Share

KABANATA 8

Author: Yoonchae
Tumigil ang tibok ng puso ng lalaki at bigla ring huminto ang kanyang mga paa sa paglalakad.

Nagtagpo ang mga mata ni Ralph at ang diretsong titig ni Luna, at wala sa sariling binigkas niya ang pangalan nito. “Luna…”

Napangiti si Luna, at sa banayad at mahina ang tinig ay nagsalita, “Bakit ka ba kinakabahan? Alam kong matagal na kayong magkakilala ni Ate Aubrey. Normal lang siguro sanay kayo sa first name basis.”

Habang palabas ang itim na Maybach sa gate, dahan-dahang umupo si Luna sa sofa.

Hindi niya akalaing magiging padalos-dalos siya.

Sanay siyang umakto bilang masunurin at kalmadong asawa. Kinailangan lang niyang gamitin ang pagtataksil ni Ralph para makakuha ng maayos ang annulment na inaasam niya.

Bakit pa siya nagtanong ng ganoon sa lalaki?

Napatitig siya sa kisame, ang mga mata niya’y nanunuyo.

Bago pa niya mahanap ang sagot sa kanyang puso, narinig niya ang pagtunog ng kanyang phone. Ang masiglang boses ni Dani ang bumungad sa kanya.

“Luna, gusto mo bang uminom ngayong gabi?”

“Sige,” mabilis na sagot ni Luna, saka bahagyang napahinto. “Pero baka mamaya pa. May health livestream ako na matatapos ng mga alas-diyes ng gabi.”

Ang livestream na ‘yon ay tungkol sa clinic, na sa totoo lang ay hindi naman talaga niya trabaho. Pero dahil may importanteng bagay na gagawin ang kasamahan niya sa trabaho, pinakiusapan siya nitong pumalit.

Noong una ay tumanggi siya, iniingatan ang reputasyon ng parehong pamilya Camero at Montenegro. Pero itinuro ng kasamahan niya ang paggamit ng beauty filters. Sa sobrang ganda niyon, kahit ang sarili niyang Mama ay hindi siya makikilala.

Maganda siya at banayad magsalita sa camera, kaya laking gulat niya na naging mabenta siya sa livestreams. Hindi nagtagal, ang clinic na mismo ang nag-ayos ng regular na broadcast para sa kanya.

“Perfect,” ani Dani. “I’ll pick you up after my overtime work. Tamang-tama ang oras.”

“Okay.”

Pagkababa ng tawag, gumaan ang loob ni Luna.

Bumalik siya sa kwarto para balikan ang mga materials na gagamitin niya para sa livestream.

Ang pinakamagandang benefit ng pagkakakasal niya kay Ralph ay ang kalayaan tinatamasa niya ngayon.

Paano ba naman, wala naman itong pakialam sa kanya.

Ang tanging kayang gawin na lamang ng mga Montenegro ay pagbawalan siya sa paggawa ng mga malalalang bagay, pero hindi na sinusubaybayan ng mga ito ang bawat galaw niya. At dahil na rin sa respeto ng mga ‘to sa mga Camero, kailangan din nilang magpakita ng konsiderasyon.

Kaya ipinagpatuloy ni Luna ang pagdadagdag ng kaalaman niya sa medisina habang patuloy na tumutulong sa clinic.

Pagkalipas ng tatlong taon, nakapag-ipon na siya ng malaking halaga sa bangko.

Eksaktong alas-diyes natapos ang kanyang livestream.

Maganda ang pakiramdam niyang bumaba ng hagdan, at sakto namang pumarada ang sasakyan ni Dani sa labas ng bahay.

Pagkasakay niya, nagtaas pa ito ng kilay. “You’re in such a good mood. Okay na ba ang annulment?”

“Malapit na...” Umangat ang dulo ng labi ni Luna. “It's worth having a drink to celebrate.”

Nakarating ang dalawa sa bar na punung-puno ng mga taong nagsasaya. Pero dahil kakilala ni Dani ang may-ari, nakahanda na ang mesa nila.

Pagbalik ni Dani mula sa banyo ay umiinom na si Luna.

Napatawa si Dani. “Alam ba ni Ralph na umiinom ka?”

“Siyempre hindi.”

Bahagyang tinagilid ni Luna ang kanyang ulo, ngumiti, at lumitaw ang maliit na dimple sa gilid ng kanyang labi. “Gaya ng hindi ko rin alam noon na ang babae pala na ‘yon ang mahal niya…”

“Halikan mo na!”

“Halikan mo na siya!”

