Share

Doctor Alucard Treasure [Tagalog]
Doctor Alucard Treasure [Tagalog]
Author: Death Wish

Prologue

PROLOGUE

Sunod-sunod na kulay itim ng sasakyan ang pumarada di kalayuan sa napaka-abalang simbahan sa araw na yun.

Sa unahang sasakyan. Abalang tinatawagan ng isang nakangising lalaki ang numerong alam niya na makakausap ng sasagot nito ang sasalubong na kamatayan mamaya lang.

Lalo siyang natawa dahil ano man ang siyang ginawa niyang pagbabanta dito. Hindi siya sineseryoso. Napasenyas sa leader ng tauhan niya.

“The hero needs a lot of villains. Di lang nagtatapos sa isang kalaban ang challenge na kailangan niyang kaharapin.” Saka mala-demonyong tumawa.

Nagsilabasan ang mga lalaking may kanya-kanyang dala na mga baril. Pumwesto na di namamalayan ng mga tao.

“Well, I am needing a lot of blood.”

Sinundan nito ang kilos nang isang photographer na siyang puntirya nga nilang lahat.

“How pity you are filthy rat.”

***

Napangiti ang isang photographer dahil sa nakuha niyang larawan. Di man siya kabilang sa official na kinuhang photographer, di parin ito napigilan na pumunta at kumuha ng mga larawan para sa pang sariling interest. Sa lahat na na-cover niya, ang paboritong pagdiriwang ay kagaya ng magarbong kasalan.

Kilala sa boung bansa kung sino nga ba ang ikakasal sa araw na ito.

Masaya niyang kinukunan ng palihim kahit sa labas nang bakod ang nagsisidatingang tao.

Hangang dumating ang sasakyan ng ikakasal na babae. Kumuha nang tamang pwesto ang photographer na siyang handang kunan nang maayos na angulo ang paglabas ng babaeng ikakasal. Tuluyan siyang napangiti, at alam niya balang araw darating din sa punto na ikakasal din ang panganay niyang anak na babae.

Naalala niya kung paano noon abala siyang kumuha ng larawan sa asawa nito noong ikakasal sila. Natawa nga sa kanya ang mga bisita nila noon. Di kinabahan, kundi taos pusong gustong kunan nang larawan ang pagdating ng asawa niya.

Namalayan na lamang nito umagos na ang kanyang luha. Naiiyak siya dahil naalala ang kahapon na buhay pa nga ang asawa niya. At mananatili ang masasayang alaala sa kanyang puso, simula ng dumating ito sa kanyang buhay.

“Ikakasal din ang panganay natin, balang araw.” Masaya niyang bulong sa sarili.

Nang makuntento sa nakuhang larawan, nagbabakasali siyang makapasok sa loob. Dumaan sa likuran kung saan kunti lamang ang naroroon. Nakunwaring kasama sa mga kumukuha nang larawan.

Huminga siya nang malalim na merong ngiti dahil pinagbibigyan talaga siya sa araw na ito. Ipinuwesto ang tripod. Kinunan ng larawan ang masasayang tao na nasa loob. Lalo na ang lalaking nakangiti at tuluyang napaluha sa harapan nang mga magulang nito dahil narinig na dumating na ang babaing para sa kanya. Simula ng araw bilang mag-asawa.

“Ganyan din ang nararamdaman ko noon. Masaya na nakakaiyak. Siguro sa ibang lalaki di ito big deal. Pero sa mga kagaya na mahal natin ang babaing hinihintay sa harapan ng altar. Talagang maiiyak ka.”

Nang tumunog ang di gaanong kamahalang cellphone ng photographer. Mabuti na nga lang walang masyadong nakarinig. Unregister number…

Sinagot niya.

“Sino ito.”

“Your grim reaper, dear photographer. Saan ka ngayon?” Di niya sinagot dahil maya-maya lang…

Lahat napatitig sa pintong bumukas. Umuulan ng bulaklak, at bawat isa napangiti. Sinalubong ang pagpasok nang napakagandang ikakasal na babae.

