Share

Chapter 17

Naging tila anag-ag ang mga pangyayari noong mga nakaraang buwan, ang sigurado ko lang ay masaya ako sa mga nangyari.

Naaalala ko pa kung paano ako napatanong noon kung kailan ba magbabago ang ihip ng hangin at kailan ba ako hahantong sa sitwasyon na di mapuknat na ngiti naman ang magpapatulog sa akin, hindi na luha.

"Sierra, hayan na ang sundo mo," wika pa ng isang kaklase ko.

Unang taon ko ngayon sa Senior Highschool, hindi katulad noon ay mayroon na akong kaibigan ngayon. Natutunan ko na kasing ngumiti sa mga tao sa paligid ko.

Nang lingunin ko ang labas ng silid aralan namin ay si Quirou kaagad ang nakita ko. Ibang eskwelahan na ang pinasukan ko sa Senior High kaya malaya na rin si Quirou na sunduin ako. Wala akong kaklase o kapitbahay na ka-schoolmate ko dito kaya ligtas ako sa kung anumang sasabihin o iisi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status