Share

KABANATA 5

Author: Yoonchae
Hawak ni Ralph ang regalo. Para bang may kung ano’ng tumutusok sa kanyang puso, dahilan para maging mabigat at hindi pantay ang kanyang paghinga.

Ang laso sa box ay maingat na nakatali. Bawat detalye nito ay patunay ng pag-e-effort ng kanyang asawa. Tila ba mahabang panahong inihanda ni Luna ito.

Pakiramdam niya ay isa siyang walang kwenta. Isang makasariling walang-hiya na nililihim ang kagaguhan niya.

Bago pa man siya makapagsalita, naglakad na papuntang pintuan na si Luna. Suot ang isang jacket at scarf na bumagay sa kanyang mabilog na mukha, naglakad siya palabas ng bahay.

Pero may kakaiba sa kanyang paglakad.

Bago pa makapagtanong si Ralph, biglang umungol si Aubrey sa tabi nito.

“Aray… ang sakit!”

Nagbalik sa ulirat si Ralph at inalalayan ang babae na muling makaupo..

“Masakit ba talaga ang tuhod mo? Dadalhin kita sa ospital.”

“Ayokong pumunta doon.”

Pinagdikit ni Aubrey ang kanyang labi, at sinulyapan ang kahon sa kamay ni Ralph. “Ang sabi mo hindi ka attracted sa kanya, pero heto’t parang pinahahalagaan mo pa ang mga bagay na bigay niya sa iyo.”

Napakunot ang noo ni Ralph. “Brey, napakarami ko nang utang sa kanya.”

Lalong lumaki ang mga mata ni Aubrey, at saka napahagulgol.

“Paano naman ako? Ralph, sabihin mo nga. Ano bang balak mo sa amin? Hahayaan mo na lang ba siyang apihin ako at si Dustin?”

“Sinabi ko na sa’yo. Hindi gano’n si Luna.”

“Tama na! Ralph, hindi mo ba napapansin na bawat salita mo ay pagtatanggol sa kanya?!”

Pagkatapos sabihin ‘yon, tumayo si Aubrey habang puno ng luha ang mga mata, at hinila si Dustin paakyat ng kwarto.

Natigilan si Ralph bago dahan-dahang huminga nang malalim.

Ni hindi niya alam kung ano ba talaga ang iniisip niya.

Ang alam lang niya… ayaw niyang makarinig ng kahit anong masamang salitang laban kay Luna.

***

Dalawang araw na nag-uulan sa Maynila.

Nang umaga, nagtungo si Luna sa clinic na pinagtatrabahuhan niya dahil may mga naka-schedule siyang pasyente na magpapakonsulta. Nang magtanghali naman, dumating ang isang colleague ng kanyang Senior galing abroad para mag-aral ng acupuncture. Dahil may importanteng lakad ang kanyang Senior ay siya ang pansamantalang nagturo dito.

Nang mag-alas-singko na ng hapon, nagmadali siyang umuwi, nagpalit ng damit, at naglagay ng kaunting makeup sa kanyang mukha.

Maganda na ang mukha niya kahit wala masyadong ayos. Matingkad ang mga mata niya, mapuputi’t maayos ang mga ngipin. Kaunting pag-aayos lamang ay nagiging kapansin-pansin na siya agad.

Pagbaba niya sala, kapansin-pansin ang katahimikan ng bahay.

Mukhang may nakaing kung ano ang mag-ina at hindi nanggulo sa araw na ‘yon.

“Luna.”

Sinusuot pa lamang niya ang pares ng sandals nang marinig ang tinig ni Aubrey sa likuran niya. Humalakhak pa ito sa hindi malamang dahilan.

“Sa tingin mo, ikaw ba ang pipiliin niya o ako?”

Natigilan siya sa inasta ng babae, ngunit bahagya ring ngumiti. “Ate, ano bang sinasabi mo? Hindi ko yata maintindihan.” Huminga siya nang malalim. “Ah, ang ibig mo bang sabihin ay gusto mong gumawa ng drama bilang isang byuda na nilalandi ang brother-in-law niya?”

“Luna!!”

Oo, alam niyang masyadong mabibigat ang mga salitang binitiwan niya, dahilan para manggigil sa galit si Aubrey.

Pero nanatiling kalmado si Luna. Bahagya niyang inayos ang suot na mamahaling blazer at nginitian itong muli.

“Hindi na kita papatulan. Naghihintay na sa akin si Ralph.”

Sinundan ng tingin ni Aubrey ang direksyon ng kanyang mga mata, at mula sa malalaking bintana, nakita niya ang kotse ni Ralph sa bakuran.

