Share

KABANATA 7

Penulis: Yoonchae
Nang marinig ang malamig at payak na tinig nito, tila may kumurot sa puso ni Ralph.

Kumunot ang noo niya. “Bakit bigla mo na lang itinatapon? Don’t you treasure this wedding dress?”

Hindi ito itinanggi ni Luna.

Sa loob ng tatlong taon, naglaan siya ng puwang sa closet para sa wedding dress niya. Ipinapalinis pa niya ito taun-taon, pinapanatili sa maayos na kondisyon.

Ngunit iniingatan niya iyon dahil naniwala siyang ang kasal ay minsan lang nagaganap sa isang buhay, at dapat itago ang wedding dress bilang alaala.

Ngayon, malapit na silang maghiwalay.

At hindi rin magtatagal, ikakasal na si Ralph sa babaeng minamahal niya.

Ang wedding dress na ito, gaya niya, ay isa na lamang walang saysay na bagay sa pamilya.

Napangiti siya. “Sira na kasi ito. Kamakailan ko lang nalaman na may malaking butas na pala.”

“Huwag mong basta itapon.”

Nakita ni Ralph ang pilit na ngiti sa labi ng asawa at inakalang nahihirapan si Luna na pakawalan ito. “Well, I'll ask the bridal shop to take it away and see if it can be repaired...”

“Huwag na.” Umiling si Luna, tuwirang tumingin sa lalaki. “Hindi na maaayos ang bagay na may malaki nang sira.”

Ang totoo, ang tinutukoy niya ay hindi ang wedding dress.

Kundi ang puso niya.

Kundi ang kanilang kasal.

Hindi na niya hinintay pang makapagsalita si Ralph. Tinalikuran niya ito at naglakad papasok ng bahay.

Napansin naman ni Ralph na medyo paika-ika pa rin ang asawa, at doon lamang siya natauhan. Agad niyang hinabol si Luna.

“Sandali, nasugatan ka ba? It's been two or three days, why are you still limping?”

Nagbaba ng tingin si Luna. “Halos pagaling na sana ako, pero pinaluhod ako ni Lola Nancy kagabi ng apat na oras sa harap ng mansyon.”

“What did you say?”

Nanlaki ang mga mata ni Ralph, at nang hindi sinasadyang napatingin sa namamagang palad ni Luna, para bang luluwa na ang mga mata niya.

“And your hand, how come…”

Napakurap si Luna. “Binugbog nila ako.”

Kaswal ang tono ng babae, wala ni bakas ng hinaing, dahilan para mapakunot ang noo ni Ralph.

“Bakit ka naman lumuhod nang ganoon katagal, tapos…”

Hindi na niya kayang ipagpatuloy ang iniisip. Hindi ba’t tinuturing na pamilya ng mga Montenegro ang asawa niya? Paanong nagawa ng mga ito na saktan si Luna sa pagbabalik nito?

Tiningala naman ni Luna si Ralph, at biglang bumalik sa isip niya ang panahong buong puso siyang nagnanais na siya ang mapangasawa ni Ralph.

Sa totoo lang, inasam niya talaga na sabay silang tumanda.

Nanahimik siya sandali, pinipigilan ang pagkalat ng pait sa kanyang dibdib. Hanggang sa tuluyan niyang sagutin ang tanong sa mukha nito.

“Hindi ka kasi sumama sa akin…”

Pinilit pigilan ni Ralph ang hindi maipaliwanag na inis sa puso niya, nilunok ang bara sa kanyang lalamunan. “At nakakangiti ka pa? Doesn’t it hurt?”

“Masakit.” Tumango si Luna. “Pero nasanay na ako.”

“Nasanay?”

“Oo.”

Mahinang pinisil ni Luna ang palad niya, nanatiling kalmado at nagpaliwanag, “Whenever you don’t go with me to the family dinner, ganito ang parusa nila sa akin.”

Pero ang katotohanan, higit pa roon ang parusa.

Mula pagkabata hanggang paglaki, kapag may kahit maliit siyang nagawa na ikinagalit ng Lola Nancy niya, hindi siya nakakaligtas sa parusa.

Ang sementadong kalsada na kung minsan ay pinupuno ng maliliit na bato ay sadyang inilaan para sa kanya.

Hindi pa man siya tumatagal ng isang taon sa mga Montenegro noon, anim na taong gulang pa lamang siya, marunong na siyang lumuhod ayon sa nais ng Lola niya.

Ang tuhod, binti, at paa niya ay tuwid na tuwid, nakahanay sa mga bato.

