Share

CHAPTER 6

Author: Shynnbee
last update Last Updated: 2024-08-07 12:07:06

Nagbaon na ako ng lunch the next day. May mga dala din akong sandwich, chocolates at cookies. Galing ito kay Mommy. Pinadala daw niya kahapon sa bus na dumating dito kaninang five am.

"Mag-aral ng mabuti," paalala ni Auntie pagbaba ko ng kaniyang sasakyan.

Maaga pa kaya nag-ayos na muna kami ng mga kaklase ko. Dinala ko iyong make ups na ipapahiram ko sa kanila.

So far, wala pa naman akong nakitang magiging threat sa akin. Nakakapanibago nga na walang umaaway sa akin, na gaya sa Manila na kahit wala naman akong ginagawa sa kanila, galit na galit sa akin.

Kahit paano hindi na ako gaanong malungkot, iyon nga lang one over twenty ang nakuha ko sa quiz namin. I feel like I'm bobo, eh, I'm not naman. Hindi lang talaga ako nakapag-review kagabi. At saka wala akong notes pa.

Binigyan ako ng module ng aking teachers. Pag-aralan ko daw. They're giving me chance since late na akong nag-transfer ng school. Ganito talaga ang mangyayari.

Naunang matapos ang morning class namin, kaya inabangan ko na lang si Ranna sa bench sa labas ng classroom nila.

Iyong mga fourth year students naman na dumadaan ay napapatingin sa akin, lalo na ang mga boys. Kaso wala akong makitang okay sa kanila. Sa probinsyang 'to si Hendrix pa lang ang nakita kong guwapo. Shit! Siya na naman!

Nakakainis dahil napanaginipan ko na naman siya kagabi. Hindi ko naman siya iniisip pero bakit lagi ko na lang siyang napapanaginipan? Ni hindi ko nga siya gusto. Oo, guwapo siya pero hindi ko siya gusto!

"Amelia!"

Bakit ba Amelia nang Amelia ang babaeng 'to? Sinabihan ko na siya kahapon na Amie na lang ang itawag sa akin, e.

"Tara, bumili na muna tayo ng cold drinks," sabi ko at nauna ng maglakad. Hindi ko gusto ang paninitig ng ibang mga lalakeng estudyante sa akin. Buti sana kung mga guwapo sila, hindi naman. Mukha silang mga manyakis.

Sa canteen na lang kami bumili. May water naman siyang baon kaya juice na lang ang binili ko for her. Ang gamit niyang baunan ng water ay iyong binili ko kahapon.

Nagpadala si Mommy ng tumbler ko pero lima lang kasi iyon. My tumbler from Monday to Friday. I'll asked her tonight to send me another one. Ibibigay ko kay Ranna.

Hindi ko nga din maintindihan kung bakit gusto ko ang babaeng ito, kahit na mahirap lang siya. Siguro dahil wala namang mayayaman dito. Kung mayaman man masakit naman sa mata.

Gumawa siya ng mga projects pagkatapos naming kumain. Ako naman ay nahiga at nakaidlip kaya hindi ko na nasabi sa kaniya iyong tungkol sa tutor.

Hindi ko pa natanong kay Auntie kung magkano ang badget sa magiging tutor ko. Pero I'm sure naman na mas mataas kaysa sa bayad ng mga tutee niya.

"Wala pa ang Kuya mo..." Nakalabas na kami ng gate pero hindi ko makita si Hendrix.

"Six ang last na subject niya ngayon, kaya tayong dalawa lang ang uuwi."

"Ah, okay. Mag-tricycle na lang tayo. Ako na ang magbabayad." Kaysa ako lang mag-isa ang sasakay. Fixed naman ang pamasahe dito kahit ilan ang sasakay.

Pagdating namin sa labas ng bahay, lumapit sa amin si Auntie.

"Ranna, puwede ka bang mag-tutor kay Amelia?"

Nagulat naman si Ranna. Hindi inaasahan dahil parehas lang naman kami ng grade, pero siya pa ang mag-t-tutor sa akin.

Naging alanganin ang mukha niya, dahil hindi siya nakasagot agad.

"Gusto ko pa sana, kaso nadagdagan na po kasi ng tatlo ang kailangan kong i-tutor. May mga ginagawa pa po ako na mga projects."

Paano iyon?

