MasukNapabulalas siya sa gulat. “Ito ’yung bracelet na nakita ko sa auction noong nakaraan!” Bahagyang ngumiti si Miguel. “Ipina-adjust ko para magkasya sa’yo. Subukan mo kung komportable.” Hindi na nagdalawang-isip si Hiraya at isinuot ang bracelet sa kaliwang pulso niya. Lalong luminaw ang kulay nito sa kanyang balat, parang ginawa talaga para sa kanya. Iniunat niya ang kanyang braso at masusing tiningnan. “Saktong-sakto.” Ilang sandali niya pa itong hinangaan, ngunit nang mawala ang excitement, sinubukan niya itong tanggalin, at doon siya napakunot-noo. Ayaw na nitong matanggal. Napansin ni Miguel ang kanyang reaksyon. “Anong problema?” Bahagyang nainis si Hiraya. “Masyadong sakto. Hindi ko na matanggal.” “Kung ganoon, isuot mo na lang,” sabi ni Miguel habang hinahawakan ang kamay niya. Napabulong si Hiraya, “Masyadong mahal para isuot sa araw-araw..” Tatlong daang milyong piso ang halaga nito. Kapag nasira, siguradong masasaktan ang kalooban niya. Pero regalo iy
Wala pang dalawang minuto matapos ibaba ang tawag, tumawag agad si Ivy.“Kalokohan ang trending na ’yan! Si Ethan Rivera na naman ba ang walang hiya? Ang gagong iyun, traydor talaga!. Kung may lakas siya ng loob, sa sarili niyang account siya mag-post!”Galit na galit si Ivy, halos hindi na mapigilan sa pagmumura. Hindi niya kayang hayaang bastusin ang kanyang matalik na kaibigan.Nang bahagya siyang tumigil, mabilis na nagsalita si Hiraya. “Tama ka, siya nga ang nasa likod ng iskandalo na ito .”Hindi pa rin humupa ang galit ni Ivy at muling nagsalita.“Nag-imbestiga na ako. Nakatrabaho na ni Ethan si Jona dati. May ugnayan sila. Siguradong may kinalaman si Jona dito.”Napangiti nang malamig si Hiraya. “Kung ganoon, sabay na nating ayusin silang dalawa. Mahilig siyang mang-agaw ng role, ’di ba? Hayaan nating siya mismo ang magpatunay noon.”Matapos ibaba ang tawag, nag-log in si Hiraya sa Twitter account ni Zodiac.Makalipas ang sampung minuto, agad itong nag-trending.Zodiac:[Hul
Kinabukasan, bago magtanghali, nagliyab ang Twitter sa ingay ng usapan.Isang bagong likhang account ang naglabas ng mahabang, kontrobersyal na post.Binatikos nito si Hiraya Natividad, inilalarawan siya bilang isang tusong “third party” na sinadyang makialam sa relasyon ng iba. Ayon sa post, ginamit daw ni Director Andrew Franklin ang kanyang posisyon upang bigyan si Hiraya ng espesyal na access sa set, malaya siyang nakakapasok at nakakalabas kahit kailan. Para maging lehitimo ang presensya niya, gumawa pa raw ito ng posisyong “script consultant” para lamang sa kanya.Hindi rin nakaligtas si Ivy Mortel. Inakusahan siyang tumulong kay Hiraya na agawin ang female lead role mula kay Jona at manipulahin ang mga kuwento online upang palabasing inosente at kawawa si Jona.Bagama’t pinalitan ang mga pangalan, agad pa ring nahulaan ng mga nakasubaybay sa isyu kung anong proyekto ang tinutukoy.Nagsimulang maghukay ang mga netizen. Nakahanap sila ng maraming larawan nina Andrew Franklin at
“Si Alfred Villamor ba iyon?” Alam na ni Lucian ang lahat tungkol kay Hiraya, ang kanyang pamilya at ang engagement niya kay Alfred. Wala namang halaga sa kanya si Alfred. Sa buong Villamor Family, si Miguel Villamor lang ang nagbibigay sa kanya ng kahit kaunting pag-iingat. “Hindi,” agad na tanggi ni Hiraya.. “Kung ganoon, sino?” tanong ni Lucian habang bahagyang pinapaliit ang kanyang berdeng mga mata. “Hindi ba’t engaged ka kay Alfred?” Malamig na ngumisi si Hiraya. “Bakit ko naman sasabihin sa’yo?” Naging mapanganib ang tingin ni Lucian. “Hindi na mahalaga. Kahit na hindi mo sabihin sa akin, malalaman ko din iyan.” Kung sino man iyon… siguradong mapapahamak. “Buksan mo ang pinto!” mariing utos ni Hiraya, ayaw nang magsayang ng salita. Ngumiti si Lucian. “Sige, pakakawalan na kita.” Ginamit niya ang susi para i-unlock ang sasakyan. Hindi na nag-aksaya ng oras si Hiraya at agad hinawakan ang door handle. Pagkababa niya, narinig niya ang malalim at mapang-as
