Share

KABANATA 4

Author: Yoonchae
Nanigas sa kinatatayuan si Aubrey.

Nang makita niya ang pamilyar na kotse na pumarada sa labas, dumaloy ang kaba sa kanyang dibdib.

Matalim niyang tinitigan si Luna, "Sinadya mo ito, ‘di ba? You did this on purpose, right?!"

"Ate, ano'ng sinasabi mo? Kanina lang ay naghahanda ako ng regalo para kay Ralph sa itaas, kaya bakit ako ang sinisisi sinisisi mo..."

Nagluluha ang mga mata ni Luna, na para bang lubos na inaapi.

Agad iyong nasilayan ni Uncle Ben, ang butler sa lumang mansyon, pagkapasok na pagkapasok nito sa bahay nina Luna at Ralph.

Nakunot ang kanyang noo ng matandang lalaki at tinitigan si Aubrey.

“Ma’am Aubrey, pinapasabi ng Madame na dahil hindi mo alam kung paano maging mabuting magulang, ay siya mismo ang magtuturo sa iyo.”

Napaawang ang labi ni Aubrey. “A-Ano?”

Iminuwestra ni Uncle Ben ang mga kamay, tila nag-aanyaya. “Please, pumunta kayo sa bakuran at lumuhod doon ng tatlong oras.”

“Uncle Ben—” Magsasalita pa lang sana si Luna nang pigilan siya nito gamit ang makahulugang tingin.

“Ma’am Luna, huwag ka nang makiusap. Nakita namin kung paano ka nahirapan sa burol ni Sir Randall kaya gusto ng Madame na magpahinga ka na lang.”

Hindi naman ‘yon…

Ang gusto lang niyang itanong ay kung naka-recover na ba si Lola Felicia. Para sana makahanap siya ng tamang tiyempo para pag-usapan ang annulment nila ni Ralph…

Kahit pa hawak ni Ralph ang pamamahala sa Camero Group of Companies, sa mga personal na usapin ng pamilya, palaging ang Lola nito pa rin ang may huling pasya.

Kaya naman alam niya rin kahit na gaano pa tumutol si Aubrey, wala itong magagawa kundi ang lumuhod sa bakuran.

Sobrang lamig at basa pa naman doon ngayon…

Bagay lamang ‘yon sa kanya.

Ni hindi niya tinapunan ng tingin ang hipag at naglakad na lamang paakyat.

Hindi naman napigilan ni Manang Celia ang pag-aalala. “Ma’am, ano na po ang gagawin natin sa painting?”

"Huwag mo na intindihin ‘yon, Manang. May kukuha niyan mamaya at ibabalik na lang dito kapag naayos na.”

Siyempre, hindi niya sasabihin na peke ang nakasabit na painting sa sala. Ang totoo, ang totoong obra ay nasa isang gallery ng kaibigan niya.

Buong-buo pa rin iyon.

Iyon kasi ang huling huling ng matanda bago ito pumanaw… na makita ng mas maraming tao ang kanyang pininta nito.

Sayang lamang kung ikukulong iyon sa bahay.

"Salbahe ka! Salbahe!"

Paakyat na sana si Luna nang sumigaw si Dustin.

"Tinawagan ko na si Uncle! Patay ka pagbalik niya!"

"Okay. Hihintayin ko siya."

"Hihiwalayan ka niya! Wala nang papakasal sa iyo kasi salbahe ka!”

Napangiti si Luna, "Hindi siya makikinig sa ‘yo, bata."

Alam niyang kailangan pa rin siya nina Ralph at Aubrey bilang panakip-butas. Kapag hiniwalayan siya ng lalaki, si Aubrey at ang anak nito na lang ang makakasama ni Ralph sa iisang bubong.

Kapag nangyari ‘yon, masisira ang reputasyon ni Aubrey.

Dahil kailangan pa rin siya nina Aubrey bilang panakip-butas.

Kapag nakipagdiborsyo siya, ang magkapatid-in-law—isang binata at isang dalaga—ay titira sa iisang bubong.

Ganap na masisira ang reputasyon ni Aubrey.

At hinding-hindi iyon hahayaang mangyari ni Ralph.

Agad namang umuwi si Ralph. Wala pang dalawampung minuto matapos lumuhod si Aubrey sa bakuran, dumating na siya.

