Amelia, a rich brat from Manila, who was sent to the country side to live with her Aunt as a punishment. She hates the place. It bore her. Then she met Hendrix, a college guy taking up civil engineering. Guwapo, matalino pero mahirap lang ang lalake kaya hindi ito gusto ni Amelia. "Guwapo sana pero poor lang siya. Hindi ko siya type." Pero ang lahat ng sinabi niya ay kinain din niya kalaunan. One day, she found herself admiring this handsome, broke, college guy. Oh no! She can't like him! Ayaw niya sa lalakeng butas-butas ang brief!
View More"Sure ka na ayos lang?" pang-ilang ulit ko ng tanong kay Hendrix ito. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang pinapanood akong magbihis. "Yeah. You should go and enjoy."Ngumuso ako. Nagdadalawang isip kung tutuloy ako sa bar ngayon. Iniisip ko kung mag-e-enjoy ba ako. I don't think I deserve to go out and party tapos maiiwan sa bahay ang fiance at anak ko. Ang kulit kasi ni Ranna, e. Sinabi ko ng ayaw ko pero mapilit talaga. Dinaan ako sa patampo-tampo niya. Sinuot ko ang dress na binigay ni Ranna. Backless tapos sexy. Habang sinusuot ko ang damit ay hindi ko inalis ang tingin ko kay Hendrix. I was watching his reaction. Ba't parang ayos lang sa kaniya na sobrang sexy nitong suot ko ngayon? Tapos sa bar pa ako pupunta. "So?" tanong ko at bahagya pang umikot. "What do you think?""Gorgeous..." Inikot ko ang aking mga mata. "Okay lang sa'yo itong suot ko?""Uh-huh. Bagay naman sa lugar na pupuntahan mo. And you look good. Hmmm..." Hinimas niya ang kaniyang leeg. "Parang gusto kita
~HENDRIX~PAANO ako iiwas kung kailangan ko siyang i-tutor. Nakakapanghinayang din naman ang binabayad nila sa akin kung ipapasa ko ito sa iba. NATUTUWA ako sa mga kakulitan niya. Iyong pag-ikot niya ng mga mata at pag-ismid kapag nakikita niyang magkasama kami ni Dina. Kung iba siguro maaasar ako, pero hindi ko din maintindihan kung bakit natutuwa pa ako sa ginagawa niyang iyon. Natutuwa ako sa pagiging generous niya kahit na minsan parang hindi na ako komportable. But I know she's genuine. She's being her true self. Iyong pagiging malapit niya sa kapatid ko. Iyong pagbibigay niya ng kung ano-ano dito. At ang pagpapahiram niya ng gown para maka-attend ito ng prom, lahat ng iyon ay na-appreciate ko. And I think I'm starting to fall for her. KUMUNOT ang noo ko nang makita ko ang picture frame sa sala namin. Nang matitigan ko ang mga pictures napailing na lang ako. Bakit hindi ko magawang maasar sa kakulitin ng babaeng iyon? Kinuha niya ang picture ko at pinalitan niya ito ng kani
~HENDRIX~"Sino iyon?" tanong ni Mang Nato habang nakatingin sa unahan. Papunta kami ngayon sa taniman ng mga saging, upang manguha ng mga puso ng saging. Sa kalagitnaan ng palayan, kapansin-pansin ang isang babae dahil sa kaniyang kaputian kahit may kalayuan ito. Nang makalapit kami ay nakilala ko ito. Amelia Muller. Pagkatapos ng madaming taon muling nagbakasyon ang pamangkin ni Tita Berlin dito sa probinsya. Kamukha niya ang kaniyang ina at kaniyang tiyahin. Maganda na siya noon pero mas lalo pa siyang gumanda ngayon. At kamuntik kong makalimutan na bata pa pala siya. She's still a minor. Dalaga na siya, but she's still young. Maganda nga, pero iyon nga lang masama ang kaniyang ugali. Lumaki sa Maynila at lumaki sa marangyang buhay kaya isa itong spoiled brat. At mas lalo pa akong nadismaya sa kaniya nang marinig ko ang usapan nila ng kaniyang Auntie Berlin. Narinig ko iyong mga sinabi niya patungkol sa akin. Pero hindi ko inakala na matapobre pala siya. Malayong-malayo siy
