Share

KABANATA 8

Matapos ng mga pangyayari sa kusina. Pilit kong kinalimutan iyon and act as if nothing happen. Kapag may inuutos siya ay agad ko ring sinusunod. Kapag nagkakasalubong kami sa daan ay binabati ko siya at nilalagpasan. Just like how they treat their boss. Wala naman siyang say kaya I think walang problema. As if na magsasalita yon gaya ng dati.

Malaya akong nakakakilos sa umaga since wala ang magkakapatid. After kasi nilang dumating ay dito na rin sila nagi-stay. Kumbaga kababalik lang nila galing sa kani-kanilang business. Lahat sila ay maagang umaalis para asikasuhin ang plantasyon at kanilang taniman. Madalas ding sumasama si maam Patricia sa kanila para bumisita rin sa flower business niya. Lahat ng negosyo nila ay related to agriculture and nature. 

 As usual, its my task to always keep the backyard clean. Sa tabi kasi nito ay ang garden ni ma'am Patricia kaya dapat palaging malinis ang paligid. Minsan ngang naabutan ko siyang nagdidilig ng mga halaman sa umaga. She even talk to me with her sweetest smile. As if she's talking to a friend kaya magaan ang loob ko sa kanya. 

While walking through the backyard tinali ko ang buhok ko at hinanda na ang panlinis. I was hoping na naroon si ma'am Patricia para hindi ako mabored.

Sumilip ako sa may garden at natuwa ng makitang naroon nga si ma'am Patricia at busy sa pagbubungkal ng lupa. Agad naman akong lumapit sa kanya.

"Magandang umaga, ma'am Patricia!" Magiliw na bati ko.

Ngumiti siya sa akin at bumati rin. "Magandang umaga din Zea, diba sabi ko sayo tita--tita Pat na lang." Tumayo siya at lumapit sa akin.

"Nakakahiya naman po kasi amo kita tapos tawagin po kitang tita."

"Naku ayokong marinig ang amo-amo na yan. Para sa akin tinuturing ko na kayong pamilya dito. At syempre ikaw gusto ko tita tawag mo sa akin kasi gusto kita. Kung pwede nga lang mama na tawag mo sa akin para may anak na akong babae." 

Napangiti ako sa kanyang sinabi. "Sige po, tita"

Natutuwa niya akong niyakap. "Unang kita ko pa lang talaga sayo ay naramdaman ko nang magkakasundo tayo." Agad din siyang napahiwalay ng makitang marumi ang suot niyang gloves at nadaplisan ang balikat ko. "Ay pasensiya na, na-excite lang ako."

"Ayos lang po tita. Anyway po gusto niyo po bang tulungan ko kayo sa pagbungkal?" Tanong ko habang nakatingin sa lupang binubungkal niya.

"Gusto ko yan para may kausap din ako." Sang-ayon niya sabay hila sa akin at sabay bigay din ng gloves.

"Pero po need ko pa magwalis sa bakuran." Turo ko pa doon. Tumingin siya doon at umiling.

"Hayaan mo na yan at ipapasuyo ko na lang sa iba. Ngayon ko lang napansin bakit ba ikaw lang naglilinis doon kalawak-lawak ni hindi man lang kita nakitaan ng kasamang maglinis doon."

Napakamot ako sa ulo ko. "Eh utos po ni Zan--este ni sir Zander. Ako daw pong bahala sa bakuran."

"Ng walang kasama?"

Tumango ako. "Yes po, May kanya-kanya daw po kaming working area--I mean task na gagawin at dito ako naka-assign."

Napailing siya uli. "Naku ang batang yon talaga. Di bale simula ngayon dito ka na kasama kong mag-aalaga ng garden ko okay? Habang wala ako ay ikaw ang naka-assign para mag-alaga sa kanila."

"Po? Diba po si aling Nelia ang nagbabantay dito?" Noon pa man kapag wala si tita Pat ay si Nelia na ang namamahala sa garden. Paniguradong may masasabi nanaman iyon kapag nalaman niya ito.

