Tatlong araw ang nakalipas ay na-discharge na rin si Hiraya sa ospital. Wala naman kasing masyadong problema sa kanyang katawan kung kaya’t agad siyang pinalabas ng doktor. Binilinan siyang huwag na huwag na siyang ma-stress at magpagod dahil talagang makakasama ito sa kalusugan at ng kanyang isisilang na anak. Tinupad ni Reyko ang usapan nila, nalutas na rin ang problema nila ni Ms. Sunshine sa DelaCroix Gallery at nakabalik na rin si Dr. Rhob sa ospital na pinagttrabahuan nito. Tuloy-tuloy na rin ang pinagplanuhan nilang collaboration.Kitang-kita naman ang kagandahan ni Hiraya sa ilaw na nagmumula sa chandelier sa DelaCroix Gallery. Katabi niya si Ms. Sunshine na ngayon ay nakangiti ng malaki. Sabay silang nakatingala sa gitna ng gallery, kung saan nakasabit ang isang malaking painting."Hiraya, sabi sa akin ng kaibigan mong si Alena, mahalaga raw sa'yo itong painting na 'to. Sigurado ka bang ipapa-auction mo 'to?" Tinitigan ni Ms. Sunshine ang painting, hindi man lang ito lumingo
Sa ospital ng pamilyang Takahashi. Maingat na kumatok ang assistant ni Reyko sa pintuan ng office nito. Nang tumugon ang nasa loob, binuksan ng binata ang pinto at pumasok, kasunod nito si Atty. Reyes. "Boss, narito po si Atty. Reyes at may kailangan po siya sa inyo," maingat na sabi ng assistant. Sa isip-isip ng binata, ‘Hindi ba't hindi na makikipaghiwalay si Madam Hiraya sa amo niya at babalik na nga ito sa mansyon? Pero bakit narito si Atty. Reyes? Ano kaya ang pakay ng abogado?’Natigilan si Reyko sa pagpirma ng mga papeles at malamig na tiningnan ang abogado.. "Ano'ng kailangan mo?"Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Atty. Reyes. Kinuha ng lalaki mula sa briefcase nito ang deed of transfer ng shares na pinirmahan ni Hiraya at inilagay iyon sa mesa sa harap ni Reyko.. Mahinang nagsalita ang abogado. "Dr. Takahashi, ipinapabigay po ito sa inyo ni Miss Hiraya. Mayroon din siyang sasabihin sa inyo."Hindi sumagot si Reyko, tahimik lang niyang tinapos ang pagpirma at saka tumingin sa
Napalingon si Hiraya at nakita si Rhob na nakatayo sa hindi kalayuan. Hindi inaasahan ni Hiraya na makikita niya roon ang lalaki. Nakasuot ito ng isang suit na kulay abo at seryosong nakatingin sa kanya. Pagkaraan ng ilang sandali, mahina siyang ngumiti at bumati kay Rhob, "Dr. Rhob, kumusta ka na? Long time no see...”Walang ekspresyon ang gwapong mukha ni Rhob. Sa katunayan, si Sunshine ang nag-aya sa lalaki para maghapunan sana ngunit ayaw ng lalaking sumama. Pero nang sabihin ni Sunshine na kasama si Hiraya ay agad na nagmadali itong pumunta kung nasaan sila.Nang makita ni Rhob ang ngiti sa mukha ng babae ay biglang kumirot ang sa puso nito. Napansin nitong hindi iyon puro, sobrang lungkot pa rin nitong tingnan. Kahit nagpagupit na ang babae at mukhang astig at fierce kung tingnan, alam ni Rhob na hindi masaya si Hiraya kung kaya’t labis na nag-aalala ang binata sa babae. Mahinang nagsalita si Rhob at nilingon si Hiraya, "Hiraya, kumain ka na ba? Sabay na tayo?"Hindi inaasahan
