan.” lapit ni Kuyang kulot sa akin para nga kunin ang camera ko.
“Ah, okey lang na siya ang kunan ko ng larawan. I don't mind na wala ako.”
Natigilan sila. Nawala din ang ngiti ni Justin Sy.
Ang baliw mo Monina mayroon bang fan na okey lang larawan ng idol niya ang makunan na meron namang makipag-picture ka na katabi ka niya? Sira ulo. Edi bumili ka na lang ng poster ni Justin Sy!
“I mean, solo shot saka kaming dalawa.”
“Si Miss, parang di kumbinsado sa skill mo Timothy sa pagkuha ng picture.” sabat ng isa pa sa tatlong lalaki na abala nga sa harapan ng phone niya. Mayroong headset na nakapulupot sa leeg nito. Ngumiti sa akin.
“Leonard.” Pakilala niya sa akin. Uhmmm, how about yung lalaking nakatayo sa bintana na ang layo ng paningin. Isipan na wala sa mundong ito, kundi sa outer space. Ahahaha.
Minsan lang kasi makuha ang atensyon ko ng mga lalaki. Kaya sayang naman. Pero, wag na muna lumandi Monina, may pamilya kang binubuhay.
Nakuha ko na ang picture ni Justin Sy.
“Thank you.”
“Ayaw mo ng yakap?”
“Whoa! Womanizer yan Miss.”
“No need.” Bahagyang nagulat naman sila sa itinugon ko. Kaya napangiti na lamang ako at bumanat na. Kailangan ko ng back up eh.
“Kiss?” Wait. Anong pinagsasabi ko?
“Sure.” saka kinuha ni Justin Sy ang kamay ko. Hinalikan nga ang palad ko.
At ako… Nagsitindig ang balahibo ko! Jusko po! Di ako sanay ng ganto! Di ko na nga lang ipinakita sa kanila ang kulo sa loob ko. Anong pinag-gagawa mo Monina!
Ngumiti na lang ako dahil yung utak ko na-disappoint. Dahil ini-expect ko yung lips kong never kiss since birth. Ayyy! Joke lang po. NO! Malanding Monina, ibaon mo na ang sarili mo ha. Di kita kailangan. PERIOD!
“Whoy! Ang gentleman bigla.” Pang-aasar ni Leonard. Kasi nga hinalikan lang ako ni Justin Sy sa palad ko. Makapag-hugas nga ng kamay mamaya. Nang dahil sa halik-halik na yan, bigla na namang nanguna ang version kong malandi. Shooooo~!
“Ginagawa niyo dito malalate na kayo.” sita ni Justin dito.
Speaking of malalate. Jusko po! Oo! Malalate na din ako sa klase ko.
“Mauna na ako.” paalam ko bigla. Nagmamadali na kunin yung mga gamit ko. Ni hindi pa nga kami nakapag-picture ni Justin. Wag. Di ako ang cliente dito. Magselos pa yun. maging abo pa ang pinaghirapan ko.
“Anong pangalan mo?” Siyang pinako ang mga paningin nila sa akin.
“Nahihiya ako magpakilala. Nasa love letter na po.”
At ang hilig ko din mag-po at opo. Natural na yan. Dapat lang na kahit bata pa ang maging kausap mo, kailangan mo din respetuhin. Dahil nga sa kasabihan na… Do not do unto others if you don’t want to do unto you.
Sabagay panatiliin ang pagiging magalang lalo na nga sa mga produkto kong nagbibigay ng pera sa akin. Cheers! Kampay!
“Sabagay. Ingat.” May ngiting sabi ni Justin Sy tungkol nga sa inabot kong love letter.
Kaya maraming babae ang nafafall sayo. Kahit sa likod ng camera, ready parin magkunwari. Thank you my dear products sa pagiging demand ngayon. Hihihi.
Byieee! Pera na naman ito eh! Yayaman tayo nito Monina!
@Death Wish
Hi sa lahat!
Alam ako na ang makakapagbasa lang naman nito ay yung marunong umintindi ng tagalog. Ahahaha. So Nice to meet you all! Pa-REVIEW NA DIN PO.
Marami akong tagalog books and will update sooner. Love you guys!
Drop kayo ng napakagandang comment!Taming the Dangerous CEO [TAGALOG]
Fated to Mary the Devil [TAGALOG]Doctor Alucard Treasure [TAGALOG]Alpha King Checkmate [TAGALOG]Nine Months [Tagalog]The Devilish Billionaire [Tagalog]Love you all! And thank you sa supporta ng napakarami!
(Cedrick POV's)“Is it your will thar Monica and Bianca, should be baptized in the faith of the Church, which we have all professed with you?” tanong ng pari sa amin ni Monina.Sa likuran namin ang mga ninong at ninang nito. Syempre di na mawawala ang mga kapatid namin ni Monina na nagpapaligsahan kung sino na naman ba ang magiging paboritong Uncle ng anak namin.Haist. Nang dahil sa kanila, nagiging spoiled ang mga anak ko.Monica and Bianca?Yeah, you heard it right, after several months ipinanganak na ni Monina ang dalawa naming princessa. At wag niyo na akong tatanungin kung sino ba ang nagpangalan sa kanila.“It is.” sagot namin ni Monina sa pari.“Monica and Bianca, I baptized both of you in the name of the Father, and of the Son, and of the Holy spirit.”Nakangiti kami ni Monina sa isat-isa.“You were God's Work of Art.”
