Share

CHAPTER 37 “FEELING OF DISCOMFORT”

“MUKHANG hindi ka yata inihatid ngayon ni Joaquin?”

Iyon ang naging pambungad na katanungan sa kanya ni Cynthia nang araw na iyon pagdating niya sa store.

“Marami ding trabaho ‘yung tao syempre,” aniyang tumawa ng mahina pagkatapos.

Nakita niyang tumango lang si Cynthia sa isinagot niya. Ibig sabihin ay sumasang-ayon ito sa kanya. At sa hindi maunawaang kadahilanan ay lihim na ikinatuwa iyon ni Lara. Hindi naman sa hindi niya gustong mag-kwento. Pero nang mga sandaling iyon kasi ay mas naglalaro sa isipan niya ang mga posibleng mangyari kapag ipinakilala na siya ni Joaquin sa ama nito.

“Parang nakakapanibago naman yata ang pananahimik mo, Lara. Ano bang nangyari? Sabihin mo sa akin ang totoo, kasi hindi ka naman ganyan normally eh,” makalipas ang ilang minuto at nanatili pa rin siyang tahimik, iyon ang narinig niyang itinanong sa kanya ni Cynthia.

Noon napabuntong hininga si Lara. Sa totoo lang, feeling niya iyon lang ang hinihintay niyang marinig mula sa kaibigan niya para magkaroon
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status