Lumuhod si Ralph at marahang iniangat ang laylayan ng palda niya. Saka tumambad sa kanya ang tuhod nitong namamaga at nangingitim. Pati mga binti, puro pasa. Sa puti at makinis nitong balat, lalo lamang lumutang ang mga pasa.

Kung ikukumpara sa bahagyang pamumula ng tuhod ni Aubrey noong nakaraang araw, walang-wala iyon sa dinanas ni Luna.

Umigting ang galit sa dibdib ni Ralph. Binuhat niya ang asawa at inilapag sa sofa, nakakunot-noo. “Why didn't you call me when you were beaten?”

Matagal nang magkatunggali ang pamilya Camero at Montenegro. Nitong mga nakaraang taon, simula nang hawakan ni Hunter ang negosyo ng mga Montenegro, naging mas ganid ito sa mga pagbabago sa kumpanya dahilan para mas lumaki ang pagitan ng dalawang pamilya.

Pero hindi inakala ni Ralph na hahantong sa ganito na aapihin nila ng todo ang asawa niya.

Kalmadong tumingin si Luna sa kanya. “Hindi ba’t sabi mo, may emergency kang aasikasuhin kaya umalis ka? IAkala ko baka sobrang importante niyon, kaya hindi na kita inistorbo.”

Tila nagbara ang lalamunan ni Ralph, sandaling napaisip kung iiwan pa rin ba niya ang asawa nang gano’n para lang pigilan ang blind date ni Aubrey kung ang kapalit niyon ay ang ganitong parusa kay Luna.

Alanganing iniangat niya ang tingin, tumama sa maamo at mabait nitong mukha. Nanikip ang dibdib niya.

Kinuha niya ang first aid kit at habang nilalagyan ng ointment ang mga sugat ng asawa, banayad siyang tinanong, “Why didn't you tell me about the beating you got before?”

Tahimik lamang si Luna. Noon kasi, buong puso niyang gustong maging asawa ng ikalawang tagapagmanan ng mga Camero.

Buong akala niya niya noon, si Ralph ay magiging mabuting asawa.

Sa paningin ng lahat, walang pinagkaiba ang mga Montenegro sa sarili niyang pamilya. Sino ba naman ang maglalakas-loob na ikuwento sa magiging asawa niya kung gaano kalupit ang trato ng pamilya sa kanya?

Hindi naman siya ganoong katanga.

At higit sa lahat, hindi siya ganoong kamahal ng asawa niya.

Alam niya iyon noon pa.

Hindi talaga siya mahal ni Ralph.

At nitong mga araw lang, tuluyan niyang natuklasan na hindi siya kailanman minahal nito.

Mabuti na lang, hindi siya kailanman sumandal sa pagmamahal ng iba para lang mabuhay.

Ipinatong ni Luna ang mga kamay sa hita niya, banayad na ikinuskos doon dulo ng daliri niya.

“Ayokong masangkot ka sa gulo sa pagitan ko at ng mga Montenegro,” mahina niyang sabi. “Kailangan pa rin ng pamilya mo na makipag-sosyo sa kanila.”

Hindi niya puwedeng sabihin ang totoo. Kaya’t kailangan niyang magsinungaling, gamit ang totoo ring damdamin.

Ngunit mas nagbara ang lalamunan ni Ralph nang marinig ito, na para bang may malaking pagkakautang siya sa asawa. Ang pagiging maunawain nito ay hindi dapat gawing dahilan para saktan siya.

Huminga nang malalim si Ralph, pinipigil ang pag-aatubili sa kanyang puso, at saka inabot niya ang ulo ni Luna at hinaplos na para bang pinapagaan ang loob nito.

“I'm sorry, I didn't do well this time. I forgot to spend our wedding anniversary with you a few days ago. Tell me, Luna, ano ang gusto mo? Ibibigay ko sa’yo.”

Bahay, sasakyan, alahas, bag… anumang bagay, madali para sa kanya.

“Hmmm…” Sandaling nag-isip si Luna, saka malinaw na nagpatuloy, “Gusto ko lang na magustuhan mo ang regalo ko sa birthday mo.”

“Iyon lang ba?”

“Yes, Ralph.” Marahan siyang tumango.

Sa edad na dalawampu, ang hiling lang ni Luna ay mapangasawa si Ralph.

Sa edad naman na dalawampu’t apat, ang hiling niya ay tuluyang makalaya kay Ralph… makalaya nang malinis at payapa.

Ngunit nang salubungin niya ang tapat na titig nito, nakunsensya siya sa unang pagkakataon.

Ilang saglit pa, tumunog ang phone ng lalaki.

