The Devil's Desire

The Devil's Desire

last updateTerakhir Diperbarui : 2023-02-27
Oleh:  ShanelauriceTamat
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
26 Peringkat. 26 Ulasan-ulasan
86Bab
117.0KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

"In exchange for your brother's freedom-- marry me!" Pinangarap niya ang magpakasal sa isang lalakeng mahal niya at mahal siya pero dumating sa punto na kinailangan niyang isantabi ang pangarap na iyon at pikit-matang pakasalan si Leandro Montenegro, ang lalakeng binansagang 'HALIMAW' ng mga tao sa kanilang baryo, hindi lang dahil sa malaking peklat nito sa mukha kundi dahil sa masamang ugaling meron ito. He is arrogant, manipulative and heartless! Labag man sa loob niya, wala siyang magagawa dahil iyon ang hiniling nitong kapalit para palayain ang kapatid niyang may malaking pagkakasala rito. Ang pakasalan ito! Iyon na ba ang simula na maging impyerno ang buhay niya? O iyon ang magiging daan para mahanap niya ang lalakeng pinapangarap niya?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter One: Imprisonment

"Ciel, you have a phonecall, hipag mo daw!" sigaw ni Lovie sabay takip sa mouthpiece ng teleponong hawak.

Agad na kumunot ang kanyang noo. Nagtataka na napatingin sa gawi nito.

Hindi ugali ng hipag niya ang tawagan siya kapag ganitong oras ng trabaho lalo na at sa telepono ng kanilang opisina ito tatawag.

Bit-bit ang dalawang mug ng kape ay agad siyang lumapit sa kinaroroonan ng kaibigan. Inilapag muna niya ang isa sa mesa nito at ang isa naman sa mesa niya bago kinuha mula rito ang telepono at sinagot.

"Hello.."

"C..Ciel?"

Ewan niya, pero bigla siyang kinabahan sa timbre ng boses nito.

"A.. Ate Beth, napatawag ka? may nangya--" hindi na niya naituloy ang kanyang tanong dahil agad nito iyon pinutol.

"C..Ciel, a..ang kuya mo, A..ang kuya mo!"

Napadiretso ang tayo niya ng marinig ang nanginginig at halos mangiyak-ngiyak nitong boses sa kabilang linya. Agad na bumilis ang tibok ng puso niya sa matinding kabang lumukob sa kanya.

Mariin siyang napalunok, ramdam niya ang pamumutla ng kanyang mukha. Sari-saring senaryo ang agad na lumitaw sa kanyang balintataw.

"W..what happened to kuya?" halos hindi iyon manulas sa kanyang mga labi. "Ate Beth, anong nangyari kay kuya?" napasigaw na siya ng hindi ito agad na sumagot.

Sa taranta ng boses niya ay napabaling tuloy sa direksyon niya ang kanyang mga ka-office mate. Si Lovie na katabi niya ay napatayong bigla. She look at her with worries in her eyes.

"N..nandito ako sa San Isidro pulis station, dinampot siya ng mga pulis.. Please Ciel, please, tulungan mo ako, hindi ko na alam kung anong gagawin ko!" humagulgol na ito.

Mas lalong gumitla ang linya sa kanyang noo.

"Dinampot? B..bakit siya dinampot? Anong ginawa niya?"

"Natatakot ako Ciel, natatakot ako, baka tuluyang makulong ang kuya mo." histerical nitong sabi. 

"Nasaan si kuya? Pakausap ako sa kanya!"

"Iniimbistigahan pa siya ng mga pulis sa loob."

"Ano ba talaga ang nangyari? Bakit siya hinuli ng mga pulis? Anong kaso niya?" sunod-sunod niyang tanong.

Hikbi lang ang narinig niyang sagot nito.

"Ate Beth--"

"H..he was accused of tresspassing and attempted murder, but believe me Ciel, hindi niya iyon--'

Gimbal siya sa narinig! "Attempted m..murder?"

Humikbi ulit ito. "Hindi iyon sinasadyang gawin ng kuya mo, you knew him, alam mong hindi niya iyon kayang gawin."

Sang-ayon siya sa sinabi nito. Hindi nga iyon kayang gawin ng kuya niya. In her twenty five years of existence, kailan man hindi niya ito nakitang naging bayolente o nagalit ng sobra. Mabait ito at masayahin.

Kaya paano humantong na muntik na itong makapatay?

"He was just provoked! Ginalit siya ng hayop na iyon!" tumigas ang boses nito. "Magkailang ulit na nakiusap ang kuya mo, he almost kissed that monster feet but he never had mercy, bagkus binantaan niya si Will, your brother lost control at natutukan niya ito ng baril. He provoked your kuya first Ciel!"

