AKI
"Tama na, ayoko na!"Agad akong nagmulat ng mata ko saka umupo galing sa pagkakahiga. Hingal na hingal at pawis na pawis. Nanginginig ang mga tuhod ko ganun din ang mga kamay ko."Aki?" Nag mamadaling lumapit sa akin ang pinsan ko, "Anong nangyari?" Tanong niya matapos maupo sa harap ko. Pinunasan niya pa ang noo ko gamit ang mga palad niya dahil sa pawis. "Anong nangyari? Bakit pawis na pawis ka?"Imbes na sumagot ay tumayo ako at kumuha ng tubig. Ininom ko iyon pero natigilan din nang makita ang nag-aalalang mukha ni Alex."Wala. Naalimpungatan lang ako." Sabi ko na lang sa kanya para hindi siya mag-alala."Napanaginipan mo na naman ba ulit?" Sumunod pa siya sa akin.Mas pinili ko na lang hindi sumagot sa kanya dahil kung gagawin ko pa iyon ay baka tuluyan na akong maiyak sa harapan niya. Ayaw kong makita niya akong umiyak na naman dahil sa paulit-ulit na rason kaya magtatago na lang ako para hindi niya ako makitang ganito.Tahimik lang akong naglalakad sa hallway nang makasalubong ko ang Secretary ni General Orlando at sinabi na pinapatawag kami ni Alex sa opisina niya."Ngayon na ba?" Naiirita kong tanong."Yes, Ma'am. Importante daw po.""Sige, sige! Susunod ako. Gagamit muna ako ng CR. Paunahin mo na si Alex doon." Sabi ko sa kanya at nilagpasan na siya.Nang marating ko ang CR ay agad kong tiningnan kung may ibang tao ba roon bago ito nilock. Bago pa man ako makaharap sa salamin ay bumagsak na ang mga luha ko. Mula sa repleksyon ko sa salamin ay kitang kita kung gaano ako kahina pag dating sa ganitong sitwasyon. . . Sobrang hina ko talaga.Yumuko ako at bumuntong hininga. Pinipigilan ko na hindi na tumulo ang luha ko kaya para hindi maging halata mamaya ay naghilamos ako. Tumayo ako ng tuwid at pinilit na ngumiti, "You can do it, Aki! Kaya mo yan." Pangungumbinse ko sa sarili ko.Matapos ang ilang minuto na tinagal ko sa CR ay napagdesisyonan ko na pumunta na sa opisina ni General Orlando. Pag pasok ko doon ay si Alex ang unang bumungad sa akin at naka-upo na. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin at tumitig sa mismong mata ko. "Saan ka galing?" Tanong niya agad."Sa CR." Simpleng sagot ko at umupo na.Sumunod siya sa akin at umupo na sa upuan na nasa harap ko. "Umiyak ka?" Usisa niya."Staff sergeant Ruiz and Staff sergeant Medina. . ." Ani pamilyar na boses na iyon.Pareho kaming tumayo ng tuwid at sumaludo dahil si General Orlando pala iyon. "Salute, Sir!" Sabay naming sabi ni Alex.Mabuti at tama lang ang dating niya hindi ko na kailangan magpaliwanag ka Alex.Sumenyas siya sa amin na ibaba na ang kamay at umupo na kaya agad namin iyong ginawa."Bakit niyo po kami pinatawag?" Tanong ko.Kinuha niya ang isang folder at iniabot 'yon sa akin. "Bukas na bukas mag report kayo kay Captain Vendalle ng Delta force. Ipahatid ko na lang kayo kay Arciaga para hindi na kayo mahirapan sa pagpunta sa headquarters nila." He said.Nagkatinginan kami ni Alex bago kami nag balik ng tingin sa kanya. "Permission to speak, General?" Biglang sabi ni Alex."Go ahead,""Bakit po kami mag rereport sa Delta team? Ang akala po namin sa Alpha team po kami mapupunta?" Tanong niya."Captain Vendalle requested for more soldiers because of the order issued by the big boss. Kulang sila sa sundalo kaya humingi sila ng tulong sa akin." Ngumiti siya amin, "Huwag kayong mag-alala pag dating niyo doon, may magandang balitang ibibigay sa inyo si Captain." Aniya.Napakunot ako ng noo at muli kaming nagkatinginan ni Alex na pareho lang din na