Share

Chapter 1

Working Experience

Panlulumo, yan ang itsura ko ngayon kung sakali man makita ko ang sarili ko sa salamin. Lumabas na ang resulta ng entrance exam but I hurt deep inside because this is the last university I applied. Ang daming requirements kasi kung sa Manila ako magapply ng admission for the collage eh.

Dumating ako ng bahay galing sa pinapasukan kong school this senior high school actually I already graduated and waiting the result of entrance exam in NEUST but I failed.

"Oh anong plano mo Zoey?" Bungad ni Mama. Sinabi ko na kay Mama ang nangyari.

"Hihinto muna ako pansamantala Mama" nanlaki ang mga mata ni Mama.

"Zoey naman pwede ka naman magapply sa ibang school" rason ng nanay ko.

"Ma, wala nang bukas na admission sa ibang public university, next school year pa or sa december pa." Paliwanag ko.

"Pero....." di ko na tinuloy magsalita si Mama.

"Ma, ngayon lang saka gusto ko muna magpahinga baka po mabaliw na ako nyan" seryoso kong sabi at may halong joke pero it's true naman eh. Masyado na ako nasuffocate dahil sa stress sa school.

"O siya bahala ka desisyon mo naman yan." Ngumiti na lang ako kay Mama.

Sinabi na nga ni Mama kay Papa ang tungkol sa paghinto ko muna pagsamantala dahil na rin sa rason ko.

Ang sinabi lang ni Papa ay hayaan mo muna ako dahil alam niya ay stress ako sa school dahil graduating nga ako ng Senior High.

Ilang buwan lang ang nakilipas ay September na. For the last 2 months ay naboboring ako sa bahay. I always see na may nagtatrabaho na sa mga mall for being sales lady, in the grocery for being cashier or any job na kaya ng katawan na kasing edad ko.

Kumakain kami ng mga dati kong classmate nung grade 10 sa night market. Mukhang pinapayagan ako ng mader ko dahil sa di ako mahilig gumala kung saan-saan dahil behave akong anak at di pasaway.

"Lalim ng isip natin ah" si Rodelyn ang bumasag sa pag-iisip ko.

"Hmmm..... naisip ko lang kung magtrabaho kaya ako. Gusto kong maranasan magtrabaho man lang." Muntikan na nila mabuga ang kanilang iniinom.

"Hoy! Zoey akala mo ba madaling magtrabaho?" Umiling ako.

"Alam mo naman pala eh"

"Alam niyo gusto ko lang naman maranasan magtrabaho kahit tutor o sales lady ganun" dahilan ko.

"Hmmm.... sa tingin ko pwede naman eh pero ang tanong papayagan ka ba ng parents mo?" Napaisip ako sa sinabi niya.

'Oo nga noh pero kukumbinsihin ko naman sila eh'

"Kaya ko na yun pero may alam ba kayong mapapasukan na trabaho?" Muntikan na silang matumba sa kinauupuan nila.

"Anak ng! Zoey nagdesisyon kang magtrabaho para sa experience tapos di mo alam kung anong pwedeng mapasukan ng trabaho" napakamot ako ng ulo.

"Eh kung sakali man may alam kayo eh" dahilan ko.

"Meron kang mapapasukan doon sa Rosavenille Resort bilang extra services" binatukan ko si Jessie.

"Seryoso kasing trabaho hindi maging magdalena!" 'kahit kailan ang pangit niyang magbiro'

"Pero yun seryoso" dahilan pa niya.

Simula nung nalaman namin yung little dirty secret ng Rosavenille resort ay nagiging interesado na siya sa mga ganun. Kahit nalaman din yung little dirtt secret ng resort na yun ay ganyan na ang ugali ni jessie. Walang filter ang bibig.

"Hoy Jessie wag mo nga isama si Zoey sa mga kalokohan mo" sermon ni Felix.

"Bakit nagsuggest lang ako ah" feeling inosente ang bruha.

