CHAPTER 01
Pinunsan ko ang pawis na tumulo sa mukha ko, kakatapos ko lang mag-laba at alas dyes na ng gabi. Binuhat ko ang labahan patungo sa bahay.
"Ate! Dapat tinawag mo ako." Saad ng kapatid ko pagkapasok ko sa loob ng bahay. Kakalabas lamang niya galing sa kwarto noong pumasok ako.
"Ano kaba! Kaya ko naman, saka matulog kana at may pasok ka pa bukas diba?" Saad ko.
"Mamaya ate, at mag-re-review pa ako." Sabi naman niya.
Pinasok ko ang mga nilabahan sa loob ng bahay, bukas ng umaga ko nalang isasampay ang mga iyon. Tinungo ko ang silid, at napangiti ng makitang mahimbing na ang tulog ng puppy doll ko. Tumabi ako sa kaniya. Kanina ay puro mommy ang makulit na ito eh.
Nakakapagod ang buong araw ko, pero sapat na ang mahimbing at hilik ng puppy doll ko. Siya ang pinagkukunan ko ng lakas sa bawat araw na pagod ako galing sa trabaho. Ang mahalaga ay naibibigay ko ang pangangailangan niya, at higit sa lahat naiintindihan niya ang kalagayan namin.
Maaga akong nagising kinabukasan, dahil maaga pa ako sa trabaho ko. Isa akong crew ng hotel sa bayan namin. Maganda naman ang sahod roon at sapat para sa aming pamilya.
"Ate una na ako." Humalik sa pisngi ang kapatid ko, exam niya ngayon kaya medyo maaga din siya.
"Tita? Alis kana?"
Pumupungas-pungas na lumabas ang puppy doll ko galing sa silid. "Asaan goodbye kiss ko?" She pouted. Apat na taong gulang palang siya ay maayos na ang pagsasalita niya.
My sister chuckled. Umupo siya at pinagpatay ang mukha nila ng puppy doll ko.
"Asuss, ito namang pamangks ko oh." Hinalikan niya ang noo saka pisngi ni puppy doll. "Oh ayan."
"Baybay, tita anda."
Umalis na si Novalie, at ang anak ko naman, ay sumampa sa mesa.
"Mommy? Work ka ulit?" Malungkot na tanong niya.
Ayaw ko mang iwan si Nia, ang anak ko. Pero kailangan e. Lumapit ako sa kaniya, habang sinusubo niya ang suman na gawa ko. Niyakap ko siya patalikod.
"Okay lang ba kung iiwan kita kina Lola Lora mo?" Tanong ko. Masakit na maiwan ang anak ko at iba ang mag-aalaga pero I had no choice, kailangan kong nagtrabaho para sa amin.
Nakita ko ang lungkot sa mukha ng anak ko. Pero agad naman iyong nagbago.
"Talaga Mommy?! Yehey, laro kami nina tita Jade!"
Napatawa nalang ako dahil sa ginawa nang anak ko, dali-dali niyang sinubo ang suman na kinakain.
"Omg!"
Nagulat nalang ako nang biglang sumigaw ang anak ko. Apat na taong gulang palang siya, ay nakukuha na niyang bigkasin ang kadalasang sinasabi nang nakakatanda sa kanya. Katulad nalang niyon.
"Bakit anak? May problema ba?" Tanong ko.
"Mama? Wag ka po magagalit huh?" Parang naiiyak na saad niya. Yumuko pa talaga. Ganito siya kapag may maling nagawa.
"Mom kasi..." Umikot ako at hinarap siya saka tinuyo ang luha niya.
"Kasi?" Tanong ko sa malumanay na boses.
Humikbi siya. " Di ako nakapag toothbrush at naghilamos pagising...kumain ako agad."
I chukled.
"Okay lang, pero sa susunod wag na kakalimutan huh?" Niyakap ko siya. "Hala, sige bumaba kana riyan at maligo kana."
Agad naman siyang tumalima at sinunod ang utos ko. Sumunod ako sa kaniya sa banyo at pinaliguan siya. Pagkatapos non ay binihisan ko siya ng ternong damit, saka inipitan.
Kinuha ko ang mga libro niya saka sinilid sa bag. Sa susunod na taon ko na balak pag-endroll-in si Nia, at tamang-tama tapos narin si Novalie sa kolehiyo non.
Inilock ko ang pinto at tinungo ang daan patungo kina Aling Lora. Napakaswerte ko talaga sa kanila, dahil kahit kailan di nila kami trinatong iba. Pati ang anak ko ay tinuring nilang sariling pamilya.