Suot ang itim na business coat, lalong lumitaw ang pagkamatipuno nito, ang kanyang presensya ay puno ng dignidad.

Pagkababa ng kotse, halos tumakbo siya papunta kay Aubrey, binuhat ito at mabilis na pinasok ang babae sa loob ng bahay.

Iniupo niya ito sa sofa at maingat niyang nilagyan ng gamot ang mapulang tuhod nito.

“Are you stupid? Lumuhod ka lang dahil sinabi nila?” Kita ang matinding sakit sa kanyang mga mata.

"Si Lola na ang nagsabi, ano pa bang magagawa ko?”

Mahigpit na hinawakan ni Aubrey ang manggas ng suot niya, namumula ang mga mata at nanginginig ang tinig, "Ralph, hiwalayan mo na kaya siya? Napakasama niya…”

Bahagyang kumunot ang noo ni Ralph, "You mean Luna?”

"Oo." Kinagat ni Aubrey ang ibabang labi. "Alam mo ba kung bakit sinira ni Dustin ang painting ni Lolo? Si Luna mismo ang nagsulsol sa bata…”

"Tama si Mommy, Uncle!" Nakasimangot si Dustin, may luha pa ang mga mata. “Uncle, tinakot na naman ako ni Tita Luna kanina! Sabi niya may halimaw sa painting na kakain sa braso ko, kaya..."

"Imposible,” Mariing tanggi ni Ralph at banayad na hinaplos ang ulo ng bata, "Baka nagkamali ka lang ng dinig. Ang Tita Luna mo ang pinakamabait sa pamilya natin. Sinabi pa niya kagabi na hindi na siya galit sa’yo at hindi ka na niya tatakutin. Isa pa, siya ang pinakamahal ni Lolo noong nabubuhay pa. Hindi gagawa si Luna nang makakasira sa mga obra nito.”

Halos hindi makapaniwala si Aubrey sa narinig.

“Ano’ng pinapalabas mo? Na nagsisinungaling kami ni Dustin? Ralph naman! Ang laki na ng pinagbago mo!”

Nakaramdam ng galit si Ralph sa paratang na ito, pero nang makita niya ang mga mata ni Aubrey na puno ng pagkadismaya, pinigilan niya ang sarili.

“Aubrey, simula’t sapul, hindi ako nagbago."

Diretso ang titig ni Aubrey sa kanya. "Kaya mo bang sabihin na ni minsan ay hindi ka naakit kay Luna? Na hindi mo man lang siya pinagnasaan?"

Alam ni Ralph sa sarili na malinis ang konsensya niya.

Pero nang marinig ang tanong na iyon, wala siyang maisagot.

Bahagyang nanigas ang kanyang likod, bumaba ang kanyang tingin, "I never touched her."

Nakaramdam siya ng awa para sa asawa.

“Hindi ko siya ginalaw… ni minsan.”

At iyon ang narinig ni Luna habang pababa ng hagdan, ang isang kamay ay nakasuporta sa kanyang likod at ang isa nama’y may hawak na isang kahon.

Iyon mismo ang mga salitang umabot sa kanya, malinaw na malinaw sa kanyang pandinig.

Mapait siyang ngumiti at naglakad papalapit sa mga ito.

“Ralph, magkakaroon ng hapunan bukas kina Lola Nancy. Ipinapatanong ni Lola kung makakauwi ka."

Matagal nang magkaibigan sina Nancy Montenegro at ang mga magulang niya. Pagkatapos ng aksidenteng ikinamatay ng mga ito, agad siyang kinuha ng ginang para alagaan.

Sa paningin ng iba, miyembro na siya ng pamilya Montenegro.

At mula nang ikasal siya kay Ralph, hindi naputol ang ugnayan ng negosyo ng dalawang pamilya.

Marahil dahil sa bigat ng mga salitang binitiwan ay agad sumang-ayon si Ralph. “Sure. I will come back to pick you up tomorrow night. Sabay na tayong pupunta doon.”

"Sige."

Ibinaling ni Luna ang tingin sa kahon na hawak, saka tumingin sa mag-ina sa tabi ng kanyang asawa, at hindi na nagsalita pa.

