Namula ako dahil sa narinig ko. Hindi dahil sa hiya kundi sa galit.
Hindi na ako nagdalawang isip pa na sapakin sana siya pero agad niyang nahawakan ang kamay ko para pigilin ako. Matalim na tiningnan ko siya."Bitawan mo ako. Wala akong oras para sa mga kabaliwan mo," saad ko habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya.Ang aga-aga pinapainit niya ang ulo ko. Ang ibig kong sabihin ay masasaktan siya sa akin pero ang nasa isip niya agad ay malalaswang bagay. Abogado ba talaga siya o macho dancer sa club? Daig pa niya ang tambay sa p*rnhub dahil sa utak niyang malabnaw.Pinakawalan din naman ako agad nito nang mapansin nitong seryoso.Nagpakawala ito nang hangin sa sa bibig bago tumingin sa akin."Okay, okay. I am sorry. I did not mean to angry you. I was kidding, so relax tigress," anito na na nakangiti sa akin at tila pinapakalma ako.Relax, relax. He is pissing me off. Akala ba niya madadaan niya ako sa ngiti niya?"Please, Attorney. Leave me. Hindi ko alam kung bakit sinasayang mo ang oras mo sa akin. Hindi ka ba busy?"I am trying my best not to burst out my irritation. Ano ba kasing ginagawa niya dito? Bakit ako ang pinagtitripan niya? Nasaan na ang mga babaeng nalilink sa kanya."Yeah, I will be busy in the upcoming days." Tumango-tango pa ito.Mabuti naman kung ganoon ng mawala na siya sa paningin ko. Hindi ko siya gustong makita."Then go now," pagtataboy ko sa kanya.Kumunot ang noo nito sa akin. "Let me drive you first... I mean the car, you know... not you," nahihirapang saad nito na para bang natatakot siya na magalit na naman ako sa sasabihin niya."No thanks, I can manage," pagtataray ko sa kanya at pinindot ang remote car key para bumukas ang lock ng kotse.Pero bago pa ako makasakay ay nagulat na ako nang bigla niyang agawin ang susing hawak ko at binuksan ang driver seat.Nakatangang napatingin ako sa kanya. Anong ginagawa niya?"I know you don't want to see me, but let me drive you. You obviously don't know how to drive. Just endure my presence for the meantime, it is better than to get an accident. So, get in," utos pa nito at nauna nang sumakay.Napailing na lang ako at walang nagawa na sumakay sa passenger seat. Yeah, Hindi ko naman talaga alam kung paano mag-drive. May katangahan din siguro akong taglay dahil basta na lang ako umoo kay Rebecca kahit alam kong hindi naman ako marunong magmaneho.Isa pa itong si Reb, alam naman niya na hindi ako maalam mag-drive ako pa inutusan. Wala naman si Gary na pwede kong utusan dahil day off nito ngayon kaya ako lang talaga ang pupunta.Nang maayos ko na ang seatbelt ko ay sinimulan na nitong buhayin ang makina. Nagpasalamat na lang ako na tahimik lang ito habang nagmamaneho. Sinabi ko lang ang lugar kung saan kami pupunta. Hindi ko rin alam kung bakit parang alam na agad niya ang address na tinutukoy ko dahil hindi na ito nagtanong pang muli sa akin.Nang tumigil kami sa tapat ng bahay ni Rebecca ay nakahinga ako ng maluwag. Kanina kasi habang nagmamaneho ito ay kulang na lang ay mabali ang leeg ko paralang huwag lumingon dito kahit na nararamdaman ko na paminsan-minsan ay sumusulyap ito sa akin.Nang makababa ako ay agad na kinuha ko dito ang susi. "Salamat."Pinigilan ako nito nang akmang tatalikod na ako para pumasok sa bahay nina Reb. "Aren't you going to invite me for a water... or coffee?"Humarap ako sa kanya. "First