Share

Chapter 19

Halos maggagabi na nang makauwi kami ni Quirou. Halos mangatal pa nga ang labi ko sa tagal naming nagtampisaw sa ilog, ngunit kahit ganoon ay kinailangan pa rin akong pilitin para umahon. Minsan lang ang pagkakataong ganoon kaya sinulit ko na.

Hindi katulad noong naglalakad kami papunta sa ilog na iyon, medyo nasanay na ako sa ingay ng mga kuliglig at kulisap doon. Nag-iingay na rin ang mga tuko na hindi ko alam kung saan nagtatago. Kahit ganoon ay kampante naman ako dahil kapit ni Quirou ang kamay ko.

Tahimik kaming naglakad noong una, hanggang sa marating namin ang patag na daan. Malapit na sa kanto ito papasok sa amin.

Huminto siya saglit saka ako tiningnan. Huminto rin ako at tumingin din sa kaniya.

"Bakit?" tanong ko?

Umiling siya, saka hinaplos ang aking buhok. Hindi na tumutulo pero basa pa rin. Pagka-ahon kasi namin ay nagbihis ako kaagad, pagkatapos ay umalis na kaagad kami doon.<

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status