Sa kabilang banda, pinanood na lamang ni Rhob si Hiraya na sumakay sa kotse ni Reyko. Mas lalong bumusangot ang mukha ng lalaki habang nakatingin sa papalayong kotse. Galit na galit ang lalaki, halatang-halata naman sa ekspresyon nito. Napabuntong hininga si Sunshine, para ba itong nakahangos ng maluwag nang mawala ang kotse sa kanilang paningin, "Nakakatakot naman ang lalaking iyon! Kung hindi kita hinila kanina palayo baka nga magkainitan kayo at makikita ko na lang nakipagsuntukan ka na kay Reyko!” Naglakad si Rhob papunta sa parking lot kung kaya’t sumunod naman si Sunshine.Hindi man lang nagsalita si Rhob kung kaya’t nagpatuloy sa pagsasalita si Sunshine. “Rhob, alam kong nag-aalala ka kay Hiraya, ganoon din naman ako. Pero asawa pa rin siya ni Reyko, okay? Kapag masyado mong ipapahalata sa lalaking iyon na may gusto ka sa asawa niya mas lalo mo lang pinapahamak si Hiraya. At saka, mahirapa kalabanin si Reyko, okay? Huwag mo sanang sayangin ang pagsakripisyo ni Hiraya para mga
Kinabukasan, sa wakas ay idinaraos na rin ang collaboration auction na gaganapin sa DelaCroix Gallery ni Miss Sunshine kasama si Hiraya. Halos lahat ng mga kilalang tao sa Kamaynilaan ay dumalo. Ngayon lang nagkaroon ng pinaka maraming tao sa gallery na iyon simula noong pinatayo ito ni Sunshine. Dahil nabalitaan ng mga reporters na ka-collab ni Sunshine ang asawa ng sikat na doktor na si Reyko Takahashi ay talagang nagdasaan ang mga tao sa gallery na iyon. Idagdag pa ang tsismis-tsismis ang paghihiwalay nila ni Reyko kung kaya’t mas dinumog ang auction. Halos lahat ng reporters ay pilit siyang tinatanong tungkol doon. Sa katunayan, sobrang naiilang pa rin siya kapag napapanuod siya sa TV ngunit wala siyang magawa, asawa niya ang sikat na doktor sa buong Kamaynilaan. Pero hindi niya inaasahang dadalhin ni Reyko roon ang isang sikat na aktres. Sa pagkakaalam niya ang babaeng ito ay isa sa mga katrabaho ni Reyko sa ospital. Kung ibang okasyon 'yun, okay lang sana, pero naroon din ka
"Dr. Reyko, ang ganda ng painting na ito. Tingnan mo, gustong-gusto ko siya! Sobrang ganda, pwede mo bang bilhin 'yan para sa akin?"Napalingon sina Hiraya at Alena at nakita ang dalawang taong nakatayo hindi kalayuan sa likuran nila. Sina Reyko at ang katrabaho nito na si Lucy. Nakapamulsa ang lalaki at ang guwapo nitong mukha ang bumungad sa kanila, tikom ang labi nito habang malalim na nakatingin sa painting. Pagkaraan ng ilang sandali, tumingin si Reyko kay Hiraya habang kausap nito ang babaeng katabi niya, "Gusto mo ba?""Oo sana, maganda ang pagkakagawa kung kaya’t parang gusto kong isabit ‘yan sa office ko, siguro gawa iyan ng isang sikat na pintor."Mahinang tumawa si Alena saka napailing. Alam ng babae na hindi naman talaga gusto ni Lucy ang painting na iyon, talagang sinadya lang nitong sabihin nito na gusto nito ang painting para pagselosin ang kaibigang si Hiraya. Ang gagong si Reyko naman ay gago at sobrang nakakadiri! Hindi ba malinaw kay Reyko na ginawa ito ng kaibiga
Lumabas si Hiraya sa hall at tumayo sa balkonahe, sumunod agad si Alena sa kanya dahil sa matinding pag-aalala. Napaupo na lamang si Hiraya sa gilid kung saan may mesa at hinatiran agad siya ng mga waiter doon ng tubig. Agad na tinanggap ni Alena ang tubigat nagpasalamat, saka ibinigay kay Hiraya. Nang makapasok sa loob ang waiter, nagtanong agad ang babae sa kanya, "Nababaliw na ba talaga si Reyko?? Umabot sa limang milyon ang halaga ng isang painting, hindi ba naisip nito ang sasabihin ng iba? Rinig na rinig ko ang bulong-bulongan ng mga tao sa loob, aangat ka na raw dahil binili ang painting mo. At dahil sa pera ni Reyko ay umangat ka, hindi dahil sa talentong ibinigay mo sa painting na iyon! Nakakainis!” "Bakit ba kasi kailangan niyang makipag kompetensya kay Rhob? Maling-mali ang ginawa niya!" patuloy pa ni Alena kung kaya’t napakuyom ang kamao ni Hiraya dahil sa sobrang inis. Mabilis niyang nilagok ang basong tubig upang kumalma.Mahina siyang tumawa at napailing. “Ganoon na
