Share

CHAPTER 2

AKI

"In my office, now." He said before walking away.

Pareho kaming nag baba ng kamay matapos niya kaming talikuran. Sumunod sa kanya ang mga kasama niyang sundalo maliban sa isa. Lumapit 'yon sa amin kaya napa-ayos ulit kami ng tayo at sumaludo sa kanya na agad din naman siyang sumaludo pa balik.

"I'm first lieutenant Salazar," inilahad niya ang kamay niya. Unang tumanggap nun si Alex kasunod ako.

"Staff Sergeant Medina po." Pakilala naman ni Alex.

"Staff Sergeant Ruiz." Pakilala ko rin.

"Private first class Arciaga naman po, Sir." Pagpapa-kilala rin ni Gerald.

"Welcome to our team!" Nakangiting aniya. "Ihahatid ko nalang sa barracks ninyo ang mga gamit niyo pero as of now, sumunod na muna kayo kay Captain sa office niya. Late kasi kayo, first day niyo panaman."

"Ah Ma'am, Sir, mawalang galang lang po. . . Kailangan ko na rin po kasi bumalik kay General Orlando para mag report. Mauuna na po ako." Tumindig siya at sumaludo.

"Sige, salamat at mag-ingat ka." Aniko.

"Bye!" Pahabol naman ni Alex.

"Tara na, ihahatid ko na kayo sa opisina ni Captain." Anyaya ni lieutenant Salazar.

Nanguna sa akin si Alex sa paglakad habang ako naman nililibot ang mata sa bawat magagandang lugar dito sa area. Mas malaki 'to kumpara sa headquarters namin sa kabila.

Mayamaya pa tumigil kami sa isang silid na may kulay itim na pintuan. Kumatok ng tatlong beses doon si Lieutenant Salazar, "Captain, nandito na sila Ruiz at Medina." Aniya.

"Come in." Ani ng boses sa loob.

Sumenyas sa amin si lieutenant na kami na ang mag bukas ng pinto. "Mauuna na ako, ipapaayos ko pa ang tutulugan niyong dalawa."

"Thank you sir," Nakangiting sabi ni Alex. Ako naman tumango lang.

Nang maka-alis na si Lieutenant Dali-dali kong tinulak si Alex para buksan ang pinto. Nakipag hampasan pa muna siya sa akin bago niya 'yon tuluyang gawin.

Pag pasok pa lang namin agad na bumungad ang table niya. Naroon siya naka-upo sa swivel chair habang may hawak-hawak na mga papel na nakalagay sa folder. Sa mesa niya naman naka lagay ang buong pangalan niya sa isang mahabang babasagin.

'CPT. King Adrian Vendalle'

Nang mag tama ang paningin namin doon lang ako natauhan kaya dali-dali kong kinalabit si Alex para magbigay galang sa kanya. Pareho kaming tumindig, nasa likod ang kamay at diretso ang tingin.

"Take a seat." Utos niya.

Palihim kong tinulak si Alex para umupo sa unang upuan na naroon dahil nasa mismong harapan iyon ni Captain. Kahit may mesa sa pagitan ng mga iyon ay pakiramdam ko ang lapit niya kaya ayaw kong umupo doon. Pilit kong tinutulak si Alex na mauna sa akin pero umupo siya sa pangalawang upuan tsaka nakakainis na ngumiti sa akin.

Nakaharap kaming pareho sa kaliwa dahil hindi naman naka-harap sa kanya ang inuupuan namin. Sakto namang dumako ang tingin ko sa picture frame ni Captain, nakasuot siya ng magandang uniporme dala-dala ang ranggo niya. . . Ang tapang ng awra!

"How was your last mission?" Tanong niya habang ang atensyon ay nasa papel na binabasa niya.

"Na ayos naman po agad yung problema sa area kaya hindi rin po kami nag tagal doon. Nahirapan lang po kaming mahuli ang pinaka leader sa kanila dahil palipat-lipat po siya ng lugar." Sagot ni Alex.

"Hmm. . . So, what happened to Alonzo?" Binaba niya ang hawak niyang papel tsaka sumandal sa swivel chair.

