Share

KABANATA 3

Author: Yoonchae
Kinabukasan.

Nagising si Luna ayon sa kanyang body clock. Pagbukas niya ng kurtina, nakita niya ang makulimlim at malamig na kalangitan.

Hindi niya maalalang nabanggit sa weather forecast kung may parating na bagyo. Hanggang sa nagsimula na ang mabigat na pag-ulan.

Kahit sa likod ng salamin ng bintana, ramdam ni Luna ang lamig. Kaya naman nagpalit siya ng knitted skirt at habang naghihilamos, narinig niya ang malakas na tunog ng pagdi-dribble ng bola sa pasilyo.

Napakalakas niyon na para bang under renovation ang bahay at may kino-construct na kwarto.

“Manang Celia, ano’ng nangyayari…”

Kaswal na tinali ni Luna ang kanyang mahabang buhok at binuksan ang pinto. Hindi pa siya natatapos magsalita ngunit natigilan siya.

Palaging malinis at maayos ang bahay nilang mag-asawa.

Pero ngayon, gulo-gulo na.

Ang unan na dapat ay nasa sofa sa unang palapag ay nasa pintuan na ng kwarto niya, may mga mantsa na hindi alam kung saan galing.

Basag ang isang vase na gumulong sa sahig…

At ang milyon-milyong halaga ng painting sa pasilyo ay wasak din.

Sa madaling sabi, kahindik-hindik!

Halos magmakaawa si Manang Celia habang hinahabol ang batang si Dustin, “Hijo, ’wag mong laruin ’yan, paborito ni Ma’am Luna ang tea set na ’yan…”

*CLACK*

Bago pa man matapos magsalita si Manang Celia, nabasag na na ang tea set na iyon.

Nilabas ni Dustin ang dila na parang isang siga, at nang-aasar na nagsalita. “Nyenyenye, I want to play, e! Sabi ni Uncle, ito na ang house ko mula ngayon. Isa ka lang maid, kaya ‘di mo dapat ako inuutusan!”

Pagkasabi niyon, napatingin si Dustin kay Luna na nakatitig sa kanya nang malamig. Napasimangot siya sa inis!

Ang salbaheng babaeng ito!

Dahil sa Tita Luna niya, binangungot siya kagabi. Hinabol daw siya ni Santa Claus at ng mga halimaw! Kailan kaya palalayasin ng Uncle Ralph niya ang babaeng ‘to?!

Sabi ng Mommy niya, kapag daw nawala ang Tita Luna niya, magiging kanila na ang Uncle Ralph niya!

“Fine. Maglaro ka lang,” kalmadong saad ni Luna sa bata.

“R-Really?” Hindi makapaniwalang saad ni Dustin.

Ang dami na niyang sinira, pero hindi man lang nagalit ang salbaheng babaeng ito?

Nakatayo lamang si Luna sa may hagdanan, sumulyap kay Aubrey na nasa ibaba na kunwari’y walang nakikita, at ngumiti. “Oo. Pero bawal mong galawin ang ink painting sa sala. Paborito ko iyon.”

Hindi sigurado si Luna kung si Aubrey ang nag-udyok sa bata o likas talagang salbahe ang anak nito.

Pero hindi na mahalaga pa iyon.

Kung tutuusin, hindi rin naman siya mabait na tao.

Tinuruan siya na kapag binully siya, dapat gumanti siya nang sampu o sandaang beses.

Napairap si Dustin. “Oh!”

At sana mabilis na tumakbo palayo ang pilyong bata.

Napailing si Manang Celia, halos walang magawa. “Ma’am naman, masyado ninyong kinukunsinti ang batang iyon…”

“Ayos lang, Manang,” sagot ni Luna. “Hayaan mo siya. Siya lang ang apo ng mga Camero. Basta masaya siya sa ginagawa niya, iyon ang pinakamahalaga.”