"Baby Nia!" Rinig kong sigaw ni Jade pagkakita niya kay Nia.
"Tita Jade! Look oh! Anda yong dress ko!"
Natawa ako dahil sa mga salitang binigkas ni Nia, tinuruan kasi ni Jade.
Pinapasok ni Jade si Nia, at naiwan kami ni Aling Lora sa labas.
"Hala sige na eja, humayo kana at baka malate ka."
Napangiti ako dahil sa tinuran ni Aling Lora, alam na alam niya talaga kung bakit ako narito ngayon.
"Maraming salamat po talaga, Aling Lora. Napakabait niyo po talaga." Saad ko.
"Ano kaba! Hindi kana iba sa amin. Sige na, dalhan mo nalang kami ng pasalubong." Natawa ako dahil parang kinanta pa talaga ni Aling Lora ang salitang pasalubong.
"Huwag ho kayong mag-alala, di ko po yon makakalimutan."
Umalis na ako roon at naghanap nang masasakyan. Balang araw, makakaahon din ako, kasama nang kapatid ko, at anak ko, syempre di ko kakalimutan sina Aling Lora.
Kung may maling nagawa man ako noon, ay wala akong pinagsisihan, ang mahalaga sa akin ngayon ay ang anak ko at pamilya ko. Kakayanin ko para sa kanila.
"Ito ho manong, salamat."
Bumaba ako ng trycicle, saka hinarap ang napakataas na building. Dalawang taon, dalawang taon narin akong nagtatrabaho dito. Maganda ang hotel at lahat nang kailangan mo ay nakaprovide na.
Maganda din ang trato nila sa lahat nang empleyado.
Hinakbang ko ang mga paa, saka pumasok sa lobby. Agad kong tinungo ang restroom para magpalit nang uniforme, pagkatapos ay kumuha ng walis, dustpan at mop.
Kahit ganito ang trabaho ko, ay diko kinakahiya dahil marangal naman iyon.
Lumabas ako sa restroom saka nagsimulang maglinis sa iba't-ibang parte ng hotel. Sa kwarto, sa banyo, sa hallway at kahit saan pa. Noong lunch break ay sabay kaming kumain ni Chesney, isa sa mga kaibigan ko dito, katulad ko, janitor din siya ng hotel.
"Hoy! Bali-balitang may ilalapit raw sa maynila, kulang daw kasi doon at marami na dito, kailangan raw magbawas." Pag-anunsyo ni Chesney sa akin, saka nilapag ang dala-dalang tray na puno ng pagkain.
"Huh? Magbabawas? So dapat tatanggalin?" Nagtatakang tanong ko saka, umupo sa kaharap niyang upuan.
"Iyon nga sana, kaso tumawag ang may-ari nitong hotel, ililipat nalang daw sa ibang building!" Masayang saad niya.
"Talaga ba? Sana hindi ako makuha." Malungkot kong ani.
Ayaw kong malayo sa kapatid at anak ko. Paano ko sila aalagaan kung sa maynila na ako magta-trabaho? Paano ang anak ko? Ayaw ko siyang iwan!
"Ano kaba! Bakit ayaw mo? Increase ang sahod doon, saka maynila yon oh?!" Pangungumbinsi niya. Saka nagsimula nang kumain, ako naman ay binuksan ang ulam na dala.
"Ches, alam mo naman siguro na kung bakit diba?" Paaalala ko sa kaniya, sabay subo ko nang pagkain, siya naman ay kumagat muna sa pritong manok niya.
"Oo nga pala! Sayang! Pero ako gusto ko...sana."
Nagtaka ako sa biglaang pagbago ng boses niya.
"Bakit..sana?" Tanong ko.
"Hello? Ayuko din iwan ka no?" Umirap siya kaya natawa ako.
Pinagpatuloy namin ang pagkain, hanggang sa natapos kaming kumain, sabay kaming umalis doon saka sabay ring pumasok.
Naghiwalay lang kami nang landas noong magsisimula na kaming maglinis. Nagtungo ako sa kabilang parte nang hotel.
Hindi ko alam kung anong oras na dahil tatlong kwarto na ang nalinisan ko, at may isa pang natitira.
Kakatatok na sana ako nong marinig ko ang ungol mula sa loob.
"Oh...god! Your so big! Ugh-ugh-ugh!"
Nag-init ang pisngi ko dahil sa narinig, bigla ko tuloy naalala ang gabing iyon. Yong halinghing at ungol ko! Nakakahiya ka Yessy! Pero ganoon ba talaga pag nag s-sex, umuungol?