naguguluhan. Noong nakaraan lang kasi may order na rin sa amin na sa Alpha Team kami mag rereport pero ngayon naman na punta kami sa Delta team. We don't even know who Captain Vendalle is. . . Ngayon ko lang narinig ang apelyidong 'yon."Aki, Alex. . ." Tumayo si General kaya maging kami ay napatayo rin ng tuwid. Nakalagay sa likod ang mga kamay habang ang paningin ay diretso lang. "PFC Arciaga will accompany you to the headquarters of Delta force. You need to be there before 17 hours. You still have enough time to get ready, understood?" Maowtoridad niyang sabi.Agad kaming pumuwesto sa pag saludo. "Sir, yes sir!" Sabay naming sabi ni Alex."You may now leave. . ." Aniya tsaka siya sumaludo pabalik.Nagbaba kami ng kamay bago tumalikod at umalis sa opisina niya. Dumeretso kami sa barracks para ihanda ang mga gamit namin na dadalhin. Mayroon pa kaming labing isang oras para iayos ang lahat ng dadalhin namin."Ang daya naman!" Nagmamaktol na sabi ni Alex. "Ang buong akala ko talaga sa Alpha team na tayo eh. . . Balita ko pa naman maraming pogi don!" Napa-irap pa siya."Huwag ka na mag reklamo! Lalandi ka na naman eh! Ayusin mo na lang yang mga gamit mo para naman maka-uwi pa tayo sa bahay dahil gusto ko munang ipahinga ang natitirang oras natin." Seryosong sabi ko.Umarte siyang nagulat at nalungkot dahil sa sinabi ko. "Natitirang oras? Mamamatay na ba tayo Aki?" Humawak pa siya sa puso niya. "Di pa ako ready mamatay pinsan!" Over-reacting niyang sabi.Sa inis ay hinagis ko sa kanya ang military cap ko. "Alam mo isa kang malaking gago!" Nababadtrip na sabi ko pero tinawanan niya lang ako.Ilang minuto pa siyang nag pa gulong gulong sa kama bago nag asikaso ng mga gamit niya. Kung hindi ko pa siya pinilit ng pinilit na gawin ang kailangan niyang gawin hindi talaga siya kikilos!"Bilisan mo naman kasing gumalaw, Alex!" Naiinis na sigaw ko."Yes ma'am!" Sumaludo pa siya sa akin. Napairap nalang akong hinubad ang military jacket ko tsaka iyon isinilid sa military bag ko."Kilala mo ba si Captain Vendalle?" Tanong ko.Tumango siya, "Yes, Why?""Wala lang." Sagot ko.Ilang oras din akong nag hintay sa kabagalan niya bago kami tuluyang naka-uwi dito sa inuupahan naming apartment. Sa kanya lang talaga mauubos ang natitira naming oras! Imbes na makapagpahinga pa ako hindi ko na nagawa dahil nag request pa siya mag paluto ng sinigang na hipon. . . Makapal talaga ang mukha niya."Matagal pa ba yan, Aki?" Pang limang beses niya na iyong itinanong sa akin."Malapit na po Ma'am." Sarkastiko kong sabi."Mabuti naman." Mayabang niyang sabi tsaka tumawa ng malakas. "Pakibilisan pa ng konti ah, gutom na gutom na kasi ang reyna mo." Aniya habang naglilinis ng kanyang baril.Hindi na lang ako umimik pa. Kinuha ko na lang din ang baril ko at sinimulan ang pag kalaskalasin para malinisan dahil gagamitin ko rin 'yon bukas. Pinatay ko muna yung kalan pagkatapos kong ilagay ang mga gulay bago ako tumabi kay Alex."Nasabi ko na pala kay mama na sa iba tayo na destino. . . Ikaw ba? Nakapag paalam ka na ba kila tita Ali?" Tanong niya.Napabuntong hininga ako. "Hindi naman na kailangan. . ." Walang gana kong sabi.Lumingon siya sa akin. "Kahit kay Akiro ka na lang mag paalam.""'Wag na hayaan mo na." Tumayo ako dala-dala ang baril ko at pinatong ko muna 'yon sa center table namin bago nag handa ng mga plato. "Mag sandok ka na ng ulam at kanin." Utos ko."Alam mo ako na lang mag sasabi kila tita about sa pag assign sa atin sa Delta Team." Aniya.Napakunot ako ng