“Go girl, papakin mo na ng halik!”

Napatigil si Luna sa gitna ng ingay mula sa dance floor. Nilingon niya iyon, at nawala ang kanyang ngiti.

Sinundan ng tingin ni Dani ang direksyon kung saan siya nakatingin, at dumilim ang mukha. “Isn’t that your husband?”

Sa ilalim ng kumikislap na strobe lights, malinaw ang matipuno at guwapong mukha ng asawa niya.

May babae itong yakap-yakap… maganda, kaakit-akit, nakasuot ng pulang dress.

Ang lalaking kilala niya sa pagiging kalmado at kontrolado, ngayo’y lantaran na ang pagkahumaling ng mga mata.

Nang makita ni Dani ang mukha ng babae, halos mabitawan nito ang hawak nitong phone.

“Si Aubrey ang kabit niya?”

“’Di mo in-expect, ano?”

Inubos ni Luna ang laman ng kanyang baso, at saka paos ang boses na nagpatuloy, “Ni ako, hindi ko inakala.”

Pagkasabi niya niyon, tumingkayad naman si Aubrey at saka hinalikan sa labi si Ralph… sa harap ng maraming tao.

At kusa namang hinigpitan ng asawa niya ang pagkakahawak nito sa baywang ng kabit nito.

What a perfect pair… naisip ni Luna.

“Wow!”

“Ang galing ni Aubrey!”

“Mukhang hindi na uuwi ngayong gabi si Ralph!”

Ang mga tao roon na mas matanda kay Luna ay tuwang-tuwa at naghiyawan.

Biglang tumayo si Dani, pero hinawakan niya ang braso nito para pigilan ito. “’Wag kang pumunta roon.”

“Do you think I'm stupid?”

Itinaas ni Dani ang phone at kumuha ng dalawang litrato, at saka hinila siya patayo. “Alam kong may plano ka mag-celebrate, pero masyadong marumi ang lugar na ’to. Lumipat na lang tayo.”

Dahil na rin hilig ni Luna ang uminom at kumain, ay pumayag siya.

Pagkaraan ng dalawang session ng paglalasing, kinabukasan na siya nagising, masakit ang kanyang ulo at namamaga ang mga mata.

Pagka-check niya ng phone, akala niya ay namamalikmata lamang siya sa nakita niya.

6 million pesos…

Kinusot niya ang mga mata at nakumpira na galing kay Aubrey ang pera. Hanggang sa unti-unting bumalik ang alaala niya ng nakaraang gabi.

Totoo nga.

Malinaw na takot si Aubrey sa kanilang Lola Felicia Camero.

Pero dahil magkasama sila kagabi ni Ralph, malamang ay ang lalaki rin ang nagbigay ng pera na pambayad nito.

Perang pagmamay-ari din niya dahil kasal sila…

Kalmado na siyang bumaba, nagtimpla ng honey water, at uminom iyon.

Napansin naman ni Manang Celia ang maputlang mukha niya.

“Ma’am, gusto mo bang kumain? May sinigang at nilagang baka po tayo gusto niyo po lutuan kita ng lugaw para mainitan ang tiyan mo?”

Sa buong taon, si Luna ang gumagawa ng mga meal plan para sa kanilang dalawa ni Ralph.

Pero nangangasim pa rin ang tiyan niya, kaya agad tumanggi.

“Nilaga baka na lang,” sagot niya nang walang imik, habang palinga-linga sa paligid ng bahay. “Hindi ba umuwi kagabi sina Ralph at Ate Aubrey?”

“Baka po.”

Walang malisya ang tono ni Manang Celia at pumasok sa kusina para ihanda ang pagkain niya. Dinagdagan pa nito ng maraming patatas iyon dahil alam nitong mahilig doon si Luna.

Bigla namang dumating si Dustin, nakapamewang at nakasimangot.

“Kasama ng mama ko si Uncle kagabi! Hindi ka na magiging Tita ko! Salbaheng babae ka at hindi ka bagay kay Uncle!”

Dinuro pa nito si Luna gamit ang chubby na daliri nito, galit na galit.

“Alright.” Maingat na tumango si Luna at sinampal ang kamay ng bata. “Alam mo ba kung magiging ano ka kapag nagpakasal ang Uncle Ralph at ang Mama mo?”

“Ano?”

“Pabigat.”

Yumuko siya, hinaplos ang pisngi ng bata, at bumulong, “Alam mo ba ibig sabihin nun? Kapag nagkaroon ng bagong baby ang mama at uncle mo, wala nang magmamahal sa ’yo. Will that make you happy, little burden…?”