"Sorry, Amelia."

"It's okay." Napaisip ako. I can't fail at mas lalong ayaw kong maging pasang awa kaya I need a tutor.

"Ang Kuya mo, puwede ba siya?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Auntie.

I looked at her with a protest but she didn't even look at me.

"May tutor din po siya at ginagawang mga plates, pero puwede po siguro siya."

Ngumiti si Auntie. Ako naman ay hindi na maipinta ang mukha.

"Pakisabi sa kaniya mamaya na gusto ko siyang kausapin, okay?"

"Okay po, Tita." Nauna na si Ranna. Ako naman ay naiwang nakatulala at hindi makapaniwala.

Gosh!

Tumawag si Mommy kaya hindi ko na nakausap pa si Auntie. Mahaba ang usapan namin dahil madami akong pinabili. At lahat ay oo ang sagot niya.

Parang may mabuti namang dulot sa relasyon naming mag-ina ang pagtira ko dito sa probinsya. Hindi tulad nang nasa Manila ako na halos hindi na kami magkitang dalawa. Ngayon lagi na kaming nagkakausap sa phone. Hindi ko na natanong si Daddy sa kaniya. Ayaw kong masira ang araw ko. Wala namang ibang ginagawa iyon kung hindi ang mambabae.

"Huwag ka ng mag-inom, okay?" bilin ko kay Mommy.

She chuckled. "Yes, my baby."

Ngumuso ako. I sighed. "I love you, Mommy. See you soon."

Ginawa ko na muna ang assignment ko dahil baka makalimutan ko na naman. Hindi ko alam kung tama, pero atleast gumawa ng assigment.

Alas-siete nang bumaba ako dahil nagugutom na ako. Nakaluto na din si Auntie.

"Pakuha na lang ng mga plato." Ginagawa talaga akong utusan sa bahay na 'to, pero hindi na lang ako nagreklamo dahil wala namang maid si Auntie.

"Auntie, wala kang kilalang teacher na puwedeng maging tutor ko?"

"Bakit? Magaling naman si Hendrix, ah. Valedictorian iyon from elementary to high school. Scholar din siya."

Tumawa siya nang manahimik ako.

"Don't tell me you like him..."

"Hindi ko siya type Auntie. Duh? Parang hindi mo naman ako kilala."

"I know you well, Amelia."

Tinirik ko ang aking mga mata.

"Malabong magustuhan ko siya. Ang type ko sa lalake, e, iyong mayaman, may kotse, maganda manamit. You know."

"Mayaman naman si Hendrix. Mayaman sa mabuting asal at utak. At magandang binata."

"No, Auntie. Importante pa din sa akin kapag mayaman ang guy. Hindi pasok si Hendrix sa standard ko. Nakita mo naman, damit pa lang niya... Hindi..."

Namutla si Auntie at naging alanganin ang ngiti. Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si Hendrix na nakatayo roon. Shit! He's not supposed to hear that.

Tumikhim si Auntie. "H-Hijo..."

"Gusto niyo daw po akong makausap, Tita?"

"Ah, oo, hijo. Gusto ko sanang ipa-tutor si Amelia. Hindi na daw kaya ng oras ni Ranna kaya ikaw na lang sana kung puwede."

Hindi agad nakasagot ang lalake. Mukhang plano pa niyang tumanggi.

"Please, hijo. Late na kasi siyang lumipat ng school kaya kailangan niya ng tutor. Kailangan niyang makahabol."

Bakit kailangang makiusap ni Auntie? Nakakainis naman!

"Sige po, pero mga ten days ko lang po siya matuturuan. Magiging busy na po kasi ako."

"Okay, hijo. Salamat. Bukas mag-start?"

"Sige po, pupunta na lang po ako dito pagkatapos ng klase ko." Umalis na siya.

"Dapat matuto ka sa ten days. Wala na tayong puwedeng kunin na mag-tutor sa'yo. And Amelia, please be nice to him."

"Nice naman ako, ah."

"Tigilan mo ang pangmamaliit mo sa kaniya."

"Hindi ko po siya minamaliit, Auntie. Ang tangkad-tangkad nga niya, mas matangkad pa sa akin."

Sinimangutan ako ni Auntie.

"Bahala ka na nga!"