Agad na lumapit si Alena sa kaibigan at nagtanong. “Hiraya, anong pinag-usapan niyo ng pinsan ni Reyko?" Si Alena ay inakbayan ang kaibigan at mahinang bumulong sa kanyang tainga, "Narinig ko kanina na gusto ka niyang makausap at nag-aayaya ito ng dinner? Huwag kang pumunta, natatakot ako na baka may mangyaring masama sa'yo."Napaikot ng mata si Hiraya dahil sa sinabi ng kaibigan. "Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala sa sarili ko, kaya ko namang protektahan ang sarili ko, Alena.” "Hindi ko talaga alam kung bakit interesado sa’yo ang lahat ng miyembro ng Takahashi. Kapag nakikita mo naman ang mga ito, tila ba walang magandang nangyayari.”Mahinang tumawa si Hiraya, pero hindi na siya nagsalita pa.Nang matapos ang auction ay agad na nag-ayos sina Hiraya at Hiraya. Nang matapos sa paglilinis ay handa na sana siyang aalis nang makatanggap siya ng isang mensahe. Agad niyang tiningnan kung sino ang nag-text ngunit numero lamang ito. [7:30 PM, Starry Restaurant.]Nandilim ang kanyang
Rinig na rinig ni Hiraya ang pambabaeng boses sa kabilang linya. Mahinang natawa si Hiraya, mahigpit niyang hinawakan ang kanyang telepono at hindi na nagsalita pa. Akala ng kausap niya ay hindi siya nakakaintindi ng English kung kaya’t baluktot itong nagsalita ng tagalog, "Sobrang dami nang nainom ni Mr. Takahashi kung kaya’t pumunta siya muna ng banyo. Kung nakakaintindi ka sa sinasabi ko, huwag mo na kaming isturbuhin pa!"Napahaplos si Hiraya sa kanyang noo at bahagyang tumatawa. "Ah, ganoon ba? Naiintindihan ko na. Have fun!"Pagkasabi niya ay agad niyang ibinaba ang telepono, napatingin sa magandang tanawing ginawa niya kanina. Ang kanyang pininta ay sobrang layo sa kanyang relasyon nilang mag-asawa.Mukhang nambabae na naman ang kanyang asawa??Huminga nang malalim si Hiraya, handa na sanang umuwi nang marinig niya ang malalim na boses ng isang lalaki sa kanyang likuran, "Ang aga mo namang natapos sa trabaho!" Nang marinig ang boses, lumingon si Hiraya at tiningnan ang lalaki
Biglang naalala ni Hiraya ang tungkol sa anibersaryo ng Takahashi Group kung kaya’t agad siyang nagsalita, "Tungkol naman sa anniversary niyo, wala talaga akong oras para mag-organize nito. Mas mabuti siguro na sa ibang studio niyo na lang ganapain ang event. Iyon lang at ingat ka pala sa byahe."Tiningnan siya nang matalim ni Reyko, napailing ang lalaki at umalis na. Sumunod naman si Assistant Green sa amo.Ngunit alam ng mga taong nasa mansyon ay galit ang among si Reyko base sa ekspresyon nito. Kaya naman, kahit umaga pa lang ay lahat ng katulong na naroon ay nagsitaguan. Hindi man lang makahinga ng maayos habang nakatitig sa nakakatakot na mukha ni Reyko.Hanggang sa umalis ang lalaki, saka lang lumapit sa kanya si Manang Koring at nagtanong. "Madam, mukhang nag-away po kayo ni Sir?""Hindi naman, Manang Koring. Wala naman akong lakas ng loob para kalabanin ang lalaking iyon. Gusto ko pang mabuhay ng matiwasay, ayaw ko pa pong mamatay,” pabirong sabi ni Hiraya sa matanda at ngu