Iba ang ringtone na ‘yon. Halatang espesyal.

Bumaba ang tingin ni Luna sa phone screen at nakita ang pangalan ni Aubrey doon.

Sinagot ito ni Ralph. Hindi alam ni Luna kung tungkol saan ang tawag ng babae, basta’t bigla na lang tumayo ang asawa niya na may nanlalamig na ekspresyon. “Is it serious? Bakit hindi ka man lang nagpasundo sa driver? You sprained your ankle? Send me the location. Papunta na ako.”

Pagkababa ng tawag, nagmamadali nang umalis si Ralph. Ngunit naalala niyang hindi pa siya tapos gamutin ang sugat n Luna. Naiwan sa kamay niya ang bulak na may gamot, hindi alam kung ipagpapatuloy ba ang ginagawa o iiwan na lamang iyon.

Inabot ni Luna ang cotton swab. “Kaya ko na. Gawin mo na ang kailangan mong gawin.”

Sabi nila, ang batang umiiyak ang siyang nakakatanggap ng kendi.

Pero iba ang buhay ni Luna.

Ang pag-iyak ay hindi lang ibig sabihin na walang kendi… kundi may kasamang palo at bulyaw.

Naisip niya noon, balang araw, makakabili rin siya ng kendi. Bibili siya ng marami.

“...Alright.”

Huminga nang maluwag si Ralph at hindi napigilang magpaliwanag,

“Aubrey was injured. It's inconvenient for her to be outside with the child alone. I'll go over and see.”

Pagkasabi noon, dali-dali itong umalis.

Hindi napigilang itanong ni Luna, “Bakit ni minsan hindi kita narinig na tinawag siyang ‘ate’?”
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 100

    Palagi itong busy. Sobrang busy na nakalimutan na nitong may asawa siya.Napahinto sandali si Luna, saka muling tumingin sa lalaki. “Paano mo nalaman?”“I guessed.”Dahil hindi man lang siya nagsubok magtanggi, hindi na nagulat pa si Ralph. Ngunit pakiramdam niya ay may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib niya, kaya hirap siyang huminga.Ngumiti si Luna. “Akala ko hindi mo mapapansin.”Tinitigan siya nito, lalong lumalim ang kunot ng noo dahil nahihirapan siyang huminga. “Ganun ba ako katanga?”“Oo.” Lalong kumurba ang labi ni Luna. “Pero sa harap lang ni Aubrey.”Hindi siya naging mabuting asawa.Pero naging magaling siyang kasintahan para sa babae. Seryoso ang tono ni Luna, ngunit para kay Ralph, may bahid iyon ng pang-iinsulto. Dahan-dahan siyang huminga nang malalim, sinusubukang paluwagin ang bigat sa dibdib. “Papaalisin ko siya sa lalong madaling panahon. I’ll pick you up when the time comes.”“Saka na lang natin pag-usapan, Ralph.” Bahagyang ngumiti si Luna, parehong mal

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 99

    Tinitigan siya ni Ralph, hindi kumukurap ang mga mata. “Sino pa ba ang may palayaw na Nana?”Medyo karaniwan ang palayaw na Nana. Hindi nakapagtataka kung may dalawa o higit pang tao ang tinatawag na gano’n.Pero ang titig ni Ralph ay sobrang matalim, sobrang mapanuri, kaya’t hindi mapakali si Luna.Bahagya niyang ibinaba ang mga mata, pinipigil ang emosyon. “Wala, naisip ko lang kasi na common ang nickname na iyon.”Ngayon lang niya nakita kung gaano ka-protective si Ralph pagdating kay Aubrey. Kung malaman nitong binully siya noon ni Aubrey, malamang ang una nitong magiging reaksyon ay ipagtanggol pa rin ito.At mas masaklap pa, baka siya pa ang masisi. Bukod pa roon, hindi pa siya lubos na sigurado.Pero ang pendant na ito…Binasa ni Luna ang kaniyang ibabang labi, saka tiningnan si Ralph. “Ralph, napaka-special ng design nito. Pwede ko ba itong hiramin nang ilang araw? May kaibigan akong alahera, gusto kong ipagaya ito.”Marahil dahil sa nangyari kay Dustin, gustong bumawi ni

