Share

Chapter 4 She's conscious

(Monina POV)

Dumating na nga ang minimithi kong ambulansya. Mamaya kukunan ko ng larawan ang lalaking to. Sino pa nga ba? Syempre si kuyang mala-anghel ang mukha.  At di rin makakatakas ang pangalan niya sa akin. Since nga di ko pa ito kilala, at siya lang ang lumusot sa systema ko ngang gwapo ito. Sa kabila na marami aking naging produkto na gwapo din, ngunit ang lalaking to kakaiba.

Papangalan ko siyang kuya Gwapo.

Isinugod nga nila ako sa hospital na di ko inaasahan, sobrang laki. napa-exceed sa expectation ko. Talagang five-star hospital na ito.

Sinugod nila ako sa emergency room na parang fifty-fifty ang buhay ko. Huh? Hoy mga kuya! Wala akong pambayad sa ginagawa niyo! Kaya napamulat na ako sa emergency room, bago pa nila wakwakin ang bituka ko.

“Ano pong nangyari?” tanong ko na lang sa mga doktor na nakapaligid sa akin. Hindi sila makapaniwala na may malay na ako. At si ako parang nagka-amnesia. Sa ayoko pong magbayad ng consultation fee. Ahem.

“At bakit andito ako?”

“She's conscious.” Napatango ako sa nurse.

“Ano po yun?” Turo ko sa kanila na di ko nga alam kung ano ang itinuro ko. Agad naman nila nilingon. At ninja moves na umalis nga sa higaan. As in kapag binalik nila ang titig sa akin, wala na ako.

Para-paraan nga. Nakalabas ako na di nila namalayan. Nagulat ata sila ng mawala ako. Di na lang ako nagpahalata sa mga hospital staff. Nakita ko yung tatlong lalaki na kinakausap ng doktor. Mga sira sila. Pero thank you sa pagiging sira ulo.

Heto na ang pasyente niyo. Layang-laya na. 

Ang gwapo talaga ni Kuya gwapo, kahit sa malayuan. Malalaglag ang panty mo.

ngunit naramdaman ko nga aking sarili na napakagaan. Napakapa ako sa likuran na wala pala bag ko. Saka ko nga nakita hawak ng mga kasamahan ni Kuya Gwapo yung bag ko.

Paano ko yun makukuha?

Napa-tago na ako ng lumabas ang personnel sa emergency room. Napalingon ang tatlong lalaki sa kanila. Kinamusta nila ako at napakamot nga yung doctor na sinabi ata, bigla akong nawala.

Kaya napakubli ako lalo sa stante ng mga magazine. With potted plants.

Ano nga ulit ang dapat na concern Monina? YUNG GAMIT MO!

Ahhh. Ang mahal ng camera ko plus yung mga gamit ko na no need ko naman ata bumili ng bago diba? Papa God, I need your help. Yung kunyaring package na ang laman lang naman notebooks ko na binalot ko lang para magmukhang package.

Ngayon sarili ko, paano mo makukuha ang gamit mo sa kanila. Alam ko po bad ako kasi, ini-scam ko sila. I mean napagtripan, pero wala namang masamang nangyari sa kanila. Kaya ibalik nila ang mga gamit ko! Huhuhu.

Ngunit nakita ko na lang na pumunta sila sa desk information. Iniwan yung gamit ko. Sa awa talaga ni Papa God oh! Kahit ang hilig kong magpangap, mabait parin siya sa akin. Thank you po.

Nang makaalis sila, agad ko naman na-claim gamit ko. Napataas pa ang kilay ng isang nurse.

“Kung sayo nga ito, sa tingin mo ano ba ang laman ng package.” Kala mo naman yung gold bar nang nawala ni Yamashita ang laman ng package.

“Mga gamit ko ang naririyan. Akin po talaga yan.”

Umismid yung Nurse. Ang arte ng nurse na to. Kinareer ang pagiging bagger, sa isang package counter? Yun ba gusto mo Miss Nurse?

Nang ma-check niya. Tss. Bakit kailangan pa i-confirm? Nadismaya siya kaya agad naman sa akin ibinibigay. Napa-thank you na lang ako.

Oras na para gawin ang trabaho, kung bakit naririto nga ako. Binasa ko yung information ng target. Andito siya naka-confine. Sa isang presidential suite. Dahil mayaman nga naman ito. Kasi nga kung sino pa ang mga mayayaman, sila pa ang nakasalo ng mga magagandang features sa mundong to. Mapapa-sana all ka na lang talaga.

Tinignan ko ang directory map. North, East, West, at South wings. Nasa north wing ang mga laboratory, at ang mga VIP room naman andoon sa west wing. Kailangan ko pa lumabas sa building na ito para mapuntahan ang mga VIP wards.

May mga nakasalubong ako mga tao na napapatitig sa akin. Saka ngumingiti ako at pinapakita nga ang aking bit-bit na kunyaring package. Confident lang ng isang courier ang susi dito.

Ang dami kong kailangan lusutan na napaka-challenging nga naman sa akin. Lalo na sa ganitong klaseng sideline ko nga.

Hangang sa tumampad sa akin ang Level 1 VIP hallway. Napakaraming pinto. Nahanap ko naman yung room. Super galing ko mag-ala Dora. Para sa kinabuksan, kailangan gawin at gagawin! Sa may wala akong ibang choice eh.

May dalawang way ako sa pagkuha ng larawan.

Una, ang maging diplomatic nga. Idaan sa usapan. Kunyari idol mo siya, crush mo siya at fans. Aminan ng pekeng nararamdaman. Para lang makakuha ng money!

May use din pala talaga ang mukha kong nagpapa-cute na wala namang ikaka-cute.

Pangalawa, ang mag-ala snipper na pinaka-hirap gawin. Tipong kailangan ko pa umakyat sa puno. At sa damuhan nga parang ahas na naghahanap ng pagkakataon para tuklawin ang biktima.

So, since artista ang isang to at halatang wala namang bantay sa pinto niya, idaan sa diplomatic way.  Ilabas ang hinanda kong love letter sa kanya. Nagpatulong pa ako sa tatlo kong kapatid na babae. Sa kailangan yung makatotohanan ang sulat nila, dahil nga napakarami nilang utang na loob sa akin. Hehehe.

Kailangan ko kalandian nila. Di kasi ako marunong magpa-inlove ng lalaki. At ayoko naman talaga.

Kumatok ako sa pinto bilang respeto man lang. Binuksan ko na dahil baka nagkakatinginan pa ang mga tao sa loob.

Ang bumungad sa akin. Yung tatlong lalaki na tumulong sa akin… kanina. Oh my gulay Monina. Talagang maliit ang mundong ito. Ang karma nga naman kapag sinadya mo. Hehehe.

@Death Wish

Hi sa lahat!

Alam ako na ang makakapagbasa lang naman nito ay yung marunong umintindi ng tagalog. Ahahaha. So Nice to meet you all! Pa-REVIEW NA DIN PO.

Marami akong tagalog books and will update sooner. Love you guys!

Drop kayo ng napakagandang comment!

Taming the Dangerous CEO [TAGALOG]

Fated to Mary the Devil [TAGALOG]

Doctor Alucard Treasure [TAGALOG]

Alpha King Checkmate [TAGALOG]

Nine Months [Tagalog]

The Devilish Billionaire [Tagalog]

Love you all! And thank you sa supporta ng napakarami!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Vhean-nel Bandoqui
nakakatuwa nmn c monina ......... para lang baliw,kinakausap ang sarili .....pati tuloy ako natawa mag isa habang nagbabasa ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status