noo, "'Wag na! Mag-aaksaya ka lang ng oras mo.""Hoy! Anak ka pa rin ni tita. Kahit naman siguro ganun yun may pake pa rin naman siguro yun sa'yo." Humarap pa siya sa akin. "Try mo lang.." Pagpupumilit niya.Napapikit akong bumuntong hininga at pinipigilan ko na hindi mainis sa pangungulit niya. "Umalis ka na sa harap ko bago ko maisipan paputukin 'yang bunbunan mo gamit ang baril na nililinis mo kanina." Hanggat sa maaari sinabi ko iyon sa mahinahon na paraan.Agad siyang umalis sa harap ko at nagpanggap na lang na busy sa pag sandok ng ulam at kanin habang ako naman ang nag handa ng plato na gagamitin namin."Alam mo yung bago nating Captain bata pa. . ." Kwento niya."Ah talaga?" Humigop ako ng sabaw, "Gaano ka bata? Mga 8 years old ba?" Seryosong tanong ko."Kung joke yan pwes hindi nakakatawa!" Naiinis niyang sabi."Ah talaga?" Kunyari pa akong nagulat.Hindi na lang niya ako pinansin. Pagkatapos naming kumain siya na ang hugas ng plato namin dahil ako ang nagluto kanina. Ako naman dumeretso na sa kwarto para ihanda ang iba ko pang uniform na dadalhin sa barracks bukas. Mabuti nalang may isa pa akong military bag na paglalagyan ng mga gamit ko.Ipinasabay ko na rin kay Alex ipa-plantsa ang uniform na gagamitin ko bukas para hindi na ako mahirapan pa. Alas-siete ng umaga dapat nasa Headquarters na kami. Ganito ang buhay ng isang sundalo."Night na Aki! Inaantok na talaga ako. Gisingin mo ako pag nauna kang magising ah!" Inaantok na sabi niya, humikab pa sa harap ko."Oo."Double deck ang higaan namin. Siya ang sa taas at ako ang sa baba. Pinagmamasdan ko palang siyang umakyat sa higaan niya parang ako yung napapagod sa galaw niya! Tamad na tamad! Nang tuluyan na siyang maka-akyat ay nilagay niya muna sa ilalim ng unan ang baril niya bago nahiga.Pinatay ko muna ang ilaw bago ako humiga sa kama ko katabi ang baril na nilinis ko pa kanina. Hindi rin naman ako agad nakatulog dahil sa kung ano-ano ang naiisip ko. Ganito kasi ako tuwing matutulog na ang daming isipin ang pumapasok sa akin.Gabi-gabi akong nahihirapan matulog dahil sa mga panaginip na paulit-ulit na bumabalik sa akin. Minsan inaabot na ng umaga bago pa ako makatulog pero dahil maaga din ako gumigising halos hindi na rin ako nakakatulog ng maayos.Kinabukasan nagising ako sa malakas na alarm ni Alex. Ang aga-aga na badtrip agad ako dahil sarili niyang alarm di siya nagigising! Padabog akong tumayo para kuhain ang cellphone niya na nasa tabi niya lang din! Pinatay ko ang alarm niya bago siya malakas na hinampas ng unan sa katawan.Sa gulat niya ay dali-dali niyang kinuha ang baril niya sa ilalim ng unan at itinutok 'yon sa akin. "Gago!" Nagugulat niyang sabi.Kunot-noo kong tinabig ang kamay niya. "Sa susunod na matutukan mo ako ng baril siguraduhin mong ipuputok mo agad." Hinagis ko ang cellphone niya sa gilid niya. "Bumangon ka na bawal tayo ma-late.""Why naman kasi ganun manggising?" Nakamot niya ang ulo niya habang pababa ng higaan. "Hindi ko narinig ang alarm ko. . .""Bobo ka kasi.""Kaya nga eh." Sagot niya rin.Napa-iling na lang akong nag timpla ng kape namin. "May bukas na kayang bakery sa ganitong oras?" Tanong ko kay Alex."Meron na siguro. Teka titignan ko." Kumuha muna siya ng tuwalya bago lumabas.Dahil wala pa naman si Alex na-una na akong maligo sa kanya dahil pag siya ang inantay ko paniguradong ma la-late kami pareho. Pagkatapos kung maligo nag suot ako ng military T-shirt at short bago ang military pants ko saka ko tinock-in ang t-shirt doon. Nag-suot na