Share

CHAPTER 15

[PSALM's Point of View]

Minsan talaga mapapa-isip ka na lang kung para ba sa iyo ang isang bagay na meron ka. Katulad na lang ngayon, hindi ko maiwasang isipin kung para ba talaga sa akin ang pagtugtog at pagkanta. Sa mga nangyayari kasi, parang pinare-realize na sa akin ng universe na katangahan ang maging proud sa talent na mayroon ako.

"Wala kang racket ngayon, Psalm?"

Napatigil ako sa pagsta-strum ng gitarang hawak ko nang sumulpot sa harap ko si Miss Maggie. Umayos ako ng upo at inilapag ang gitara sa round table.

"Meron po Miss M. Pero mamaya pa naman 'yung alas-sais," sagot ko.

Umupo s'ya sa tabi ko at ibinaba sa table ang bitbit n'yang teacup. Agad na rumehistro sa ilong ko ang amoy nito kaya nalaman ko agad na camomile ang tea na laman noon. Sa paulit-ulit kong pagse-serve, naging pamilyar na sakin lahat ng drinks dito.

Sa ngayon, free

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status