Nagulat si Hiraya nang marinig ang sinabi ng kanyang asawa. “Wala," mahinang sabi niya sa lalaki."Anong wala?" Napataas ng kilay si Reyko at nagpatuloy, "Dahil ba nagtapat na sa’yo ang childhood sweetheart mo noon kung kaya’t mas nagiging cold ka na sa akin ngayon?" Habang sinasabi ito, kinuha ni Reyko ang teleponong nakapatong sa bedside table at inilagay sa harap niya, "Bakit nga ba sobrang daming lalaki ang umaaligid sa’yo? Bakit nga ba pag sa akin ang cold mo? Pero pag sa ibang lalaki sobrang tamis ng ngiti mo?” Sumingkit ang mga mata ni Hiraya at tiningnan ang litratong nasa screen ng telepono ni Reyko, sakto namang kuha iyon ng magkita sila ni Lucas at nakaakbay pa ang lalaki sa kanya. May mga anggulo rin na kinuhanan sila sa loob ng kotse. So, nasa studio ang lalaki kanina? Napabuntong hininga si Hiraya at mapait na tumawa, "Sinusundan mo ba ako?"Hindi sumagot si Reyko, tinitigan lang siya nito, "Sino ang lalaking kasama mo?""Hindi ba’t masyado ka ng nakikialam sa buhay ko
Matapos ang kanilang pananghalian ay napagkasunduan na gaganapin ang exhibit ay sa katapusan ng taon. Isa rin si Lucas sa naging estudyante ng ama nito at mahilig din sa pagpipinta. Hindi rin ito gaanong sikat sa mundo ng sining ngunit ang lalaki naman ang manager ng matanda. Hanggang sa nalaman din ni Hiraya na ang si Mr. Park at ang lolo ni Rhob ay magkaibigan pala. Alas sais na ng gabi ng inihatid ni Rhob si Hiraya sa mansyon. Ang plano ay si Lucas sana ang maghahatid sa babae ngunit bigla itong nagkaroon ng emergency kung kaya’t walang choice silang si Rhob na ang maghatid sa kanya. Ang kotse ni Rhob ay huminto sa harap ng mansyon. Lalabas na sana si Rhob nang pigilan niya ito. “Huwag mo na akong pagbuksan pa. Kaya ko namang buksan ang pinto, Rhob…”Napatitig lamang si Rhob sa kanya at huminga ng malalim. “Natatakot ka bang makita niya tayong magkasama?”Hindi na nagsinungaling pa si Hiraya at mabilis na tumango. “Ayaw ko na ring magkaroon pa ng gulo. Alam kong magagalit siya ka
Ilang araw ng nagpapahinga si Hiraya at nang gumaling na ang sugat niya sa kamay ay pumasok na rin siya sa kanyang studio. Nang makapasok siya sa kanyang studio ay tila ba ginanahan siya sa mga oras na iyon. Nakapag-alam na rin siya sa kanyang kaibigan na si Sunshine na lilipat na rin siya dahil bumalik na rin sa wakas ang studio niya. Nang makita ang tambak na dokumento sa kanyang mesa at napahilot siya sa kanyang sentido. Agad niya itong tinrabaho hanggang sa malapit na rin ang uwian, pumasok ang kanyang assistant na si Minerva at iniabot kay Hiraya ang mga dokumentong hawak nito, "Hiraya, ito na ang mga impormasyon tungkol sa year-end art exhibit at narito na rin ang mga materyales na ipinadala ni Mr. Park, pakitingnan na lang, girl!""Ah, nga pala bago ko makalimutan, paulit-ulit na tumawag ang mga empleyado ng Takahashi Group of Companies. Gusto rin nilang dito gaganapin ang charity auction event para sa anniversary celebration nila sa katapusan ng taon,. Mukhang malaki ang b
Mas lalong natakot ang mukha ni Jonah, agad na lumuhod at hinawakan ang laylayan ng pantalon ng lalaki, "Sasabihin ko na, sasabihin ko na po, huwag niyo lang ako idedepatsya... huwag muna kayong umalis, sasabihin ko sa inyo ang lahat! Pero ipangako niyo sa akin na kapag sinabi ko na ang totoo—palalayain niyo na ako at ang mga magulang ko at…” Humigpit ang hawak ng dalaga sa laylayan ng pantalon ni Reyko. “ Ipangako niyong bibigyan ako ng isang milyon..."Kumunot ang noo ni Reyko, malamig at matalim ang mga mata nitong tiningnan ang babae. Mabilis niyang inalis ang hawak ng babae sa pantalon niya kung kaya’t tumilapon ang babae sa sahig. Si Marco naman na naninigarilyo ay nakasandal lamang sa sofa, "Saan ka pupunta Reyko?" Kailan pa si Reyko nawalan ng pasensya?"Magpapahangin lang, ituloy mo ang pagtatanong dito," sabi ni Reyko.Hirap na bumangon si Jonah, gulo-gulo na rin ang mukha ng dalaga. “Kahit huwag na pala ang pera, sasabihin ko na lang sa inyo ang lahat pero please lang sa