Hindi na ako pumasok doon at umalis nalang, matagal pa yon matatapos at maya-maya lang out ko na.
Tahimik akong nagwawalis sa buong hallway nang may biglang bumunggo sa akin. Tumilapon ang walis at dustpan, nagkalat rin ang nga winalis ko.
Tumayo ako, at ganun nalang ang panlulumo ko nang duruin ako nong nakabangga sa akin.
"How dare you to ruin my dress?!" Galit na sigaw niya.
"Sorry po ma'am, h-hindi ko po sinasadya, hindi ko po kasi kayo nakita." Umismid siya. Sa ganitong trabaho, kahit pa tama ka, wala kang magagaw, dahil sabi nila, 'costumer is always right'. Pero sana malaman din nang mga kustomer kung anong damage nila, o kung nakasakit na a sila.
"Where's your manager?!" Tanong niya at doon ako kinabahan, sigurado akong matatanggal ako dahil mayaman ang babae, halata sa damit at tayo nito.
"Ma'am, sorry po talaga, hindi na po mauulit." Pagmanakawa ko.
"Aba! Dapat lang! You stupid!"
Umalis na siya ako naman ay inulit ang ginagawa, dahil sa nagkalat na alikabok. Pagkatapos non ay inayos ko na ang gamit ko, handa nang umuwi.
"Ches!" Tawag ko kay Chesney nong nakita ko siya sa hall way. Lumingon siya saka hinintay ako.
"Uwi kana?" Tanong niya nong makalapit ako. Nagsimula kaming maglakad.
"Oo, bakit?" Tanong ko.
"Hindi mo alam? Hindi mo alam na ngayon ang announcement kung sino ang ililipat?!" Gulat niyang tanong.
Ngayon pala yon? Hindi ko yon alam ah? Pinangako ko pa naman sa puppy doll ko na maaga ako uuwi! Ano ba yan.
"Hindi eh." Nagkibit-balikat lang ako, saka pinagpatuloy ang paglalakad.
Wala naman akong paki doon, mas malaki nga ang sahod, malaki rin naman ang kapalit. Wag nalang, ayukong malayo sa puppy doll ko!
Paano nalang kung pagod ako? Edi walang magpapalakas sa akin? Tapos hindi ko maririnig ang I love you's niya? Kaya sa kanila na ang promote-promote na yan!
Pagkarating namin sa lobby ay andon ang iba pang crew, excited talaga sila sa paglipat na gagawin.
Naghintay pa kami saglit doon hanggang sa dumating na rin ang mag-a-anounce.
"Good evening, everyone! I know, some of you didn't acknowledge about this, and I know that some are having already a hint." Panimula nong lalaki, matangkad siya at gwapo, ngayon ko lang din siya nakita rito.
"Imbis na magbawas rito ay ililipat kayo sa ibang hotels, na pagmamay-ari ng nga Vallez. And here is the list...."
Inisa-isa niya ang mga pangalan, na nakalista roon. Nakayuko lang ako dahil wala talaga akong kaenteresadong lumipat, napamahal na ako sa trabahong 'to no? Saka sa hotel na 'to!
"Chesney Delavin."
Parang batang kiniliti si Chesney dahil doon. Napakasaya niya. Well, masaya din naman ako para sa kaniya. Pero nagtaka ako nang bigla nalang siyang malungkot, at niyakap ako.
"Ches." Sambit ko.
"A-ayaw kong iwan ka Yessy." Naluluhang saad niya habang nakayakap sa akin.
"Ano ka ba ! Okay lang yon no! Mag enjoy ka doon huh? Balitaan mo ako lagi." Maiiyak na rin ako. Sa higit dalawang taon naming pagsasama ni Chesney ay ngayon lang kami magkakahiwalay.
Siya ang naging sandalan ko sa lahat na mabibigat na nangyari sa buhay ko.
"Yesseniah Celine Altazar.."
Ganun nalang ang gulat ko nong narinig ko ang pangalan ko.
Aalis ako? Iiwan ko ang anak ko? Hindi ko kayang mahiwalay sa kaniya, hindi ko rin siya pweding isama, dahil gagastos kami ng malaki, ang kapatid ko?
Umuwi akong tuliro, wala rin ako sa sarili noong binigay ko ang pasalubong na Letche Plan kina Aling Lora.
"Ate, may problema ba? Tahimik ka?"
Tanong sa akin ni Nova, siguro kanina pa niya napapansin iyon, at ngayon lang niya nakuhang magtanong.
"Sa makalawa, pagkatapos ng graduation mo, aalis tayo." Walang pag-alinlangang saad ko.
BLOSSOMHUES💗