Malakas na kalabog.
Parang kinuryente ang katawan ko sa gulat. Napa-atras ako, hawak ang dibdib. “Sino ‘yan?!” sigaw ko, pilit pinatapang ang boses ko kahit nanginginig na ang tuhod ko. Tahimik. Walang sagot. Ilang minuto akong nakatayo roon, halos hindi humihinga. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata, sinusubukang pakalmahin ang sarili. Pagdilat ko, wala pa rin. Kaya dahan-dahan akong lumapit sa pinto at sumilip sa peephole. Wala na. Ni anino, wala. Agad kong ini-lock ang pintuan at humugot ng hangin. Kailangan kong umalis. Ngayon na. Tricycle ride. Sa likod ng tricycle, binibilang ko ang tibok ng puso ko. Mabilis. Magulo. Paano kung pilitin ako ni Evan na ipalaglag ang bata? Paano kung— Napapikit na lang ako. Hindi ito ang oras para manghina. Light Soul Bar and Resto. Sumabog sa mukha ko ang ingay ng musika, halakhakan, at ilaw na nakakasilaw. “Miss, diretso po kayo sa VIP room. Nando’n na si Ara kasama 'yung guest niya.” Binigay sa akin ng bouncer ang itim na card na may number. Tumango ako at tahimik na kinuha ito. Naglakad patungo sa mundong ilang beses ko nang tinangkang iwan. Hindi ko pinansin ang mga tingin. Mga mata na parang sinisilip ang bawat sulok ng pagkatao ko. Elevator. Tahimik. Lamig. Ilang segundo pa lang pero pakiramdam ko'y kulang ang hangin. May pumasok na lalaki. Suot lahat itim. Maskara. Tila multo sa modernong panahon. Pero 'yung mata niya—berde. Mapangusisa. Parang binabasa ako. Maputi ang ngipin. Malinis ang mukha. Pero ang mas nakuha ng mata ko ay ang balikat niya—basang dugo. Bampira ba 'to? Charot! “Why are you staring at me?” Hindi ako agad nakasagot. Tulala pa rin sa dugong dumadaloy mula sa kamay niya. “Uhm... puwede mag-Tagalog ka? Hindi ako nakatapos ng kolehiyo,” kabado kong biro. Ngumiti siya. Bahagyang senyas ng amusement. Inilahad ang kamay niya. “May dumi ba sa mukha ko?” Inabot ko ang kamay niya, pilit pinapakalma ang kabog ng dibdib ko. “Wala. Pero ‘yung kamay mo... dumudugo.” Agad siyang kumilos. Kinuha ang panyo sa bulsa at pinunasan ang sugat. Ding! Bukas ang elevator. “I need to go, miss. See you when I see you.” What the hell? Wala man ang mukha, nabaon na sa isipan ko ang titig niya. VIP Room. Naglakad ako. Hanap si Ara. Tok. Tok. Bumukas ang pinto. “Ne! You're here na. Tara!” Pumasok ako. Umupo sa couch. “Ara, nasaan 'yung customer mo?” tanong ko, pa-whisper. Sumenyas siya ng tahimik lang. Sumunod ako. Maya-maya, may lumabas na lalaki mula sa silid. Asul ang mga mata. Matipuno. May hawig sa action star sa pelikula. “Oh? Who’s she? Kapatid mo?” Tiningnan ko si Ara, kunot-noo. “No sir, cousin ko po siya. Starting today, siya ang private massager ninyo.” What?! “Ara! Anong sabi mo?!” Tumawa silang dalawa. Walanghiya! Umupo sa tabi ko ang lalaki. Ramdam ko ang bigat ng presensya niya. Sinensyasan si Ara na lumabas. At ang bruha, sumunod agad! “Relax, miss. I won’t bite,” sabi niya, tinig na parang pabulong pero matigas. “Isa lang naman ang gagawin mo. Dance for me. Then name your price.” Tumayo ako. Walang choice. Dahan-dahan kong ginalaw ang katawan ko sa saliw ng sariling kaba. Tahimik lang siyang nanonood. Pero nagulat ako nang hilahin niya ako. Naupo ako sa kandungan niya. “Sir, wala 'to sa—” Hindi ko natapos. Hinalikan niya ako. Mainit. Mabigat. Mapusok. Pero hindi ako gumanti. Hindi ako makagalaw. Tumulo na lang ang luha ko. Hindi niya pinansin ang lamig ko. Lumalim pa ang halik. Toktok. Parang magic. Kumalas siya agad. Tumayo. Tiningnan kung sino ang kumakatok. Pagbukas—si Ara. “Sir Raiz, may naka-assign na pong ibang therapist sa inyo. Sa dance floor