Mas umalab ang galit sa dibdib ni Aubrey. Gusto niyang masuka sa sobrang inis!

Pumayag lamang siyang ipakasal si Ralph sa babaeng ito dahil inakala niyang mahina si Luna at madaling kontrolin. Pero ngayon, animo’y tigre ito na handa siyang sakmalin anumang oras.

Sumakay si Luna sa kotse at tumingin kay Ralph. “Naghintay ka ba nang matagal?”

“No, I just arrived.”

Hinawakan nito ang kanyang palad, nagbaba ng tingin sa kanya hanggang sa mapansin nito ang maputing binti niya na bahagyang nakalantad sa ilalim ng palda.

“Bakit ka naman nagsuot nang ganiyang kaikli?”

Kumurba ang labi niya at saka napangiti. “Ayos lang naman. Hindi naman ako nilalamig.”

Sa clinic, paulit-ulit niyang pinaaalalahanan ang mga pasyente nila na magsuot ng makakapal na damit.

Pero kapag sarili na niya, hindi na iyon mahalaga.

Napatitig si Ralph sa kanya, nakakunot ang noo.

“Paano kung magkasipon ka at lagnatin?”

“Eh ‘di iinom ng gamot.”

Madali lang naman gamutin ang sipon. Mga ilang dose lang ng gamot, mawawala na ito agad. Paulit-ulit na itong nangyayari sa kanya nitong tatlong taon.

Malamang. Hindi naman niya pwedeng iasa pa sa asawa ang pag-aalaga sa sarili niya.

Sa katunayan, wala siyang maaasahang mag-aalaga sa kanya na kahit sino.

Nang makitang walang pakialam ang asawa sa kalusugan nito, pakiramdam ni Ralph ay bumigat ang kanyang dibdib.

“Parang sinasabi mo naman na wala akong pakialam bilang asawa mo.”

Nagulat si Luna sa binanggit nito ngunit agad ding nakabawi.

“Hindi mo pa ba binuksan ang binigay ko sa ‘yong regalo kahapon?”

“Hindi pa,” ani Ralph. “Isn’t it a birthday present? Hihintayin ko na lang ang birthday ko bago ko buksan.”

Napatango si Luna. Ayos lang naman iyon.

Mas marami pa siyang oras para maghanda.

Kaunti lamang ang napag-usapan nilang dalawa, dahilan para mamayani ang katahimikan sa buong byahe nila.

Habang traffic, napabaling ang tingin ni Ralph sa asawa na nakatanaw lamang sa bintana. Kung titingnan, mukha talagang mahinahon si Luna… napakamasunurin at hindi lumalaban.

Kaya naman hindi niya maintindihan kung bakit gigil na gigil kay Luna si Aubrey.

Bahagyang napangiti si Ralph, handa na sanang magsalita nang biglang tumunog ang kanyang phone.

“Sir Ralph, nakipag-blind date po si Ms. Aubrey.”

Hindi malakas ang boses nang nasa kabilang linya, pero malinaw iyong narinig ni Luna.

Agad nanikip ang hangin sa loob ng kotse. Naramdaman niyang nagpipigil si Ralph ng galit. Alam na alam nito kung saang sitwasyon paiiralin ang emosyon nito. Palagi itong kontrolado.

“Send me the location,” malamig na saad ni Ralph.

Pagkababa ng tawag ay bumaling siya kay Luna. Bahagya siyang kumalma pero determinado na ang desisyon. “Something happened, Luna. Hindi na kita masasamahan sa dinner.”

Something happened…?

Alam na niya ngunit hindi siya nagpahalata. Ayaw niyang maging kahiya-hiya sa harap ng lalaking ito.

“Naiintindihan ko.” Huminga siya nang malalim at bumaling sa driver. “Mang Fabian, pakihinto na lang dito.”

Ilang saglit pa’y dahan-dahang huminto ang kotse.

Ngunit hindi kumilos si Ralph, dahilan para mapatingin siya rito.

“Ralph, bumaba ka na. Hindi puwedeng matagal ang sasakyan sa gilid ng kalsada.”

“A-Alright…”

Sandaling natigilan si Ralph, pinagmasdan ang mapungay na mga mata ng asawa at hindi na nagsalita pa. Sa huli, bumaba na lamang siya ng kotse.

***

Ang family dinner ng mga Montenegro na dinadaos buwan-buwan ay ibang-iba kumpara sa ibang pamilya na masaya’t masigla. Lima lamang kasi ang mga miyembro na kumakain sa hapag at kasama na doon si Ralph.