Sabay ulit kaming kumain ni Ranna the next day. Binigyan ko siya ng cake, pero hindi din naman niya kinain dahil gusto niyang matikman din ito ng Kuya at Mama niya.

Paano kaya niya nagagawang maging masaya sa kabila ng sitwasyon nila? Wala silang ama, tapos sobrang hirap din nila.

Cornedbeef with egg na naman ang ulam niya. Hindi ba siya nagsasawa? Hindi ako mahilig sa cornedbeef. At bilang lang sa daliri ko sa kamay na kumain ako n'on. At mamahaling brand din iyon.

"Bakit?" nakangiti niyang tanong nang mapansin niya na nakatitig ako sa kaniya.

"Wala naman. May iniisip lang ako."

"By the way, ano'ng oras matatapos ang klase ng Kuya mo ngayon?"

"Mga five. Mauuna na tayong umuwi mamaya." Four thirty matatapos ang klase namin mamaya kaya maghihintay pa ako ng more than one hour.

May assignments na naman ako. At iyong assignment ko kahapon, wala akong nakuhang tamang sagot. Hindi ko maintindihan iyong explanation ng teacher.

Pagkauwi ko, nag-half bath na muna ako. Nagsuot ako ng sando at shorts dahil mainit ngayon. Nilabas ko na din ang mga assignments ko. Ipapasagot ko kay Hendrix mamaya.

Nang makarinig ako ng yabag, umayos ako ng upo. Nakasuot siya ng white tshirt na mayroong tatak na CE, he's wearing a jeans na okay na din. Hindi ko alam kung luma, pero wala akong pakialam. Iyong shoes niya, luma na talaga. Sana bumili siya ng bago. Malaki naman ang ibabayad ni Mommy sa kaniya.

Sabi ni Auntie three hundred fifty per hour daw ang kilala niya na tutor sa syudad. Sabi naman ni Mommy gawin na niyang five hundred.

Tinuro ko ang upuan sa aking tapat. Nakatitig lang kasi siya sa akin. Napakaseryoso ng kaniyang mukha. Nagsusungit. Bakit ba niya ako sinusungitan? Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya.

Binaba niya ang lumang bagpack niya sa sahig. Ah! Bakit ba puro luma ang gamit niya? Ang sakit sa mata!

"May assignment ka?" tanong niya sa flat na boses.

"Meron." Tinuro ko ang tatlong notebook na nakapatong sa mesa. Binasa niya ito. Kinuha niya ang writing pad ko at ballpen, saka siya nagsulat ng problem na kapareho sa assignment ko.

"Hindi ba puwedeng ikaw na lang ang sumagot ng assignments ko?" Ngumuso ako at nagpa-cute, pero hindi man lang nagbago ang seryosong ekspresyon niya.

"No. You should answer this. How will you get the right answer if you don't want to learn?"

Nagsimula siyang mag-explain. Ang galing niyang magpaliwanag. Mas magaling pa siyang magpaliwanag kaysa sa Math teacher namin. Ang guwapo din niya. Napangiwi ako.

Pero nang ako na ang sasagot, hindi ko pa din alam.

Inulit niya ulit na ipaliwanag iyong example niya kanina. Natandaan ko ang formula pero na-miscalculate ko.

Hindi naman siya naiinis. He look so patient while explaining it to me.

May dimple pala siya na sobrang liit sa magkabilang gilid ng kaniyang labi.

"Are you listening?" seryoso niyang tanong.

"Ah, oo naman."

"Ulitin mo iyong sinabi ko..."

Ngumuso ako. Ano nga ba ang sinabi niya?

Pagkatapos ng isa pang oras nakuha ko din ang tamang sagot. Natapos ko din ang iba ko pang assignment.

Binigay na din ni Auntie iyong bayad sa kaniya ng dalawang oras. Ayaw pa sana niyang tanggapin dahil nalalakihan siya.

"Sige na. Tama lang iyan. Hindi naman galing sa akin iyan. Sa magulang iyan ni Amelia."

Tinanggap din niya. Pinipilit pa siya ni Auntie na dito na kumain ng dinner, pero hindi na nagpapilit pa. Kukunin pa daw niya iyong kalabaw na alaga niya.

Nakangisi si Auntie habang kumakain kami.

Naiirita ako kaya hindi ko na napigilang magtanong sa kaniya.

"Totoo ang sinabi ko na madi-distract ka kapag si Hendrix ang tutor mo."