"Pakiusapan ko na lang siya. Huwag kang mag-alala. Hanggat maaari rin kasi ay hindi ko na rin masyadong pinapakilos si nanay. Gusto ko nga ay magpahinga na siya pero siya itong may ayaw. Malaki rin kasi ang utang na loob ko sa kanya dahil halos siya na rin ang tumayong nanay ko sa paglaki ganon sa mga anak ko na parang apo na niya kung ituring." Kwento niya sa akin habang nagbubungkal ng lupa.

Inabot ko ang isang halaman kay tita na siyang itatanim. "Buti napag-tiyagaan niyo ugali niya." Biglang sabi ko. Natigilan ako ng tumingin siya sa akin. "Ahm... I mean--" 

Natawa naman siya. "Masungit din pala sayo si nanay. Gaanon talaga pero mabait naman siya. Hindi lang siya yung klase ng tao na basta-basta nagtitiwala. Pagpasensiyahan mo na lang at matanda na rin."

Tumango na lang ako at tumulong sa pagtatanim. Umabot halos ng dalawang oras ang pagtatanim namin at oras na ng tanghalian. Tirik na rin kasi ang araw kaya tumigil sa rin kami.

Pagpasok ng bahay ay nasalubong namin si aling Nelia. Agad tumutok ang mata niya sa akin. Alam kong sa isip niya ay hinuhusgahan na ako pero hindi ko na inisip pa iyon at nakinig kay tita na pagpasensyahan na lang.

"Nay nandyan na ba sila?" Sila sir siguro ang tinutukoy niya.

Naputol ang tingin sa akin ng matanda at tumingin kay tita. "Wala pa sila. Paniguradong doon nanaman magtatanghalian ang mga iyon kaya pinaghandaan ko na sila ng makakain, papadala na lang sa kanila."

Tahimik naman akong sumunod sa kanila hanggang kusina. "Ganon ba? Lalaking yon talaga. Sino ho bang magdadala nito?"

"Yun nga at walang maghahatid. Lahat ay may ginagawa. Si Zea ba?" Napatingin ako sa kanila na nakatingin din sa akin.

Napaturo ako sa sarili ko. "Huh? Ako po?"

"Oo may ginagawa ka ba?" Is she telling me to bring this to them?

"Alam mo ba ang papunta doon Zea? Ayos lang naman kung hindi, ako na lang ang pupunta doon." Concern na sabi ni tita.

Napatingin naman ako sa matanda na matalim ang tingin sa akin kaya agad akong napatingin kay tita.

"Ah-- Ayos lang po  tita. Minsang na rin akong nasama ni Jenna magpunta doon." Which is true dahil minsan na rin kaming gumala doon ni Jenna pero its only may first time at nilakad lang namin iyon ng napakalayo.

Do I have to bring them just by walking? 

"Sigurado ka?" Tumango ako na may pagaalinlangan. "Okay. Marunong ka bang magmaneho?"

Tila nasagot ang tanong sa aking isipan at malapad na napangiti. "Of course po tita!" Magiliw kong sagot.

Napatikhim ang matanda. Napatingin ako sa kanya na pinanlilisikan ako ng tingin. Napangiwi naman ako at hindi na siya pinansin.

I can't believe I am getting excited right now. Antagal na rin kasi noon ng mag-drive ako. How I miss my cars.

Inabot sa akin ni tita ang susi ng sasakyan daw ni Zander. At first I was hesitant but when I saw his car. I won't let this chance of course! I'm driving my favorite car which I didn't get the chance to get since its a limited edition.

"Well yan lang kasi ang available na sasakyan. Ayos lang na gamitin mo yan. Akong bahala sa anak ko." Sabi sa akin ni tita.

Tumango naman ako at pilit na tinago ang excitement. Baka mahalata pa ako ni tita. Nilagay ko ang mga pagkain sa passenger seat at inayos na ang sarili sa driver seat.

Ngumiti ako kay tita. "Wag po kayong mag-alala tita. Hindi ko ho hahayaang magasgasan ito. Ayoko rin namang mabugahan ng apoy ng anak niyo." Biro ko pa.