"Patay na po si Alonzo." Si Alex ulit ang sumagot.

"Really?" Mahina siyang natawa. Kahit na nasa gilid ko siya kitang-kita ko ang pagtingin niya sa akin, "Ikaw ba ang pumatay kay Alonzo, Akesha?"

"Yes sir." Simpleng sagot ko.

Saglit siyang napatigil na akala mo iniisip kung tama ba ang sinabi ko o hindi. Mayamaya ay tumayo siya at mayroong kinuha sa cabinet na nasa gilid niya.

Pumunta siya sa harap namin kaya napatayo kaming pareho ni Alex. Napatingin tuloy ako sa kanya dahil sa presensya niya pero agad ko ding binawi nang tumingin din siya sa akin.

"Because of the good performance you showed in your previous mission, General Orlando and our big bosses decided to promote you from Staff sergeant to Technical Sergeant," Inabot niya sa amin ang maliit na box. ". . . Both of you, Congratulations." Aniya at bumalik na siya sa kinauupuan niya kanina

Napahigpit ang kapit ko sa hawak kong box na naglalaman ng badge. Bigla lang kasi pumasok sa isip ko si mama. . . Si mama? Magiging masaya kaya siya dahil na promote ako? O baka gaya lang din dati na wala pa rin siyang pake sa akin?

"Understood?" Biglang umalingawngaw ang boses ni Captain na naging dahilan ng biglang pagkagulat ko. Mabuti nalang hindi nila 'yon napansin!

"Sir, Yes sir!" Kahit hindi ko naman talaga narinig ang sinabi niya ay sumagot na lang din ako.

"I will assign you to your respective platoon to start your duty here in my team. Ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo na hindi ko kailangan ng tamad, walang respeto at walang disiplina sa team ko." Sinadya niya pang diinan ang mga huling salitang binaggit niya. Tumingin siya sa akin habang naka salubong ang kilay. "Kaya kung nasa inyo 'tong tatlong kinaayawan ko. . . Ngayon pa lang mag resign na kayo." He said.

"Ayusin nyo muna ang mga gamit niyo. Papasamahan ko kayo kay PFC Aguila para libutin 'tong military camp base natin. Familiarize the area, ayoko pa naman sa tanga." Mayamaya dugtong niya.

Bigla siyang tumingin sa akin matapos sabihin ang mga linyang 'yon kaya kahit bawal ay nag baba ako ng tingin sa kanya at doon nakipagtitigan. . . Ako ba pinaparinggan nitong taong 'to? Muka ba akong tatanga-tanga ha?!

Tumaas ang kilay niya nang mapansin na mas tumalas ang tingin ko sa kanya. Ipinatong niya ang kanyang dalawang siko sa lamesa, "May gusto ka bang sabihin sa akin, Akesha?"

Akesha? Bakit ba Akesha siya ng Akesha?

Saglit pa akong tumitig sa kanya bago ako nag-iwas ng tingin. "Wala po." Sagot ko na lang.

"You're dismiss, Medina." Aniya habang ang paningin ay nasa akin pa rin.

"Thank you, Sir." Ani Alex saka sumaludo sa kanya.

Ramdam ko ang pag-lingon sa akin ni Alex matapos niyang sumaludo kay Captain. Nanatili akong nakatayo ng tuwid at diretso ang tingin habang si Captain naman ay bumalik na ulit sa pagbabasa.

Nangunot ang noo ko dahil hindi na niya ako pinansin. Binabasa niya lang ang mga papel na nasa mesa niya na para bang wala ako sa harap niya! Anong trip niya?

Tumikhim ako, "Permission to leave, Captain." Lakas loob kong sabi.

Nag-angat siya ng tingin sa akin bago sumandal. "Nagmamadali ka ba?" Tanong niya, nakataas pa ang kilay.

"Hindi naman po." Sagot ko.

"Kung ganun bakit gusto mo na lumabas ng opisina ko?" Nagsusungit niyang sabi habang Kinukuha ang ilang folder na nasa harap niya. "Here. . ." Inabot niya ang mga iyon sa akin.