this is not my house. I can't invite anyone I want, though I don't want to invite you. Second, thanks for helping me but I hope this will be the last time we will see each other. And if you saw me again, just ignore me. Act as if you don't know me," pahayag ko sa kanya.May nakita akong paparating na tricyle kaya mabilis ko iyong pinara. "Pwede ka nang sumakay diyan pabalik. Sigurado naman ako madami kang pamasahe," wika ko bago siya iniwan na nakatanga lang sa akin.Hindi ko na ito nilingon pa at pumasok na sa loob ng bahay. Pagdating ko ay si Manang Nerma lang ang naaubutan ko dahil iginala raw ni Rebecca ang kambal sa mall.Kaya tenext ko ito naiuwi ko na ang kotse niya. Paparating na raw ito kaya umupo na lang muna ako sa sofa para hintayin siya.Hindi ko alam kung nakaalis na ba si Cohen pero wala na akong pakialam. Siguro naman ay sumakay na siya sa tricyle na pinara ko kahit na alam kong hindi siya sumasakay sa ganoon. He is a rich man, I wonder kung nakasakay na ba siya ng tricycle baka ngayon pa lang.Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang sumulpot sa buhay ko matapos ng mahabang panahon. Tila kung makareact siya ay parang kahapon lang ang lahat ng nangyari sa amin.Napangiti ako nang makita kong dumating na sina Rebecca. Mabilis na sinalubong ko ang mga cute kong inaanak."Hello, guys," bati ko at agad na hinalikan sa pisngi ang kambal."Hello, ninang," seryosong bati sa akin ni Eros at habang malaki naman ang ngiti ni Cupid.They have the same face pero magkaibang-magkaiba sila ng ugali. Seryoso ang mukha palagi ni Eros na akala mo ay matanda na edad lalo na kung magsalita habang pilyo naman si Cupid.Matapos kong makipagbatiaan at makipag-asaran sa kambal ay lumapit ako kay Rebecca. Hindi ko alam pero mukhang problemado siya.Ibinigay ko sa kanya ang susi ng kotse niya. Ibinigay naman nito sa akin ang isang bag na alam kong mamahalin. Sanay na ako sa mga pang bangketa lamang pero alam ko na libo ang halaga ng bag na binili niya."Thank you.""Anong nangyari? Hindi ako papayag na hindi na magkukwento sa akin," pamimilit ko sa kanya nang tinanong ko siya kung bakit hindi ito nakauwi na sakay ng kotse pero umiwas lang ito. Kaya wala na itong nagawa kundi ang sabihin ang totoong nangyari.Nalaman ko rin sa mga anak nito na sinabi nito na sa bahay namin siya natulog. Ibig sabihin nagsisinungaling ito sa mga anak niya.Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin nitong may nangyari dito. I mean may naka-one night stand ito. Ang pinakamamala pa ang ama ng kambal mismo ang lalaking iyon.Hindi ko alam kung nagkataon lang ba ang nangyari o hindi. Sabi niya hindi raw niya sinasadya. Siguro sa side niya hindi, pero sa side ng ama ng kambal I doubt na nagkataon lang din na ang kaibigan ko ang ikinama nito kagabi.Para sa akin walang nagkataon. Kahit sinabi ko sa kanyang destiny siguro ang nangyari kahit ako hindi naniniwala doon. Gaya ng pagkikita namin ni Cohen, pakiramdam ko sinadya iyon. Imposibleng nagkataon lang na nagkita kami kagabi at nagkataon na nasa bar pa rin siya ngayong umaga.Nang i-kwento sa akin ni Rebecca ang nakaraan niya ay hindi ko mapigilang mapahanga sa kanya. Napakatatag niya. Nagawa niyangbuhayin mag-isa ang mga inaanak ko. Pakiramdam ko pareho kami ng pinagdaanang dalawa. Ang pagkakaiba lang namin ay lumaki siyang mayaman hindi ko gaya