Natatawang nailing na lang siya sa akin at nagpaalam. Sinimulan ko ng paandarin ito at nagtungo kung nasan ang mag-aaama.

I stop myself from driving fast dahil bukod sa malubak ang daan at maaalog ang mga pagkain ay baka malagot pa nga ako sa may-ari. Though I can pay for the damage if I just have my money.

My.. Until when do I have to endure this? I miss my freaking old life.

Mabilis rin naman akong nakarating sa plantasyon. Nakaagaw ng atensyon ang sasakyan at halos lahat ay nakatingin sa gawi ko. They can't see me dahil heavily tinted ang saksakyan. Bakas ang kuryoso at pagtataka sa mukha ng iba samantalang tuwa naman ang karamihan sa mga babae.

Hmp.. Are they thinking na si Zander ang nagdra-drive? Well sorry girls.

Pinaandar ko ang sasakyan papasok hanggang sa makarating sa tapat ng gate. Hindi ko sila nakita sa labas so I guess ay nasa loob sila. I saw the family car sa parking na ginamit nila. I park the car beside it.

Ang kaninang mga nakikiusyoso ay lumapit pa at nag-abang sa taong inaakala nila. Ang kaninang excitement na nasa mata nila ay napalitan ng pagbigla at pagtataka nang lumabas ako ng kotse. Ngumiti ako sa kanila at confident na naglakad sa kabila ng sasakyan para kunin ang mga pagkain.

Hindi ko na sila pinansin pa at naglakad papuntang gate. Naabutan kong nakatayo roon si manong guard na minsan ko na ring nakilala noong pumasyal kami dito. 

"Zea narito ka pala. Ano't nagawi ka rito?" Napatingin sa pagkain bitbit ko. "Pagkain ba nila ser yan? Naku baka nabibigatan ka at tulungan na kita."

Ngumiti ako at umiling. "Ayos lang po kaya ko na to. Saan po sila?"

"Sige. Sakto at nasa opisina sila at nagpapahinga."

"Sige salamat po." Tinungo ko ang opisina.

Kumatok ako ng tatlong beses at naghintay na buksan ang pinto. Ang ngiting hinanda ko ay nauwi sa ngiwi ng isang manyakis ang tumambad sa akin. Nagulat siya ng makita ako ngunit agad ding ngumiti at imbes na papasukin ako ay sumandal pa sa pinto tsaka binalandra ang h***d niyang katawan.

"Tila may naligaw na magandang anghel rito. Anong maipaglilingkod ko sa iyo?" 

I rolled my eyes. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tinaas ang pagkaing dala ko.

Kunwaring nagulat siya. "Hindi ko inakalang mag-aalala ka sa akin ng ganito at--"

Pinutol ko ang  kung ano pa niyang sasabihin. "Hephep! Pwede ba tigilan mo ako at kunin mo na lang itong pagkain bago ko pa ihampas sa mukha mo to?" Mataray kong sabi.

"So fierce babe." Nagusok ang aking ilong at akmang babatukan siya ng bigla siyang umatras.

Akala ko ay kukunin niya ang pagkaing dala ko but I was shocked when he grab my arm. Napapasok tuloy ako sa loob at hindi napaghandaan iyon. Ang plano ko ay iabot lang ito ng isa sa kanila at hindi na magpapakita pa sa iba. I'm not planning to be with them lalo na at lahat sila ay lalaki. Well its awkward to be with them lalo na at hindi naman nila ako kakilala.

"Our lovely mother is sooo kind to bring an angel here." Loko pa niyang sabi.

Napangiwi ako at agad na nagpumiglas sa hawak niya. Nakawala ako ngunit natigilan din nang ang lahat ng mata nila ay tumutok sa akin.

Alanganing ngumiti ako at tinaas ang pagkain. "Ahm... Delivery?"

How I want to kill Matias!

To be continued...

Chapter 9

V I X I U S V I X X E N

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status