Sa kabilang banda, hindi man lang makatulog si Hiraya, nakaupo lamang siya sa kwarto. Sa totoo lang, pagkatapos niyang uminom ng gamot, dapat sana'y natutulog na siya nang mahimbing pero hindi siya makatulog, sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata, para bang bumabalik siya sa aksidente na nangyari noon. Sobrang kalunos-lunos ang aksidente. Sinadyang binangga ng ama ni Kris ang kotseng minamaneho ni Reyko. Kung hindi dahil sa harang na nasa seaside ay nahulog na sana ang asawa. Nagmamaneho siya sa likod ng lalaki at sinunundan ang lalaki, kahit buntis siya noon ay nagawa pa rin niyang sundan si Reyko. Hindi niya alam kung bakit naisipan niyang sundan ng lihim ang lalaki pero para bang may nag-udyok sa kanya na sundan ito. Kitang-kita niya ang paghinto ng kotse ni Reyko at ang lalaki sa driver's seat ay puno ng dugo, nakasubsob sa manibela at wala ng malay. Sa puntong iyon nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita ang truck na papaandar upang banggain ang kotse ni Reyko. Agad
Agad namang inasikaso ni Rhob ang discharge papers ni Hiraya, kumuha rin siya ng gamot at handa na ring umalis. Pero pagkalabas pa lang nila ng pinto ng ward ay may lumapit na pigura sa kanila. Si Reyko ang lalaking iyon. Sa isip-isip ni Reyo, ilang minuto lang siyang nawala ngunit ma-di-discharge na agad si Hiraya? Siya ang asawa ngunit bakit hindi man lang siya sinabihan nito? Pinapunta pa talaga ng asawa niya si Rhob para asikasuhin ang papeles? Napahangos siya ng malalim at akmang hahawakan na sana si Hiraya nang bigla siyang pinigilan ni Rhob. Punong-puno ng tensyon ang paligid sa mga oras na iyon. Dumilim at tumawa ng pagalit si Reyko sa lalaki, "Dr. Rhob, saan mo balak dalhin ang asawa ko, ni hindi ka man lang nagpaalam sa akin?""Tapos na siyang obserbahan ng doktor at pwede na rin siyang lumabas ng ospital. Ihahatid ko na siya pauwi,” malamig na sagot ni Rhob."Oh, ganun ba? Kung gano’n, hindi pala okay ang ospital na ito? Kahit walang pahintulot ng pamilya, basta-basta n
Siguro’y nalaman ni Reyko ang lahat nangyari sa assistant nito. Kung hindi dahil kay Rhob, baka isa na siyang bangkay ngayon o kaya naman ay na-rape na siya ng lalaking iyon. "Pinahanap ko na ang lalaking iyon kay Marco. Huwag kang mag-alala, gagawin natin ang lahat para makulong ang lalaking iyon sa bilangguan."Malamig na tumingin si Hiraya sa asawa at napangiti ng mapait, "Patay na siya, ano pa bang gusto mong gawin, Mr. Takahashi? Baka naman gusto mong pahirapan din ang pamilya niya gaya ng ginawa mo sa akin noon?"Napailing si Hiraya sa lalaki. “Huwag mo ng gawin, maging mabait ka na lang for once. Inosente ang pamilya ng lalaking iyon…” Biglang naalala ni Hiraya ang batang babaeng umiiyak kanina. Napakuyom siya ng kamao at huminga ng malalim. "Sa huli, ikaw naman ang dahilan kung bakit nangyari iyon."Dumilim ang mga mata ni Reyko, matagal na tumitig ang lalaki sa kanya. Napahawak na lamang ito sa batok at nagsalita. "Magpapasuri ka ulit sa doktor mamaya pagkatapos noon ay u