Share

CHAPTER 2

Matapos ang nakakapagod na araw sa opisina marami na ring mga empleyado ang umuuwi dahil lumalalim na rin ang gabi.

"Uhh babe may pupuntahan pa ako mauuna na ako sa'yo mag commute ka na lang may kailangan pa ako tapusin." paalam ni Lemuel sa kasintahan niyang si Lara.

"Sige babe ingat, dito muna ako I guess need ko mag over time para matapos ko na rin lahat ng paper works dito marami pang aasikasuhin para konti na lang gagawin ko bukas." tugon ni Lara habang busy sa pag aayos ng mga papel.

"Sige una na ako." hinalikan ni Lemuel ang kanyang nobya sa pisngi at saka umalis.

Maraming beses na nag papaalam si Lemuel sa kanyang kasintahan sa hindi masabing dahilan, ngunit hinahayaan lamang ito ni Lara sa inaakala niyang mahalaga naman ang pinupuntahan nito.

Nag paiwan si Lara sa opisina dahil napag isipan niya na tapusin ang mga natitirang paper works sa araw na ito. Bahagyang umunat siya ng may narinig siyang ingay sa gilid ng silid kung nasaan siya.

"Wala naman na akong kasama dito ano kaya yun? Baka gamit lang na nalaglag." nagkibit balikat lang si Lara at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

Maya't maya narinig na naman niya na may kung anong gumagalaw sa labas ng kanyang opisina at napabalingkwas siya dahil doon.

"Alam ko wala ng tao dito teka anong oras na ba, It's already 9 pm na rin alam ko nakauwi na rin ang ibang empleyado." pagkukumbinsi niya sa sarili niya.

Patuloy lang siya sa paghahalungkat ng mga papel at ang tanging ilaw niya lamang ay lamp shade sa kanyang desk. 

Maya't maya may malakas na kalabog sa labas ng opisina at dali dali niya itong pinuntahan.

"Arayyy ang sakit!" giit ng janitor ng company.

"Jusko naman Manong Rio akala ko naman kung sino mag ingat po kayo at madulas ang sahig. Pwede na rin po kayong umuwi pagkatapos niyo diyan." Habol hininga na bulalas ni Lara dahil sa gulat.

"Sige po Ms. Lara Yves Cassidy salamat po." tugon ni Manong Rio.

"Nako manong Rio masyado naman po kayong formal. Diba ho sabi ko sa inyo Lara na lang itawag niyo sakin sa tinagal tagal mo na po dito tinuring na rin kitang parang pangalawang ama." sagot ni Lara ng may ngiti sa labi.

Kinabahan si Lara dahil akala niya kung ano na ito ang janitor lang pala ng company. Madalas ito nag o-over time para sa pamilya niya. Meron kasi siyang tatlong anak at ang dalawa ay nasa kolehiyo na. Sa sobrang tagal na ni Manong Rio sa company naging matapat ito na nagseserbisyo sa magkasintahan lalo na at maganda ang pasweldo lalong lalo na ang pasweldo nila dito.

Hindi nila hinahayaan na ma under pay ang empleyado nila kaya't lahat ay maganda ang trato sa magkasintahan.

Agad naman na bumalik si Lara sa kanyang kinauupuan at bumalik sa kanyang ginagawa. Nnag biglang tumunog ang cell phone niya at agad niya naman itong dinampot. Tumatawag ang kanyang kaibigan na si Kate.

"Hey, Kate anong meron bakit napatawag ka sa ganitong oras." nagtatakang tanong ni Lara.

"Kukumustahin lang sana kita. Miss na kita!" sagot ni Kate sa kaibigan niya.

"Nako parang may iba may nangyari no? Sabihin mo na kilala kita!" pasigaw na sagot ni Lara.

"Ah eh kasi si Charles nakipag break na sakin, nasaan ka ba shot naman tayo punta ka sa apartment ko." biglang nagbago ang tono ni Kate na halatang malungkot.