na po si Venisse.” Napatigil siya. Tumitig sa akin. Tumayo. Bago tuluyang lumabas, sinulyapan niya ako nang matagal. Walang sinabi. Pero parang may iniwan. Umupo ako sa kama. Hindi ko na napigilan. Umiiyak na ako. Lumapit si Ara. Hinaplos ang likod ko. Ni yakap ako. Simula ng Bago. Simula noon, umikot ang mundo ko. Tulog ako sa umaga. Gising sa gabi. At sa tuwing nandiyan si Raiz... Hindi ako mapakali. Two weeks later. Nag-inat ako. Si Ara, abalang nag-aayos sa harap ng salamin. “Buti gising ka na, bruha! Sumabay ka na. VIP daw 'yung darating mamaya. Pogi raw, haha!” Wala na rin akong nagawa. Mabilis akong naligo. Suot ang pink na crop top na terno. “Venisse, ang tagal mo! Tara na!” Paglabas namin, may humintong itim na van. Napakunot-noo ako. “Ara, kilala mo ba 'tong sasakyan?” Tahimik siya. Bumukas ang pinto. Isang lalaking naka-tux ang lumabas. “Sakay! Bilis!” Sa gulat, wala na kaming nagawa kundi sumunod. Bar. Tahimik. Pero sa loob ko, may unos. Pag-akyat sa second floor, huminto ako. Si Raiz. May kahalikang babae. Napako ako sa kinatatayuan ko. At nang magtagpo ang mata namin... Asul. Walang emosyon. Pero parang binabalatan ng tingin niya ang kaluluwa ko. Sino ka? At bakit parang delikado ka... pero hindi ko kayang umiwas?Venisse Fuentes POV – Maaga kaming dumating ngayon sa ospital. Isa na namang test ang kailangan kong pagdaanan para sa nalalapit kong panganganak. Isang buwan na lang at haharapin ko na ang araw na iyon—ang araw na pinakahihintay pero kinatatakutan ko rin.Tahimik akong nakahiga sa examination bed habang iniikot ni Doctora Felice ang malamig na ultrasound probe sa tiyan ko. Ang puting ilaw mula sa screen ay sumasayaw sa mga mata ko, at sa bawat tunog ng makina, parang lumalakas ang kabog ng puso ko.“Venisse,” aniya, nakangiting maamo, “Sinabi na ba sa’yo ni Kurt ang tungkol sa heart transplant ng baby mo?”Tumango ako, pilit na ngumiti kahit ramdam kong nanginginig ang kamay ko.“Opo, Dok… kinakabahan nga lang po ako.”Tinapik niya ang balikat ko bago muling tumingin sa monitor.“Sa nakikita ko, healthy naman ang baby mo. Pero kailangan pa ring mapalitan ang puso niya—may bara sa daluyan ng dugo.”Parang pinisil ang puso ko sa mga salitang iyon. Kaba. Takot. Pag-aalala. Lahat s
:Kurt Velasquez POVPabalik na ako sa hospital room ni Venisse nang makarinig ako ng commotion mula sa loob."You think I'm stupid, Miss? Bakit ka naman papakasalan ni Kurt, aber?" sigaw ng isang pamilyar na boses na kumawala mula roon.Napakunot ang noo ko.I knew it.Mabilis akong pumasok at agad na gumitna.Si Kaye. My ex-girlfriend.“What are you doing here? My wife is not feeling well kaya makakaalis ka na.” malamig ang tono ko, pilit pinapakalma ang sarili.Tumaas ang kilay niya pero bigla siyang tumakbo papunta sa mga bisig ko.Damn. That sudden pull—my chest tightened. My feelings for her never really changed. Pero paano si Venisse?“Baby! I miss you so much. Totoo ba na asawa mo na siya? But how?” luha-luhang tanong niya. Habang nakayakap sa akin. Hindi ako agad nakasagot. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko habang nilulunok ko ang sarili kong kaba.Pero bago pa ako makapagsalita, biglang nawalan ng malay si Venisse.“Venisse!” halos pasigaw kong tawag.Nagsipa