Pinukpok ni Hiraya ang pinto ng sasakyan, ngunit naka-lock ito mula sa labas. Kahit anong lakas ng pagtulak niya, hindi ito gumalaw. Sa labas, tahimik na nakatayo ang dalawang lalaki, at mukhang wala silang balak sumakay. Hinampas ni Hiraya ang bintana at sumigaw, “Pakawalan ninyo ako!” Biglang may marahang tawa na umalingawngaw sa loob ng sasakyan. Napahinto si Hiraya. Nanlamig ang kanyang likod. Hindi niya namalayang may kasama pala siya sa loob. Sumunod ang isang makinis at mapang-akit na boses. “Matagal na tayong hindi nagkita. Naalala mo pa ba ako?” Nanlaki ang mga mata ni Hiraya at agad siyang napalingon. Sa likurang upuan ay nakaupo ang isang lalaking naka-itim na suit. May bahagyang ngiti sa kanyang labi at nakasandal nang may kumpiyansa. Ngunit ang pinaka-kapansin-pansin ay ang kanyang berdeng mga mata, mapang-akit, tuso, at malamig. Namawis ang mga palad ni Hiraya. Kumabog nang mabilis ang kanyang puso at namutla ang kanyang mukha. Nanginginig niyang binigk
Habang nakahiga sa kama, pumihit si Hiraya paharap kay Miguel. Nagtagpo ang kanilang paningin at nakangiting nagsalita si Hiraya. “Pwede ba tayong mag-usap tungkol sa isang bagay?” Tiningnan siya ni Miguel. Sa kanyang maliwanag at kaakit-akit na mukha, bahagyang ngumiti ito. “Sure..ano ang gusto mong pag-usapan natin?” Ngumiti si Hiraya. “Kailangan ko ng model.” “Ibig mong sabihin… gusto mo akong maging model?” nakangiting tanong ni Miguel sa asawa, “Ang bilis mong makaintindi,” biro naman ni Hiraya sa lalaki. “Sure, no problem…". agad na pumayag si Miguel. Oo naman, basta gusto ng asawa niya, papayag talaga siya….. “Pero ayoko ng ordinaryong model, lang. Pero, alam ko naman na kaya mong gawin eh,” may pilyang ngiti sa labi ni Hiraya habang sinasabi ang katagang iyun. Kaagad namang napataas ng kilay si Miguel. “Anong klaseng model ang gusto mo?” May requirements pa ba ang pagiging model? “Gusto kong pag-aralan ang istruktura ng mga buto at kalamnan,” maingat na pa
Si Miguel ang may tunay na kapangyarihan sa pamilya Villamor. Ang bawat salita niya ay parang batas. Sa isang pangungusap lang, dinurog niya ang pangarap ni Jona. Sa gilid, hindi naman mapigilan ni Hiraya ang mapangiti, isang malamig na ngiti na puno ng pang-uuyam.. Alam niya kung gaano kal
Hindi na namalayan pa ni Hiraya ang oras habang nagre-revise ng script. Wala siyang oras, ni lakas, para isipin ang tungkol sa engagement. Lampas hatinggabi na nang matapos niya ang lahat ng pagbabago at maipadala ang script sa director. Pagod na pagod mula sa sunod-sunod na gabing kulang sa tul
"Uncle Miguel, ano ang ibig mong sabihin? Paanong----” hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Hiraya lalo na nang mapatitig siya sa nangungusap ng mga mata ni Miguel. Bagaman paulit-ulit na sinasabi nitong si Miguel na para lamang sa kapakanan ng kanilang mga pamilya ang napagkasunduang engagement,
Tinulungan ni Alfred si Jona na makatayo. Kitang kita ang galit sa mukha niya habang matalim na tinitigan si Hiraya. “Hiraya!” mariin niyang sigaw. “Humingi ka ng tawad kay Jona. Ngayon na!” Napalunok si Lina Gomez, pinipigilan ang sarili na huwag makialam. Naisip niya "Hindi na talaga normal a