"Suggest ka dyan, ipapahamak mo lang siya eh" tuluyan na nagbangayan ang dalawa.

"Opps tama na nga yan pero Zoey sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Tumango ako.

"O siya support ka namin dyan saka magtitingin-tingin din ako sa amin baka may makita akong bakante na pwede mong mapasukan" tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Salamat, Rodelyn ah" ngumiti siya sa akin.

"Oh girl eto na ang ihaw ihaw jusko makakain sa wakas" tumawa na lang kami dahil ngayon lang ulit nakakain si Jessie ng ihaw ihaw dahil malayo ang bahay nila sa mismong nagihaw ihaw.

Naging masaya ako dahil mayroon akong naging kaibigan kahit ngayon lang sila dumating sa buhay ko. I was lonely that time and naranasan ma-bully but di ko na lang pinansin baka sila pa maging hadlang sa pangarap ko.

Kakauwi ko lang sa bahay at pumunta na sa kwarto upang magbihis. Nagtingin tingin muna ako sa mga social media pero may nakapukaw sa aking atensyon.

'New hired maid?'

Hinanap ko kung sino naghahanap.

'Lessandra and Valerio Wattson'

'Shems! Parents 'to ni Levis Wattson! My ultimate crush'

'For details called this number 09********'

'Try ko nga tawagan'

Tinawagan ko ito at kabutihang palad ay may sumagot na rin.

"Hello po" bungad kong tawag.

"Hello rin ikaw ba ay magaapply?"

'Shems! This is it na!'

"Yes po ahm actually po nakita ko lang po sa post po kanina kaya tumawag po ako ngayon sa inyo." Paliwanag ko.

"O siya sige kakausapin ka ni Ms. Lessandra bukas at iremind kita be alert anytime kapag di mo sinagot ang tawag ni Ms. Lessandra ay tatawag na lang sya sa iba upang kausapin niya. Maliwanag ba?" paalala ng kumausap sa akin.

"Opo! Opo! Noted po" binaba na niya ang tawag sa sobrang excited at kilig ko ay napasigaw na lang ako.

"Wahhhh!!!!!" Tili ko pero tumigil lang ako ng may kumalabog sa pintuan ko.

"Zoey! Ano na naman ba yan!" Kumatok ng malakas si Mama sa pintuan ko.

"Ma! Wala po may...........ipis lang po rito biglang gumapang sa mukha ko" 'Lintek na palusot!'

"Jusko naman Zoey maglinis-linis ka nga ng kwarto! Nagkakaroon lang ng ipis ang kwarto niyo dahil sa mga kalat niyo! Maglinis ka dyan! Magbubunganga na naman ang ate mo kapag umuwi na yun!" Umalis na si Mama.

Wala ang sisteret ko may trabaho sa hospital kaya ganoon na lang kadiwara yun kapag nadadatnan niya makalat ang kwarto namin.

Pero..... I'm so kilig!

'Zoey be alert ah! Para ito na yung chance na makasama sa iisang bubong ang ultimate crushie mo'

Magpagulong gulong na lang ako sa higaan dahil sa sobrang kilig.

Kinabukasan ay gumising talaga ako ng maaga dahil baka tumawag si Ms. Lessandra ay di ko masagot dahil tulog pa ako at di ako magising dahil sa pagiging tulog mantika ko.

Nagluluto ako ng agahan namin dahil nasa tindahan na si Mader at nagaayos na ng paninda while my father ay di pa tumatawag dahil nasa trabaho pa ito.

OFW ang papa ko at kaming tatlo na lang ang nagaaral sa amin pero yung isa ay di pa nagaaral dahil ilang buwan pa lamang iyon pero magastos yun dahil sa pambili ng diaper at gatas ng ubod ng mahal ay di sasapat ang 5,000 pesos dun.

'Magandang blessing nga naman daw'

Pero labs na labs ko naman yun eh.