din ako ng sinturon at combat habang si Alex naman ang sumunod na naligo sa akin.Kumuha na muna ako ng binili niyang tinapay bago nag blower ng buhok para itali. Sinuot ko na rin ang relo ko at isa-isang inilabas ang mga military bag sa sala. Dinamay ko na rin ilabas ang mga gamit ni Alex dahil ayaw ko ng mabagal.Maya maya pa lumabas na rin ng C.R si Alex suot ang uniform niya. Nagpupunas pa siya ng buhok habang may tangay-tangay na tinapay sa bibig. "Aki pasilip nga kung nandiyan na si Arciaga sa labas, papasukin mo na muna." Utos niya bago pumasok sa kwarto.Paglabas ko naman ay sakto lang din ang dating ni Arciaga dala ang sasakyan na gagamitin namin papuntang Headquarters. Agad siyang sumaludo nang makita ako. "Good morning Ma'am!" Bati niya.Tumango ako sa kanya, "Pumasok ka muna sa loob dahil nag-aayos pa si Alex." Aniko bago tumingin sa relo. Mabuti at may dalawang oras pa kaming natitira. "Nag kape ka na ba?""Yes, Ma'am.""Alam mo ilagay na muna pala natin 'tong mga gamit sa sasakyan." Tinuro ko pa ang apat na military bag na nasa sofa"Sige po, Ma'am.." Akma na sana niyang kukuhain ang mga gamit nang lumabas si Alex sa kwarto. "Ma'am Alex. . ." Umayos siya ng tayo."Hi, good morning!" Masayang bati niya kay Arciaga. "Wait lang ah, matatapos na rin naman ako.""Okay lang po. Maaga pa naman po." Sagot ni Arciaga. Kinuha niya mga bag tsaka isinukbit 'yon lahat sa katawan niya.Dahil wala na rin naman akong gagawin kinuha ko na lang ang military jacket at cap ko para suotin. Pagkatapos nun ay inubos ko na muna ang kape ko tsaka lumabas na."Nasa 'yo na ba yung susi, Aki?" Sigaw ni Alex."Oo!" Sigaw ko rin."Sige wait lang patayin ko lang mga ilaw. . ."Paglabas ko ng gate may liwanag na at may mga tao na dumadaan doon. Napatingin pa sa akin yung iba naming kapitbahay pag labas ko."Okay na ako!" Sigaw ni Alex habang patakbo na lumapit sa akin. Mukang nagulat pa siya nang makita niya na may mga tao na sa labas tapos naka tingin pa sa amin. "Hala! Ako lang 'to!" Aniya bigla kaya nagugulat na napatingin ako sa kanya."Gago a****a. . ." Mahinang sabi ko."Duty na ulit?" Tanong nung kapitbahay naming may tindahan."Opo!" Sagot naman ni Alex.Tumango lang ako ng ngitian ako ng kausap ni Alex. Nauna na rin akong umupo sa passenger side dahil ayaw ko naman na rin makipag-usap sa kanila. Kung hindi ko pa pinindot ang busina ng sasakyan hindi pa papasok si Alex dito sa loob! Chismosa!"Sarap makipag chikahan sa kanila." Aniya habang umuupo sa likod namin.Napairap nalang ako saka sumenyas kay Arciaga na umalis na. Tumingin ulit ako sa relo ko. . . 5:58 na? Ang bilis naman!Kung minamalas ka nga naman, hindi pala sapat ang isang oras sa byahe para marating namin yung headquarters. Late lang naman kami ng 45 minutes dahil sa traffic na nadaanan namin malapit dito sa area. Ang aga-aga traffic agad!"Hala lagot tayo nito!" Natatakot na sabi ni Alex bago humarap kay Arciaga, "Masungit ba si Captain?"Napatingin ako sa kanila habang kinukuha ang isang military bag."Hindi ko po alam Ma'am. . ." Sagot ni Arciaga."Hala! Baka punishment agad ang makukuha natin dito."Pag pasok namin sa loob bumungad na agad sa amin ang ilang sundalo na nag tr-training at yung iba naman nag-exercise. Karamihan sa kanila mga lalaki at mukang nabibilang lang sa kamay ang babae sa team na 'to.Pare-pareho kaming natigil sa pag lalakad nang may isang grupo ng mga sundalo ang palapit sa amin. A man in the center caught my attention. He's tall with a muscular body. Tama