“Waaah!” Humagulgol si Dustin, puno ng luha at sipon ang mukha. Dinampot nito ang tablet at sinubukang tawagan ang Mama nito.

Ngunit walang sumagot.

Matalim ang tingin na ibinato nito kay Luna.

“Hindi! Hindi sila gagawa ng ibang baby!”

Paulit-ulit niyang tinawagan ang kanyag Mama, pero walang sumagot.

Ngumiti si Luna. “Kita mo? Tama ako. Hindi ka na nila gusto.”

At hindi naman siya nagsisinungaling.

Pagkatapos ng nangyari kagabi, malamang buntis na si Aubrey.

“Hindi… waaah…”

Pinunasan ni Dustin ang luha gamit ang braso, patuloy pa rin sa paghikbi.

Bitbit ang honey water, pumunta si Luna sa hapag at umupo. Nag-vibrate ang kanyang phone; ipinasa ni Dani ang isang article online.

Sakto namang lumabas si Manang Celia dala ang sabaw na pinahanda niya. Nang marinig ang iyak ng bata, napatanong ito,“Bakit ba ang lakas ng iyak ng batang iyon?”

Ipinakita ni Luna ang screen sa ginang. “Baka nakita niya ang balita at narealize na kabit ang mama niya. Kaya malungkot.”

Nanlaki ang mata ni Manang Celia sa litrato at headline.

–Ralph Camero,ang President ng Camero Group of Companies, nahuling nakikipaghalikan sa isang babae sa bar kagabi!–
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 200

    Namayani ang sandaling katahimikan sa pagitan nila.Tiningnan ni Hunter si Lian, malamig na kaunting aliw ang mga mata, na para bang nakarinig siya ng isang nakakatawang na biro. “Kailan pa ba naging maganda ang reputasyon ko?”Sa loob ng pamilya Montenegro, isa siyang bastos at walang galang na apo. Sa labas naman, sino ba ang hindi nanginginig sa takot kapag nakikita siya? Nasamid si Lian, ang boses ay naging matigas. “At ang reputasyon niya? Wala ka bang pakialam kay Luna?”“Meron.”Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya binalak na isapubliko ang relasyon nila bago ang annulment ni Luna.“Pero kung ipagpapatuloy mo ito, ang reputasyon ni Luna ang—”Malamig siyang pinutol ni Hunter. “So you better shut your mouth and don’t tell anyone.”Kalahating paalala, kalahating babala.Madalas siyang suplado at malayo ang loob, pero nang dumapo ang tingin na iyon sa kanya, naramdaman ni Lian ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.“N-Naintindihan ko.” Ang kanyang mga kuko na maayos ang pagka

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 199

    Ang kamay ni Hunter na kanina pa nakahawak sa kanyang bewang ay hindi niya namalayang bumaba, at may natuklasang bahagyang kabasahan… doon sa parteng ‘yon… Biglang napaatras si Luna at itinulak ang lalaki.“Huwag!” Kahit na inihanda na niya ang kanyang sarili para rito, talagang hindi pa ready si Luna sa ngayon. Sa kaibuturan niya, conservative pa rin siyang babae. Kahit babae lang siya nito, gusto niyang ang kanyang first experience ay mangyari sa isang lugar na ligtas. Hindi rito, kung saan may maaaring pumasok anumang sandali.Nanginig ang kanyang boses. Inalis ni Hunter ang kanyang kamay, ang tono ay matigas at hirap. “Not here?”“Oo.” Tumango si Luna at hinawakan ang marble na doorknob. “Babalik na ako sa private room.”Nang hindi mag-react ang lalaki, mabilis siyang lumabas, nag-ayos ng lipstick sa banyo, at nagmamadaling bumalik sa silid. Kahit habang binubuksan niya ang pinto, mabilis pa rin ang tibok ng kanyang puso. Kung alam niya lang noon na mahilig pala si Hunter sa