Masyadong tahimik ang pamilya Montenegro. Pakiramdam ni Luna ay para siyang dumadalaw sa sementeryo. Gano’n na gano’n ang pakiramdam.

Pagdating sa mansyon, agad siyang sinalubong ng katiwala at inihatid siya sa dining room.

“Ma’am Luna, matagal ka nang gustong makita ng Madame. Buong araw na siyang excited sa pagbabalik mo.”

“I see.” Bahagyang tumango si Luna, bagama’t mahigpit ang pagkakasalikop ng kanyang mga kamay.

Sa dining room, nakaupo ang kanyang Lola Nancy Montenegro sa pinakadulong parte ng mesa. Nasa kaliwa nito ang panganay at pangalawang anak nitong mga babae.

Pagkapasok doon ay agad siyang nagbigay-galing. “Good evening po, Lola, Tita Carmin, Tita Carol.”

Malamig ang naging tugon ng dalawang tiya-tiyahin niya. Samantalang ang Lola Nancy naman niya tumingin sa likuran niya, at nang hindi makita ang hinahanap ay napakunot ang mukha.

“Where is Ralph?”

“Nagkaroon po ng emergency kaya hindi na siya makakarating,” sagot niya.

Kasunod no’n, biglang umalingawngaw ang isang malakas na boses, kasabay ng pagbagsak ng isang mga tasa’t plato mula sa mesa.

“Lumabas ka at lumuhod!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 80

    Tiningnan siya ng nurse nang may halong alinlangan ngunit sumang-ayon pa rin.“Aubrey, bakit hindi mo muna hayaang gamutin ni Doc Luna ang bata—” “Maglalakas-loob pa ba ako?!” Nag-aalab ang galit sa mga mata ni Aubrey. “Sinaktan na niya ang anak ko! Malay ko ba kung ano pa ang kaya niyang gawin!”“Tumawag kayo ng ambulansya,” malamig na sabi ni Luna.Wala na siyang sinabi pa. Kinuha niya ang bag mula sa opisina at nang madaanan ang nurse station, umabot sa kanyang pandinig ang mga bulungan doon.“Si Doc Luna ba talaga ang nanakit sa bata?”“Sino ba ang nakakaalam? Nakakakilabot. Kung siya nga, parang ayoko nang makatrabaho siya…”“At huwag niyong kalimutan ha, noong isang araw sa restaurant, magkasama sila ni Ralph. Ito pa, yung bintang ng bata sa kanya kaninang umaga… Malamang kabit nga si Doc Luna.”“Imposible!”Si Elisa, na pinakamalapit kay Luna, ang unang napuno. “Hindi gano’n si Doc. Pwede ba tigilan niyo na ang tsismis sa likod niya? Kung talagang may duda kayo, bakit hindi niy

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 79

    Walang pakialam si Luna, nakatitig lamang sa set ng silver needles na nasa kamay ni Dustin. “Ibalik mo sa akin ‘yan,” malamig niyang sabi.Ang set na ‘yon ay niregalo sa kanya ng professor niya nang maging estudyante siya nito. Trese anyos pa lang siya noon nang siya’y hirangin siya ng kanyang Prof Eric bilang side kick nito. Maging si Nathan ay hindi pa kailanman nakakita ng ganoong uri ng karayom. Ang set na iyon, regalong iniwan ng kanyang professor noong nagsasanay pa siya ng acupuncture. Bagay na napakahalaga para sa kanya.“Hindi ko isasauli sa iyo iro! Iinisin kita hanggang mamatay ka!” sigaw ni Dustin, galit na galit. Isa-isang nitong binunot ang mga karayom, inihagis sa sahig ang mga iyon at tinadyakan.Hinablot ni Luna ang kwelyo ng bata, nagdidilim ang kanyang mga mata. Hinila niya ito palabas ng clinic at saka kinurot ang pisngi nitong bilugan. “Kapag pumasok ka pa ulit sa opisina ko, itutusok ko lahat ng karayom na ’yan sa ulo mo. Gagawin kitang isang matabang maliit na

