Dream To Be With You

Dream To Be With You

last updateLast Updated : 2024-03-11
By:  marupoknakyut16Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
22Chapters
1.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Zoey Gaile Lacoste, a girl who full of dreams but when the comes of result of her entrance exam is she did not passed and she need to wait until next year before another take for entrance exam in collage. She wants to experience to work but one day she's scrolling in her instagram and she see the hire maid of Wattson Family. In the first place she's know that mother of her celebrity crush that her dream is her boss. Pero nagulat siya nang nalaman niya na ang kanyang celebrity crush ang magiging boss niya at di ang pamilya ng crush niya ang kanyang pagsisilbihan pero mas nakakagulat ang kanyang nalaman di lang pala ang kanyang boss ang paglilingkuran at aalagaan niya kung di ang pagiging babysitter ng anak nito. Tatagal pa ba siya sa piling ng kanyang celebrity crush kahit nalaman niya na nakikita lamang ito dahil sa katauhan ng ina ng kanyang batang inalagaan. Kaya niya bang iwanan ang batang inaalagaan at napamahal na sa kanya para lang sa pangarap niya na matagal na inaasam?

View More

Chapter 1

Prologue

"Kailangan mo na ba talaga umuwi ng Nueva Ecija?" Di na ako nagulat sa tanong ni Ate Mandy.

"Ate napag-usapan naman po namin ni Mam Lessandra tungkol rito kaya kahit mahirap po ay kinailangan ko na po bumalik saka po yung po kasi ang usapan namin ni Papa na papayagan niya po akong magtrabaho dito basta babalik po ako kapag malapit na yung next school year saka po nakapasa na po ako sa entrance exam di lang po sa NEUST kung di sa CLSU sa Muñoz po" mahabang paliwanag ko.

"Eh papaano si Levin?" Umupo ako at nagiisip kung paano mapapaliwanag ang lahat. 

"Di ko po alam ate?" Yumuko na lang ako dahil sa sobrang gulo ng isip ko.

"Ang tanong nasabi mo na ba kay Sir Levis tungkol dito" umiling ako.

"Ate gustuhin ko man pong sabihin kaya lang pinigilan po ako ni Mam Lessandra sabi niya po siya na daw ang bahala" paliwanag ko.

"Zoey, kailangan mo nang sabihin kay Levis ang lahat dahil alam mo naman na ayaw niya sa mga taong sinungaling palagi ko naman sinasabi sayo di ba?" tumango ako.

"Manang ang hirap po kasing sabihin sa kanya dahil po palagi niya po akong binibigyan ng mixed signal na lalo ko po ikinagulo ng isip ko. May time na kapag kausap ko or kasama ko si Hance ay lagi niya sinasabi sa akin na "please avoid him" syempre po sino po ba ang di aasa na baka nagseselos siya, na di niya ako kayang makitang may kasamang iba. Ang hirap po kasing umasa lang sa mixed signal niya." madamdamin kong sabi. Niyakap na lang ako ni Manang.

"Shhss pero kahit ganun ay kailangan mo na rin sabihin alang ala sa bata" napatango ako.

"Anong sasabihin mo Zoey?" bigla akong nanigas dahil nasa likod namin si Sir Levis at nakasandal sa pader ng kusina.

"Zoey" napalunok ako at napatingin kay Manang pero tumango na lang siya na senyales na sabihin ko na sa kanya ang lahat. Akmang magsasalita na ako ng sumingit si Mam Lessandra.

"Ako na ang kakausap Zoey"  natahimik na lang ako.

"Anong sasabihin mo Mom?" bigla akong kinabahan.

"In library Levis" tumalikod na si Mam Lessandra at sumunod na si Sir Levis.

"Sundan mo na Zoey, kami na ang bahala kay Levin" tumango ako at sinundan sila.

 Pagkarating ko sa library at akmang kakatok ko ang pintuan ng library ay may narinig akong pagtatalo. Binuksan ko ng konti ang pintuan

"Why didn't tell me about this from the start Mom?" galit niyang sabi.

"Dahil......" di na rin alam ang sasabihin ni Mam Lessandra.

"What?"

"Dahil ayokong isipin niyo na panandalian niyo lang siya makakasama"

"But Mom sa tingin mo ba di kami mahihirapan 'pag umalis na si Zoey lalo na't masyado nang close na sila ni Levin"

"I know son I know kaya nga nakiusap ako kay Zoey na wag na munang sabihin sayo kahit gusto na niyang sabihin sayo" napahilamos na lang siya sa mukha.

"And Levis"

"What?"

"Tell me the truth, why are you being like this?" bigla akong nagulat sa tanong ni Mam Lessandra.

"Like this what?"

"A jealous man, sa tingin mo ba di ko napapansin ang sama ng titig mo kay Hance tuwing kausap siya ni Zoey and you always said na please avoid him. When we vacation in El Nido nahuli kayo ni Lexie na magkahawak ang kamay niyo habang pabalik sa resort natin. Yung pagiging sweet mo sa kanya, napapansin ko din iyon. Tell me Levis, do you like Zoey?" nanlaki ang mga mata ko dahil sa diretsong tanong ni Mam Lessandra.