Tatalikod na sana siya at aalis. Naisip niya si Dani na nanalo sa kaso sa araw na ‘yon at niyaya siyang mag-shopping. Pero nang malamang paika-ika siya, nauwi iyon sa simpleng pagkain na lang.

"Luna.” Tawag ni Ralph sa kanya. "Ano ‘yang hawak mo?"

Napahinto siya at iwinagayway ang kahon. "Regalo."

"Regalo? May magbi-birthday ba ngayon?”

“Regalo ko sana ito sa third wedding anniversary natin. Ibibigay ko sana sa’yo."

"Luna, I’m so sorry..."

“Okay lang. Alam ko namang abala ka sa trabaho. Normal lang na makalimutan mo."

Katulad ng dati, tiningnan niya ang lalaki ng diretso sa mga mata nito at saka iniabot ang regalo niya. “Anyway, malapit na rin naman ang birthday mo, isipin mo na lang early birthday gift ko ‘yan sa ‘yo. Advance happy birthday, Ralph…”

‘At happy annulment din para sa akin…’
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 200

    Namayani ang sandaling katahimikan sa pagitan nila.Tiningnan ni Hunter si Lian, malamig na kaunting aliw ang mga mata, na para bang nakarinig siya ng isang nakakatawang na biro. “Kailan pa ba naging maganda ang reputasyon ko?”Sa loob ng pamilya Montenegro, isa siyang bastos at walang galang na apo. Sa labas naman, sino ba ang hindi nanginginig sa takot kapag nakikita siya? Nasamid si Lian, ang boses ay naging matigas. “At ang reputasyon niya? Wala ka bang pakialam kay Luna?”“Meron.”Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya binalak na isapubliko ang relasyon nila bago ang annulment ni Luna.“Pero kung ipagpapatuloy mo ito, ang reputasyon ni Luna ang—”Malamig siyang pinutol ni Hunter. “So you better shut your mouth and don’t tell anyone.”Kalahating paalala, kalahating babala.Madalas siyang suplado at malayo ang loob, pero nang dumapo ang tingin na iyon sa kanya, naramdaman ni Lian ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.“N-Naintindihan ko.” Ang kanyang mga kuko na maayos ang pagka

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 199

    Ang kamay ni Hunter na kanina pa nakahawak sa kanyang bewang ay hindi niya namalayang bumaba, at may natuklasang bahagyang kabasahan… doon sa parteng ‘yon… Biglang napaatras si Luna at itinulak ang lalaki.“Huwag!” Kahit na inihanda na niya ang kanyang sarili para rito, talagang hindi pa ready si Luna sa ngayon. Sa kaibuturan niya, conservative pa rin siyang babae. Kahit babae lang siya nito, gusto niyang ang kanyang first experience ay mangyari sa isang lugar na ligtas. Hindi rito, kung saan may maaaring pumasok anumang sandali.Nanginig ang kanyang boses. Inalis ni Hunter ang kanyang kamay, ang tono ay matigas at hirap. “Not here?”“Oo.” Tumango si Luna at hinawakan ang marble na doorknob. “Babalik na ako sa private room.”Nang hindi mag-react ang lalaki, mabilis siyang lumabas, nag-ayos ng lipstick sa banyo, at nagmamadaling bumalik sa silid. Kahit habang binubuksan niya ang pinto, mabilis pa rin ang tibok ng kanyang puso. Kung alam niya lang noon na mahilig pala si Hunter sa

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 198

    Para sa mga outsider na gaya ni Lian, napaka-normal lamang ng tanong na ‘yon. Kasing-normal ng pagtatanong sa isang bata, “Sino ang mas gusto mo, ang Mama mo o ang Papa mo?” Pero ang relasyon nina Luna at Hunter ay malayo sa normal. Kaya naman, ang tanong ay naging hindi rin normal para sa kanya…Sabay na tumingin sa kanya sina Hunter at Ralph, pati na rin ang lahat ng naroon, tahimik na naghihintay sa kanyang sagot. Bahagyang ngumiti si Luna at tapat na sumagot. “Walang importante sa kanila.”Ang sagot niya ay nagpatawa sa lahat, bagaman wala ring nagulat. Iniwan siya ni Hunter sa loob ng walong taon. Hindi naman siya tinabihan sa kama ni Ralph sa loob ng tatlong taon dahil kay Aubrey. Kaya totoo, pareho lang silang may pagkukulang.Matapos ang ilan pang round ng laro, may nagmungkahi ng mahjong. May dalawang mesa sa loob ng private room na pinaghihiwalay ng isang screen. Relaxed na relaxed ang atmosphere doon; walang nangingialam sa bawat isa. Sina Hunter, Ralph, Miguel, at Da

