Share

CHAPTER 9.3

[LOVELY's Point of View]

"Sage, let's go. Wala tayong mapapala sa mga taong inconsiderate at hindi marunong umintindi."

Hinila ko ang braso ni Sage para sana umalis na but he didn't budge. Napakunot tuloy ako ng noo at binalingan s'ya ng nagtatanong na ekspresyon pero diretso lang ang tingin n'ya sa direktor. 

Goodness, Sage! Bat di ka gumagalaw? May balak ka bang mag-stay sa impyerno kasama ang servant-like ni Satan?

"Sage—"

"If you don't mind Dr. Yuzon, meron ho ba kayong anak o kahit na sinong bata na malapit sa inyo?" Napatigil ako nang biglang nagtanong si Sage.

Tinignan ko ang walang pakundungang direktor. I saw his expression slightly soften and his eyes startled. Siguro dahil he didn't expect that question from Sage.

"I bet there is." Sage deduced. 

"Isipin n'yo ho na humiling ang batang 'yun sa inyo ng isang bagay na gustong-gusto n'ya but then, you know you can't give it. Alam n'yo ba ang mararamdaman n'ya?"

I can't believe I'm seeing him talking like this. Hindi ko inakalang may ganitong side si Sage. He seems to be emotionless when I saw him for the first time— which was yesterday, na parang wala naman talaga s'yang pakialam sa mundo. Pero ngayon, wow— just wow.

Hindi pa rin sumagot ang direktor. He was just glaring at us. 

"Did I asked the wrong question, sir? I'll rephrase it for you. Would you even care for that child's feelings?"

"How dare you!"

Napatago ako bigla sa likuran ni Sage nang sumigaw at halos matumba ang table ng direktor sa kanyang padabog na pagtayo. Mukhang na-trigger s'ya sa tanong ni Sage. Triggered na gigil pa?

"You don't know me, young man kaya 'wag mo akong husgahan! You can say things about my credibility and reputation in this hospital but you will never have the right to judge me being a father." Gigil na gigil n'yang asik habang nakaduro kay Sage.

"I am sorry, Dr. Yuzon. I was just asking. Hindi ko po intensyon na bastusin kayo." Kalmado pa ring sagot ni Sage. Ni hindi nga lang s'ya gumalaw habang nakikipag-usap sa direktor. Isa ka talagang bato, Sage! Isa. Kang. Bato!

Napapiling sa isang gilid ang ulo ni Dr. Yuzon at panay ang paghinga ng malalim. Siguro kinakalma n'ya ang sarili n'ya. Mabuti naman.

"Just leave my office now." Matigas pa din n'yang turan sa amin pero sa paraang hindi na pasigaw.

"We came here with a firm intention. Naipangako na ho ng kasama ko na maibibigay namin ang pangarap ng pasyente sa room 401. We can't go back to that room with an unfulfilled dream and a broken promise."

Halata ang pagkapikon sa mukha ng direktor. Napapikit s'ya ng mariin at napahilot sa sentido.

"1 pm. Now leave my damn office."

At first, naguluhan ako sa sinabi ni Dr. Yuzon. But when Sage said thank you to him, doon ko na-realize ang ibig n'yang sabihin.

"I will gladly tell the celebrant that the director made her dream come true. Thank you again, sir."

Dire-diretsong tumalikod si Sage at kinailangan ko pa s'yang habulin dahil it almost took me a minute bago masabayan ang mga nangyari.

"Oh my God. Did... did he... Jusko! Pinayagan n'ya tayo?!" Hindi ko makapaniwalang tanong habang papunta kami sa elevator.

"Half-heartedly, yes." Sagot ni Sage sa usual na walang emosyon n'yang boses. Bigla akong napatili at hindi napigilang mapatalon sa sobrang saya. It was like oh my G to the O to the D! Nagawa namin! Napapayag namin ang director sa birthday party ni Lyka!

"Hey," Saway sa akin n'ya sa akin dahil napapatingin ang mga dumadaang nurse but I ignore him. I'm so happy!

"You're brilliant, Sage! Ang galing-galing mo!" Hindi ko napigilan ang sarili ko at yinakap ko s'ya habang tumatalon.

"Okay, that's enough."

