Good afternoon. Stay tuned for more updates! Kauuwi ko lang po. Babawi ako sa update today. Sana hindi makatulog.
Magdadalawang linggo nang naninirahan si Lyra sa bahay ni Elias. Sa araw-araw na lumilipas, unti-unting nababawasan ang takot niya. Hindi pa rin nawawala ang kirot sa ulo kapag inaalala ang nangyari sa kaniya, pero malaking tulong ang presensiya ni Elias. Hindi siya pinababayaan. Kapag may trabaho ito, tinatawagan siya palagi at sinisiguradong kumakain siya sa oras. Kapag wala naman sa opisina, kasama niya ito buong araw.Kanina lang ay ipinagluto siya ng paborito niyang sinigang. Inabutan pa siya ng gamot pagkatapos kumain, saka tinabihan sa sala habang nanonood sila ng pelikula. Ngayon ay siya lang ang nasa sala, habang si Elias ay nasa itaas at naliligo.Nakatuon ang mata ni Lyra sa palabas nang biglang bumukas ang pinto. Napatingin siya sa direksyon nito, bahagyang nagulat sa walang paalam na pagpasok ng isang babae.Nasa mid-30s ito, naka-kasuot ng designer dress, mataas ang takong, at halatang sanay sa elegante at kumpiyansang pagdadala ng sarili. Hindi man siya kilala ni Lyra,
Pagkarating nila sa bahay, nagulat si Lyra nang mapansin niyang hindi sila papunta sa dorm niya. Tahimik lang si Elias habang minamaneho ang kotse papunta sa private subdivision kung nasaan ang bahay nito. Hindi siya nagtanong kaagad. Pagod pa rin siya mula sa nangyari, at ayaw niya munang mag-isip ng mabibigat.Pagkaparada ng kotse sa garahe, agad na bumaba si Elias at binuksan ang pinto ni Lyra. Maingat siya nitong inalalayan. Napatingin si Lyra sa malaking bahay. Simple pero halatang mamahalin ang pagkakagawa. Malinis ang paligid. Tahimik.“Dito ka muna,” mahinang sabi ni Elias habang inaakay siya papasok.“Akala ko ihahatid mo ako sa dorm?” tanong ni Lyra habang pinapasok siya ng binata sa loob ng bahay.“Mas ligtas ka rito. May guard sa labas, may security system sa loob. Baka balikan ka pa ni Aviana,” sagot nito habang binuksan ang ilaw sa sala. “Pansamantala lang naman. Ayaw kong may mangyaring masama sa’yo habang nagrerecover ka pa.”Tahimik lang si Lyra. Naupo siya sa sofa ha
Agad na ni-report ni Elias sa mga pulis ang ginawa ni Aviana kay Lyra. Wala siyang sinayang na oras. Kinontak niya mismo ang kaibigang pulis sa central station at ipinadala ang lahat ng ebidensiya—ang CCTV footage mula sa kalsada, pati ang findings ng ospital na nagsabing hindi aksidente ang tinamong sugat ni Lyra sa ulo. "Siguraduhin mong hindi makakalabas ng bansa si Aviana. I want her held accountable," mariing sabi ni Elias sa telepono habang nakatanaw sa nakahigang si Lyra. "Naalarma na ang Immigration. May hold departure order na siya," sagot ng pulis. "Good. Keep me updated." Matapos ang tawag, ibinalik ni Elias ang buong atensyon kay Lyra. Nakahiga ito sa hospital bed, payapa ang itsura, ngunit may benda sa kanang bahagi ng ulo. Dahan-dahan siyang lumapit, umupo sa gilid ng kama, at hinawakan ang kamay nito. Hindi siya mapakali. Bawat segundo na tinitingnan niya si Lyra ay parang may kirot sa dibdib niya. Hindi siya sanay na makitang mahina ito. Palagi siyang sanay na naki
Pauwi na si Lyra galing opisina, bitbit ang maliit niyang backpack habang nakayuko sa paglalakad. Wala na siyang ibang inisip kundi ang makapagpahinga agad. Magdamag siyang nag-overtime dahil sa campaign proposal na kailangang ipasa kinaumagahan. Sa isip niya, makakatulog siya ng mahaba ngayong gabi. Pero bago pa man siya makatawid ng isang madilim na bahagi ng eskinita malapit sa dorm, bigla siyang may naramdamang malamig na bagay na sumabog sa balikat niya. Napahinto siya. "Anong—" Pagtitig niya sa damit, nakita niyang may puting likido—itlog. Napalingon siya sa pinanggalingan ng bato ng itlog. At doon niya nakita si Aviana. Papalapit ito sa kaniya habang naninigarilyo. Halatang galing ito sa kung saan lang—nakatsinelas, may butas ang pang-itaas, at walang ayos ang buhok. Malayo na ito sa dating sophisticated na Aviana na palaging naka-heels sa opisina. Tumigil si Aviana sa harap niya at walang kaabog-abog na humithit ng yosi. “Masarap ba ang pakiramdam? Ikaw na ang bida ngayon
Katatapos lang ayusin ni Lyra ang buong schedule ni Elias para sa susunod na linggo. Inisa-isa niya ang mga meetings, conference calls, at luncheons na kailangang daluhan ng binata. Maayos niyang inayos ang kalendaryo nito sa laptop at siniguradong wala itong magiging conflict sa kahit anong appointment. Pagkapindot niya ng "save" button ay agad siyang tumayo para ibigay ang printed copy sa desk ni Elias sa loob ng opisina nito. Ngunit bago pa siya makalapit, bigla siyang tinawag ng binata sa intercom. “Lyra, pasok ka muna rito,” mahinahong utos ni Elias. Kumunot ang noo ni Lyra. Akala niya may panibagong ipapagawa ito. Wala pa naman siyang nakikitang dagdag sa calendar. Kinuha niya ang printed schedule at marahang binuksan ang pinto ng opisina ng CEO. Pagpasok niya, nakaupo si Elias sa leather chair nito at nakatingin sa monitor. Nang maramdaman ang paglapit niya, agad nitong nilapag ang hawak at hinarap siya. "Akala ko may idadagdag ka pa," ani Lyra habang nilalapag ang papel sa
Katatapos lang ni Lyra sa trabaho niya bilang junior marketing associate nang bigla siyang nilapitan ng kaniyang manager at sinabing isa siya sa candidate for new personal assistant ng kanilang CEO na si Elias dahil nag-resign ang tatlong assistant nito. Napabuga ng hangin si Lyra at sumunod aa kaniyang manager papasok sa opisina ni Elias. Agad niyang nakita sa loob ang nakapilang mga empleyado sa iba't ibang department. Habang si Elias ay nakatutok sa dokumento na binabasa. Parang walang pakialam sa mga empleyado. Nang mapansin ni Elias ang pagdating ni Lyra ay agad siyang huminto sa kaniyang ginagawa at sinimulang basahin ang mga backgrounds ng candidates for new PA. Gulat na gulat ang lahat ng sabihin ni Elias na isang PA lamang ang kailangan niya. Palihim na sinulyapan ni Elias si Lyra na parang hindi nakikinig. Tinawag niya ito. "Miss Lyra Santiago. Ikaw ang magiging new PA ko." Napalunok si Lyra at naagaw niya ang atensiyon ng lahat. Hindi makapaniwala na ang mababang empley