"Hindi kaya. Ang hirap lang ng explanation niya."

"Sus!"

"Totoo naman," giit ko.

"Ang simple nga lang ng ginawa niyang explanation."

Hindi na ako nakipagtalo pa. Totoo naman iyon. Mas magaling pa nga siya kaysa sa teacher ko.

"Matalino iyong si Hendrix. Magaling din siyang mag-basketball. Guwapo pa."

"Auntie, what are you trying to do? I'm too young for that."

She chuckled. "Sinasabi ko lang. Natutuwa kasi ako talaga sa batang iyon, pati na sa kapatid niya."

"Well, I like Ranna kahit poor siya."

"Bakit ba ang big deal sa'yo kapag mahirap ang tao?"

"Hindi naman big deal. Pero ibang usapan na kapag sa ideal boyfriend ko." Napikon si Auntie kaya hindi na siya nagsalita. And I don't know why are we talking about it anyway.

"Hendrix!" gulat na bulalas ni Auntie. Oh, not again!

"Ah, naiwan ko po iyong libro ko kanina kaya binalikan po!" sagot naman ng lalake. Hindi na ako lumingon pa dahil nakaramdam ako ng hiya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Che Che
omg ka Amelia nakaka 2 pts ka na Kay Hendrix
goodnovel comment avatar
Margie Roylo
oyy Amie grabe ka kay Hendrix hahaha ang ganda nmn
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • ENTANGLED HEARTS   EPILOGUE

    ~WEDDING~Maaga ang preparation namin para sa wedding. Madaling araw pa lang ay gising na kami para maayusan ng make up artist. Maaga din kasi ang start ng aming wedding, dahil gusto namin na by seven pm, tapos na ang reception. Gusto naming magpahinga ng maaga, dahil bukas ay aalis kami para sa aming honeymoon.Napangiti ako at nakagat ko ang aking labi. Naalala ko iyong pagbabanta ni Hendrix nang isang araw. Humanda daw ako. Hindi ko na napigilan ang kilig ko. I giggled and squeeze the little stuffed toy on my lap. "Excited ka na, madam?" Nginitian ko ang make up artist. Ngayong araw, magiging asawa ko na si Hendrix. Pinangarap ko ito nang maging kami, pero nang kailangan kong talikuran siya, gumuho ang pangarap na iyon. Akala ko hindi na mangyayari. Nang magkita kami ulit, akala ko kasal nila ni Scarlet ang masasaksihan ko. Oh my God! Kakayanin ko ba iyon kung sakali? "Huwag kang umiyak, Ms. Amelia..."Mahina akong natawa. "I'm sorry, I can't help it." Sumilip si Ranna sa ma

  • ENTANGLED HEARTS   CHAPTER 77

    Hindi naman siya nawala sa isipan ko. Para sa akin, siya pa din ang best friend ko. Siya ang unang babaeng tumanggap sa ugali ko, sunod si Ranna. Mas lalo pa siyang gumanda ngayon. Parang kailan lang, mga batang babae lang kami na walang alam sa buhay. Ang alam lang namin ay maglustay ng pera ng aming mga magulang, magbigay ng sakit sa ulo sa kanila, at higit sa lahat, maglaro ng ganda-gandahan. Pero maganda naman talaga kaming dalawa. "Alam mo ba na napakalaki ng na-contribute ko na views sa YouTube channel mo?" Natawa ako, kahit pa nakasimangot siya sa akin ngayon. "Ang dami ko na ding comment sa mga videos pero ni isa, wala kang reply.""Sorry...""Akala ko nasa abroad kayo ng Mommy mo. Akala ko maayos lang ang buhay mo all these years. Not until, nagsimulang maglabasan ang mga articles tungkol sa'yo. Napanood ko din iyong mga interview's mo. Bakit hindi ka lumapit sa akin? You know I would be willing to help you, kami nina Mommy.""Nahihiya ako. I'm sorry... At ayos lang nama