lang iyon sa tangkad niya. His eyes, eyebrows, lips and nose are perfect even his jaw! Lakas maka main character."Salute, Sir!" Sabay na sabi ni Alex at Arciaga habang nakasaludo.Kumunot ang noo niya sa dalawa kaya napakunot din ako ng noo. Ganoon nalang ang kaba ko ng tumingin siya sa akin ng masama. Tumaas ang kilay niya tsaka ako tinignan mula ulo hanggang paa.Isa lang ang sigurado ko. . . Hindi kami mag kakasundo ng lalaking to!"Ruiz sumaludo ka." Bulong ni Alex sa akin.Napatingin ako bigla sa kamay ko. "Salute, Sir!" Aniko agad tsaka sumaludo. Nakalimutan kong sumaludo sa sobrang gwapo niya!Hindi nawala ang tingin niya sa akin. Humakbang siya palapit na halos maamoy ko na ang pabango niya. Ang dalawa niyang kamay ay nasa likod at ang tayo niya ay napakatindig. Maganda ang katawan niya kaya hindi na ako magtataka kung bakit bagay sa kanya ang uniform niya."I am Captain King Adrian Vendalle. . . I will be your senior here in this camp." He said in full of authority.Soon....AKI "Captain manganganak na ako!" Malakas na sigaw ko mula dito sa kwarto nang naramdaman kong pumutok na ang panubigan ko. Hawak-hawak ko ang tiyan ko habang dahan-dahan na nag lakad papunta sa kama para maupo. "Tang-ina ang sakit!" Napapikit ako at napahawak ng mahigpit sa kama nang maramdaman ang paghilab sa tiyan ko. "Love!" Tawag ko ulit. Mayamaya ay narinig ko ang pag bukas ng pinto mula sa office at mabilis na yapak mula roon. "Love, I'm here! Why are you shouting my na— what the heck?!" Natigilan siyang bigla.Nakasuot pa siya ng pantulog sa pang-ibaba at white longsleeve at coat sa pang itaas. May hawak pa siyang mga papeles sa kamay niya na agad niyang nabitawan nang makita akong mangiyak-ngiyak na sa sakit. Umupo siya sa harap ko at hinaplos-haplos ang tiyan at pisngi ko. "Love, anong nangyari?! Saan masakit? Anong gagawin ko? Okay ka lang ba? Pupunta na ba tayo ng hospital? A-Ano? S-Saan masakit? Dito ba?" "Pumutok na yung panubigan ko. Kunin mo yung mga gamit ni ba
KING "Pre, Ruiz is back!" Cedrick shouted from outside my office. My heart was beating so fast as I heard him. I put down the files I was reading and stared at the door. After 4 years, she's back. I stood up and walked towards the door and opened it. I saw Cedrick sitting on the chair waiting for me so I sat beside him. "Alex told me." Cedrick says. "Kailan pa daw?" I asked."Kanina lang daw. Hinatid niya sa Kampo nila General Orlando. Back to duty na daw ulit.""Bakit doon? Bakit hindi sa akin?" I frowned."I don't know." Nilingon niya ako. "Gusto mo puntahan natin?" I smirked, "Pupuntahan ko talaga siya kahit di mo ako yayain." "Tsk. Mahal na mahal?" Napangiwi pa siya. "Why are you like that, Ell? You already have a girlfriend but you are always acting so bitter." I rolled my eyes on him."Eh ikaw, bakit ka ganyan? Why are you still inlove with her even though she left you?" "She has her reason, Ell. I understand her." Agad na nangunot ang noo niya sa akin. "Edi puntahan
AKI"Bakit kailangan pati ikaw iwan ako?" Agad na tumulo ang mga luha ko nang sabihin ang mga salitang iyon. Naging malabo na ang tingin ko sa lapida dahil sa mga luha ko na walang tigil sa pag tulo. Naka-upo ako ngayon dito sa lupang may damo habang umiiyak. "Ang daya mo." Tuluyan na akong napahagulgol sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. "Paano mo ako nagawang iwan ng ganun-ganun lang?! Bakit? Bakit ka ganyan?! Bakit hindi man lang tayo nakapag-usap ng maayos bago mo ako iniwan bigla?" "Bakit ba lagi niyo na lang akong iniiwan?" After a years, ito ang unang beses kong pumunta sa sementeryo kung saan nakalibing ang mga mahal ko sa buhay. Simula nung nawala sila sa buhay ko kahit kailan hindi ko sinubukang puntahan sila dito. Ayoko. Hindi ko kaya. Hindi kaya ng konsensya ko na makita ang mga pangalan nila na nakasulat sa lapida. "N-Naging masamang anak ba talaga ako? Masamang tao ba ako? Bakit sa tuwing may gagawin akong desisyon may napapahamak na iba? Siguro Kuya Akhill