(Vanessa POV)Nabitiwan ko ang isang pingan, ng marinig ko nga sa aking kasamahan na buntis na naman si Monina.Limang taon na ang nakalipas. Sinusubukan ko hanapin ang kaligayahan ko, ngunit talagang nakatali ako sa kanila. Gusto ko man kalimutan na silang lahat ngunit ginugulo parin ako ng isipan ko na ako dapat ang nasa katayuan ni Monina.“Anong nangyari Vivian?” pati pangalan ko binago ko.Tinalikuran ko lamang sa akin ang nagtatanong. Hinubad ang apron, saka pinalipad ito sa manager na puputak sana ang bibig.“Vivian!” sigaw nito sa akin. At sa inis ko kinuha ko ang kutsilyo.Nagsi-abante sila. Ngumiti ako. Sa loob ng limang taon nakakamiss din pala ang manakot. Ang pagkatao ko na kaya ko din itago sa mahabang panahon.“Bruha ka talaga!” saka ko itinusok sa mesa ang kutsilyo. Ngumisi sa kanila at dumiretso sa locker room at hinablot ko lah
(Monina POV)“Can we take Daddy's share?”“At yun kung ayaw mong ma-diabetes nito ang mga anak natin.” Lapag ko ng cake niya sa harapan.“Ever since babies di pa nakatikim ng cake si Daddy.”“It's delicious Dad.”“Whatever. Wag niyo laging kinakampihan ang Mommy niyo. Traydor din yan.” Ngumiti nga ako dito na medyo nasusupend ako dahil ang tagal tikman ni Cedrick. O kahit man lang itusok yung tinidor niya.“Ang laki ng hating yan Monina.”“Di mo naman uubusin.”“Di mo na ako kilala?” ang taong ayaw magsayang ng pagkain.“Just dig it Daddy! Mom, have a treasure with it.”Yun lang napatitig ako sa pinakamakulit na si Aaron. Batang to… kakampi ng Daddy niya.“Opsss. Sorry Mommy.”“Treasure? A ring
(Monina POV)Nagdalawang isip pa si Papa. Tumango ako sa kanya sabay ngiti dito. Atleast kung kapatid ko nga si Haiden, meron akong kapatid na sasapak kay Cedrick. Pero alam ko na di naman yun mangyayari.Saka minsan okey lang bigyan ng pagkakataon na magbago ang isang tao. Nasa processo sila ng buhay nila na kailangan natin gabayan para maging isang mabuti. Dahil habang meron pa tayong hininga, sinasabi ko nga meron pa tayong pag-asa.Hinayaan ni Papa na alalayan siya ni Haiden. Lahat kami nakatitig sa kanya pwera lang sa mga babies namin ni Cedrick na ang gagaslaw. Hahaha.“Relaxs di ko papatayin ang tatay ni Monina.” napansin ata ni Haiden.”But I want to know anong ginagawa ng Daddy ko sa picture?”Naka pause ang larawan ng apat na magkakaibigan. Ibig sabihin yung isang lalaking nakaupo sa likuran ni Mama na ang aura nito parang si Haiden. Sabi nga niya, tatay niya ito.&nbs
(Haiden POV)Aither bring me a bouquet of Tulips. Such a gay, but kung galing sa kapatid ko, sure I accept it.“Uncle Haiden, Mom and Dad once said to me that you are a bad guy.”Napabuntong hininga na lamang ako. It hurt me somehow, pero totoo naman talaga yun. I hope di ko yun ginawa.“But we don't believe them. You're the best uncle than Uncle Dominic because you gave us a lot of toys.”Napangiti ako.“This bouquet of Tulips, according to our Mom. It represents rebirth and charity. Rebirth because according to our parents, you change a lot for good. Charity because you learn how to give love. And we receive a plenty of toys.”Kid, toys are nothing for me, but if it can uplift a child heart, walang halaga ng salapi ang makakatapat ng kaligayahan na nakikita sa mga mata nila.“Thank you, Uncle Haiden.”'Cause w
(Secretary Lee POV)I never thought na, nang dahil sa kanila makikilala ko din si Cedrick. Sila ang nag-recommenda sa akin bilang secretarya sa buhay nito.Tiwalang-tiwala sa mga kakayanan ko. Kahit wala ngang ibubuga ang katawan ko. Magaling lang sa putukan ng baril, pero kung sparing na, wala ako riyan.Ngumiti si Rhoa sa akin. Si Rhio na natiling nakasandal sa dingding. Wala na siyang paki-alam sa pag-sasama naming dalawa at sa huli napatunayan ko din kahit paano na kaya kong ipaglaban si Rhoa.At sa ningning ng mga mata ngayon ng boss namin at asawa nitong si Monina, nagagalak ako na meron nga akong nai-ambag para maging ganito kasaya ang pagsasama nila.Miss Monina and Master Cedrick, alam kong naging inspirasyon kayo ng mga taong nakakakilala sa inyo. Ipagpatuloy lang ninyo ang walang katapusan na pagmamahalan.Sometimes the world was on our side, Sometimes it wasn't fair