Tumingin na muna ako sa kanya bago ko kinuha ang inabot niyang folder. "Ano po ito?" Tanong ko matapos tanggapin iyon.

"The first folder is the report about Alonzo and the second one is the report about his leader. . ." Aniya.

Binuklat ko ang unang folder. Bumungad doon ang picture ni Alonzo nung mga panahong gumagawa pa siya ng mga katarantaduhan noong buhay pa siya. Agad ko din tinigilan ang folder na naglalaman ng report tungkol sa walang kwentang taong yun dahil naiinis lang ako. Sunod kong binuksan ang report about sa pinaka leader ng grupo nila.

"Zoffer a.k.a HUNTER HikzTucker?" Kunot noo pa akong napatingin kay Captain. "Akala ko Filipino lang din ang leader nila? At tsaka sabi ni Alonzo bago siya namatay patay na daw 'to"

"There's still no confirmation about the death of that guy. Kagabi ko lang din natanggap ang report galing sa taas kaya kahit ako naguguluhan din." Sinabi niya iyon habang nakatingin sa mismong mata ko.

Nang makaramdam ako ng pagkahiya ay umiwas na agad ako ng tingin sa kanya. Binasa ko na lang ulit ang profile nitong si Hunter para di ako magmukang tanga sa harap niya.

Dito sa lugar namin si Alonzo ang nangunguna sa listahan ng most wanted criminal hindi ko naman alam na may Hunter pa pala. Kokotongan talaga kita pag nakita kita! Mga mananakop ng bansa!

"Sigurado ako na hindi natuwa si Hunter sa ginawa mo kay Alonzo, Akesha. . . Kaya alam ko, alam naming lahat na gagawa ng paraan si Hunter para makaganti sa lahat ng sundalo na kasama sa pagpatay sa kanang kamay niya." Seryosong sabi ni Captain.

Napatigil ako sa pagbabasa at sarkastiko akong tumawa, "Hindi na siguro ako magugulat kung paglabas ko ng headquarters na 'to ay bigla na lang sasabog ang bungo ko dahil dito sa hilaw na taong to. . . It's okay, I'm always ready to die." Seryosong sabi ko.

Nag-iba bigla ang awra ng mukha niya matapos marinig ang sinabi ko. Tumayo siya tsaka lumapit sa akin. Kinuha niya ang hawak kong folder at kunot noo na tumingin sa akin.

"Huwag kang masyadong bilib sa sarili mo, Akesha. You still don't know how he thinks and acts. Baka nga mas magaling pa 'yon sa'yo. . . I don't wanna hear those words again, Ruiz, understood?" Pati ang tono ng pananalita niya ay nag iba din bigla.

"I understand, Sir," I said even though I'm still confused. "I apologize." Halos pabulong ko na iyong sabihin.

"Dismiss." Aniya at tinalikuran na ako.

Umayos ako ng tayo at sumaludo. "Thank you, Sir." Aniko bago tuluyang lumabas ng opisina niya.

Paglabas ko ay dali-dali na akong pumunta kung saan man naroon si Alex. Nahirapan pa ako hanapin yung barracks namin dahil sa daming pasikot-sikot dito sa area. Marami rin kasing mga pinto kaya di ko alam kung saan ba ako pupunta.

"Aki!" Boses iyon ni Alex kaya tumigil ako sa paglalakad nang makita siya na palapit sa gawi ko. "Buti nakita kita! kanina pa ako naghihintay sa'yo." Hinihingal pa siya pagkalapit sa akin. 

"Hinahanap ko ang barracks natin hindi ko makita." Aniko.

"Tanga doon kasi tayo oh!" Tinuro niya pa yung pinto sa di kalayuan sa opisina ni Captain. "Bobo mo naman mag-hanap." Dugtong pa niya.

"Sorry ah, ito lang kasi ako." Kunyaring nalulungkot na sabi ko.

Tinarayan niya lang ako saka nag kibit balikat. "So, bakit ngayon ka lang lumabas, huh?" Tinaasan niya pa ako ng kilay.