"Sige, I'll be there a half-hour." sagot ni Lara.

"Thank you besshieee sobrang maaasahan ka talaga!" sigaw ni Kate sa kabilang linya at ibinaba na ang tawag.

Inayos na ni Lara ang kanyang sarili pati ang kanyang mga gamit upang tumungo na sa apartment ni Kate.

Napansin ni Lara ang sobre na binasa niya kanina habang nag aayos siya ng mga gamit. Hindi niya maiwasan ang magtaka kung saan ito nang galing kaya itinabi niya na rin ito sa kanyang bag at tumungo sa elevator.

Habang nasa loob siya ng elevator inaayos niya ang kanyang sarili habang nag a-apply ng make up dahil haggard na siya sa tutuusin. 

Nakatingin siya sa salamin ng may nakita siyang katabi niya at nagulat siya dahil wala naman siyang kasama. Ibinaba niya ang salamin na hawak niya at dahan dahan niya ulit itong inangat upang silipin kung sino ang kasama niya sa elevator.

Pagkatingin niya nawala na ito, isang itim na anino ang nakita niya ngunit wala ng bakas nang binalikan niya na ito ng tingin. Patuloy niyang inayos ang sarili niya at nagulat siya ng biglang kumurap ang mga ilaw.

"Maayos naman ang mga ilaw kanina at lagi ito tinitignan ng mga empleyado namin bakit parang pundido na agad?" tanong niya sa sarili niya.

Nagulat siya ng biglang tumigil ang elevator at namatay ng tuluyan ang ilaw. Nagsisigaw siya sa loob ngunit wala namang nakakarinig sa kanya, kinapa niya ang emergency button ng elevator at kasalukuyang kinakapa niya ng may mahawakan siyang malamig na bagay. Bigla siyang napaatras dahil sa takot.

"S-s-sino ka? Anong kailangan mo sakin? Bakit ka nandito!" nauutal niyang sambit sa kawalan.

Hindi niya tiyak kung sino ang kasama niya sa elevator at iyon ang mas kinatakot niya. 

Biglang may narinig siyang mahinang tawa at mas labis niyang kinatakot.

"Kung sino ka man anong kailangan mo!" tanong niya sa narinig niyang boses.

"Ikaw..." malamig na tugon nito at ibinulong sa tenga ni Lara.

Tumaas lalo ang balahibo niya dahil sa malamig na tinig na iyon. Kinuha niya ang cell phone niya kahit nangangatog siya para makita lang kung sino ang kasama niya.

Pinipilit niyang buksan ang cell phone niya pero hindi ito mabuksan, ang pag kakaalam niya hindi ito low battery. Wala siyang magawa kung di kapain ang emergency button at agad niya naman itong nakapa.

Bigla niyang naramdaman ang malamig na bumabalot sa kanyang katawan at dahil doon tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Makalipas ng ilang oras nagising siya sa tunog ng cell phone niya tumatawag si Kate. Dahan dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. Nakabukas na ang ilaw at nasisilaw siya sa sobrang liwanag. Parang wala man lang nangyari.

"Hello Lara nasaan ka na? Ayos ka lang ba?" tanong ni Kate sa kaibigan niya.

Ang pagkakaalam ni Lara ilang oras na siya nasa loob ng elevator pero nang tinignan niya ang oras sa cell phone niya 9:10 pm pa lang. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas doon siya nagtaka at kinilabutan lalo.

"P-p-papunta na ako." sagot ni Lara ramdam parin ang takot sa katawan niya.

Lumabas na siya ng elevator at tumungo sa sasakyan niya papunta kay Kate.

"Sana guni-guni lang ang lahat. Baka dahil sa pagod ito naka idlip ako sa elevator ng hindi ko namamalayan." banggit ni Lara sa sarili niya.

Inisip niya na sana hindi totoo ang naranasan niya sa elevator kanina dahil hindi niya ito makakalimutan. Kung panaginip man ang lahat ito ay masasabi niyang isang bangungot.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status