Share

KABANATA 218

Penulis: Yoonchae
Hindi inasahan ni Luna na ito pala ang dahilan ng pagbisita ni Lian De Vera.

Nanatiling walang kibo ang kanyang ekspresyon. "Wala akong pakialam sa kung anumang nakita mo."

Para sa kanya, ang taong dapat tanungin ni Lian ay si Hunter.

Alam din iyon ni Lian.

Ang isang lalaking tulad ni Hunter ay hindi basta-basta mapapaamo. Siya mismo ang nakasaksi kung paano nito malamig na tinanggihan ang sunod-sunod na babae. Mula sa mga de-kalibreng heiress hanggang sa mga cheap na mapang-akit na dilag.

K
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (4)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Ponce De Leon
pwede po ba pki dagdagan nman ang chapters pag nag update. ty po.
goodnovel comment avatar
Carmela Rose Rativo Villanueva
kelan po uli update
goodnovel comment avatar
Aileen Ramos Arquero
Luna balik ka nlng Kay Ralph please,hayaan muna si Kuya Hunter mo Kay Lian
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 631

    PAK!Nang marinig ang kabaliwan ni Enzo, hinampas ni Lola Gabrialla ang kamay sa likod ng ulo ni Enzo! "You little rascal! What kind of garbage is coming out of your mouth?!" Bilang isang matandang may lumang paniniwala, natural na ipinagdadasal niya na maging maayos at tahimik ang relasyon ng apo niya. Kaya naman ang mga salita ni Enzo ay parang sumpa sa mga tainga niya!Sobrang lakas ng hampas na ‘yon na pati ang mga labi ni Hunter ay napaawang sa gulat.Napapikit sa sakit si Enzo, hinahawakan ang ulo niya, pero sinusubukan pa ring depensahan ang sarili. "Lola! Pinapaalalahanan ko lang siya na tratuhin nang maayos si Luna!""I think Hunter is a hundred times more reliable than you! Kailangan pa ba niya ng paalala’t advice mo?!" Walang alinlangan na pumanig ang matanda kay Hunter, pinupuri ito bago humarap kay Lola Divina. "Kumare, baka maging sakit ng ulo ni Hunter si Luna…”Si Lola Divina na medyo litong-lito pa rin sa inaakto ng mga Padilla ay mabilis na lamang na ngumiti. "Naku,

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 630

    Uunahin ng mga Padilla ang kalusugan ni Luna bago ang lahat, kaya paano naman nila pipiliting dalhin ito sa poder nila?Tsaka, napakagalang at napaka-thoughtful ng trato ni Hunter sa kanila. Nang makita kung gaano katindi ang pagmamahal nito kay Luna, lalong naging komportable ang kalooban ni Pia sa lalaki. "You're such a good, thoughtful man, Hunter…”Nakahinga nang maluwag si Lola Divina sa kaibuturan ng puso niya.‘Ang pamilyang 'to talaga... ayos lang naman ang bumisita sila dito, pero bakit sinusubukan nilang dalhin ang ina ng magiging apo ko sa tuhod?!’Nang makitang halos oras na ng lunch, ngumiti nang mainit si Lola Divina. "Tanghali na pala. Dito na kayo kumain ng simpleng lunch kasama namin.""Opo, dito na po kayo kumain," mahinang dagdag ni Luna habang nakatingin kay Pia. "Tita Pia, matagal-tagal na rin nung huli tayong sabay na kumain."Nang marinig ang malambing na mga salitang 'yun, napuno ng luha ang mga mata ni Pia. Iniling niya ang ulo niya paitaas para punasan ang u

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 629

    Hindi lang si Luna ang nakaramdam na may kakaiba—napansin din 'to ni Lola Divina.Nung una, nang dumating ang mga Padilla na may dalang bundok ng mamahaling regalo, akala ni Lola Divina ay nagpapasalamat lang sila kay Luna dahil sa paggaling ng mga binti ni Pia. Pero habang nakikinig siya sa napakalambing na mga boses ng pamilya, dahan-dahan niyang napagtanto ang totoo.Hindi 'to mukhang ordinaryong pagbisita lamang ng mga kapitbahay.Mukha itong... mayaman na pamilya ng bride na pumunta sa bahay ng lalaki para tingnan ang mansyon nito at magpakita ng buong suporta!Nang makita kung gaano katotoo ang pagmamahal ng mga Padilla kay Luna, naging sobrang saya ni Lola Divina para sa dalaga.Tumingin si Lola Gabriella kay Lola Divina nang ilang saglit, tsaka ngumiti. "Kumare, kamusta naman ang pakiramdam niyo? Nabanggit ni Enzo na na-sprain daw ang ankle mo nitong nakaraan?"Akala ni Lola Divina ay simpleng kumustahan lang 'yun. "Naku, maliit na aksidente lang 'yun..."Bago pa man niya maida