"Bakit kaya ang tagal?" I check everytime my phone baka magbakasakaling may tumawag na.

"Zoey! Tapos ka na ba magluto tingnan mo muna si Rane baka gising na yun at pakigising mo na si Zane malalate na naman yun" tumango ako.

Pumasok na ako sa loob syempre uunahin ko muna si Rane baka umiiyak na naman yun eh. Ganun siya everytime na gigising siya ng maaga ay iiyak na lang siya.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto ay naabutan ko na gising na ang bulilit.

Inaangat ang dalawa niyang maliliit na braso na sumisenyas na bubuhatin siya.

"Tara na gisingin natin si Kuya baka malate siya sa school" di ko muna inayos ang higaan nila dahil gigisingin ko pa ang senyorito namin.

"Zane! Gumising ka na malalate ka pa!" Bulyaw ko.

Pero ang senyorito ay tulog pa rin.

"Wag ka nang pumasok ah! Kung gusto mo tanghaliin ng gising dyan!" sermon ko. Parehas na kami ni Mama na madiwara at masungit. Slight nga lang ako.

"Eto na babangon na" bumangon na ito at inayos ko na ang higaan nito.

Pumunta ako sa kusina baka magbakasakali man lang ay tumawag na si Ms. Lessandra ay wala pa rin tawag.

Hanggang sa tanghali ay wala pa rin tawag at umabot na ng hapon ay wala pa rin. Bigla akong nanlumo.

'Baka may nakita na sila kaya di na sila tumawag sa akin.' Di ko na inintay pa at nagumpisa ng magluto ng hapunan.

Matapos akong magluto ay pumunta muna akong tindahan upang magbantay dahil si Mudra ay nagaasikaso kay Rane.

Habang nagscrolling ako ay di ko maiwasan di kiligin dahil sa unang bukas ko ng I* ay si Levis Wattson na ang naging bungad ko sa mismong feed ng I*.

'Sana naman matupad na yung dreams ko na makasama ka!'

Habang tulala akong nakatingin sa napakagwapong mukha ni Levis ay may biglang tumawag sa akin.

"Shet! Istorbo naman oh! Nagday dream pa ako eh!" Wala akong choice kung di sagutin ang tawag.

"Hello po" kahit bad trip ako ay may paggalang at respeto naman ako sa ibang tao.

'This is Zoey Gail Lacoste" bungad nitong sabi.

"Yes po sino po sila?" Takang tanong ko.

"This is Lessandra Wattson"

'Wait Lessandra Wattson? Kyahhh!!!!!' Gusto kong sumigaw pero wag na lang.

"Hehehe.... Hello po Ms. Lessandra ako nga po si Zoey Gail Lacoste po." Di ko tuloy kayang maexcite.

"Pagpasenya mo na sana ah kasi busy na rin kami eh but sana interested ka pa rin dahil you're the one na makakatulong sa akin"

"Ms. Lessandra wag po kayong mag-alala interesado pa rin po naman ako kahit papaano." Ngumiti ako kahit alam ko na di ako makikita ni Mam Lessandra.

"Saka iha wag na Miss, Mam na lang baka bumata ako niyan" biro ni Ms. Lessandra este Mam Lessandra.

"Sige po Mam Lessandra" nahihiya kong sabi.

"May short interview lang kami okay" paliwanag ni Mam Lessandra.

"Okay po" sagot ko

"Taga saan ka nga pala iha?" Tanong niya. Nagumpisa na ang short interview

"I'm from Nueva Ecija po Mam Lessandra" 'Ilan taon ka na pala?' Grabe need ba ganyan ay oo nga pala wala pa pala ako naipasang documents.

"18 po Mam" maikling tugon ko.

"Masyado ka pang bata iha. Kaka-18 mo palang ba?" Tanong niya.

'Mukha ba akong bata?'

"Ay opo nung July lang po Mam" napa "ahhh" na lang si Mam Lessandra.

