Share

CHAPTER 10

"Sheez, it's already 11:40. Double time, Pen!" Kabado kong sambit at itinuloy ang pagkakabit ng mga balloons sa ceiling habang si Pen naman ang nag-i-inflate nun.

Maingat akong bumaba sa pagkakatapak ko sa sofa at muling napatingin sa relo ko.

"God! Asan na ba ang dalawang 'yun? Magigising na si Lyka pero wala pa ang foods." I'm super duper really stress right now, as in!

We're almost done decorating the room but I feel like it's still not enough. I mean, hindi ganito 'yung na-imagine kong magiging itsura ng lugar. Kulang 'yung mga decorations na nabili nina Pen kaya binawi na lang namin sa balloons. Tapos medyo nasira 'yung cake dahil sa pagmamadali namin kanina. And now wala pa ang pinadeliver naming foods. Argh! This is a disaster.

"Lovely, kalma ka lang." Bulong ni Pen nang makalapit s'ya sa akin at bahagyang tinapik ang balikat ko.

"No, Pen. I can't calm down. Can't you see? Everything seems so wrong. This is a disaster! Hindi... hindi dapat ganito 'yun e," Naiiyak kong tugon sa kanya at hindi mapigilan ang panginginig ng mga kamay ko. "The.. the cake, it's ruined. We're lack of decorations. The food is still not here and... and—"

"and everything will be fine." She smiled. "Mahirap ipilit kapag hindi naman kaya. So dapat, makuntento na lang tayo kung anong nakaya natin. Minsan, it's meant to be like this." Dagdag n'ya pa.

Napatango-tango ako at pinahid ang mata ko. She's right. Hindi dapat ako mawalan ng pag-asa ngayon. Hindi ngayon kung kelan malapit na kaming matapos. Not now, Lovely. Not now.

"Saka tulungan mo na din akong magpalobo. Masakit na rin kasi sa kamay." Sabi n'ya pa na bahagyang nakapagpatawa sa akin.

"You know how to joke around now, huh?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Hindi ako nagj-joke. Masakit na talaga ang kamay ko." Depensa n'ya naman.

"Whatever you say, Pen." I teased her.

The door swung open at maingat na pumasok si Sage at Psalm dala-dala ang mga pagkain na pinadeliver namin.

"Thanks God!" I exclaimed at kulang na lang ay mapalakpak sa sobrang tuwa. Agad namin 'yung inayos sa isang maliit na table na hiniram pa namin sa utility. Puro mga healthy foods ang in-order dahil baka mapagalitan kami ng hospital. Nakalagay na din 'yun sa mga paper container para ibibigay na lang sa mga bisita.

"Oh, no." Napatigil ako sa pag-aayos ng pagkain at napatampal sa noo ko nang may maalala ako.

"Oh bakit? Kinagat ka ng lamok sa noo?" Tanong ni Psalm.

Kagat-labi akong napatili sa inis at kulang na lang ay mapa-walling ako. Ba't parang sobra naman yatang problema ang kinakaharap namin ngayon?

"Why?" Tanong na din ni Sage.

"We... we don't have visitors. Jesus Christ! Anong klaseng party 'to kung walang bisita?" Daing ko sa kanila.

"Patay, oo nga. Ang dami pa naman nitong in-oder na pagkain." Psalm agreed.

"Well, pwede namang tayo na lang ang umubos nito— oh joke lang!" Mabilis s'yang umiwas at nagtago sa likuran ni Sage nang umamba ako ng hampas sa kanya. Ayan na naman s'ya sa mga kalokohan n'ya, e.

"Where's Luisa? Wala ba s'yang sinabi kung may pupuntang bisita?" Tanong ni Sage.

"Ano... umalis s'ya kanina. Kakausapin n'ya daw 'yung doktor ni Lyka." Naliligalig kong sagot. I can't help but to walk to and fro. Saan kami hahatak ng bisita?

"Anong gagawin natin?"

"Let's find Luisa and ask her. Baka may inimbitahan s'ya kahit papaano." Suggestion ni Psalm.

"Paano kung wala?" Kontra ni Pen.

Patuloy sila sa pagdidiskusyon habang pabalik-balik ako sa kanilang harapan— thinking the best thing we can do.

"A-ate?"

Napatigil kaming lahat nang marinig namin ang maliit na boses na 'yun. Nagkatinginan kaming apat at lahat kami ay halatang gulat. Gising na si Lyka!