'Napansin pala ni Mam yun'  Pero di ko inaasahan ang sagot niya.

"No, I don't like her Mom" bigla akong natulala.

"You don't like her pero kung kumilos ka na parang aagawan ka ni Hance. Sabihin mo nga kaya ka ba ganyan sa kanya dahil nakikita mo si Hannah sa kanya?" nangingilid na ang mga luha ko.

"Yes, naalala ko sa kanya si Hannah and siya lang ang mamahalin ko wala nang iba" napaluha na lang ako at sa di sinasadya ay napalakas ang pagsara ko ng pinto at alam ko ay nagulat sila kaya mabilis na ako tumalikod at lumabas.

"Zoey, anong nangyari?" bungad ni Karen pero di ko siya sinagot at tuluy-tuloy akong naglakad at umalis sa bahay ng mga Wattson. Di ko na rin alam ang gagawin ko. Ramdam ko na tinatawag nila ako pero di ko na pinansin. Sumakay ako ng taxi buti na lang ay may dumaan dun saka ako sumakay.

'Bakit ang tanga-tanga ko? Bakit umasa na naman ako? Bakit binigyan ko ng meaning yung pagiging sweet niya sa akin?'  maraming bakit ang nasa isip ko.

Di ko namalayan ay nasa Calamba na ako at pinuntahan ko si Kimberly sa bahay niya. 

"Oh Gaile anong ginagawa mo rito?" nagulat siya na nandito ako.

"Ahmm.... pasensya na pwede bang makisuyo ako sayo?" bulong ko. Baka kasi masermonan ako ni Manong Driver na wala akong dalang pamasahe.

"Wala kang pamasahe noh" tumango ako at napakamot ako sa ulo.

"Ate Wilma pakiabot po yung bag ko sa room ko." sigaw niya.

"Eto na po Mam" kinuha ni Kim ang wallet niya at kinuha yung isang libo.

"Naku pasensya na po manong ah" napangiwi na lang ako.

"Ok lang po Mam mukhang may pinagdadaanan yung kaibigan niyo po eh" ngumiti na lang siya.

"Tara pumasok na tayo" pumasok na kami sa loob.

"Ano ba kasing nangyari?" napaiwas na lang ako ng tingin sabay inom ng tubig na nilapag niya kanina.

"Ayan na naman tayo eh umiiwas ka sa tanong ko eh" wala akong choice kung di ikwento sa kanya ang nangyari.

"Aba! Tarantado pala siya eh" napangiwi ako. 

'Yung feeling innocent angel sa TV pero sa personal mukha siyang demon angel'

"Naku! kung ako sayo Gaile umuwi ka na sa inyo"

"Paano si Levin?" bigla kong tanong.

"Oo nga noh malay mo pinaliwanag na ni Tita Les at nung demonyitong ama niya" tinakpan ko ang bibig nito.

"Ano ka ba naman baka may nakakita sayo rito ay mabash ka na saka pwede ba bawas-bawasan mo nga yung pagmumura mo di maganda sa isang katulad mong innocent angel pero demon angel pag sa labas" biro ko kaya binatukan ako.

"Ikaw na nga ang may problema, ang lakas mo pang mang-aasar" tumunog ang cellphone ko.

"Buti may dala kang cellphone" kinuha ko ito sa bulsa ko at tiningnan kung sino ang caller.

"Si Karen" sinagot ko ang tawag.

"Hello"

"Zoey, nasan ka na?" napatingin ako kay Kim.

"Ako na kakausap" binigay ko ang cellphone.

"Karen, don't worry about Gaile okay lang siya sa akin. Gusto lang niya muna mapag-isa ihahatid ko na lang siya bukas ng umaga bago ako bumalik sa trabaho." sabi niya. Kinausap pa niya ulit ito.

"Yeah sige" binaba na niya ang tawag.

"Anong sabi?"

"Kinakausap na ni Tita Les si Levin. Iyak daw ng iyak nung nalaman na aalis ka na next week pati ngayon ay umiyak kasi wala ka raw ngayon sa tabi niya at  hanggang sa nakatulog na siya." paliwanag niya.

"Saka kinausap rin ako ni Tita Les na dito ka muna magpalipas ng gabi at papalamigin muna yung mga ulo niyo raw" bigla akong nagtaka.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Nagwala raw si Levin tapos nung pumunta sa bahay si Hance ay biglang sinugod niya si Hance na akala niya ay pumunta ka sa bahay nila kaya ayun nagrambulan yung dalawa sa bahay buti na lang ay nasa kwarto si Levin kasama si Karen" napaupo ako sa sofa niyang upuan.

"My gosh! may pasabi-sabi na di ka niya gusto pero sinugod niya si Hance" bigla itong tumalikod at pumunta sa kusina. Huminga ako ng malalim at napahilamos ang mukha.

'Ano ba 'tong pinasok ko. I expect na magtatrabaho lang ako pero nagkakagulo sila nang dahil sa akin'

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
marupoknakyut16
ganda ng story ko ah
2023-04-04 11:41:04
0
user avatar
Ayna
Good story and I love it
2023-04-04 11:38:16
2
22 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status