VENISSE'S POVPagkatapos ng ceremony ng kasal, dumiretso kami sa reception hall. Matao, punong-puno ng kilalang miyembro ng angkan ng mga Velasquez. Lumingon ako sa paligid habang tinatablan ng kaunting kaba—hindi dahil sa crowd, kundi dahil sa lahat ng ito... scripted.Naisipan kong lumapit sa mahabang hapag kung saan nakahilera ang mga pagkain. Saktong lumapit si Ashlee, may hawak na pinggan na may cupcake at sandwich."Ate Venisse, here, take this. Hindi kasi ako mahilig sa sweets eh. And... isa pa, buntis ka ba?" sunod-sunod niyang tanong, sabay abot ng pinggan sa akin.Bago pa ako makasagot, dumating si Kurt."Love, let's cut the cake. And you, brat, we'll talk later," malamig pero biro ang tono niya kay Ashlee.Tahimik akong sumunod sa kanya. Magkasabay naming hinati ang cake, sabay palakpakan at hiyawan ng mga tao. Lahat masaya, lahat nakatingin sa amin.Dumating ang oras ng bride and groom dance.Kumakabog ang dibdib ko habang lumalapit kami sa dance floor. Hindi ako sanay sa
Wedding for ConvenienceKurt Velasquez POVAs I ended the call, sinimulan kong ayusin ang mga bag na dadalhin papuntang Bicol.Maayos na ang lahat. Mom arranged everything down to the last detail.Wala na akong dapat pang alalahanin—at least sa logistics.Pero saglit lang... may narinig akong mahinang hikbi mula sa guest room.Shit. Narinig ba niya ang pinag-usapan namin?Agad akong lumabas ng kwarto. Mabilis ang mga hakbang ko papunta sa silid niya.Nadatnan ko siyang nakatalikod, bahagyang nakayuko habang tinatakpan ang mukha. Umiiyak.Hindi na pala niya kailangang mag-empake—naayos na ng mga katulong ni Mama ang lahat ng gamit niya.Lumapit ako, pero pinili kong manatiling ilang hakbang ang layo."Dear, let’s go to the van. Para maaga tayong makarating sa airport." Mahinahon kong sambit.Tahimik siyang lumabas ng kwarto. Walang tingin. Walang salita.Paano ko ba ipapaintindi sa kanya na hindi niya kasalanan?Na hindi ko kayang makipaghiwalay kay Kaye hindi dahil sa kanya.At habang
VENISSE Fuentes POVSPG. Mature content.💋 Not suitable for young readers 📍Reasons and Coldness…Ang saya ko habang tinititigan ang mga pink na accessories — crib, toys, at maliliit na damit. Ang lambot nila sa mata. Ang kulay, parang nagpapagaan sa bigat ng loob ko.Abala ako sa pagsusukat ng maternity dress nang biglang bumukas ang pinto.Napalingon ako. Si Kurt. Yung masungit kong soon-to-be husband. Tss.“So, do you like it?” tanong niya, may ngiti sa labi. Lumapit siya at niyakap ako mula sa likuran.Hindi ko siya sinagot. Hinayaan ko lang ang presensya niya habang inaalis ko ang mga damit ko sa mga gamit ng baby. Isa-isa ko iyong nilalagay sa drawer.Tahimik siyang tumulong. Walang imik. Walang tanong.Nag-ipon ako ng lakas ng loob bago magtanong, "Kurt... pwede ko bang ilagay sa jar yung baby na... nawala?"Parang natigilan siya. Ilang minuto ang lumipas bago siya nagsalita.“Venisse,” malamig ang boses niya, “puro dugo lang ang isang baby na hindi nadevelop. Hindi pa siya f
Venisse Fuentes POV.Mood swings.. Masakit sa part ko ang mawalan ng anak.Pero ang mas masakit ay yung taong inaasahan mong kasangga mo sa lahat ay tatalikuran ka.Nang sinabi niya na isang sanggol Lang ang nailigtas.Para akong sinasaksak paulit ulit.Ngayon nakahiga ako.Tulala. Iniisip Kung ano mangyayari sa set up namin.Oo, Alam ko na dahil Lang sa convenience kaya nabuo ang kasunduan.Pero Tama ba na talikuran ako?Humihikbi ako pero tahimik walang tunog.Ayoko iparinig kahit kanino.Nang biglang bumukas ang pinto.Umasa ako na si Kurt ang dumating Ngunit hindiSi Raiz..Isa pa 'tong tukmol na to eh!Panira ng moment."Ms. Venisse, Ibinilin ka niya sa akin. May aayusin daw muna siya sa other business niya eh. So pano tayo muna ang magkasama mula ngayon."mahaba niyang paliwanag.May nakahanda ng pagkain sa mesa pero iba ang gusto ko kainin.Gusto ko ng ube halaya at mais."Alam mo para mawala inis ko, Bili mo ako ng ube tapos mais. Nagugutom ako eh." puno ng lambing ang boses k