Share

Drag me to Death
Drag me to Death
Author: Ara Kalliope

PROLOGUE

"Are you ready Lara? Bukas na ang kasal mo kailangan mo na magpahinga." Banggit ng mama ni Lara habang inaayos ang ibang kagamitan na gagamitin sa kasal bukas.

"Sa wakas ikakasal ka na rin anak ito ang matagal naming hinihintay ng mama mo!" Sambit ng ama ni Lara na para bang mangiyak ngiyak pa habang tinatapik ang balikat ni Lara.

Ang kasal ang pinaka hinihintay ng mga kababaihan sa talang buhay nila. Ito ang pinaka mahalaga at masayang okasyon na mangyayari sa buong buhay nila, kaya't ganoon na lang ang paghahanda sa kasal dahil isa itong magandang alaala.

"Ma, Pa magpapahinga na po ako maaga pa ang magaganap na kasal bukas ingat po kayo sa pag uwi." Sabi ni Lara habang ginagabayan palabas ang kanyang magulang, masyado na ring gabi at uuwi pa sila kaya't pinauwi na ni Lara ang magulang niya.

Mahahalata mo sa maamong mukha ni Lara na pagod na pagod siya dahil sa preparations na naganap sa kanilang kasal.

Pagkaalis ng magulang niya dali dali siyang tumungo sa kanyang kwarto at magpapahinga na sana nang natabig niya ang picture frame nila ng fiance niya at ito ay nagkapira piraso, maraming bubog ang nagkalat sa sahig.

"Masaya naman kami pero bakit nagbago ang lahat." Napasalumbaba si Lara at napabuntong hininga.

Kumuha siya ng walis at dust pan upang linisin ang nabasag na picture frame nila ng fiance niya.

Kasalukuyang mag isa siya sa kanilang bahay dahil nag paalam si Lemuel na may aasikasuhin siya sa negosyo nila sa company, at may kasabihan rin na bago ang kasal hindi dapat magsama ang magkasintahan kaya bukas na sila magkikita.

Dahil sa hindi makatulog si Lara tinawagan niya ang kaibigan niya na si Kate upang kumunsulta at humingi ng payo dito.

"Hello, Kate? Are you busy tonight? Can you visit me right now?" Aniya habang hinihilot ang sintido niya.

"Yes sure just wait for me a second." Sabi ni Kate at pinatay ang telepono.

Si Kate ang kaisa isang pinagkakatiwalaan ni Lara sa kahit anong bagay. Sa tagal ng pagkakaibigan nila kilalang kilala na nito si Lara lahat ng pasikot sikot ng ugali nito.

Bumaba si Lara upang kumuha ng tubig at sinubukan niya mag relax habang hinihintay niya si Kate.

Sinubukan niyang tawagan si Lemuel ngunit hindi ito sumasagot sa lahat ng missed call ni Lara kaya nagsimula na itong mag alala at mag duda.

Maya maya't dumating na ang kaibigan niya na si Kate at agad niyang pinagbuksan ito ng pinto at pinaghanda ng makakain.

"How are you? Bukas na ang kasal mo bakit hindi ka pa nagpapahinga?" Tanong ni Kate habang sinisilip niya ang mukha ni Lara dahil bahagya itong nakayuko.

"Hindi ko kasi alam, nag iisip ako kung itutuloy ko ba ang kasal dahil lang sa nagdududa ako kay Lemuel. Naguguluhan rin ako mahal ko siya sobra alam mo naman na gusto ko siya na ang una't huli ko kaya ko magpaka martyr sa kanya para lang manatili sa piling niya." Tugon ni Lara at nagsimula na itong humagulgol.

Sa tagal ng pagsasama nila ng fiance niya puro away at bangayan ang nangyari ngunit naaayos naman agad dahil mapagkumbaba si Lara sa magiging asawa niya.

Mabait naman si Lemuel pero minsan iba talaga magalit at grabe magselos. Maganda naman kasi talaga si Lara, may balangkinitan na katawa, maputi at magandang hugis ng labi. Mahaba ang buhok at medyo may katangkaran.

Kaya nagustuhan niya ni Lemuel noong elementarya sila dahil talented rin si Lara magaling ito kumanta at gumamit ng iba't ibang instrumento tulad ng kalimba at harp. Para siyang mistulang anghel habang tumutugtog at doon nabighani si Lemuel.

Naging magkasama sila simula elementarya hanggang kolehiyo. Medyo magkalapit rin naman ang tirahan nila dahil magkaibigan ang pamilya nila. Kaya't pinagkasundo sila ng kanilang magulang sa isa't isa.

Matagal tagal rin ang nangyaring ligawan dahil hindi pa handa si Lara pumasok sa relationship. Kahit na maganda ang pagpapalaki sa kanya si Lara ay hindi kailanman nakakaramdam ng anumang saya.

Hindi mo siya makikitang nakangiti kahit sa kanyang kaarawan. Madalas din siyang mag isa at nakamukmok sa kanyang kwarto. Doon siya sumusulat ng tula at mga kanta, minsan nga nakita ng magulang niya na may sugat sa kanyang pulso.

Si Lara ay nagtangka na rin wakasan ang kanyang buhay noong siya ay nasa kolehiyo pero palagi na lang nauudlot dahil may nakakakita sa kanyang pagtatangka siguro ay hindi niya pa oras.

"Nag away na naman ba kayo ni Lemuel?" Tanong ni Kate at agad na niyakap si Lara.

"Hindi naman pero nag aalangan ako na pakasalan siya baka magsisi lang rin ako, kaso nahihiya ako sa magulang ko at magulang niya dahil nakaayos na ang lahat." Sambit ni Lara habang patuloy na umiiyak.

"Kahit naman kasi pagsabihan kita pipiliin mo parin manatili kay Lemuel. Sa totoo lang friend masyado kang tanga at bulag sa mga ginagawa sayo ni Lemuel matagal na kitang pinagsasabihan na iwanan mo na yan pero ayan nag propose pa sayo at handa ka pa pakasalan pero kung ano anong pagpapahirap ang ginagawa sayo anong pumasok sa isip niya hambog talaga!" pasigaw na sabi ni Kate habang inaabot kay Lara ang tissue na nasa mesa.

"Masaya naman kami noong una okay naman kasi lahat hindi ko alam biglang nagbago baka dahil hindi ko siya pinagbigyan sa gusto niya." sagot ni Lara.

"Ano bang gusto niya? Hindi niyo ba napag usapan ang tungkol diyan dapat kapag mga ganyang bagay nadadaan naman sa usapan." aniya ni Kate habang nakasalumbaba.

"Alam mo naman kung gaano ka sagrado sa'kin ng kasal diba? Sobrang mapamahiin at conservative ko. " sabi ni Lara at lumingon ito kay Kate.

"Oo alam ko yun wag mo sabihing..." gulat na tugon ni Kate.

"Oo ilang beses ako piniilit ni Lemuel na ibigay ko ang kaisa isang iniingatan ko pero ilang beses ko rin siya tinanggihan." sabi ni Lara

"Wala talagang kwenta ang lalaking yan!" galit na sabi ni Kate.

"Dahil siguro doon at nanlamig siya sakin, may isang araw pa nga na tinangka niya akong gahasain buti na lang at nakatakbo agad ako palabas ng bahay namin." dagdag pa ni Lara

Halata mo sa mga mata niya ang labis na pagmamahal niya sa fiance niya ngunit kasabay nito ang pagpapahirap sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status