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 98

    Napakunot ang noo ni Ralph, bahagyang pinisil minasahe ang kamay.“Desperado lang siya noong mga oras na iyon.”“Desperado man o ano, hindi ba’t alam mo na dapat kung ano ang totoo?”Hangang-hanga si Luna sa galing ng lalaki na baluktutin ang katotohanan. Tinitigan niya ito nang diretso, mata sa mata.Sa huli, sumuko rin si Ralph, may halong pagkabigo ang ekspresyon.“Luna, hindi niya lang naisip kung gaano kaseryoso ang bagay na ito. I can make it up to you on her behalf…”Tumunog na ang cellphone nito na nakapatong sa mesa. Hindi na kailangang tingnan pa ni Luna ang caller ID. Sa ekspresyon nitong tila parang asong walang magawa, alam na niyang si Aubrey ang tumatawag.“Sorry, I have to take this call.”Kinagat ni Luna ang ibabang labi. “Go ahead.”Nilibre siya nito ng dinner at humingi ng tawad. Pero bago pa man dumating ang pagkain, nasa phone na ito, kausap ang mismong taong may kagagawan ng lahat.Nakakainis.“Ma’am, Ma’am?”Dalawang beses siyang tinawag ng waiter bago siya nata

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 97

    Hindi naintindihan ni Lian ang ibig sabihin ng mga salitang iyon.Pero naging kapansin-pansin ang pagbigat ng tensyon sa loob ng elevator.Nahuli ni Luna ang bahagyang iritasyon sa mukha ni Ralph at muntik na siyang matawa. Itinaas niya ang kaniyang paningin, at sinalubong naman ang matabang na titig ni Hunter.“Team Leader Pineda, hindi ba busy sa project? No overtime?”May kataliman ang dila! Wala talagang pinipili ang atake nito, naisip ni Luna. Para bang gusto pa nitong lahat ay mag-overtime na parang mga alipin ng Montenegro Corp.“Yung mga natitirang trabaho, puwede ko nang gawin sa bahay.”“Oh.” Tumango si Hunter na tila nag-iisip. “How can someone so obsessed with love still have the energy to work after hours?”Bihira para kay Luna na makaramdam ng pagkailang. Ngunit sa sandaling iyon, gusto na niyang tumalon pababa ng elevator shaft.Marahil iniisip ng lahat na pinakasalan niya si Ralph dahil mahal na mahal niya ito. Si Ralph naman, walang kaalam-alam sa pagkailang ni Luna,

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 96

    Lahat ay may stake sa buong project ng Montenegro corp.Inimbitahan ni Alan Ponce ang lahat sa lobby para sa miryenda. Sumama si Luna dahil alam niyang mahalaga ang makisama sa mga ito.Pero hindi niya inasahan na sa pagdating niya ay agad siyang hihilain ni Lian sa isang sulok. “Luna, are you okay after last night? Si Hunter kasi, kung minsan may nasasabi siyang mga ganoon. Don’t take it personally.”“A… ayos lang ako.” Medyo nabigla si Luna sa inakto ng babae, hindi sigurado kung ano ang pakay ni Lian. “Salamat sa miryenda.”Malinaw nang sinabi ni Hunter na hindi sila compatible. Kaya bakit friendly pa rin ang pakikitungo ni Lian sa kanya?“Why are you being so polite?”Ngumiti si Lian, saka tumingin sa tatlong lalaki mula sa Traditional Medicine team at pinagalitan ang mga ito. “Huwag n’yong maliitin si Luna dahil lang babae siya ah. Sa trabaho, dapat magtulungan kayong lahat.”“Secretary Lian.” Kumunot ang labi ni Luna at pabulong na sinabi, “Sa totoo lang, hindi mo na kailangan

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 95

    Agad na nagtungo si Luna at ang dalawang pulis sa surveillance room, kung saan naghihintay na si Nathan.Pagkatapos nilang i-review ang surveillance footage, ilang beses nag-iba ang ekspresyon ng pulis. “Mrs. Camero, please wait a moment…”“Sure.” Pagpayag ni Luna.Lumabas muna ang isa sa mga pulis para tawagan ang kung sino. Agad din itong bumalik at tiningnan siya. “Mrs. Camero, the case has been dropped. Hindi na namin iimbestigahan ang surveillance footage…”Malinaw na kung sino ang nasa likod nito. Hindi akalain ni Nathan na ganoon ka-obsessed si Ralph sa babae nito.Pinatunayan din nito ang sinabi ng kanilang Professor noon tungkol sa lalaki. Na hindi ito kailanman karapat-dapat kay Luna!Gayunpaman, hindi na ito ikinagulat ni Luna. “I understand. By the way, pwede ba akong magsampa ng kaso laban kay Aubrey para sa paninirang-puri?”“Mrs. Camero…” Bahagyang nag-alinlangan ang pulis, ngunit dahil sa professional ethics, pinaalalahanan niya ito, “Mahirap ma-convict ang tinutukoy m

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status