Share

Chapter 3

Meet Wattson Family

"Kuya your here akala ko di mo na bibisitahin si Mom" si Mam Lexie.

"I'm sorry Lex kakatapos ko lang magshooting sa Batangas" paliwanag ni Sir Levis.

"Let's go, the dinner is ready" pumasok na sina Mam Lexie at Sir Logan kasama si Mam Lessandra pero nandito pa rin sa tabi ko si Sir Levis.

"S-sir di po ba kayo papasok sa loob lalamig po yung pagkain?" Nauutal kong tanong.

"Who are you?" Tiningnan ko si Sir Levis.

'Ay oo nga pala di niya ako kilala'

"Ako po si Zoey Gaile. Zoey na lang po" pakilala ko. Tumango siya.

"So, ikaw pala yung sinasabi ni Mom sa akin?" Nagtataka ko siyang tingnan.

"Po?" Gulat kong tanong.

"Nothing" bigla na lang ito pumasok sa loob. Pumasok na rin ako na gulat pa rin sa sinabi ni Sir Levis.

"Oh iha kumain ka pa" sabi ni Mam Lessandra. Hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako paano ba naman katabi ko si Sir Levis.

"Where are you from?" Tanong agad ni Mam Lexie. Pinunasan ko muna yung bibig ko. Buti na lang pala mahilig ako manood ng kung ano ano sa youtube para may alam ako pagdating sa paano kumain ang mayayaman.

"From Nueva Ecija po ako Mam." Paliwanag ko. Tumatango tango pa ito.

"Mom, tomorrow pa uwi ni Dad may inaasikaso pa yung papers ni Logan sa school kanina kaya pinauwi na kami" sabi ni Mam Lexie.

'Kaya pala nung punta ko kanina ay si Mam Lessandra pala nandito dahil nasa ibang bansa sila'

"Son how's taping?" Tanong ni Mam Lessandra kay Sir Levis.

"Good" tipid na tanong ni Sir Levis.

'Tahimik ba talaga siya?'

"Zoey after dinner come with me in the library may paguusapan tayo" tumango ako.

"Mom, I'm going to my room na medyo jetlag pa ako" humalik muna si Mam Lexie sa pisngi ni Mam Lessandra ganun din si Sir Logan.

"Good night, Lex and Logan" bati ni Mam Lessandra. Nagpaalam na rin sila kay Sir Levis.

"Mom, can I talk to you later after niyo magusap?" Tanong ni Sir Levis.

"Yes son may paguusapan din tayo" tumango ito.

"Punta muna ako sa pool." Tumango si Mam Lessandra.

"Ay! ako na po ate Mindy" kinuha ni Ate Mindy ang mga hugasin.

"Ako na di ba may paguusapan pa kayo ni Mam Lessandra?" Tumango ako.

"Sige ako na bahala rito pumunta ka na sa library baka kanina pa nagiintay si Mam Lessandra" tumango ako.

Pumunta na ako sa library at naabutan ko si Mam Lessandra na nagbabasa ng libro.

"Sit down Zoey" umupo ako sa isang sofa na napakalambot.

"Ano po ba paguusapan po natin ngayon Mam?" Tanong ko.

"About your contract iha" sagot niya.

"Mam can ask a favor po?" Tanong ko.

"What it is?" Tanong niya rin.

"Napagusapan po namin nil Mama at Papa na papayagan po ako pero may kondisyon po" paliwanag ko.

"What condition?" Tanong niya.

"Kailangan ko pong bumalik sa pagaaral ko po bago magisang taon sa inyo" tumango siya.

"So kailangan ko pala baguhin yung nakasaad sa kontrata?" Nagtatakang tingin ko kay Mam Lessandra.

"Po? Ano po ba nakalagay sa kontrata?" Takang tanong ko.

"5 years" nanlaki ang mata ko.

'Seryoso 5 years?'

"Kaya babaguhin ko muna bago ipapirma sa iyo" tumango ako.

"Mam Lessandra okay lang po ba sa inyo na saglit lang yung kontrata?" Tanong ko.

"Okay sa akin 'to basta matupad lang ang mga pangarap mo at matulungan ang family mo" ngumiti ako kay Mam Lesandra.

"Sige you should rest baka may jetlag ka pa" tumango ako at tumayo na.

"Maraming salamat po Mam Lessandra" pasalamat ko.

"Welcome Iha anything for you" ngumiti siya ng pabalik at lumabas na ako ng library.