Tinanggal n'ya ang braso ko sa leeg n'ya at inilayo ako. Hmp, kill joy!

"He gave us until 1 in the afternoon. Mag-e-eleven na." Dagdag n'ya pa matapos sumilip sa kanyang wristwatch.

"God! Oo nga pala. Let's go!"

Halos hatakin ko s'ya papasok ng elevator at kulang na lang ay masira ang buttons nun dahil sa pagpindot ko. We have a limited time. I just hope Pen and Psalm are already done planning for the party.

"Wait!" I stopped Sage from opening Lyka's room for a moment. "Let's surprise them. Papasok tayo like we failed to convince the director then kapag naniwala na sila, saka natin sasabihin na it was just a prank. Sounds fun, right?" Excited kong pagyaya kay Sage with my brows bobbing pa but he just looked at me with his usual boring expression.

"Okay, sige. I'll take that expression bilang isang malaking yes." I said, pointing his face, before facing the door again. Ako na ang humawak ng door knob at huminga muna ng malalim bago ito ipihit.

Automatic na lumingon silang lahat sa amin. And before I could say anything, napatili na ako at napatalon. Kinailangan ko pang takpan ang bibig ko dahil sa natutulog na si Lyka.

"Anong... nangyari?" Tanong ni Pen. Patalon-talon akong lumapit sa kanya at mahigpit s'yang yinakap.

"We did it! Pumayag ang director!" Pabulong at pigil kong tili. Napangiti din si Pen. As in 'yung ngiting kita ang ngipin. "Oh my gosh, I'm so masaya~"

"Really? Y-you mean matutuloy ang birthday party ni Lyka?" Maluha-luhang tanong ni Luisa. Masaya akong napatango ng paulit-ulit at halos matanggal na ang ulo ko.

"Pupusta ako si Sage ang nakapagpapayag dun." I glared at Psalm. Ayan na naman ang pagka-kontrabida n'ya.

"Oo. E, ano naman? I also exerted my efforts para pumayag 'yun no!" Naka-taas kilay kong sagot.

"The director gave us until one pm. We should keep on moving." Sambit ni Sage para hindi na pahabain ang nagbabadya na pagtatalo na naman namin ni Psalm.

"Naka-plano na din lahat." Ani Pen at inilabas ang isang papel.

"Great, let's do this." Matapang kong pagyayaya with matching taas-kamao pa.

"Ahm guys? Ngayon pa lang I wanted to say thank you," Luisa burst into tears. "Sobrang halaga lang talaga nito para sa kapatid ko. Thank you, maraming salamat talaga."

"It's our job. It's our duty." I simply said and patted her shoulder.

She nodded wiped her tears.

"Do you need a ride? You can use my car." She insisted. Kinuha n'ya ang susi sa kanyang bulsa at inabot sa amin.

"Ako na magd-drive!" Halos sumigaw na si Psalm nang kuhain ang susi. Hindi naman obvious na excited s'ya, no?

"Okay. Hintayin ko na lang kayo dito. Wala kasing magbabantay sa kapatid ko. Okay lang naman 'yun, 'di ba?"

"Of course!" I exclaimed. "And by the way, anong oras kaya s'ya magigising?"

"Siguro mga 12 na."

"Geez, we really have a limited time." Bulong ko. Halos isang oras lang din ang magiging preparation namin. Plano kasi naming kapag nagising s'ya, handa na ang lahat. In that way, masu-surprise namin s'ya.

"Sa tingin ko, dapat mag-umpisa na tayo ngayon." Suggestion ni Pen.

Nagpaalam na agad kami kay Luisa at mabilis na pumunta sa parking lot. Nahanap naman namin ang kotse n'ya at dali-daling sumakay doon. Psalm is on the driver's seat, Sage is on the passenger side at kami naman ni Pen sa backseat.

"What's first on your list?" Tanong ni Sage nang magsimulang umandar ang sinasakyan namin.

"Food." Sagot ni Psalm. "Napagdesisyunan naming magpadeliver na lang sa isang restaurant na nagse-serve lang ng mga vegetable based food na suggested din ni Luisa. Pen—"

"Tapos na. Naka-order na ako." Mabilis na sagot ni Pen habang busy sa cellphone n'ya.

"Nice, Pen." Puri ko sa kanya. "What's next?"

