Nagising si Tintin na naamoy ang matapang na gamot na kumakalat sa paligid. Minulat niya ang mga mata at puting kesame ang bumungad sa kaniya.
"Gising kana Tintin!" Si Manang Lordes ang unang narinig niyang nagsalita. Pumikit-pikit pa si Tintin dahil hindi pa na-aabsorb ng kaniyang mga mata ang maliwanag na silaw gaking sa bintana na kinaroroonan niya ngayon. "Nasaan ako Manang?" Nagtatakang tanong ni Tintin sa matanda. Ang naalala niya ay iniwan siya sa labas ni Lachlan at hinayaang mabasa ng ulan doon. "Nasa hospital ka Tintin. Kagabi ka pa hindi nagigising kaya nag-alala na ako! Mabuti at nagising kana ngayon!" Puno ng pag-alalang sambit ni Manang Lordes sa dalagang kaharap niya. Naantig ang puso ni Tintin sa matanda. Simula ng iwan sila ng kanilang ama at nagkasakit ang kaniyang ina ay hindi na niya naramdaman na nay taong nag-aalala sa kalagayan niya maliban na lamang sa kapatid niyang si di Deo. Saglit na natulala si Tintin. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang nangyayari sa buhay niya ngayon. Masaya at kontento siya noon sa buhay na meron sila ng pamilya niya. Ngunit nasira lamang iyon nang piliin ng kaniyang ama ang sekretarya nito at sumama ito rito. "Naku! Ayos ka lang ba Tintin?" Tanong ni Manang Lordes ng makitang umiiyak si Tintin. Agad niya itong dinaluhan. "Nagpadala na ako ng makakain kay Goryo rito. Wag kang mag-alala.." Mahinahong sabi ni Manang Lordes. "Ayos lang ho ako manang, namimiss ko lang ho ang pamilya ko. " Naiiyak na sambit ni Tintin. "Baki hindi ka na lang magresign at umalis sa poder ni sir?" "Mahirap po iyon manang, malaki po ang pagkakautang ko kay Sir Lach...." Nahihiyang sambit ni Tintin. Iyon naman talaga ang dahilan. Kapag umalis siyang hindi bayad kay Lachlan ay tiyak na ang ina niya ang gagantihan nito. Titiisin niyang masaktan h'wag lamang ang nga mahal niya sa buhay. Dumating si Manong Goryo, ang driver ni Lach at may dala itong pagkain. Maayos naman daw si Tintin at pwede na siyang e-discharge sa araw ding iyon. Over fatigue at gutom ang dahilan king bakit nawalan siya ng malay, dagdag pa ang pagkakaroon niya ng Lepidoptersm dahil sa uod na gumapang kagabi sa kaniya. Binigyan siya ng receipt ng doctor tungkol sa mga iinumin niyang gamot once na dis-charge. Ilang oras naghintay si Tintin na puntahan siya ni Lach ay hindi parin ito dumarating. Sa bagay sino ba naman siya para puntahan ni Lach? Isa lamang siyang may malaking pagkakautang sa binata kaya siya nasa kalagayang ito ngayon. Kasama niya si Manong Goryo pauwi dahil nauna nang umuwi si Manang Lordes kanina. Pagdating niya sa bahay ay agad niyang nakita si Sir Knoxx, ang kaibigan ni Sir Lach. Kasama nito ang isa pa nilang kaibigan na masungit rin, si Sir Ridgel. "Tintin!" Tawag sa kaniya ni Sir Knoxx at lumapit pa ito sa kaniya. "Sir Knoxx." Nahihiyang ngumiti siya sa kaibagan ng Boss niya. "Ibinahay ka na talaga ni Villaflores ah?" Umiling-iling pa si Sir Knoxx. "Kumusta ka nga pala rito?" Malimit siyang ngumiti sa kaibigan ng Boss niya. "Maayos naman Sir..." "Mabuti naman kung ganoon! Well by the way this is our friend, Mr. Ridgel Florian Alvatera..." Pagpapakilala nito kay Tintin. "Uhmm... hello po Sir..." Nahihiyang bati ni Tintin "Hmm, Sino bang hindi ka itatago e napakaganda mo nga naman!" Nag-smirk pa si Sir Ridgel sa kaniya. Hindi niya inasahan na flirt pala ang isang to, dahil tahimik at malimit itong magsalita kadalasan. "What's happening here?" Isang baratenong boses ang bumalot sa paligid. Sa boses pa lang ay kilala na ni Tintin kung sino ito. "Well, My friend Villaflores. Hindi mo man lang sinabi na naibahay mo na pala itong sekretarya mo?" Taas kilay na sabi ni Sir Ridgel. "Shut up, Alvatera!" Singhal ni Sir Lach sa kaibigan niya. "You, go to your room now.." Utos nito kay Tintin. Napayuko si Tintin