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 197

    Gusto pa ngang ipaliwanag ni Dani kay Luna ang totoong relasyon nina Hunter at Lian. Lumapit siya sa tainga ni Luna at bumulong, “I’ll admit it, ang bilis tumanggi ng boyfriend mo. Mukhang ayaw kang mag-isip ng kung ano.”“…” Gusto sanang sabihin ni Luna ang totoo, pero pinigilan niya ang sarili.Kahit walang pakundangan ang pagtrato ni Hunter kay Lian, nanatili pa rin ang babae sa loob ng private room. Bahagyang nagbago ang timpla ng paligid.Mukhang walang pakialam si Hunter habang kaswal na nakaupo sa sofa. Matapos sulyapan si Dani na nasa tabi ni Luna, ibinaba niya ang kanyang tingin at pinaglaruan ang kanyang phone, tila may tinitext.Hindi nangahas si Luna na tumabi kay Ralph; sa halip ay hinila niya si Dani sa kabilang sulok. Hanggang sa nag-suggest si Miguel na maglaro ng Truth or Dare para sumigla naman ang lahat.Simple lang ang rules, maghahalinhinan sa pag-ikot ng bote. Kung kanino ito tumapat, siya ang talo, at ang nag-ikot ang magtatanong o magbibigay ng dare. Hindi ito

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 196

    Ang New Year na ito ang pinaka-relaxing na naranasan ni Luna sa nakalipas na mga taon. Bihira lang na makaraos siya sa isang taon nang walang anumang gulo.Sa loob ng dalawa o tatlong sunod-sunod na araw, walang ingay mula sa kabilang apartment. Nanatili lang sina Luna at Dani sa loob ng apartment, kapwa abala sa kani-kanilang trabaho. Ang coffee table ay puno ng mga papel na may mga research ideas, at ang desk naman ay may mataas na tumpok ng mga file.Kinahapunan, kakatanggap lang ni Luna ng isang tasa ng kape mula kay Dani nang biglang nag-vibrate ang kanyang phone na nakataob sa mesa.Kinuha niya ito, sinulyapan ang screen, at sinagot ang tawag.“Oh, Migz, napatawag ka?”Sa kabilang linya, nanunuksong sumagot si Miguel, “Hey Luna, New Year na ah! Bakit hindi mo man lang ako tinawagan?”Napangiti si Luna. “Nag-send ako ng text message sa lahat.” Nagpadala siya ng pagbati noong madaling-araw ng mismong araw ng New Year, kabilang na ang mga lalaking naging malapit sa kanya.Tumawa

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 195

    Siyempre, malinaw na malinaw pa sa alaala ni Rowena ang nangyaring iyon. Sa car accident na iyon, nawala ang pinakamahalagang lalaki sa kanyang buhay. Pagkatapos niyon, hindi na niya naisip pang mag-asawang muli.Isang bakas ng sakit ang kumislap sa mga mata ni Rowena. “Bakit mo binabanggit ‘yan?”“Sigurado akong naaalala mo nang malinaw, Mama?” tanong ni Aubrey.“Of course, I remember.”“Theb, naaalala mo pa ba ang pulis at ang batang babae na nagligtas sa inyo ni Ralph?” patuloy ni Aubrey.“Naaalala ko.” Sa alaala ni Rowena, ang batang babaeng iyon ay may masayahin at maningning na personalidad, parang isang sunflower na maayos na inalagaan. Napaka-kaibig-ibig. Kung hindi lang masyadong nagmamadali ang lahat noon, baka ipinagkasundo pa ni Rowena si Ralph sa batang iyon.Ang pamilya ng mga pulis ay maaaring hindi mayaman, pero malinis ang kanilang pinagmulan. Dagdag pa ang masunurin at kaibig-ibig na ugali ng bata, sila ni Ralph ay magiging perpektong couple sana.Kumunot ang noo ni

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status