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 198

    Para sa mga outsider na gaya ni Lian, napaka-normal lamang ng tanong na ‘yon. Kasing-normal ng pagtatanong sa isang bata, “Sino ang mas gusto mo, ang Mama mo o ang Papa mo?” Pero ang relasyon nina Luna at Hunter ay malayo sa normal. Kaya naman, ang tanong ay naging hindi rin normal para sa kanya…Sabay na tumingin sa kanya sina Hunter at Ralph, pati na rin ang lahat ng naroon, tahimik na naghihintay sa kanyang sagot. Bahagyang ngumiti si Luna at tapat na sumagot. “Walang importante sa kanila.”Ang sagot niya ay nagpatawa sa lahat, bagaman wala ring nagulat. Iniwan siya ni Hunter sa loob ng walong taon. Hindi naman siya tinabihan sa kama ni Ralph sa loob ng tatlong taon dahil kay Aubrey. Kaya totoo, pareho lang silang may pagkukulang.Matapos ang ilan pang round ng laro, may nagmungkahi ng mahjong. May dalawang mesa sa loob ng private room na pinaghihiwalay ng isang screen. Relaxed na relaxed ang atmosphere doon; walang nangingialam sa bawat isa. Sina Hunter, Ralph, Miguel, at Da

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 197

    Gusto pa ngang ipaliwanag ni Dani kay Luna ang totoong relasyon nina Hunter at Lian. Lumapit siya sa tainga ni Luna at bumulong, “I’ll admit it, ang bilis tumanggi ng boyfriend mo. Mukhang ayaw kang mag-isip ng kung ano.”“…” Gusto sanang sabihin ni Luna ang totoo, pero pinigilan niya ang sarili.Kahit walang pakundangan ang pagtrato ni Hunter kay Lian, nanatili pa rin ang babae sa loob ng private room. Bahagyang nagbago ang timpla ng paligid.Mukhang walang pakialam si Hunter habang kaswal na nakaupo sa sofa. Matapos sulyapan si Dani na nasa tabi ni Luna, ibinaba niya ang kanyang tingin at pinaglaruan ang kanyang phone, tila may tinitext.Hindi nangahas si Luna na tumabi kay Ralph; sa halip ay hinila niya si Dani sa kabilang sulok. Hanggang sa nag-suggest si Miguel na maglaro ng Truth or Dare para sumigla naman ang lahat.Simple lang ang rules, maghahalinhinan sa pag-ikot ng bote. Kung kanino ito tumapat, siya ang talo, at ang nag-ikot ang magtatanong o magbibigay ng dare. Hindi ito

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 196

    Ang New Year na ito ang pinaka-relaxing na naranasan ni Luna sa nakalipas na mga taon. Bihira lang na makaraos siya sa isang taon nang walang anumang gulo.Sa loob ng dalawa o tatlong sunod-sunod na araw, walang ingay mula sa kabilang apartment. Nanatili lang sina Luna at Dani sa loob ng apartment, kapwa abala sa kani-kanilang trabaho. Ang coffee table ay puno ng mga papel na may mga research ideas, at ang desk naman ay may mataas na tumpok ng mga file.Kinahapunan, kakatanggap lang ni Luna ng isang tasa ng kape mula kay Dani nang biglang nag-vibrate ang kanyang phone na nakataob sa mesa.Kinuha niya ito, sinulyapan ang screen, at sinagot ang tawag.“Oh, Migz, napatawag ka?”Sa kabilang linya, nanunuksong sumagot si Miguel, “Hey Luna, New Year na ah! Bakit hindi mo man lang ako tinawagan?”Napangiti si Luna. “Nag-send ako ng text message sa lahat.” Nagpadala siya ng pagbati noong madaling-araw ng mismong araw ng New Year, kabilang na ang mga lalaking naging malapit sa kanya.Tumawa

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 195

    Siyempre, malinaw na malinaw pa sa alaala ni Rowena ang nangyaring iyon. Sa car accident na iyon, nawala ang pinakamahalagang lalaki sa kanyang buhay. Pagkatapos niyon, hindi na niya naisip pang mag-asawang muli.Isang bakas ng sakit ang kumislap sa mga mata ni Rowena. “Bakit mo binabanggit ‘yan?”“Sigurado akong naaalala mo nang malinaw, Mama?” tanong ni Aubrey.“Of course, I remember.”“Theb, naaalala mo pa ba ang pulis at ang batang babae na nagligtas sa inyo ni Ralph?” patuloy ni Aubrey.“Naaalala ko.” Sa alaala ni Rowena, ang batang babaeng iyon ay may masayahin at maningning na personalidad, parang isang sunflower na maayos na inalagaan. Napaka-kaibig-ibig. Kung hindi lang masyadong nagmamadali ang lahat noon, baka ipinagkasundo pa ni Rowena si Ralph sa batang iyon.Ang pamilya ng mga pulis ay maaaring hindi mayaman, pero malinis ang kanilang pinagmulan. Dagdag pa ang masunurin at kaibig-ibig na ugali ng bata, sila ni Ralph ay magiging perpektong couple sana.Kumunot ang noo ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status