Imbes na sumagot ay nilampasan ko lang siya. Sinubukan niya pa akong pigilan pero hindi rin siya nagtagumpay dahil mas binilisan ko pang maglakad papuntang barracks. Pagpasok ko doon bumungad sa akin ang limang kama na kumpleto naman sa gamit.

"Hoy ang bastos mo! Kinakausap kita eh. . ." Bigla nalang sumulpot si Alex sa harap ko.

"Saan yung space ko dito?" Pagtutungkol ko sa mga kama na nasa harap namin.

Umirap siya bago tinuro ang pangatlong kama. "Diyan ka at doon naman ako sa pang apat na kama. . . Ayusin mo na yung gamit mo dahil baka mamaya dumating na yung sundalo na makakasama natin mag libot dito."

Tumango lang ako sa kanya tsaka nag lakad na papunta sa kama ko. Sumunod siya sa akin at nanguna pa na umupo sa mismong kama ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Oh sino ka diyan?" Taas kilay kong tanong.

"Pa-upo lang!" Aniya at pinanlakihan pa ako ng mata.

"May sarili kang kama, Alex. . . My space is My space. Lumayas ka diyan!" Hinila ko siya sa braso. "Bilis kasi!" Naiinis na sabi ko dahil tinagalan niya pa ang kilos niya.

"Damot mo! Damot mo na nga sa chika madamot ka pa sa kama mo!" Nagmamaktol na aniya.

Pagkatapos kong ilagay sa military box ang mga gamit ko dumating na rin si Tanya Aguila, yung sinasabi ni Captain na sasama sa amin para libutin 'tong area.

"Ito naman po ang shooting area, every friday po nagpapa-session po si Captain dito. . . Doon naman po," Tinuro niya ang napakalaking field. ". . . Doon naman po ginagawa ang lahat ng training sa mga sundalo and every morning po doon naman po sa side ginagawa ang exercise kasama po ang lahat ng sundalo." Paliwanag niya.

"Hands on na hands on si Captain no?" Ani Alex kay Tanya.

"Yes, Ma'am. . ." Nakangiting sagot ni Tanya sa kanya. "Madalas din po kasing naglilibot dito si lieutenant General Hernandez kaya sinisigurado po ni Captain na nasa maayos ang lahat."

"Sungit naman." Bulong ko.

"Muka lang po siyang masungit Ma'am Ruiz pero mabait po si Captain." Sabay ngiti pa sa akin ni Tanya.

"Knows na knows mo ahh! Bet mo ba si Captain, ha?" Sinundot pa ni Alex ang tagiliran ni Tanya na akala mo close silang dalawa. "Yiee. . . Ikaw ah! Tanga ayos lang yan." Aniya at tinapik sa balikat ni Tanya.

Napayuko na lang sa hiya si Tanya. Kahit naman hindi siya sumagot halata naman na gusto niya si Captain dahil halata yun sa ngiti niya. "So. . . Panonoorin ko kayong dalawa na magkantyawan diyan?" Taas kilay kong tanong.

Nawala ang ngiti nila pareho dahil sa sinabi ko. Pareho rin silang nag-ayos ng tayo bago lumapit sa akin si Alex. "Napaka KJ mo!" Nag-iinarteng aniya kaya napa-iling ako.

"Napaka-tanga mo." Ginaya ko pa ang tono ng pagsasalita niya.

Muli nang nagsimula si Tanya sa ginagawa niya, "Ito naman po yung Restroom dito sa area 1, Sa kaliwa po ang sa babae at sa kanan naman po ang sa lalaki. Tapos po sa area 2 and 3 naman po yung sa side na yun, then yung pang-apat po na room hanggang sa dulo naman po ang barracks ng mga sundalo. . ."

Hindi naman mahirap kabisaduhin ang buong area dito dahil hindi naman siya gaya ng headquarters namin dati na sobrang laki at maraming rooms at pasikot-sikot pa ang mga daan.

Hindi rin naman ako tanga para hindi agad 'to ma-familiarize.