"Cake." Usal ni Pen.

"That's where we are heading now." Dagdag na din ni Psalm. "Dito!"

Ipinarada ni Psalm ang kotse sa harap ng isang bakeshop at dali-daling bumaba ng sasakyan.

"Does he know kung anong klaseng cake ang gusto ni Lyka?" Nagd-doubt kong tanong kay Pen. She just shrug her shoulders.

Ilang minuto din ang lumipas bago bumalik si Psalm at muling binuhay ang makina ng sasakyan.

"Ready for pickup na daw 'yung cake 'pag balik natin." Ani n'ya.

"Anong klaseng cake ang pinagawa mo?" Tanong ko.

"Basta cake," parang balewala lang n'yang sagot kaya sinipa ko ang upuan n'ya.

"Anong basta cake? Don't you know na essential ang cake sa birthday ng isang bata?" I stressfully said. "Anong design ang pinagawa mo, ha?"

"Spiderman— aray!" Sigaw n'ya nang hampasin ko ang kanyang balikat.

"What the hell, Psalm? Anong Spiderman?!" Asik ko at halos panlisikan s'ya ng mata.

"Joke lang kasi! Napaka-brutal mo talaga."

"Sumagot ka kasi ng maayos!"

"Pakitigil muna ng kotse." Agad itinigil ni Psalm ang kotse nang sabihin ito ni Pen.

"Gusto mo samahan kita... Pen?" Halos ibulong na lang ni Psalm ang huling word n'ya nang dire-diretsong bumaba si Pen at pumasok sa isang store. "Sabi ko nga, hindi."

"Ano sabing design ang pinagawa mo sa cake?!" Muli kong hinampas si Psalm sa braso. Hindi ako papayag na basta basta lang ang cake na dadalhin namin d'un sa bata.

"Aray! Enjoy na enjoy ka sa paghampas sakin, no?" Pamimilosopo n'ya. Aamba lang ako ng isa pang palo pero mabilis na s'yang umiwas.

"I'll accompany Pen." Paalam bigla ni Sage at bumaba din ng kotse.

"Tignan mo, na-OP tuloy si Sage. Dapat kasi pati s'ya hinahampas mo." Paninisi ng kupal na si Psalm kaya muli kong sinipa ang inuupan n'ya.

"Gusto ko lang malaman kung anong design nung cake for God's sake! We can't just bring a cake to her. It has to be special—"

"‘Yung princess na naka-pink, okay? 'Yung prinsesang tulog. Ayun daw ang paborito nung bata sabi ni Luisa. Okay  ka na? Happy?" Pagputol n'ya sakin at bakas ang pagkapikon.

"You don't know who's that princess is?" Gulat kong tanong at halos humagalpak ako ng tawa. Kaya ba hindi n'ya masabi sa akin ng diretso?

Nakabalik na sina Pen at Sage na may dalang box ng decorations. Kunot-noo nila akong tinignan dahil sa hindi ko mapigil na pagtawa.

"Guys, guess what? Hindi n'ya alam kung sino si sleeping beauty!" Halakhak ko pa habang tinuturo si Psalm na nakasimangot lang sa akin. How silly.

"Imagine, hindi n'ya kilala si Ariel!" I laughed more at hinampas-hampas pa si Pen. Too bad hindi nila ako sinasabayan. They were just staring at me like I am possessed or what.

"Ah, Lovely? Aurora ang pangalan ni sleeping beauty. Si Ariel 'yung little mermaid." 

Napatigil ako sa pagtawa sa sinabi ni Pen. Wala pang isang segundo at halakhak naman ni Psalm ang namayani sa kotse— mas hysterical pa sa tawa ko.

"Guys, guess what? Hindi n'ya alam kung sino si sleeping beauty!" Panggagaya n'ya sa sinabi ko kanina pati na ang boses ko at muli s'yang humagalpak ng tawa.

Inis kong sinipa ulit ang inuupuan n'ya.

"Nakakatawa? Nakakatawa?" I asked sarcastically.

Sinagot n'ya lang ako ng tawa. Ang hindi ko lang matanggap ay pati si Pen ay bahagya ding natawa even Sage! I saw his shoulder bob. Argh!

"Wala na tayong oras! Magdrive ka na, manong."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status