at aalis na sana ngunit pinigilan siya ni Sir Knoxx. "Wait, I heard it right? Did you say 'go to your room'?"Kumunot pa ang noo nito ng balingan ang Boss niya. Wala namang nakakaalam na kasal sila ni Lach kaya bakit nagtataka ang mga ito ngayon sa sinabi ni Lach? Hindi naman siguro sasabihin ni Lach ang tungkol sa kasal nila dahil, bayad siya nong nagpakasal sila. "Yeah, I heard it loud and clearly too! I thought she was your wife, Villaflores?" Pagtataka pa ng isang kaibigan nila. "Cyra Clementine! What are you still doing here?" Sarkastikong tanong nito sa kaniya kaya nataranta siya at baka saktan na naman siya nito! Dali-daling tumalikod si Tintin ngunit narinig niya pa ang sinabi ng Boss niya. "My personal matters are none of your concern, Del Fuego... Alvatera." Sabi nito sa mga kaibigan niya. "Let's to my study, there are things in business that na kailangan pag-usapan." Tuluyan ng nawala ang boses ni Lach ng makapasok si Tintin sa pasilyo patunging quarters maid. Naabutan niya roon sina Linda na nagtatawanan. Natahimik ito nang pumasok siya. Lumapit siya kay Manang Lordes na agad namang niyakap siya. "Salamat sa Diyos, maayos kana Tintin!" Nagagalak na sabi ng matanda nang yakapin siya nito. "Salamat po sa pag-alaga sa akin Manang, sa hospital..." Taimtim na pasasalamat ni Tintin sa Matanda, dahil kung hindi kay Manang Lordes ay baka pinaglalamayan na siya nito. "Hay naku talagang bata ka! Ilang buwan ka palang rito ay magaan na ang pakiramdam ko sayo!" "Kaya nga po salamat, dahil kahit papano ay nariyan kayo para mag-alala sa akin..." Nakangiting sinabi niya at niyakap niya pa ng mahigpit ang matanda. Simula nong nangyari ang insedente ay hindi na muling lumapit ang mga s****p na katulong sa kaniya. Hinayaan siya nitong magtrabaho ng tahimik. Mabuti naman at nagkaroon na siya ng peace of mind mula sa mga ito, na pinagpasalamat niya. Isang gabi umuwing lasing na lasing si Lach at halos hindi na makatayo. Si Sir Knoxx ang naghatid nito sa bahay niya. Binuksan ni Tintin ang pintuan at bumungad si Lach na sobrang lasing habang nakaalalay naman dito ang kaibigan niya. Hindi maintindihan ni Tintin kung bakit naglasing ang amo niya gayong strikto ito pagdating sa mga alcohol at ayaw nitong maliban sa trabaho. "Ako na ho ang bahala sa kaniya sir." Sambit niya sa kaibigan ng kaniyang amo. "Sigurado ka Tintin?" Nag-aalalang tanong ni Sir Knoxx sa kaniya. Nasa loob sila ng kwarto ngayon ni Lach. Si Lach ay nakaratay sa sahig at lantang-lanta. "Ayos na po sir, trabaho ko po ito bilang sekretarya niya." "Pwede mo naman hayaan iyan, at matulog kana roon Tintin. Alam kong hindi maganda ang pakikitungo ng lalaking iyan sayo, pero heto ka aalagan parin ang gagong iyan!" Umigting ang panga ni Sir Knoxx. "Bayad ho ako, Sir Knoxx at ang trabaho ko ay ang pagsilbihan ang Boss ko. Kaya makakaalis na po kayao at ng makapaghinga..." Nakangiting sabi niya. "The bastard is so lucky!" Sambit pa nito bago umalis. Nang makaalis si Sir Lach ay napabuntong hininga si Tintin. Hindi niya alam kung ano ang unang gagawin, ngunit biglang bumangon si Lach at akmang susuka. Dali-daling tumakbo si Tintin sa may basurahan ngunit pagbalik niya ay nagkalat na ang sinuka nitong pagkain! Wala siyang nagawa kundi linisin muna iyon bago sinunod na linisan ang Boss niya. Kumuha siya ng batyang may tubig at bimpo para punasan ang lalaki at bihisan ito. Lahat ng iyon ay nakita ni Knoxx, nakita niya kung paanong pagsilbihan ni Tintin ang kaibigan nila, na kahit kelan ay hindi niya nakita kay Adriana, hindi niya alam kung bakit hindi makita ni Lach ang pinagkaiba ni Tintin at Adriana. Pagkatapos masaksihan ang mga ginawa ni Tintin ay umalis na ng tuluyan si Knoxx dahil alam na niya ngayon na aalagaan ni Tintin ang asawa nito. Ngayon ang malaking problema ni Tintin ay