Papunta na ako sa may hagdanan ay may narinig ako na parang naguusap. Pinuntahan ko ito at nakita ko si Sir Levis na may kausap sa cellphone.

" Yeah You enjoy there" sagot ni Sir Levis sa kausap niya.

"I'm sorry kiddo but I promise you kapag nandito ka na I spent a time with you"

"Yeah aayusin ko yung schedule ko pagbalik mo sige na good night and I miss you"

'Sino kaya kausap ni Sir Levis?'

Pumanhik na ako ng hagdan papunta sa magiging kwarto ko baka makita ako at mapagkamalang chismosa.

Humiga na ako at palaisapan pa sa akin ang bawat salita na binitawan niya.

'Kiddo'

'Di ba tawag lang yun sa bata?'

'Di kaya?'

"No! No! No!" Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa dami kong iniisip.

'Sana naman di totoo ito'

Nawala ang pagkacurious ko ng may tumawag.

'Si Mama'

Sinagot ko ang tawag

"Hello Ma" bungad kong sagot.

"Kamusta ka dyan?" Bungad na tanong ni Mama.

"Ok naman po alam mo ba Mama mababait sila rito lalo na si Mam Lessandra saka yung mga anak niya ang babait" 'except lang sa isa"

"Buti na lang mababait sila at di katulad ng mga ibang amo na minamaltrato yung mga katulong" sabi ni Mama.

Nahihiligan na ni Mama ang manoong ng Tulfo at lagi niya napapanood ay tungkol sa minamaltratong katulong o tungkol sa pamilya.

"Ma, iba naman po yung iniisip niyo mabait sila kung ano pinapakita nila sa harap ng camera ay ganun din sa totoong buhay kaya po wag po kayong mag-alala sa akin okay." Narinig ko na bumuntong hininga sa kabilang linya.

"O sige alam ko magiging panatag ako dahil sabi mo nga na mababait sila kaya kung may problema ka tumawag ka sa amin ah" tumango ako.

"O sige na po Ma magpahinga ka na po kayo" paalam ko.

"O siya sige mag-iingat ka dyan ah" paalala niya.

"Opo, Ma" ibinaba ko na ang tawag.

Nagvideo call kami nina Rodelyn, Jessie, Ashley at Klein. Di kasama si Lara baka tulog na yun.

"Girl malaki ba bahay nila?" Excited na tanong ni Jessie.

"Oo malaki siya saka malawak yung garden pwedeng tumambay roon" paliwanag ko.

Naikwento sa akin nina Ate Mindy ang magagandang lugar dito sa bahay at ang paborito nilang lugar ay yung garden dahil punong puno ng mga magagandang halaman at bulaklak.

"Taray girl ano kaya feeling na nakatira sa isang malaking mansyon?" Natawa na lang ako sa tanong ni Ashley.

"Ewan ko basta feeling ko maganda at maayos yung bahay at komportable ako" paliwanag ko.

"Eh kamusta si labdilabs mo ihhh!" Sinuway ko si Rodelyn.

"Girl wag naman kayo maingay maririnig tayo eh" suway ko.

"Sus wag kang ano Zoey at least di name niya ang binanggit ko di ba?" Sabi pa niya.

'Oo nga naman noh'

"Oh ano na?" Pagmamadaling tanong niya.

"Girl feeling ko masungit siya eh" nanlaki ang mga mata nila.

"Jusko Zoey nangdescribe ka pa may lait pa! oy di kaya masungit si Levis Wattson grabe ka naman girl" sigaw na sabi ni Jessie.

Napahilamos na lang ako sa mukha.

"Baka misunderstood ka lang ganun" umiling pa rin ako.

"Alam niyo ba nung nakasabay ko siyang kumain wala siya kibo at tahimik lang." Paliwanag ko.

"Pero ang tanong sinungitan ka ba?" Umiling ako.

"Yun naman pala girl ingat ingat lang sa pagsasalita ah baka marinig ka nun at mapalayas ka ng dis oras" napalunok ako sa sinabi ni Rodelyn.

'Kailangan ko pala bawas bawasan yung pagiging madaldal ko baka ipahamak ko pa'

"Sabi nga nila don't judge the cover" bumuntong hininga na lang ako.

"Oo na di na lang ako magsalita okay" napatango na lang sila.

"Siya magpahinga ka na at baka pagod ka na" tumango na lang ako at pinatay na ang tawag. Natulog na ako.

'Unang araw ko bukas kailangan maaga ako gumising' nakatulog na ako.