Mabilis akong pumunta sa tabi n'ya. Kunot-noo n'ya akong tinignan dahil siguro hindi n'ya ako kilala.

"Hello Lyka," Malumanay kong bati sa kanya. I might scare her kung full energy ko s'yang sasalubungin.

"Sino po kayo?" She innocently asked. Inilibot n'ya din ang kanyang tingin na para bang naguguluhan s'ya sa nangyayari. "Bakit po ang daming balloons?"

Tinignan ko ang mga kasama ko— that kind of stare asking for help. Should I tell her?

"E kasi may isang prinsesa na matagal ng nakakulong sa tore," Biglang pagsingit ni Psalm at naupo sa tabi ni Lyka. Nangunot ang noo ko at gusto ko na talaga s'yang hambalusin dahil mukhang nagsisimula na naman s'ya ng kalokohan. 

"Malapit na ang birthday n'ya at gusto n'yang magpa-party pero hindi s'ya pwedeng lumabas ng tore."

Suddenly, I realized what he's doing. Though I find it hilarious, nakikita ko naman na parang nag-e-enjoy si Lyka sa pakikinig sa kanya.

"Pangarap n'ya talagang makaranas ng party. Isang araw, narinig ng apat na..."

Tumingin s'ya sa amin na parang humahanap s'ya ng pwedeng mahita sa amin.

"fairies? Katulad nung fairies sa sleeping beauty?" Excited na tanong ni Lyka. Her voice even risen, kabaliktaran sa parang nanghihina n'yang boses kanina.

"Ah, oo. Narinig nung... apat na fairies 'yung dream n'ya at dahil mabait 'yung prinsesa, tinupad nung apat na fairies 'yung pangarap n'ya."

"Pero bakit dito po sa kwarto ko nilagay 'yung mga balloons?" Tanong ng bata.

"Because the sleeping princess name is Lyka." I answered her.

Gumuhit ang isang malaking ngiti sa labi n'ya at kitang-kita ko kung paano kumislap ang kanyang mumuting mga mata.

"Talaga po?"

I nodded and gently caressed her hair.

"Happy birthday, Lyka."

Narinig namin ang pagbukas ng pinto kaya napalingon kaming lahat. Sumilip doon si Luisa na nakangiti.

"Ate!" Sigaw ni Lyka at napabangon bigla.

"I have a surprise for you." Tuluyang binuksan ni Luisa ang pinto at pumasok ang dalawang batang nakaupo sa wheelchair. Sa likod nila ay suno-sunod ding pumasok ang linya ng mga doktor at nurse.

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday Lyka." They sang in unison while smiling and clapping their hands.

Pumauna si Luisa hawak ang pink na cake na may miniature ni princess Aurora. Medyo sira 'yung gilid pero hindi ko nakitang nadismaya si Lyka. Her eyes are glimmering as she blow the candle. Pumapalakpak s'ya at tumatawa.

Napahawak ako sa dibdib ko. So this is the feeling of fulfilling someone's dream, huh? Sobrang overwhelming, sobrang saya, sobrang sarap sa pakiramdam.

"Mission accomplished," Bulong ni Psalm. He's smiling gently while looking at Lyka's direction. Well, we all are. "Okay! Task 1 success na. Its time for task 2."

"Ano naman ang task 2?" Tanong ni Pen.

"I'll pass. Pagod na ako." Pagtanggi agad ni Sage.

"Me too. Kung gusto mo, mag-isa ka." Inirapan ko s'ya at sumandal kay Pen habang pinapanood kung gaano kasaya ang lahat— lalong-lalo na si Lyka.

"Sure kayong ayaw n'yo sa task 2?" Paniniguro ni Psalm.

Nagkatinginan kaming tatlo at walang pagdadalawang-isip na umiling. We've done so much just this morning. Masakit na nga ang paa ko, e. Tapos haggard na din ang itsura ko. I don't want another problem for a moment.

"O, sige. Kayo ang bahala. Ako na lang ang gagawa ng task 2 aka kain task."

Napatuwid ako ng tayo at nakaramdam ng gutom. Hindi pa nga pala kami nagla-lunch.

"T-teka—" Nagkakandautal kong usal.

"Wala akong sinabi na ayaw ko sa task 2." Sambit ni Pen at sumunod kay Psalm.

Walang sabi-sabing sumunod din si Sage. Binigyan agad ni Luisa si Psalm ng pagkain pati na rin si Sage at Pen. I heard my stomach rumbling kaya napahaplos ako dito.