na bata pa lang ako kumakayod na ako para sa sarili ko kahit meron naman akong mga magulang na dapat ay sumusuporta sa akin.Inakala niya na huhusgahan ko siya sa nagawa niyang pagkakamali pero nagkakamali siya. Dahil ang totoo pareho lang kaming may nagawa sa nakaraan namin. Mas nauna pa nga ako sa kanya.May namagitan sa kanila ng boyfriend ng bestfriend niya na nagbunga ng kambal habang ako mananatiling sekreto ang ano mang nangyari sa akin noon. Hindi pa ako handang inbunyag kahit kanino ang sekreto ko.Siguro dahil madamot ako o dahil natatakot akong may mawala sa akin kapag nalaman ng lahat ng lihim ko. Kaya hangga't kaya ko, magpapanggap ako para sa ikatatahimik ng lahat.“Anong ginagawa n'yo rito?” masungit na tanong ni Conan kina Cupid at Eros na malapad ang mga ngiti. Kasama ng mga ito si Dwayne na dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay namin at feel at home na naupo sa sofang katapat ko. Habang ang asawa ko naman ay parang sira na hinaharang ang kambal. “I want to play with Ate Love,” sagot ni Cupid na hindi pinansin ang pagsusungit ng asawa ko. “Lora, huwag kang maki-love. Ate Lora itawag mo sa kaniya.” “Love, for you,” biglang napatingin ang asawa ko kay Eros na may inaabot na paper bag kay Love. Mabilis na lumapit ito kay Eros na at kinuha ang hawak nitong paper bag bago pa man ito maabot ng anak namin. Hindi ko maiwasang mapailing sa inakto ni Conan habang ngingisi-ngisi naman si Dwayne. “Cookies? Bakit binibigyan mo ng cookies ang anak ko?” daig pa ng imbestigador sa tanong nito. “Mommy said to give it to Love,” paliwanag ni Eros “Ate Lora. Call her Ate Lora, nakiki-love ka rin, e.” Ako ang na-e-stress kay Conan, pati mga bata pinapa
Naluha ako sa tuwa habang hawak ko ang pregnancy test. Hindi ako makapaniwalang buntis ako. NA NAMAN. Duda na talaga ako dahil ilang araw na akong nagsusuka sa umaga. Inisiip ko baka may nakain lang ako pero wala naman akong kinakaing kakaiba kaya naisipan ko nang mag-PT. "Tigress, what happened? Are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Conan na kalalabas pa lang sa shower nang maabutan niya akong tulala. Tumingin ako ng masama sa kaniya. "Hindi ba uso sayo ang magtapis man lang tuwalya?" Tinutuyo kasi nito ang basang buhok ng towel pero wala naman itong suot na kahit na ako na pwedeng magtago ng dapat itago. "As if you didn't see it," nakangising saad nito at sumandal pa sa sink kaya kitang-kita ko ang b****a niya. "Bakit ba ang hilig mong mag-bold?" Sanay na sanay na talaga siyang parang si Adan kapag kaming dalawa lang ang kasama. Palibhasa maganda ang katawan niya tapos malaki iyong kaniya kaya kung ibalandra niya ng todo sa mata ko ganoon na lang. Bigla nitong hinawak
Nandito kami ngayon sa bahay nina Rebecca. Nanganak na ito at lalaki ulit ang naging baby niya, habang ako naman ay tatlong buwang buntis. Kababalik lang namin ni Conan mula sa honeymoon mula sa ikatlong kasal namin. Isa sa hindi niya papayagang palampasin ay ang honeymoon. Minsan nga binibiro ko siya na honeymoon lang talaga habol niya. "Wow, ang popogi naman ng mga anak mo, Reb," saad ko habang tinitingnan anak nitong pitong buwan na. "Siguradong maraming paiiyaking mga babae ito." Nilalaro ko ang anak niya na may malalim na dimple kapag tumatawa. "Siguradong sasakit din ang ulo ko dito," saad naman nito na ikinatawa ko. "Okay lang iyan, hasang-hasa ka naman na sa kambal." Isa pa isa yata siya sa may pinakamahabang pasensyang nakilala ko. Kung gaano kahaba ang pasensya niya ganoon naman kaiksi ang akin. Sumimangot ito. "Kotang-kota na ako sa dalawang iyan," saad nito at tumingin sa mga anak niya na kalaro ng anak ko habang ang mga ama naman nito ay nagkakagulo sa swimming poo