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 628

    Si Enzo ang pinakamatagal na nakasama ni Luna. Nang mapansin ang matinding pagkalito sa mukha ng dalaga, mabilis siyang nagbigay ng palihim na kindat sa Mommy niya.Pero si Pia, nakatitig lang sa nawawala niyang anak. Nang makitang ligtas na naglalakad si Luna papunta sa kanila, wala na siyang pakialam sa iba pa! Umapaw ang puso niya sa purong saya.Nang matanggap ang signal ni Enzo, narealize ni Pia na baka mailang ang dalaga sa sobrang excitement niya. Mabilis niyang inabot ang mga kamay niya kay Luna, puno ng lambing ang boses. "Narinig ko kay Eve na pupuntahan ka daw nila ngayong araw. Since I had some free time, I decided to come along!" "Salamat po sa pag-alala sa akin, Tita Pia," ramdam ni Luna ang pag-apaw ng init sa puso niya. Lumapit siya at umupo sa tabi ng ginang, tsaka humarap para batiin ang dalawang matanda nang may paggalang. "Lolo, Lola."Para sa dalawang matanda, ang mga pormal na tawag na 'yun ay nakakadurog ng puso.Pilit na pinanatili ni Don Richard ang pagiging k

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 627

    Nang lumingon si Luna, napatigil siya. Nakatayo roon si Prof. Eric!Biglang namula ang buong mukha niya, at gustong-gusto na niyang magpalamon sa lupa sa sobrang hiya.Si Hunter naman, sobrang kapal talaga ng mukha. Dahan-dahan niyang itinaas ang isang kilay niya. "Prof., the way you say that makes it sound like I'm a bad influence on her." Hindi sumagot si Prof. Eric, pero ang seryoso niyang mukha ay malinaw na nagsasabi: Bakit, hindi ba?Sinusubukang itago ang hiya, kumapit si Luna sa braso ni Hunter para makatayo. "Prof... bakit po kayo napadalaw ngayon? Kamusta na po si Tita Klara?"Nung una, plano talaga niyang bisitahin ang Tita Klara niya sa ospital pagkatapos mag-breakfast, pero mahigpit siyang pinagbawalan ni Prof. Eric at sinabihan siyang mag-focus lang sa pagpapahinga. Nagbanta pa nga itong itatakwil siya bilang student nito kapag nagtangka siyang tumakas para bumisita."Klara is doing fine now, hija," mahinang sabi ni Prof. Eric habang lumalapit at naupo sa isang rattan ch

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 626

    Walang pakialam si Pia sa pagkagulat ni Raul sa katotohanan. Inabot lang niya ang kamay ni Eve, nagmamakaawa ang mga mata habang nakatitig sa panganay niyang anak. "Ano nang gagawin natin?""Let's... go visit her first?" mahinang mungkahi ni Eve. Alam niya kung gaano katindi ang pangungulila ng Mommy niya kay Luna. "Kapag magaling na ang katawan niya at stable na ang baby, makakahanap din tayo ng tamang panahon para sabihin ang totoo. How does that sound, Mommy?" Naalala ang maputla at pagod na mukha ni Luna kagabi, 'di rin nakatulog nang maayos si Eve.Mabuti na lang, tinawagan niya si Hunter ngayong umaga at kinumpirmang maayos ang naging pahinga ni Luna.Kahit ganun, 'di pa rin naglalakas-loob si Eve na pumunta sa pinto ni Luna at biglang sabihin sa dalaga na ito ang nawawala nilang kapatid.Para sa mga Padilla, ang pagkahanap sa nawawala nilang anak ang pinakamasayang balita sa mundo. Sumugod pa nga mula sa Tagaytay ang lolo’t lola nila kagabi lang… sobrang tuwa na gustong-gusto

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status