"Okay, I have a question for you and be responsible to your answer okay"

"Yes po mam" sagot ko

"Why are you taking this job?" Seryosong tanong ni Ms. Lessandra.

Bumuntong hininga muna ako bago ko sagutin ang tanong niya.

"Because......." di ko alam ang sasabihin ko. Kinakabahan talaga ako.

"Ehem..... dahil gusto ko pong makatulong sa family ko at pantustos sa pag-aaral ko." Seryosong sagot ko.

"My follow up question: are sure na ginagawa mo lang ito dahil gusto mo makatulong sa family or dahil sa anak ko kung bakit ka magtatrabaho bilang maid sa bahay. You know Levis right?" She said.

'Dream ko yun na makasama si Levis Wattson kaya lang mas pioritize kong magtrabaho at mag-ipon ng pera para sa pantustos sa pag-aaral ko para di na ako humingi pa ng pera kapag papasok na ako next school year.'

"Alam ko po siya at kilala pero hindi lang po ang dahilan kung bakit ko gustong magtrabaho dahil gusto kong magiipon para sa pag-aaral ko at makatulong sa kanila para naman di sila mahirapan sa akin. Kahit na yung tatay ko ay OFW at ang nanay ko ay may-ari ng sari sari store ay di ko kayang umasa sa kanila habang buhay. Nasa tamang edad at pag-iisip na ako at alam ko kung ano yung tama o mali kaya kahit man mahirap ay kakayanin ko basta patunayan ko lang na nagkapagtapos ako ng hindi umaasa sa magulang ko po."

Mahaba-habang paliwanag.

"Very good iha, You're such determine what you say iha" sabi ni Mam Lessandra sa kabilang linya.

'Di po ako nag-isip ng sasabihin kusang lumabas sa bibig ko' di ko na sinabi baka maoffend si Mam Lessandra.

"Okay, so....." bitin ni Mam Lessandra.

Medyo kinakabahan ako ng sasabihin ni Mam Lessandra.

"I was impressed in your answer iha and you are the last one na pag-asa ko pero na-touch ako sa mga paliwanag at sagot pero......" papuri niya sa akin pero bigla itong nanahimik sa linya.

"Alam na ba ito ng parents mo tungkol sa pagtatrabaho mo?" Biglang kaba ko nung banggitin ni Mam Lessandra ang tungkol sa pagtatrabaho ko.

"Di pa po pero susubukan ko pong kumbinsihin sila para na rin naman po sa kanila para mabawas-bawasan yung gastusin po nila para sa akin eh" paliwanag ko.

"If ever your parents is allowed to you to work call me okay." Sabi niya.

"Okay po Mam Lessandra" ngumiti ako. 'Wait! Tanggap na ba ako?'

"Mam Lessandra tanggap na po ba ako?" Takang tanong ko.

"Hmmm..... kapag pinayagan ka ng parents mo you now come in Laguna" di ko mapigilan ang ngumiti.

"Talaga po?" Tuwang tuwa kong sabi.

"Yes" ngumiti ako ng malaki kahit alam ko hindi niya ako nakikita.

"Kapag pinayagan ka na at pumunta rito sa Laguna ay gusto kong malaman lahat-lahat tungkol sayo Zoey" sabi ni Mam Lessandra.

"Pero bakit po agad-agad niyo akong tinanggap di ba po sinasabi niyo po na tatawagan niyo na lang po ulit kapag nareview na po yung information tungkol sa mga magiging bagong maid?" Duda kong tanong.

"Dahil may nakita ako sayong kakaiba at sa mga naging sagot mo" naging seryoso si Mam Lessandra.

"Ano po yun?" Takang tanong ko.

"Dahil sa pagiging determinasyon mo at sa pangarap mo sa buhay ay alam ko na marami kang mararating balang araw at yun ang nagustuhan ko ang pagiging masikap at matatag at di kailanman umaasa sa iba"

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status