Patulog na kami pero bigla akong napabangon at tumingin kay Conan nang bigla akong may maalaala."Tell me," saad ko sa kaniya."Ang alin?" nagtatakang tanong nito."We first met in my graduation right?" paninigurado ko sa kaniya.Ang natatandaan ko ay nagkabangga kami nang makalapas ako nang comfort room. Iyon ang unang beses na nakita ko siya at agad na akong humanga sa kaniya.Ngumiti ito sa akin at ipinagsaklop ang kamay sa likod ng ulo nito habang nakahiga."You first met me during graduation, but I first met you before I graduate," sagot nito na ikinakunot ng noo ko.Pinakatitigan ko siyang mabuti. Seryoso ba siya?"What do you mean?""My mother own the Arkanghel Foundation. They had a medical mission in your school before and I was one of the volunteers. That was the first time I saw you, when there are a lot of girls trying to catch my attention in your school, you are busy sleeping on the bench. I even seated opposite where you are sleeping, but you did not notice me. I used to
PAMANHIKANMahigpit na hinawakan ko ang kamay ni Conan habang hawak ko namana ng kamay ni Love sa kabila bago kami tuluyang pumasok sa bahay ng ama ko.Napatingin sa amin ang lahat ng pumasok kami. Nakita ko pang natulala ang pamilya ko nang makita kami.Alam naman nilang paparating kami dahil tumawag na ako sa kanila bago pa kami pumarito. Kaya marahil may mga nakahanda rin sila sa lamesa kahit may mga dala naman kaming pagkain na ipinapasok ni Mang Karding.Ipinilit kasi ni Conan na magpaalam muna sa ama ko bago kami magpakasal. At masaya ako sa desisyon niyang iyon. Ibig sabihin nirerespeto pa rin niya ang mga magulang ko. Kahit alam kong kung sakali man na hindi pumayag ang ama ko ay pakakasalan pa rin niya ako.Ipinakilala ko sila sa ama at mga kapatid ko. Hindi makapaniwalang nakatingin lang sila sa akin. Alam kong hindi nila aasahan na may anak na ako. "May anak ka na? Hindi mo man lang sinabi sa amin?" gulat na tanong ni Marcela. "Ibig sabihin nang mawala ka ng matagal na sab
MARGARITA "So what do you want? Garden, beach or church wedding?" tanong sa akin ni Conan habang pinaglalaruan nito ang mga daliri ko. Nandito kami ngayon sa opisina niya sa bahay. Hindi siya pumasok ngayon gayong weekdays naman. Iba na talaga kapag boss, pwede pumasok anytime. Ako nga gusto ko nang magtrabaho ulit. Hindi ako sanay na nasa bahay lamang. May mga negosyo naman ako pero tumatakbo naman iyon ng maayos kahit wala ako dahil may mga tauhan akong mapagkakatiwalaan. Binigyan ko na rin ng trabaho si Mikael sa hotel na pagmamay-ari ko. Sinabi kasi niyang gusto na talaga niyang magpart-time habang pumapasok siya. Mukhang natuto na rin sa wakas kaya ako na mismo ang nagbigay ng trabaho sa kaniya. Sabi ko naman sa kanila handa akong tulungan sila basta nakita ko lang na nagsisikap sila. Si Marcela ay okay na rin kami may oras na nag-iiringan pa ring kaming dalawa pero hindi na katulad ng dati. Minsan parang nasanay na lang kaming nagtatalo kami kaya ganoon. Nalaman ko na rin n