“Isa pa, inaalagaan naman siya ni Ate Aubrey. Respetuhin natin ang paraan ng pagpapalaki niya sa bata. Kung may mangyari man kay Dustin habang nandito sila, hindi natin makakayanan ang consequences.”

“Sige po…” Napilitan si Manang Celia. “Napakabait mo talaga, Ma’am. Kaya naman lahat na lang ay gustong apihin ka.”

Ngumiti lang si Luna at hindi na sinagot pa iyon.

“Mayroon ba tayong extra na gift box sa bahay?”

“Anong klase?”

“Basta kahit ano, iyong kasya ang A4 na papel.”

“Nasa storage room,” mabilis na sagot ni Manang Celia. “Kukunin ko na agad para sa iyo.”

Nang makuha ang kahon, nagkulong muli si Luna sa kuwarto.

Inilagay niya sa loob ng kahon ang pirmadong annulment papers at maingat na tinalian ng ribbon na para bang isa iyong regalo.

Maya-maya pa, isang malakas na kalabog ang narinig niya mula sa ibaba.

Nagkunwari siyang walang narinig, hinigpitan ang ribbon at tumango nang konti, nasisiyahan sa ginagawa.

Napakaganda.

Magaling, Luna…

Hanggang sa ilang saglit pa ay may kumatok sa pinto. Nagmamadali siyang tinawag ni Manang Celia.

“Ma’am, bumaba po kayo! Sinira ng salbaheng bata ang huling painting!”

Mabilis na napatayo si Luna, nanlilisik ang mga mata sa narinig.

“Ano’ng ibig mong sabihin? Yung nasa sala ba na painting?”

“Oho…” Tumango si Manang Celia.

Agad na binaybay ni Luna ang hagdan patungong sala, at sa pagmamadali, natisod ang paa niya.

Nang makita siya ni Dustin, nagtaas ng noo ang bata at mayabang na nagsalita, “Nyenyenye, what can you do to me?”

Binalingan ng tingin ni Luna si Manang Celia. “Tumawag ka na ba sa lumang mansyon?”

“Hindi pa po.”

“Tawagan mo na sila.”

Nang marinig iyon, agad na sumugod si Dustin sa kanya.

“’Wag mo kong isumbong! Salbaheng babae! Huwag mo kong saktan!”

Ni hindi nakailag si Luna, hindi rin inasahan ang lakas ng bata. Natulak siya nito dahilan para bumagsak siya sa sahig at mapangiwi sa sakit ng kanyang bewang.

“Luna! Are you okay?”

Agad siyang nilapitan ni Aubrey para alalayan siya, kunwari’y nagrereklamo. “Naku, pagpasensyahan mo na ‘yang si Dustin. Nasanay na kasi na kapag naglalaro, hindi niya alam ang limitasyon. Pero bata pa lang naman siya kaya huwag ka sanang magalit.”

“…”

Hawak ang bewang, tumingin si Luna sa ink painting na may malaking butas, at mapait na napangiti.

“So, sinasabi mo bang pinapayagan mo ang anak mo na manira ng gamit ng ibang tao?”

Nagulat si Aubrey at naglikot ang mga mata. “S-Sandali lang naman akong nalingat ng tingin, Luna. Kailangan mo pa ba akong sisihin nang ganyan?”

“Talaga bang nalingat ka lang ng tingin?” Umiling si Luna at nilibot ng tingin ang magulong bahay. “Ngayong umaga lang, Ate Aubrey, ganyan na karami ang sinira ng anak mo. Matanong nga kita. Talaga bang binabantayan mo ang anak mo?”

“Luna!” Wala namang ibang tao sa paligid, kaya hindi na nagpanggap pa si Aubrey. “Talaga bang kailangan mo pang maging mababaw? Gusto mo pa talagang eskandaluhin ang lumang mansyon? Dahil lang sa isang nasirang painting? Sa tingin mo ba may gagawing aksyon si Lola dahil lang sa painting mo—”

“Para sa pagkakaalam mo. Hindi iyon basta painting lang, Ate. Iyon ang huling obra ni Lolo bago siya pumanaw,” malamig na sagot ni Luna.