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 78

    “Luna, sorry! Nagkamali ako!”Dahil medyo nahihilo pa, nagpasya na lamang si Luna na sakyan ang kaibigan. “Sige, igawan mo ako ng honey water para patawarin na kita.”“Sige!”Si Dani na tuluyan namang naging masunurin ay inilapag ang bag ni Luna sa lamesa, saka dali-daling naghanda ng honey water. Bumalik siya kaagad, inilapag ang baso sa harap ni Luna na may nanunuyong ngiti.“Talaga bang pinatawad mo na ako?”“Pinatawad na kita.” Bahagyang ngumiti si Luna at tumango.Hindi pa niya naiisip kung hanggang kailan niya maitago ang lihim sa kaibigan.Kanina, sa loob ng sasakyan, labis ang kahihiyan niya nang ma-expose ang sekreto niya. Pero ngayon may kakaibang ginhawa sa dibdib niya.Pwede siyang insultuhin ni Hunter kung gugustuhin nito, pwede rin itong magmayabang kung nanaisin nito. Wala siyang pakialam.Humiga siyang muli.Nang makita ni Dani na tila kalmado na siya, maingat nitong sinamantala ang pagkakataon para magtanong, “So… sasabihin mo na ba kung bakit si Hunter ang sumagot sa

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 77

    Muli na namang nalantad sa harap ng lalaki ang nakakahiya at pribadong buhay ni Luna.Kahit ano pang isipin niya, tunog pang-iinsulto ang mga salita nito. “Sino bang nagsabi sa iyo na hiwalay na kami? Mr. Montenegro, single ka, kaya siyempre hindi mo maiintindihan. Minsan, ang pagbabago ng kapaligiran ay nakatutulong para tumatag ang pagsasama ng mag-asawa,” mabilis niyang sagot, matalim at puno ng depensa ang boses.“Really?”Naningkit ang mga mata ni Hunter sa kanyang pagsagot. Pinagdikit nito ang mga labi bago muling nagsalita.“At sinong mag-asawa ang isinasama ang mga best friend nila para patatagin ang marriage nila?”Malabo pa rin ang isip ni Luna dahil sa tama ng alak, kaya mabagal siyang naka-react. “Ano?”“Dani called just now.” Kalmado ang boses nito. “Tinanong niya kung bakit hindi ka pa umuuwi.”Bumaon ang mga kuko ni Luna sa kanyang palad, alam niyang wala nang saysay ang makipagtalo pa sa lalaki. Sa huli, umamin na siya.“Oo na, hiwalay na kami. Gaya ng sabi ng lahat,

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 76

    Nag-alinlangan si Nathan, halatang ang pag-aalala sa boses nang magsalita. “But Mr. Montenegro…”“Mr. Robles,” malamig at walang emosyon ang boses ni Hunter. “Nag-aalala ka bang baka kidnapin ko siya at ibenta sa mga sindikato?”Nabigla si Nathan sa narinig. May narinig na siyang ilang piraso ng kwento tungkol sa nakaraan nina Luna at Hunter mula sa kanilang Professor. Bago ang insidenteng iyon, nalaman niya na palaging si Hunter ang maaasahang lalaki sa buhay ng babae. Sa pag-alala nito, sa huli’y sumang-ayon na si Nathan.“Then I’ll trouble you, Mr. Montenegro.”Tumango si Hunter. Walang kahirap-hirap niyang binuhat si Luna, at dinala ito sa kotse.Sa biglang paggalaw na iyon, bahagyang nagising si Luna. Nalilito, gumapang siya sa leather na upuan, malabo ang kanyang paningin. “Nate…” kusang lumabas sa kanyang bibig.Mabilis na umandar ang kotse sa kalsada. Ang mga poste ng ilaw ay gumagawa ng gumagalaw na anino sa loob ng sasakyan, binibigyang diin ang matigas na emosyon sa mukha

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 75

    Natahimik agad ang private room na parang maririnig mo ang lagaslas ng karayom kung mahulog ito sa sahig.Bihirang makaramdam si Luna ng pagkailang, pero iba ang mga oras na ‘yon. Trabaho iyon, at si Hunter ang pinakamalaking kliyente niya. Pinapaalala niya sa sarili na dapat magkaiba ang personal at professional niyang buhay.Pagkalipas ng ilang segundo, inayos niya ang sarili. “Mr. Montenegro, mapagbiro pala kayo.”Pumasok siya sa loob at marahang isinara ang pinto. Ilang hakbang pa lamang ay napansin niyang ang tanging bakanteng upuan ay katabi mismo ni Hunter. Tinanggal na ng waiter ang mga extrang silya.Nahihiya siyang nag-angat ng tingin at agad niyang nahuli ang tamad na titig ni Hunter sa kanya. Ang mga daliri nito ay marahang tumatama sa mesa.“I see malumanay nitong sabi. “You’re still afraid of me.”Pinaglabanan ni Luna ang tukso na tumalikod na lang at umalis sa lugar na ‘yon. Sa halip, naglakad siya papalapit. “Mr. Montenegro, mukhang hindi maganda ang reputasyon ninyo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status