Share

CHAPTER 115“SECRET REVELATION”

PARANG natuka ng ahas na itinulos si Lara sa kanyang kinatatayuan habang nakatitig siya sa lalaking bagong dating.

Hindi siya pwedeng magkamali. Alam niya at sigurado siya na ito ang lalaking kumuha sa kanya noon kay Nati para ipanregalo siya kay Joaquin.

Mabilis na nakaramdam si Lara ng matinding panlalamig sa kanyang buong katawan dahil sa kaisipang iyon. Kung makikilala siya nito ay siguradong malalaman ni Joaquin ang sekreto niya. Hindi naman imposibleng mangyari iyon. Napakatalino ng asawa niya kaya tiyak na magagawa nitong tahiin ang lahat ng pangyayari lalo na ang malaking pagkakahawig ni Callie rito at lalong higit sa namayapa na nitong ina.

“Pasensya na kayo kung naka-istorbo ako,” ani Patrick na nang mga sandaling iyon ay titig na titig sa kanya.

“It’s okay buddy. Sige na, have a seat,” ani Joaquin sa kaibigan.

Agad namang tumalima si Patrick sa sinabi ng asawa niya. Ilang sandali lang pagkatapos noon ay pormal na nga siyang ipinakilala ni Joaquin rito.

“Gusto mo bang kumain
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status