At eksaktong pumasok ang isang itim na kotse sa bakuran ng bahay nila.

Mabilis na dumating ang mga tao mula sa lumang mansyon.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 200

    Namayani ang sandaling katahimikan sa pagitan nila.Tiningnan ni Hunter si Lian, malamig na kaunting aliw ang mga mata, na para bang nakarinig siya ng isang nakakatawang na biro. “Kailan pa ba naging maganda ang reputasyon ko?”Sa loob ng pamilya Montenegro, isa siyang bastos at walang galang na apo. Sa labas naman, sino ba ang hindi nanginginig sa takot kapag nakikita siya? Nasamid si Lian, ang boses ay naging matigas. “At ang reputasyon niya? Wala ka bang pakialam kay Luna?”“Meron.”Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya binalak na isapubliko ang relasyon nila bago ang annulment ni Luna.“Pero kung ipagpapatuloy mo ito, ang reputasyon ni Luna ang—”Malamig siyang pinutol ni Hunter. “So you better shut your mouth and don’t tell anyone.”Kalahating paalala, kalahating babala.Madalas siyang suplado at malayo ang loob, pero nang dumapo ang tingin na iyon sa kanya, naramdaman ni Lian ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.“N-Naintindihan ko.” Ang kanyang mga kuko na maayos ang pagka

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 199

    Ang kamay ni Hunter na kanina pa nakahawak sa kanyang bewang ay hindi niya namalayang bumaba, at may natuklasang bahagyang kabasahan… doon sa parteng ‘yon… Biglang napaatras si Luna at itinulak ang lalaki.“Huwag!” Kahit na inihanda na niya ang kanyang sarili para rito, talagang hindi pa ready si Luna sa ngayon. Sa kaibuturan niya, conservative pa rin siyang babae. Kahit babae lang siya nito, gusto niyang ang kanyang first experience ay mangyari sa isang lugar na ligtas. Hindi rito, kung saan may maaaring pumasok anumang sandali.Nanginig ang kanyang boses. Inalis ni Hunter ang kanyang kamay, ang tono ay matigas at hirap. “Not here?”“Oo.” Tumango si Luna at hinawakan ang marble na doorknob. “Babalik na ako sa private room.”Nang hindi mag-react ang lalaki, mabilis siyang lumabas, nag-ayos ng lipstick sa banyo, at nagmamadaling bumalik sa silid. Kahit habang binubuksan niya ang pinto, mabilis pa rin ang tibok ng kanyang puso. Kung alam niya lang noon na mahilig pala si Hunter sa

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 198

    Para sa mga outsider na gaya ni Lian, napaka-normal lamang ng tanong na ‘yon. Kasing-normal ng pagtatanong sa isang bata, “Sino ang mas gusto mo, ang Mama mo o ang Papa mo?” Pero ang relasyon nina Luna at Hunter ay malayo sa normal. Kaya naman, ang tanong ay naging hindi rin normal para sa kanya…Sabay na tumingin sa kanya sina Hunter at Ralph, pati na rin ang lahat ng naroon, tahimik na naghihintay sa kanyang sagot. Bahagyang ngumiti si Luna at tapat na sumagot. “Walang importante sa kanila.”Ang sagot niya ay nagpatawa sa lahat, bagaman wala ring nagulat. Iniwan siya ni Hunter sa loob ng walong taon. Hindi naman siya tinabihan sa kama ni Ralph sa loob ng tatlong taon dahil kay Aubrey. Kaya totoo, pareho lang silang may pagkukulang.Matapos ang ilan pang round ng laro, may nagmungkahi ng mahjong. May dalawang mesa sa loob ng private room na pinaghihiwalay ng isang screen. Relaxed na relaxed ang atmosphere doon; walang nangingialam sa bawat isa. Sina Hunter, Ralph, Miguel, at Da

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 197

    Gusto pa ngang ipaliwanag ni Dani kay Luna ang totoong relasyon nina Hunter at Lian. Lumapit siya sa tainga ni Luna at bumulong, “I’ll admit it, ang bilis tumanggi ng boyfriend mo. Mukhang ayaw kang mag-isip ng kung ano.”“…” Gusto sanang sabihin ni Luna ang totoo, pero pinigilan niya ang sarili.Kahit walang pakundangan ang pagtrato ni Hunter kay Lian, nanatili pa rin ang babae sa loob ng private room. Bahagyang nagbago ang timpla ng paligid.Mukhang walang pakialam si Hunter habang kaswal na nakaupo sa sofa. Matapos sulyapan si Dani na nasa tabi ni Luna, ibinaba niya ang kanyang tingin at pinaglaruan ang kanyang phone, tila may tinitext.Hindi nangahas si Luna na tumabi kay Ralph; sa halip ay hinila niya si Dani sa kabilang sulok. Hanggang sa nag-suggest si Miguel na maglaro ng Truth or Dare para sumigla naman ang lahat.Simple lang ang rules, maghahalinhinan sa pag-ikot ng bote. Kung kanino ito tumapat, siya ang talo, at ang nag-ikot ang magtatanong o magbibigay ng dare. Hindi ito

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 196

    Ang New Year na ito ang pinaka-relaxing na naranasan ni Luna sa nakalipas na mga taon. Bihira lang na makaraos siya sa isang taon nang walang anumang gulo.Sa loob ng dalawa o tatlong sunod-sunod na araw, walang ingay mula sa kabilang apartment. Nanatili lang sina Luna at Dani sa loob ng apartment, kapwa abala sa kani-kanilang trabaho. Ang coffee table ay puno ng mga papel na may mga research ideas, at ang desk naman ay may mataas na tumpok ng mga file.Kinahapunan, kakatanggap lang ni Luna ng isang tasa ng kape mula kay Dani nang biglang nag-vibrate ang kanyang phone na nakataob sa mesa.Kinuha niya ito, sinulyapan ang screen, at sinagot ang tawag.“Oh, Migz, napatawag ka?”Sa kabilang linya, nanunuksong sumagot si Miguel, “Hey Luna, New Year na ah! Bakit hindi mo man lang ako tinawagan?”Napangiti si Luna. “Nag-send ako ng text message sa lahat.” Nagpadala siya ng pagbati noong madaling-araw ng mismong araw ng New Year, kabilang na ang mga lalaking naging malapit sa kanya.Tumawa

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 195

    Siyempre, malinaw na malinaw pa sa alaala ni Rowena ang nangyaring iyon. Sa car accident na iyon, nawala ang pinakamahalagang lalaki sa kanyang buhay. Pagkatapos niyon, hindi na niya naisip pang mag-asawang muli.Isang bakas ng sakit ang kumislap sa mga mata ni Rowena. “Bakit mo binabanggit ‘yan?”“Sigurado akong naaalala mo nang malinaw, Mama?” tanong ni Aubrey.“Of course, I remember.”“Theb, naaalala mo pa ba ang pulis at ang batang babae na nagligtas sa inyo ni Ralph?” patuloy ni Aubrey.“Naaalala ko.” Sa alaala ni Rowena, ang batang babaeng iyon ay may masayahin at maningning na personalidad, parang isang sunflower na maayos na inalagaan. Napaka-kaibig-ibig. Kung hindi lang masyadong nagmamadali ang lahat noon, baka ipinagkasundo pa ni Rowena si Ralph sa batang iyon.Ang pamilya ng mga pulis ay maaaring hindi mayaman, pero malinis ang kanilang pinagmulan. Dagdag pa ang masunurin at kaibig-ibig na ugali ng bata, sila ni Ralph ay magiging perpektong couple sana.Kumunot ang noo ni

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status