kung paano niya hubaran ang kaniyang boss ng hindi nakikita! Sana ay si Sir Knoxx na lamang ang nagbihis sa kaniya! Sa isip ni Tintin. Napakagat labi siya at dahan-dahan tinanggal ang suot nitong pulo. Sinunod niyang inunbelt ang pantalon nito habang pikit ang mga mata. Nang sa wakas ay nahubad na niya ang pantalon at polo nito at sinunod niya ang boxer nito. Nakapikit si Tintin habang hinuhubaran ang lalaking nakahilata sa harap niya at walang malay. Naghanap ng short at boxer si Tintin ngunit tanging boxer lang ang nakuha niya dahil sa pagmamadali. Saktong pagkatapos niyang isuot dito ang boxer ay nagising ang amo niya. Kaya nanlaki ang mga mata niya ng hilahin siya nito paakyat sa kama. Napalunok si Tintin ng mag-isang hibla na lamang ang layo ng kanilang mukha. Dahan-dahang inabot ni Lach ang tikwas na buhok ni Tintin at inilagay ito sa kabilang tainga niya. "Baby... it's you again? Do I'm dreaming?" Nagtatakang tanong nito sa kaniya na hindi niya masagot-sagot. Lach touch her face gently.... "Wait.... you're real! I can touch you! You are not a dream!" Hinila ni Lach ang batok niya at siniil siya ng mapusok na halik sa labi. Hindi agad nakapag-react si Tintin sa bilis ng pangyayari. Saka lamang niya napagtanto ng maramdaman ang buong bigat ni Lach sa kaniyang katawan. Napapikit si Tintin ng ginalugad nu Lach ang kaniyang labi. May pumasok na imahe sa kaniyang isipan na pamilyar sa kaniya kaya nagawa niyang itulak ang Boss niya. Humihingal na napabangon si Tintin mula sa kama. Hindi niya maintindihan kung bakit pamilyar ang tagpong iyon na nangyari na kanina. Tila ba kilalang-kilala na ng katawan niya ang Boss niya at isa iyon sa hindi niya maintindihan! BLOSSOMHUES💙CHAPTER 17- TINTIN POV Lulan ng magarang kotse. Binabaybay nila Tintin ang liblib na lugar patungo sa bahay nila. Hindi alam ni Tintin ang maramdaman sa puntong iyon. Nakaseatbelt siya katabi ng boss niya. Tahimik na nagmamaneho ang boss niya sa kaniyang tabi. Habang nag-mamaneho ang kaniyang boss ay hindi niya mapigilan na titigan ito. Perpekto ang side profile nito. Makapal ang kilay, may matangos na ilong at mapupulang labi, kahit ang jawline ay perpekto rin. Huminga ng malalim si Tintin at umiwas ng tingin. Ano ba itong pinanggagawa niya at iniisip niya! She doesn't need to think all of those things! Unang araw pa lang niya ngayon tapos nagpapantasya na siya sa boss niya?! "What's that for?" Her boss asked her. "Huh?" Napalingon siyang muli rito. Sinulyapan siya saglit ng boss niya at binalik muli sa kalsada ang tingin. "Ang lalim ng buntong-hinga mo." Tintin realizes what it is about. "Ahh, it's nothing." She answered awkwardly. Hindi na muli sila nag-imikan.
Sa pagtataka at gulat ay halos na-estatwa si Tintin tila ba nakakita siya ng isang kahindik-hindik na krimen sa kaniyang harap. Ni hindi niya magalaw ang kaniyang mga paa o maibuka ang kaniyang bibig upang makapagsalita. Ang tibok at kaba sa kaniyang puso ay tila ba lason. May kung ano sa lalaking nasa harap niya ngayon. Hindi lang pamilyar kundi tila pakiramdam niya ay kilala niya ito o nakilala niya ito sa kung saan ngunit hindi malaman kung kelan iyon o kung ano bang lugar iyon. Sa sandaling nasulyapan niya ang mukha ng lalaking nasa harap niya ay nandilim ang kaniyang paningin. Tuluyan na siyang nalason sa kakaibang tibok ng puso niya. Images. So many images suddenly flooded her mind. There were people, people she didn't know. Hindi niya makilala sa kung sino ang mga taong nasa emahing iyon.... blurd. Iyon ang tanging description niya sa mga imaheng nagpakita sa kaniya. Sa pagpikit ng kaniyang mga mata ay nabasa niya ang gulat at pag-aalala ng lalaking kaharap niya. Iyon