AKI "Captain Garcia will accompany you to Masbate." General Orlando said. Napakunot agad ako ng noo. "Bakit po ako pupunta doon? Bakit siya kasama?" tinuro ko pa si Ethan. "Masbate is in a critical situation. Nag patawag sila ng reinforcement dito para makatulong sa kanila. Hindi na maganda ang lagay ng mga tropa na naroon dahil mas lumalakas ang pwersa ng mga terorista. . . Pamilyar ka naman siguro sa Black Qatil?" Tumango ako. "Yes, Sir.""Sila ang nasa likod sa lahat ng nangyayari sa masbate ngayon." "Sila yung grupo ni Hunter, hindi po ba?" "Yes, nag kainteres sila sa lugar dahil naka-away ng isa sa nasa politiko ang leader ng Black Qatil. Naka lockdown na ang ilan sa mga lugar doon dahil desidido talaga ang grupo ng Black Qatil makuha ang buong lugar para makaganti kay Governor Silang. " "Si Captain po? Ano po ang lagay niya doon?" Nag-aalala kong tanong. Bumuntong hininga siya bago nag salita. "He is one of the hostages of Black Qatil group." "A-Ano?!" Agad na dumaloy s
AKI "Akhin, Keisha, I'm home!" I shouted as I entered the door. Nauna na akong pumasok dito sa loob kasi nagpa-park pa ng kotse si Captain. May hawak-hawak pa akong supot ng jollibee. Bumili kasi kami kanina on the way dahil isa ito sa mga favorite nilang dalawa."Mommy!" It's Keisha, she is running towards me. "Mommy!" She immediately hugged me on my legs. Umupo ako at nilapag ang jollibee sa gilid ko, "Hi baby! How are you?" Hinawi ko ng kaonti ang bangs niya na tumatakip sa mata niya. "I'm good!" She said and giggled. "I miss you, Mommy!" Niyakap niya ulit ako at hinalikan sa labi. "I miss you too, Anak. Where's your Kuya and Tito Daddy?" Nilibot ko ang tingin ko sa sala at kusina pero hindi ko sila nakita doon. "Upstairs, Mommy." She said, "We have pasalubong! Yehey!" Napatalon pa siya sa sobrang saya. "Akhin! Kuya!" Pagtawag ko nang hindi pa rin sila bumababa. "Mommy!" Sigaw ni Akhin mula sa pinaka dulo ng hagdan sa taas. "Yehey!" Halos liparin na niya ang hagdan sa sobra
AKIR-18"Anong pangalan nila?" He asked. Nandito pa rin kami sa sala at naka-upo sa sofa. Mag kalayo kaming dalawa pero mag kaharap lang. Kanina pa ako umiiyak habang siya tahimik lang na nakatingin sa akin. "Akhin and Keisha." Halos hindi ko na iyon mabanggit ng maayos dahil sa sobrang pag-iyak ko. "Anong ginagamit nilang surname?" "Yung sayo." "Paano nangyari 'yon?""Pinapirmahan sayo ni kuya Akiro yung birth certificate nila nung lasing ka daw." Pagku-kwento ko habang wala pa ring tigil sa pag-iyak. "What? Kaya niya ako nilasing para mapirmahan ko yun?" "Oo." "Wow. . ." Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. "All this time he knew? Pero sa tuwing hinahanap kita sa kanya ang lagi niyang sinasabi hindi niya alam." "Nakiusap kasi ako na 'wag sabihi—""That's bullshit! Anak ko din naman sila, Akesha!" Tumaas ang boses niya. Mas lalo akong napayuko at umiyak. Wala na nagsalita sa amin dalawa. Bukod sa tunog mula sa ulan, puro pag-iyak ko ang naririnig namin pareho. Nara