Kinabukasan ay nagising ako ng 5:30 upang tumulong sa kanila sa kusina.

"Good morning po" bati ko sa kanila.

"Ang aga mo naman magising Zoey" napakamot ako sa ulo.

"Eh sanay po kasi ako sa amin na maaga nagigising dahil po may pasok at sa tindahan na rin" nasanay na ang katawan ko kahit medyo late na ako matulog pero may times na inaantok ako at di ko namamalayan ay nakakatulog na ako. Nung nagkatindahan kami ay palagi na akong naaga magising dahil sa tindahan o may pasok kami. Kahit nga walang pasok ay kailangan ko rin magising ng maaga kahit di naman ako magbabantay.

"May maitutulong po ba ako?" Tanong ko.

"Wag na iha umupo ka na lang dyan at ipagtimpla na lang kita ng kape" tanggi ni Manang Indang.

"Manang sige na po di po kasi ako sanay na di tumutulong sa gawain bahay" pagpumilit ko.

"O siya sige ikaw na magsingag ng kanin" hinanda ko na ang gagamitin sangkap sa pangsangag ng kanin. Pero nakita ko ang mga sangkap ay nagtataka kong tingnan ito.

'Bawang at itlog lang yung panglahok sa sinangag?'

"Manang bakit ito lang po yung sangkap ng sinangag?" Takang tanong ko.

"Iha mas gusto kasi nila ng ganyan lalo na si Levis. Alam mo naman artista yun at minsan nakakain ng pagkain na karaniwan inihahanda tuwing umaga tuwing nasa taping siya." Paliwanag ni Manang Indang na ikinatango ko.

'So favorite pala ito ni Levis' ngumiti ako ng palihim at nagmumukha akong tanga.

Nagumpisa na akong magluto. Inuna ko muna ang itlog upang gawin omelette at pagkaluto ng omelette ay dinurog ko ito na maliliit. Ginisa ko na ang bawang, hinayaan ko muna ito at hinahalo halo ng nagbrown na ito at inilagay ang kanin. Nilagyan ko ito ng mga seasoning at asin.

"It's smell delicious" may biglang sumulpot sa kusina walang iba kung di si Sir Logan.

"Good morning po sir Logan" bati namin.

"Ano yung niluluto niyo saka yung mabango?" Tanong ni Sir Logan. Mukhang tinutukoy ni Sir ay yung sinangag.

"Ahhh yung sinangag po niluluto po ni Zoey" tinuro niya ako. Tumango tango siya.

"You're the girl yesterday?" tumango ako.

"So you know what your cooked?" Tumango ako.

"It's Kuya Levis favorite and take note, ayusin mo yung pagkakaluto mo baka wala ka pang isang araw ay matanggal ka na agad" bigla akong kinabahan.

'Sheyt! Jusko di ko pa natitikman yung sinangag'

"Good morn---" di na natuloy ang sasabihin ni Mam Lexie ng nakita akong nanginginig at kinakabahan sa takot.

"What's happening?" Takang tanong niya.

"Eh paano itong si Logan mukhang tinakot si Zoey sa pagluto niya ng sinangag" sumbong ni Manang Indang kay Mam Lexie na ikahampas niya kay Sir Logan.

"Why are you scaring her?" Asik na sabi nito.

"I'm sorry okay I just give her warning" dahilan niya.

"No, I don't believe you tinakot mo siya eh" lumapit siya sa akin.

"Don't worry akong bahala sayo kapag inaway ka ni Kuya Levis at wag mo nang pansinin yan siraulo yan okay" tumango ako. Medyo natawa pa nga ako dahil sa pagsabi ni Mam Lexie ng siraulo sa kapatid nito.

Nakahain na ang mga pagkain sa lamesa at kinakabahan ako dahil sila ang kakain ng niluto kong sinangag baka di nila magustuhan yung luto. Nagtimpla na rin ako ng kape ng inihanda ko na sa lamesa.

"Good morning son" bumaba na si Sir Levis.

'Sana magustuhan niya yung luto kong sinangag' pikit ko.

Nagsimula na silang kumain at una nilang ginalaw ay yung sinangag na luto ko.

"Hmmm amoy palang masarap na" pangaasar ni Sir Logan na nakatingin sa akin tumigil lang ito kinurot ni Mam Lexie ang hita ni Sir Logan na ikaningiwi niya.

Sumubo na si Sir Levis at bigla itong huminto.