"Kainis. Ba't 'di kasi sinabi kaagad kung ano 'yung task 2, tss." Padabog akong nagmartsa palapit sa kanila. I pouted as I see them eating without me. I thought we're a team already tapos iniwan nila ako.

"Oh? Akala ko ba ayaw mo?" Pang-aasar agad ni Psalm nang makalapit ako.

"Pwes mali ang akala mo."

~~

"Thank you talaga."

I lose counts how can times Luisa said that to us. Inabot na kami ng ilang minuto sa pagtayo sa may pinto ng kwarto ni Lyka dahil panay ang pagte-thank you n'ya. Hindi tuloy kami makaalis.

"You're welcome, really." Ngawit na ngawit na ako sa pag-ngiti sa kanya. Kapag hindi pa sya tumigil sa pagte-thank you baka lumaylay na ang mukha ko mamaya.

"Sige na, Luisa. Kailangan na din naming umalis, e." Paalam ni Psalm. Thank goodness!

"Ah, okay. Here, dalhin n'yo na din 'tong mga pagkain. Tinabi ko din talaga 'yan para sa inyo."

Inabutan n'ya kami ng tigi-isang paper bag. Nanlulumo namin itong inabot. Don't get us wrong. Talagang hindi na talaga namin kakayanin ang kumain pa nito. Pure vegetables kasi at... hindi na talaga gusto ng taste buds ko ang lasa.

Pilit na tumawa si Psalm habang sinisilip ang laman ng paper bags.

"S-salamat. Ang... ang sarap pa naman nito, grabe!" Bahagya s'yang tumagilid at umaktong nasusuka.

"Sige na, ha. Alis na kami. Ba-bye!" Mabilis akong tumalikod habang hatak-hatak si Pen. I can't stand another minute there. Masakit na ang paa ko.

I felt relieved nang tuluyan na kaming makapasok sa elevator. At last! Makakauwi na rin.

"I'm so tired," I pouted as I look at my poor feet habang naka-angkla kay Pen para may makapitan ako. Mabuti nalang pala nag-flat shoes ako ngayon. I can't imagine myself running to and fro wearing heels. Baka lumpo na ako ngayon.

"Partida ilang oras lang ang ginugol natin dun." Sambit ni Psalm habang tamad na nakasandal ang ulo sa wall ng elevator.

"Too much for first timers." Dagdag pa ni Sage na pirmeng nakatayo lang malapit kay Psalm habang nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng pants n'ya.

"Masaya." Simpleng usal ni Pen. I slightly laughed. Sobrang tipid n'ya talaga magsalita.

"Well, pwede na rin. Minus lang dito sa pagkain." Ani pa ni Psalm habang nakangiwi sa bitbit na paper bag. We all agreed sa sinabi n'ya at sabay-sabay na natawa.

Hindi ko inalis ang pag-angkla ko sa braso ni Pen kahit nakalabas na kami ng elevator. We are almost in the entrance nang makita namin ang director. Automatic akong napahinto at nagtakip ng mukha. Nakakahiya! Kung ano-ano pa namang sinabi ko kanina.

Tumama sa amin ang tingin n'ya. Those piercing eyes are like stabbing us to death.

"Oh bakit?" Tanong ni Pen nang hindi ako gumalaw.

"‘Yung masungit na director." Bulong ko habang pilit na tinatakpan ang mukha ko ng aking buhok.

"Sage!" Dinig kong pagtawag ni Psalm kaya bahagya akong sumilip. Nakita kong pumunta sa direksyon ng director si Sage. Nahatak ako ni Pen nang maglakad s'ya bigla palapit kaya hindi ko nagawang makapalag.

"Dr, Yuzon, the patient was so happy. Gusto po naming magpasalamat for giving us time to fulfill her dream." Malumanay pero parang bagot na sabi ni Sage sa director.

"Here, pinabibigay po nila to thank you." Inabot n'ya ang bitbit n'yang paper bag na binigay kanina ni Luisa. Matapos tanggapin ito ng nakasimangot na direktor ay dire-diretso na s'yang lumabas kaya patakbo kaming humabol sa kanya.

Paglabas palang namin ng pinto ay sabay-sabay kaming sumigaw at nagreklamo kay Sage.

"Ang daya mo Sage! Dapat binigay mo na din 'yung amin!"

Now, may maidadagdag na ako sa description ko sa kanya. Isa s'yang maparaang unggoy.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status