  • ENTANGLED HEARTS   CHAPTER 76

    Sinigurado ni Hendrix na magiging perfect ang lahat sa aming wedding day. Pati ang prenup ay mabusisi din niyang plinano. He helped us plan for it. He kept asking if magugustuhan daw ba ito nina Mommy at Auntie kung sakaling nabubuhay pa sila. Sobrang emosyonal ko tuloy. Masayang-masaya pero napapaiyak ako kapag naiisip ko ang dalawang mahalagang babae sa aking buhay na hindi ko na kasama ngayon. Sobrang busy niya sa work ngayon dahil sa mga malalaking projects, pero kahit na ganoon sobrang hands on pa din niya dito. Isang beses lang daw ikasal kaya gusto niyang perfect ang lahat. "I've been dreaming about it since I met you..."Matamis akong napangiti. He never fail to make my heart happy. Kuntento akong bumuntong hininga. Ayos lang naman ang simpleng kasal, pero kung kaya naman namin ng bongga, why not bonggahan, di ba? Besides afford na din naman namin 'to. Sa lahat ng pinagdaanan naming dalawa, deserve namin ng wedding of the year or century. Mula sa venue, details, susuot

  • ENTANGLED HEARTS   CHAPTER 75

    "Sure ka na ayos lang?" pang-ilang ulit ko ng tanong kay Hendrix ito. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang pinapanood akong magbihis. "Yeah. You should go and enjoy."Ngumuso ako. Nagdadalawang isip kung tutuloy ako sa bar ngayon. Iniisip ko kung mag-e-enjoy ba ako. I don't think I deserve to go out and party tapos maiiwan sa bahay ang fiance at anak ko. Ang kulit kasi ni Ranna, e. Sinabi ko ng ayaw ko pero mapilit talaga. Dinaan ako sa patampo-tampo niya. Sinuot ko ang dress na binigay ni Ranna. Backless tapos sexy. Habang sinusuot ko ang damit ay hindi ko inalis ang tingin ko kay Hendrix. I was watching his reaction. Ba't parang ayos lang sa kaniya na sobrang sexy nitong suot ko ngayon? Tapos sa bar pa ako pupunta. "So?" tanong ko at bahagya pang umikot. "What do you think?""Gorgeous..." Inikot ko ang aking mga mata. "Okay lang sa'yo itong suot ko?""Uh-huh. Bagay naman sa lugar na pupuntahan mo. And you look good. Hmmm..." Hinimas niya ang kaniyang leeg. "Parang gusto kita

  • ENTANGLED HEARTS   CHAPTER 74

    ~HENDRIX~PAANO ako iiwas kung kailangan ko siyang i-tutor. Nakakapanghinayang din naman ang binabayad nila sa akin kung ipapasa ko ito sa iba. NATUTUWA ako sa mga kakulitan niya. Iyong pag-ikot niya ng mga mata at pag-ismid kapag nakikita niyang magkasama kami ni Dina. Kung iba siguro maaasar ako, pero hindi ko din maintindihan kung bakit natutuwa pa ako sa ginagawa niyang iyon. Natutuwa ako sa pagiging generous niya kahit na minsan parang hindi na ako komportable. But I know she's genuine. She's being her true self. Iyong pagiging malapit niya sa kapatid ko. Iyong pagbibigay niya ng kung ano-ano dito. At ang pagpapahiram niya ng gown para maka-attend ito ng prom, lahat ng iyon ay na-appreciate ko. And I think I'm starting to fall for her. KUMUNOT ang noo ko nang makita ko ang picture frame sa sala namin. Nang matitigan ko ang mga pictures napailing na lang ako. Bakit hindi ko magawang maasar sa kakulitin ng babaeng iyon? Kinuha niya ang picture ko at pinalitan niya ito ng kani

  • ENTANGLED HEARTS   CHAPTER 73

    ~HENDRIX~"Sino iyon?" tanong ni Mang Nato habang nakatingin sa unahan. Papunta kami ngayon sa taniman ng mga saging, upang manguha ng mga puso ng saging. Sa kalagitnaan ng palayan, kapansin-pansin ang isang babae dahil sa kaniyang kaputian kahit may kalayuan ito. Nang makalapit kami ay nakilala ko ito. Amelia Muller. Pagkatapos ng madaming taon muling nagbakasyon ang pamangkin ni Tita Berlin dito sa probinsya. Kamukha niya ang kaniyang ina at kaniyang tiyahin. Maganda na siya noon pero mas lalo pa siyang gumanda ngayon. At kamuntik kong makalimutan na bata pa pala siya. She's still a minor. Dalaga na siya, but she's still young. Maganda nga, pero iyon nga lang masama ang kaniyang ugali. Lumaki sa Maynila at lumaki sa marangyang buhay kaya isa itong spoiled brat. At mas lalo pa akong nadismaya sa kaniya nang marinig ko ang usapan nila ng kaniyang Auntie Berlin. Narinig ko iyong mga sinabi niya patungkol sa akin. Pero hindi ko inakala na matapobre pala siya. Malayong-malayo siy