Sa kulay puti niyang damit na sumisilaw ng paningin. Di matinag ang titig ng isang lalaking naghihintay sa paanan ng altar.

Ngumiti ang babaeng ikakasal.

Musika na ihahatid nga siya sa lalaking kailan lang pinatunayan na aalagaan siya habang buhay.

Halos maluha at kinakabahan ang lalaking ikakasal dahil di niya akalain na ganito ang mararamdaman. Masaya. Masaya silang lahat. 

Ngunit kinakabahan din kahit paano sa takot na baka magkaroon siya ng kontrobersyal kagaya ng runaway bride.

Napangiti siya sa ideyang yun. Hindi yun gagawin sa kanya ng taong mahal niya diba? Impossible. Mahal na mahal nila ang isat-isa.

This day is the biggest event to his life. No one will ruin this. No one. 

Willingly nga na ibigay ang boung buhay niya sa pamilyang itatayo nila. They are both happy.

All people who surround them happily for them. They witness their wedding that cost a billion dollars. Known people in society are present on the extravagant wedding of the century. A wedding between famous physician and daughter of known family in ruling the economy of the country. 

It was beautiful day. The sun is smiling at them. A gift of fine day.  All people wishing for them a prosperous marriage life.

They take a vow. A vow that will be remember forever. Paninindigan ng bawat isa ang responsibilidad nila. 

The priest pronounces them as husband and wife. 

"Now you may kiss your bride." as the priest uttered the word with a sweet smile on his lips. 

The groom lifts the veil of the bride. But the church bell... suddenly rang.

A wedding bell ring... Turn into a death bell toll.

Una ngang tinamaan nang bala ang camera na siyang handang kunan nang larawan ang sandaling yun. Basag nang salamin na parang ilang segundong di nakagalaw ang mga tao.

Nagsisigawan ang mga tao dahil pagkatapos umulan ng bulaklak…

Inulan sila ng mga bala.

The bell continuous it's sound of death.

Would not stop until the white dress of the bride turns into a red one.

The photographer, who having a bloody hand, take the moment to capture the grief of groom. Until his shoulder was shot, maririnig ang nahulog nitong kamera na ikinabasag ng salamin.

Bago pa man makuha nang photographer ang camera niya. Nandilim ang kanyang mga mata. Para bumagsak siya. Bago pa man mawalan ng pagkatao. Sa kanyang isipan… ang sigawan na naririnig ay sigaw na siya ang may kasalanan sa pangyayari.

Isang nakangising lalaki ang lumapit sa kanya. Sa ngisi nito, di nga siya nagkakamali.

Napabulong na lamang ito ng paghingi nang kapatawaran sa mga nadamay.

Duguan ang damit nang lalaking ikinasal. Ngunit ngayon nasa harapan siya nang mesa at kahit tuliro ang isipan. Sinasagawa ang operasyon para maisalba ang kanyang mag-ina.  Kinakabahan ang mga tumutulong dito. Kahit pinagsisigawan na nilang... wala na ito.

Gumuhit sa harapan ng monitor na ibig sabihin tuluyan nang tumalikod ang babae dito. Walang sino man ang gustong magtangka sabihin sa kawawang lalaki na patay na ang patuloy niyang ini-operahan.

Hangang sa tumigil na ang kanyang kamay. Sapat na ang tunog nang makina para magising ang lalaking ikinasal na patay na ang kanyang asawa.

Sa mga oras na yun, parang namatay din ang kanyang pagkatao.

Copyright © 2020 by Sena Mangampo

All Rights Reserved.

No Parts of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods without prior written  permission of the Author.

This is a work of fiction.

Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Written and Self-Published by Sena B. Mangampo

4500 Albay Philippines

Purok 5B Puro, Legazpi City

s.mangampo@yahoo.com

+63 938 890 0652

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status