'Hala baka may nakain siyang di maganda at baka sumuka o mahilo si Sir Levis"

Ngumuya ito ng ngumuya na parang ninamnam yung kinakain niya.

"It's taste good Manang" nagulat ako sa papuri niya.

'Gosh pinuri niya yung luto ko"

Gusto kong mapasigaw pero nanahimik na lang ako.

"Ay Levis di ako nagluto niyan si Zoey siya kasing nagpresinta na magluto ng sinangag" paliwanag ni Manang. Nilingon niya ako.

"So siya rin nagtimpla ng kape" tumango si Manang.

"Ahmm Manang excuse muna po ako may kailangan pa po tapusin sa kusina" dumiretso na ako sa kusina.

"Kyahhh!!!" Mahina kong tili.

'Nagustuhan niya yung luto ko!'

Masayang masaya akong naghuhugas ng pinggan dahil tapos na silang kumain at nasa sala na silang lahat at nagkwentuhan.

'Naol nagkwentuhan na lang after breakfast eh kami pagkatapos ng agahan gawain bahay agad ang hawak namin eh'

Nahinto lamang ang pagdaydream ko nang may nagsalita sa likod ko.

"So your the one who cook?" Napalingon ako kung kaninong boses iyon.

'Kay Sir Levis!'

"Ahh.... ehh.... opo medyo di po kasi ako sanay na walang ginawa saka I insist naman pong magluto ng sinangag." Paliwanag ko. Tumango naman siya.

"So palagi mo na ako lulutuan niyan" nagulat ako at nilingon ko siya.

"Po?" Takang tanong ko.

"Ahh nevermind" bigla na lang ito umalis.

'Huh?'

Nakatulala ako sa sinabi ni Sir Levis.

'Abno ba si Sir?'

Kasulukuyan akong naglilinis ng sala at pagkatapos ay sa library naman para malinis ko ang library. Sabi kasi ni Manang ay palagi dapat malinis yan kasi minsan dito tumatambay sina Mam Lessandra at Sir Valerio o kaya yung magkakapatid.

Papasok sana ako ng may narinig akong naguusap.

"Marunong pala siyang magluto" di ko na alam yung sumunod na nangyari dahil di ko na masyadong narinig.

"But son isang araw palang siya rito" reklamong sabi.

'Sino kaya ang kausap ni Mam Lessandra' alam ko nasa loob si Mam Lessandra dahil sinabi ni Manang Indang.

Di ko na narinig ang pinag-uusapan nang kinalabit ako ni Ate Mindy.

"Huy Zoey anong ginagawa mo dyan?" Nagulat ako dahil sa pagsulpot ni Ate Mindy.

"Ahh wala po may narinig akong nag-uusap eh maglilinis sana po ako ng library." Paliwanag ko.

"Mamaya mo na yan linisan umalis ka na dyan at baka pagsabihan kapang chismosa dyan." Dahan-dahan akong umalis para di makalikha ng ingay.

Nasa garden ako dahil gusto kong magpahangin. Palaisipan pa rin sa akin yung kagabi at kanina.

'Ano kaya ang pinaguusapan nila?' Takang tanong sa isip ko.

'Sino kaya yung sinabihan ni Sir Levis na Kiddo" pangalawang tanong nasa jsip ko.

'Wala naman silang nakakabatang kapatid dahil si Sir Logan na yung bunso eh' naguguluhan na ako. Isang araw palang ako rito ang dami ko nang alam na rebelasyon.

"Zoey!" Lumingon ako nang may tumawag sa akin..... si Ate Lolita.

"Ate bakit po?" Tanong ko.

"Tawag ka ni Mam Lessandra mukhang magpipirmahan na kayo" tumango ako. Tumayo na ako pumunta na sa library at may nahuli na naman akong nag-uusap.

'Tss pagkakamalan na naman akong chismosa rine' binuksan ko ang pintuan ng library at nakita ko sina Manang Indang at Mam Lessandra na nag-uusap.

"Di pa nagtatagal si Zoey rito" 'eh? Bakit kasama ako sa usapan?'

"Yun na nga po sabi ko sa kanya kaya lang po dadating na si Levin sa isang linggo po" nagulat ako sa binanggit na pangalan ni Mam Lessandra.

Bigla akong napaatras at dahan-dahan sinara ang pintuan at pumunta sa banyo at ni-lock ang pintuan. Sumandal ako sa pinto at di makapaniwala sa narinig ko.

'Sino si Levin?'

'At bakit nadamay ako sa usapan nila?'

'May dapat ba akong malaman?'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status