"Baka naman maligaw-ligaw pa ako dito. . ." Biglang sabi ni Alex sa gilid ko.

Napakunot ako ng noo na tumingin sa kanya, "Bobo mo." Naiinis na sabi ko.

"Sorry Aki ah, ito lang kasi ako." Kunyari pa siyang nasasaktan sa sinabi ko.

"Ma'am Ruiz, Ma'am Medina, mauuna na po ako. . . Maghahanda lang po ako ng pagkain ni Captain." Paalam ni Tanya sa amin.

Agad na lumapad ang ngiti ni Alex sa kanya, "Nice! Ikaw pala ang punong abala sa pag-aalaga kay Captain ah!" Nang-aasar na naman siya.

Natawa naman si Tanya, "Ayy hindi po, ako lang po ang naghahatid ng pagkain sa office niya kasi ayaw niya po na paiba-iba ang pumapasok sa loob ng office niya kaya nag-assign na lang siya ng isa. . . Ako po 'yon."

"Ganun?" Parang ayaw niyang paniwalaan si Tanya. "Edi. . . Wow!" Inisip niya pa ng matagal yung sinabi niya.

"Sige umalis ka na, salamat." Sabi ko na lang sabay talikod at naglakad pabalik sa barracks

"Teka Aki!" Sigaw ni Alex pero hindi ako huminto sa paglalakad.

"Why naman ang bilis ng lakad mo, ha?" Tuluyan na niya akong naabutan. "May lakad ka ba now, ha?"

Nababadtrip ko siyang nilingon. "Ba't ka ba ganyan magsalita? Arte-arte mo!"

"I'm not maarte! I'm a strong and independent woman." Mas lalo siyang nag-inarte.

"Anong kinalaman ng strong and independent woman sa pag-iinarte mo? Tigil-tigilan mo 'yan bago mandilim ang paningin ko sayo." Banta ko

"You're so KJ talaga! Ganyan ba talaga pag buhat-buhat ang buong problem sa mundo?" Nag kibit-balikat siya.

Ayon na naman ang tono ng pagsasalita niya. "Alex ikaw lang naman ang problema ko. . . 'Yang nakakapagod mong bunganga ang problema ko."

"Okay fine. Nahu-hurt mo ang feelings ko." Humawak pa siya sa dibdib niya at umaarte na nasasaktan.

Hindi ko alam kung bakit ko napagtiisan ang bunganga ng babaeng 'to. Ang ingay ingay at walang preno ang bibig niya! Kahit saan ako mag punta naririnig ko ang boses niya. Isa ata siya sa karma ko kaya nangyayari sa akin ang lahat ng 'to sa buhay ko.

Nang mag gabi na ay hindi agad ako naka tulog pagbalik namin ng barracks. Nakatulala lang ako sa kung saan habang walang tigil sa pag-iisip ang utak ko. This is me always. . . Walang bago sa akin ang mga ganitong sitwasyon.

Tumayo ako at dahan-dahan na naglakad palabas ng kwarto na ito. Dala-dala ko pa ang tumbler koat dahan-dahan na naglakad palabas ng kwarto. Nag lakad-lakad lang ako sa corridor dahil wala naman akong ibang magagawa dito.

Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa harap ng kwarto namin at sinandal ang ulo ko sa pader bago pumikit para mag relax.

"What are you doing here?" Boses iyon ng isang lalaki.

Agad akong nag mulat ng mata at tumayo ng maayos, "Nagpapa-antok lang po, Captain." Sagot ko agad.

Tinignan ko ang kabuuan niya. Mukang kagagaling niya lang sa pagtakbo dahil basa pa sa pawis ang damit at noo niya. May hawak pa nga siyang thumbler habang nagpupunas ng pawis gamit ang face towel na nasa kanang kamay niya. 

Mayamaya ay nagsalubong ang kilay niya tsaka tumingin sa akin mula ulo hanggang paa kaya napakunot ako ng noo sa kanya.

"Hindi mo ba ako naaalala?" Biglang tanong niya.

Soon....

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status