CHAPTER 16 (TIN-TIN POV) -SORRY FOR TYPOS AND GRAMMATICALLY ERROR! HAPPY READING! SORRY SA DELAY, NAGING BUSY AKO THIS PAST FEW WEEKS! "Mag-iingat ka roon baby huh?" Paalala ni Tintin sa anak niya. Kahit mahirap ang kalaygayan ni Tintin ngayon ay pilit niyang sinisikap na makapag-aral ang anak niya. Dahil kahit wala man siyang alam, ang mahalaga ay ang anak niya ay nakapag-aral. Iyon ang pinakamahalagang bagay para sa kaniya. "Oo Mama!" Sagot ni Harris na nakangiti. "Harry! Let's go!" Liza called him. Agad namang yumakap si Harris sa ina. "Goodbye Mama, mag-iingat ka po rin dito ah?" "Yes baby!" Maligayang sabi ni Tintin pagkatapos bumitaw sa yakap ng anak. Hinalikan niya ito sa pisngi. "Let's go na po, Tata Nangnang!" Sigaw pa ni Harris kay Liza. Nakangiting sinundan ng tingin ni Tintin si Ate Liza at Harris. Gustuhin niya mang siya ang maghatid sa paaralan ng anak niya ay hindi niya parin magawa dahil may nakatalaga siyang gawain ngayong araw. Nagpapasalamat
CHAPTER 15 (TINTIN POV) 6 YEARS LATER Naglalaba si Tintin sa sapa nang marinig niyang tinawag siya ni Ate Liza. Ito ang babaeng nag alaga sa kaniya hanggang sa magisinh siya. "Tintin!" Sigaw ni ate Liza sa kaniya. Tumayo siya mula sa batong inuupuan niya. "Bakit ho, Ate Liza?" Sigaw niya pabalik. Nasa tabing ilog lamang kasi ang bahay nila. May mga idalawang metro ang layo nito mula sa bahay papuntang ilog. "Hindi ka pa ba tapos riyan? Kakain na tayo!" Sigaw pa ni Ate Liza. "Kaunti na lang Ate, aanlawan ko na ito!" Sigaw niya rin at pinagpatuloy ang ginagawa. Nang matapos sa paglalaba ay umuwi na si Tintin daldala ang pinaglabada niyang damit. Pagdating niya sa bahay nila ay agad niya itong isinampay. "Halika na! Nagugutom na ako!" Reklamo ni Ate Liza na kinatawa niya lang. Simula noong mapadpad siya rito sa probinsya ay nakasanayan na niya na laging sabay kung kumain. Bago man ang lahat para kay Tintin ngunit pinagpasalamat niya parin na kilala pa rin ni
Nanginginig ang kamay ni Tintin habang hawak ang tatlong pregnancy test. Tatlong beses niyang inulit ang pag-te-test para sigurado siya ngunit lahat ay positive. Hindi niya maintindihan kung ano ang mararamdaman, matutuwa ba siya dahil magkakababy na siya o mag-alala dahil sa sitwasyon niya ngayon. Ang unang-una na tanong sa isipan niya ay... matatanggap kaya ito ng asawa niya? Paano kung hindi? "Ma'am Tintin.." Agad na itinago ni Tintin ang tatlong pregnancy sa bulsa niya ngunit hindi niya na pansin ang isa na nahulog sa ilalim ng kama. Agad na lumapit si Tintin sa katulong na si Marjorie. Hindi man siya pormal na pinakilala sa mga ito bilang asawa ni Lach ay alam niyang alam na ng mga ito na siya rin ay hindi lang katulong rito. Ang mga katulong noon na inaalipusta siya ay hindi na makatingin ng deritso sa kaniya, umiiwas ito ng tingin lalo na si Linda. Ang iba naman ay yuko lang kapag dumadaan siya. "Handa na po ang sasakyan Ma'am Tintin." Sabi ni Marjorie. "Salamat, Mar
Bumaba si Tintin ng sasakyan nang makarating sila sa harap ng Villaflores Company. Masakit ang nakita ni Tintin. Pero wala siyang magagawa dahil ganon naman ang boss niya. Kailangan niya paring magtrabaho dahil baka itigil ang pagsuporta nito sa ina niya. Kung pwede lang hindi pumasok! Sighing, she face the man who brought her here. She is so grateful to have Knoxx to lean on, now. Mabuti na lang ay nakasalubong niya ito noong tumakbo siya palabas ng bahay habang umiiyak. Kahit pa nahihiya siya ay tinanggap niya parin ang tulong nito. Nangako naman ang lalaki na walang makakaalam kung nasaan siya, isang linggo niyang pinagtaguan si Lach at ang sabi ni Sir Knoxx ay para na raw baliw ang asawa niya sa kakahanap sa kaniya kaya, ngyon ay haharapin na niya ito. "What's with the sigh, Cy?" Tanong ni Knoxx ng makalabas sila ng sasakyan. He prepared calling her Cy without Lachlan around, bagay raw sa kaniya. Na hindi naman ito tinutulan ni Tintin. "Nothing. Thank you for everything