“The Muller heiress' has regained her throne on the Muller Empire.”“The Muller empire was back to the real heiress.” Laman ako ngayon ng mga iba't ibang mga articles.Pagkatapos ng paghihirap ng ilang taon, nabawi ko din ang lahat ng ari-arian na naiwan sa akin ng mga magulang ko. Ang mga pinsan ni Daddy ay nahaharap sa patong-patong na kaso. At halos maubos din ang ari-arian nila, mabayaran lang ang lahat ng utang nila sa akin. Masaya. Pero mas masaya sana kung buhay pa si Mommy. Pero alam ko naman na kung nasaan man siya ngayon, ay masaya siya. Matatahimik na siya, dahil hindi na ulit ako maghihirap pa. I sighed. Hinilot ko ang aking noo, dahil kanina pa pumipintig ang aking sentido. Hindi ko maunawaan kung bakit hindi ko magawang maging masaya ng husto. Siguro dahil sa loob ng ilang taon, natutunan ko ng i-embrace ang pagiging mahirap ko. "Bakit parang hindi ka masaya?" tanong ni Hendrix. Tipid akong ngumiti. Ngiti na may halong kaba. "Honestly, I don't know how to run the
"I love you," bulong ko nang maghiwalay ang aming mga labi at katawan. May kaunting hingal pa sa aking boses dahil sa aming ginawa. Pagod ako, pero hindi ko pa gustong magpahinga at alam kong ganoon din siya. "I love you more, babe," sagot naman niya. Mayroong ngiti sa kaniyang mga labi. Iyong ngiti na nakikita ko lang noon sa kaniya kapag natapos kaming mag-love making. I kinda miss this. I feel happy. "That was amazing," sabi ko. Nag-init ang aking pisngi kaya nag-iwas ako ng tingin. Medyo nakaramdam ako ng hiya. He softly chuckled. "You're amazing as always," tugon niya habang masuyong nakatingin sa aking namumulang mukha. I bit my lower lips. "I'll just wash," paalam ko nang hawakan niya ang aking bewang. "Okay. Bilisan mo," sagot niya habang may kapilyuhang naglalaro sa kaniyang mga labi. "Susunod ako kapag natagalan ka doon." Humagikgik ako. Plinano kong tagalan, pero hindi naman siya sumunod. Lumabas tuloy ako ng banyo na may kaunting inis. Akala ko tulog na siya, pero
Hindi ko namamalayan na sobrang nagiging komportable na ulit ako kay Hendrix. Natutulog kaming magkatabi—kasama ang aming anak. Niyayakap niya ako at hinahalikan sa pisngi, ulo at ilong. Palagi din niyang sinasabi sa akin kung gaano niya ako kamahal. He'd buy me flowers, kahit sinasabi kong huwag na. Sabi ko ay nalalanta kasi ito, sayang lang ang pera. "Pinangarap ko ito," sagot naman niya. "Pangarap ko noon na mabigyan ka ng bulaklak at mga regalo. Kaya nga ayaw ko sanang manligaw muna. Dahil hindi ko afford manligaw at magka-girlfriend. I'm poor. Wala akong maipagmamalaki." Ang humble niya talaga. Iyong looks niya, mamasel na katawan, pagiging matalino at mabuting tao niya, hindi iyon mapapantayan ng mamahaling bulaklak o regalo. "Kaya nga ayaw ko noon manligaw. Kaso makulit ka." Napangiti ako. Ilang araw na din ang lumipas. Hindi ko pa sinasabi sa kaniya iyong magic words kung tawagin niya, pero pinaparamdam ko naman sa kaniya lagi na mahalaga siya sa akin. Kapag hinahatid niy