  • ENTANGLED HEARTS   CHAPTER 72

    “The Muller heiress' has regained her throne on the Muller Empire.”“The Muller empire was back to the real heiress.” Laman ako ngayon ng mga iba't ibang mga articles.Pagkatapos ng paghihirap ng ilang taon, nabawi ko din ang lahat ng ari-arian na naiwan sa akin ng mga magulang ko. Ang mga pinsan ni Daddy ay nahaharap sa patong-patong na kaso. At halos maubos din ang ari-arian nila, mabayaran lang ang lahat ng utang nila sa akin. Masaya. Pero mas masaya sana kung buhay pa si Mommy. Pero alam ko naman na kung nasaan man siya ngayon, ay masaya siya. Matatahimik na siya, dahil hindi na ulit ako maghihirap pa. I sighed. Hinilot ko ang aking noo, dahil kanina pa pumipintig ang aking sentido. Hindi ko maunawaan kung bakit hindi ko magawang maging masaya ng husto. Siguro dahil sa loob ng ilang taon, natutunan ko ng i-embrace ang pagiging mahirap ko. "Bakit parang hindi ka masaya?" tanong ni Hendrix. Tipid akong ngumiti. Ngiti na may halong kaba. "Honestly, I don't know how to run the

  • ENTANGLED HEARTS   CHAPTER 71

    "I love you," bulong ko nang maghiwalay ang aming mga labi at katawan. May kaunting hingal pa sa aking boses dahil sa aming ginawa. Pagod ako, pero hindi ko pa gustong magpahinga at alam kong ganoon din siya. "I love you more, babe," sagot naman niya. Mayroong ngiti sa kaniyang mga labi. Iyong ngiti na nakikita ko lang noon sa kaniya kapag natapos kaming mag-love making. I kinda miss this. I feel happy. "That was amazing," sabi ko. Nag-init ang aking pisngi kaya nag-iwas ako ng tingin. Medyo nakaramdam ako ng hiya. He softly chuckled. "You're amazing as always," tugon niya habang masuyong nakatingin sa aking namumulang mukha. I bit my lower lips. "I'll just wash," paalam ko nang hawakan niya ang aking bewang. "Okay. Bilisan mo," sagot niya habang may kapilyuhang naglalaro sa kaniyang mga labi. "Susunod ako kapag natagalan ka doon." Humagikgik ako. Plinano kong tagalan, pero hindi naman siya sumunod. Lumabas tuloy ako ng banyo na may kaunting inis. Akala ko tulog na siya, pero

  • ENTANGLED HEARTS   CHAPTER 70

    Hindi ko namamalayan na sobrang nagiging komportable na ulit ako kay Hendrix. Natutulog kaming magkatabi—kasama ang aming anak. Niyayakap niya ako at hinahalikan sa pisngi, ulo at ilong. Palagi din niyang sinasabi sa akin kung gaano niya ako kamahal. He'd buy me flowers, kahit sinasabi kong huwag na. Sabi ko ay nalalanta kasi ito, sayang lang ang pera. "Pinangarap ko ito," sagot naman niya. "Pangarap ko noon na mabigyan ka ng bulaklak at mga regalo. Kaya nga ayaw ko sanang manligaw muna. Dahil hindi ko afford manligaw at magka-girlfriend. I'm poor. Wala akong maipagmamalaki." Ang humble niya talaga. Iyong looks niya, mamasel na katawan, pagiging matalino at mabuting tao niya, hindi iyon mapapantayan ng mamahaling bulaklak o regalo. "Kaya nga ayaw ko noon manligaw. Kaso makulit ka." Napangiti ako. Ilang araw na din ang lumipas. Hindi ko pa sinasabi sa kaniya iyong magic words kung tawagin niya, pero pinaparamdam ko naman sa kaniya lagi na mahalaga siya sa akin. Kapag hinahatid niy

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status