Mariin siyang napapikit.

"How about the tresspassing case?" naguguluhan niyang tanong. "And who the hell is 'He'?"

"Sino pa nga ba? Iisang tao lang naman ang walang puso rito sa atin eh, ang Leandro na iyon!" halos marinig niya ang pagtagis ng mga ngipin nito ng banggitin ang pangalang iyon.

Kumunot ang kanyang noo.

Leandro?

Si Leandro Montenegro ba ang tinutukoy nito? Ang may-ari ng Hacienda Lucianna?

"Ang Leandrong tinutukoy mo ba ate Beth ay ang may-ari ng hacienda Lucianna? Yung katabi ng lupain natin?"

"Oo Ciel, siya nga! Wala talagang puso ang halimaw na iyon! Hindi marunong maawa!"

She didn't knew Leandro personally pero may narinig na siyang mga usap-usapan tungkol dito.

Sa tuwing nagbabakasyon siya at nakikihalubilo sa mga kaibigan niya at kakilala ay hindi naiiwasan ang hindi ito mapag-usapan. He was always the talk of the town because of his behavior. Kaya nga pati mga bata ay binansagan itong halimaw.

Hindi niya pa ito nakakaharap, pero base sa narinig niya, napakasama daw ng ugali nito. Leandro, as the hearsay, was ruthless, manipulative and heartless.

Ang hindi niya maintindihan ay kung paano ito naka-enkwentro ng kuya niya? Bakit umabot sa punto na tinutukan ito ng baril ng kapatid?

Itatanong niya sana iyon sa hipag pero pinigil niya ang sarili. She was already panicking at tila hindi na alam kung anong gagawin. If she'll asked questions by questions ay baka ma-pressure na ito ng husto. Hindi niya gustong mangyari iyon dahil baka makasama iyon sa kalagayan nito.

Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Hindi siya pwedeng mataranta tulad nito dahil kung pati siya ay matataranta ay walang isa man sa kanila ang makakapag-isip ng maayos.

"Anong gagawin ko Ciel? Ayokong makulong si Will."

"Hindi siya makukulong ate Beth," she said with sureness in her voice. "Hindi iyon mangyayari! So don't worry too much or stressed yourself, makakasama iyan sayo at sa baby ninyo ni kuya, call attorney Salvador and ask for help. By tomorrow or the next day baka makakauwi na ako diyan!"

AGAD siyang nag-file ng leave sa pinagtatrabahuhang kumpanya at umuwi sa San Isidro the next day.

Malalim siyang napabuntong-hininga ng makita ang malaking arko papasok sa kanilang bayan.

It's been six months since her last visit. Ang huli niyang uwi doon ay noong pasko and she just stayed till new year. Bumalik agad siya sa manila kinabukasan ng bagong taon.

Hindi siya nagtatagal doon kapag umuuwi siya, hindi lang dahil sa may naiwan siyang trabaho sa manila kundi dahil hindi niya matiis ang buhay-probinsya.

She's not into a province life. For her, it was dull and boring, sanay kasi siya sa buhay sa ciudad kung saan nagpapaligsahan ang ingay ng ibat-ibang uri ng mga sasakyan at nagkukuti-kutitap ang mga ilaw sa bawat sulok ng mga lansangan at establishimento.

Sa manila na siya lumaki at nagkaisip.  She was just seven years old when their parents separated. Naiwan ang kuya niya sa pangangalaga ng kanyang papa who was then fourteen years old, samantalang siya naman ay dinala ng kanyang mama ng lumuwas ito ng manila.

Their father died five years later. He involved in a fatal accident that cause him his life. Nineteen na noon ang kuya niya at ito na ang namahala sa dalawampung ektaryang sakahan na naiwan ng kanilang ama.

Three years ago, nagpakasal muli ang kanilang mama sa isang american citizen at doon na ito naninirahan ngayon sa amerika.

Gusto sana siya nitong isama noon pa man pero tumanggi siya, she choose to stay and live her life alone. She want to live independently na kahit ang kuya niya ay walang magawa. Matagal na rin siya nitong pinapauwi at doon na sa San Isidro manatili pero gaya nga ng palagi niyang sinasabi, she hated dull and boring province life.

Pinuno niya ng hangin ang dib-dib ng matanaw ang presinto. Naka-detain pa rin doon ang kuya niya at dahil gustong-gusto na niya itong makita at makausap kaya dumiretso na siya doon.

Habang papunta siya doon ay tinawagan niya ang hipag at ipinaalam ang pagdating niya at sinabing didiretso na siya sa presinto.

Luminga-linga siya sa paligid para maghanap ng mapa-parkingan sa kanyang eco sport. Regalo iyon sa kanya ng kuya niya noong grumadweyt siya sa kolehiyo.

Dahil maliit lang ang parking space at halos mapuno na iyon ng mga motorsiklo na hindi naman naka parking ng maayos ay napilitan siyang iwan nalang sa labas ang kanyang sasakyan.

Bumaba siya at naglakad papasok habang tinatanggal ang kanyang shades. Magulo at maingay sa loob pero biglang natahimik ang lahat ng pumasok siya. Nakita niya kung paano umangat at bumaling sa kanya ang tingin ng mga naroroon. Pulis man iyon o mga karaniwang tao.

"Good morning ma'am, ano po ang maitutulong namin sa inyo?" nakangiting tanong nong pulis sa may front desk.

She didn't smile back. Wala siya sa mood para gawin iyon. Bukod sa hinuli ng mga ito ang kuya niya, ay pagod na pagod pa siya sa biyahe. She drive seven long hours for god sake!

"I'm here to see my brother, William Centeno, pwede ko ba siyang makita at makausap?" diretso niyang sabi.

Nakangiti pa rin itong tumango sa kabila ng madilim niyang aura.  Inabot nito sa kanya ang isang logbook at ballpen na agad naman niyang sinulatan ng kanyang personal na impormasyon.

Matapos niyon ay iginiya na siya nito sa visiting area.

She was sitting there for maybe two minutes when she saw her kuya William entered the room. He was with two police escort. Nakahawak ang mga ito sa magkabilang braso nito.

Her eyes widened in horror as she saw his both hands in handcupped. Agad siyang tumayo at patakbo itong nilapitan.

"C..Ciel.." he said looking at her in disbelief.

Hindi na siya nag-aksaya ng panahon, sa naluluhang mga mata ay niyakap niya ito ng buong higpit.

"Hindi ako naniniwalang magagawa mo iyon kuya, please tell me that you didn't do it, that you were just framed,    hindi totoong ginawa mo iyon di ba?"

Bagama't sinabi na sa kanya ng ate Beth niya ang nangyari, pero nagbabakasakali pa rin siya na hindi iyon totoo, she didn't hear everything including his reason, so maybe there's  another side of the story at gusto niyang dito niya marinig ang mga iyon.

At hindi siya nabigo, nagsimula itong ikwento ang nangyari at hindi sapat ang salitang gulat sa naging reaksyon sa kanyang mukha ng marinig ang lahat!

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

10
100%(26)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
26 Peringkat · 26 Ulasan-ulasan
Tulis Ulasan
user avatar
Ana Patricia Deocampo
ganda at ang sweer ng story. hindi rin ganun kahaba unlike sa iba, nakaka enjoy at nakaka kilig basahin.
2024-10-29 15:45:23
1
user avatar
Peeyah
Sobrang ganda ng story thank you author
2024-10-06 22:13:54
1
user avatar
zjzcceline
maganda ang istoria nla Leandro and ciel...️...️...️ naging satisfied aqu xa binabasa quh...️...️...
2024-09-17 23:17:12
1
user avatar
Catalia Zobel
ang Manda po ng storya
2024-03-20 21:48:53
1
user avatar
Gene Darden
Ang ganda ng kwento pwde itong pangteleserye o pang movie. Good job and congratulation Ms. Author♡♡♡
2023-12-05 00:52:59
3
user avatar
Susan Y Desales Villaver
maganda kaso matagalan KO pa matapos KC Naman nakalock pa..wala naman pabili para matapos KO agad..
2023-09-22 19:56:39
1
user avatar
Crohansley Dionido
ganda ng story...️...️...️...️...️...️
2023-06-17 21:00:55
4
user avatar
Marifel Anter
Super Ganda promise..chapter 60 n Po Ako...Thanks Author.
2023-06-10 20:31:07
1
user avatar
Jessa Padilla
Wala po bang story si Marius?
2023-03-14 07:09:24
1
default avatar
paezice
Hello po.. Daily updates po bs ito?
2023-02-07 00:40:44
1
user avatar
Shanelaurice
Chapter Forty Two and Forty Three is updated my lovely readers. And as always, thank you for reading my stories.
2022-12-30 21:42:21
5
user avatar
Carrasco Diosalyn
Waiting padin
2022-12-17 14:54:45
1
user avatar
Maimai Salero
wala pa din po update Ms. Author? Still waiting po.
2022-11-26 18:23:17
2
user avatar
portorrel
Can't wait for the next chapter. sana mag update ka na miss A. hinihintay ko talaga itong story na to.
2022-11-22 17:37:33
0
user avatar
amazingaloha
wala p din update ms A
2022-10-03 20:57:36
0
  • 1
  • 2
86 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status