"Gusto mo bang mag-aral ulit?" Tulog na si Drix at ako ay inaantok na din, pero nagsalita pa si Hendrix. Tumagilid siya paharap sa akin. "Hindi ko alam." Wala pa kasi iyon sa isip ko. Kung mag-e-enroll man ako, gusto ko iyong course na makakatulong sa akin sa gusto kong simulan na negosyo, kapag may puhunan na ako. "Bakit? Pag-aaralin mo ba ako?" nakangiting tanong ko. Tumango siya. "Yeah. Kahit saang university mo pa gusto."Kaya ko namang tustusan ang pag-aaral ko kung sakali. Hindi ko na kailangang kumayod ng husto ngayon para sa needs ni Drix dahil nandito na siya. "Siguro saka na. Or pag-iisipan ko muna. Nag-t-treatment si Drix. Dapat available ako lagi for him. Gusto ko siyang samahan sa mga check ups niya.""Okay, babe. Wala namang edad ang pag-aaral. It can wait. Basta nandito lang ako nakasuporta sa'yo. Iyong pinagkakakitaan mo pala ngayon, puwede mong gawing business.""Iyon nga din ang plano ko. Soon.""Kung kailangan mo ng puhunan..."Tumawa ako. "Saka na ako magpap
Nakabalik na kami ng Manila. Babalik na din sa work ngayon si Hendrix, pero hindi siya makaalis-alis. Parang gusto pa niya akong isama. "Bawal kang umalis," bilin pa niya sa akin. "May lakad ako, Hendrix. Ano'ng gusto mong gawin sa akin? Ikulong ako dito?""Pero babalik ka agad?" tanong niya. Takot na takot na maiwan. "Oo. May lalakarin lang ako. Isasama ko na din muna si Drix." Wala siyang nakuha na makakasama sa bahay. Tagalinis lang twice a week ang nakuha niya. Mahirap kasing magtiwala. Sabi ko humanap na lang ng kakilala sa probinsya. O maghahanap ako. Iyong mga dati naming kasambahay noon sa mansyon, o kaya mga kamag-anak ng kasambahay. "Okay. Mag-usap tayo mamayang hapon," sabi niya. Sa wakas pumayag din siya, pero alanganin pa din ang itsura. Nakabihis na siya. Formal ngayon ang suot niya. Hindi gaya kapag ibang araw na nakasuot siya ng jeans at polo na mukha siyang model ng jeans. "Bantayan mo ang Mommy mo, okay?" Tumango naman si Drix. "Don't worry, Daddy. Mommy only
Tutulong sana ako sa paghahanda ng aming hapunan pero itong si Hendrix, hindi na binibitawan ang kamay ko. Yayakap siya sa akin, hahalik sa aking pisngi, leeg at kung saan-saan pa. Tingin ba niya okay na kami? Nandito kami sa sala na tatlo ngayon. Si Drix ay nanonood ng discovery channel, habang pasulyap-sulyap sa amin ng Daddy niya. May ngiti sa kaniyang mga labi. Makikita mo talaga ang saya sa kaniyang mukha. "Come here, buddy..." tawag sa kaniya ni Hendrix. Pinaupo naman siya ni Hendrix sa kaniyang mga hita. "Are you happy?" masuyong tanong niya sa kaniyang anak, sabay halik sa pisngi nito. "Yes, Daddy," medyo nahihiyang sagot ng bata. "Why?""Because you and mommy are back together. Am I right, Daddy?" Umaasang tanong niya. I can't say no. Hindi ko kayang tanggalin ang kasiyahan sa kaniyang puso. "Yes. That's right, Son. Mommy and Daddy are back together. We've never broke up in the first place." Ngumuso ako. Inakbayan naman ako ni Hendrix sabay halik sa aking pisngi.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments