Share

ENTWINED FATES WITH A MAFIA KING
ENTWINED FATES WITH A MAFIA KING
Author: Amber_cloud00

CHAPTER 1 - A ONE-NIGHT-STAND WITH A MYSTERIOUS MAN

ARABELLA’S POV

“Bes, sure ka na ba talaga dito? Hindi na ba magbabago isip mo?” nag-aalalang tanong ni Bianca.

“Oo, bes. Nakapag-isip-isip na ako. Sigurado na ako sa desisyon kong ito,” matatag kong sagot habang nakaharap sa salamin.

Kamakailan lang ay may ibinalita sa akin ang kaibigan kong si Daisy na nagtatrabaho sa isang kilalang Cabaret sa bayan. Ayon sa kanya, may lalaking bumisita sa Cabaret at nag-alok ng malaking halaga ng pera kapalit ng isang gabing kasama ang isang lalaki.

Ang hanap raw ng amo ng lalaking bumisita ay isang babaeng hindi pa nagkaroon ng nobyo sa tanang buhay nito. Dahil dito ay agad akong naisip ni Daisy.

Alam niya ang pagsubok na kinakaharap ko ngayon sa buhay. Sa labis na pangangailangan sa pera ay pikit-mata ko itong tinanggap.

Kaya kong gawin ang kahit na anong marangal na trabaho ngunit wala rito ang sumasapat. Napagtanto kong kailangan ko nang kumapit sa patalim.

Kasalukuyang nasa ospital ang aking ama at nasa state of coma. At dahil sa matagal na pamamalagi niya rito ay lumulobo ang aming bayarin.

Isa rin ang pangyayaring ito sa mga rason kaya’t napagdesisyunan kong tumigil muna sa pag-aaral sa kolehiyo.

Kulang na kulang ang sahod na natatanggap ko mula sa pinagtatrabauhang bakeshop. Wala na akong nakikitang ibang solusyon kundi ito na lamang.

“Bessie, pwede ka pa rin naman humindi, eh. Hindi naman ibig sabihin na inalok ko ito sa’yo ay ito na yung sagot sa problema mo. Makakahanap ka pa ng ibang solusyon,” wika naman ni Daisy na halata rin sa mukha nito ang kabang nararamdaman.

I heaved a deep sigh and delicately wore the black lace venetian eye mask in order to conceal my identity.

“I’ve accepted the offer, girls. Wala nang urungan ‘to.”

Tumayo na ako at hinarap silang dalawa. “Huwag kayong mag-alala, mag-iingat ako. Kayo na muna ang bahalang magbantay kay Papa ngayong gabi, ah? Magkita na lang tayo bukas.”

Matapos nito ay hinatid na nila ako sa isang sikat at mamahaling hotel sa bayan kung saan naroon ang lalaking aking kakatagpuin.

Meron sa aking sumalubong na lalaking naka-Amerikana. “Ikaw ba ang pinadala ni Madam L dito?” Tinutukoy nito ang manager nila Daisy sa Cabaret.

Marahan akong tumango. Magkahalong kaba at takot ang aking nararamdaman habang nakasunod lamang ako rito.

Tumigil kami ng lalaki sa tapat ng Room 902, pinihit niya ang doorknob pabukas at sinenyasan na ako nitong pumasok.

Bumungad sa akin ang loob ng silid na may kaunting liwanag.

Maya-maya pa’y napansin kong may banayad na paggalaw sa isang sulok ng kwarto.

Halos tumalon ang aking puso sa gulat nang biglang may naglakad papasok mula sa bahaging ito.

This is a man who’s also wearing something that conceals his face.

Bukod sa pantalon, wala na siyang ibang suot. Kaswal na umupo ang lalaki sa nag-iisang sofa sa tapat ko.

As I stood there, my eyes widened and my heart skipped a beat when an unexpected voice resonated from the monitor tucked discreetly on the room’s left side.

“Magandang gabi. Salamat sa pagtanggap ng aking imbitasyon. Gusto kong maunawaan mo na narito ka para sa isang espesyal na dahilan. At iyon ay ang paligayahin ako ngayong gabi.”

Hindi ko malaman kung ito ba ay nanggaling sa lalaking nasa aking harapan at kung ito ang tunay niyang boses.

All I know is that I’m here in this room to follow whatever this man says to me.

I was strongly reminded not to remove my mask under any circumstances.

Holding a glass of wine, this man beckoned me to join him by drinking the contents of the glass on the side table.

Isa itong napakatapang na klase ng alcohol. Naramdaman ko ang agarang init na dulot nito sa aking lalamunan at iyon ay nagtuloy-tuloy na sa buo kong katawan.

Unti-unti kong naramdaman ang pagkahilo at tila ba bahagyang pag-ikot ng nasa paligid ko.

Nevertheless, I still tried my best to compose myself and stay alert.

Nabikig ang aking paghinga sa sunod na inutos ng lalaki sa akin.

Ito ay ang pagsayaw nang marahan sa harapan niya habang unti-unting tinatanggal nang paisa-isa ang lahat ng suot sa aking katawan.

I was wearing sleek black dress and it didn’t take me long to take it off. I just unfastened the zipper and let it slide down.

Patuloy lang sa pag-agos ng aking mga luha at halos basà na ang buo kong mukha nang simulan kong tanggalin ang natitirang saplot sa aking katawan.

Iniisip ko na lamang na para sa aking ama ang gagawin kong ito, kaya naman nilalakasan ko ang aking loob kumilos nang naaayon sa nais ng lalaki.

Ilang sandali pa ay tumayo siya at naglakad palapit sa akin.

Nang halos isang dipa na lamang ang layo namin sa isa’t-isa ay doon ko nasilayan ang matalas niyang tingin na kulay asul, na para bang may kapangyarihang paralisahin ako sa oras ding ‘yon.

May kung anong init ang naramdaman ko sa unang haplos niya sa akin. Hindi ko alam kung sino ang lalaking ito ngunit sa simpleng paghaplos niya sa akin ay nakaramdam ako ng koneksyon sa pagitan naming dalawa.

Nang ilapit niya ang kanyang mukha ay wala na akong nagawa kundi ang ipikit na lamang ang aking mga mata at hintayin ang paglapat ng aming mga labi. Ito ang unang beses na nahagkan ako kaya hindi naging madali para sa akin ang paghalik ng lalaki.

Ang mga sumunod na pangyayari ay talaga namang tumatak sa aking isip. Halos mapasigaw ako sa sakit sa unang karanasan kong ito. Pigil ang paghikbi habang hinahayaang gawin ng lalaki ang nais nitong gawin sa akin.

Matapos ang mahabang sandali ay magkatabi kaming bumagsak sa kama.

Hindi man siya nagsasalita ay ramdam ko ang kanyang pagiging maginoo. Laking pasalamat ko na hindi siya naging marahas sa akin, hindi tulad ng iniisip ko bago ko tunguhin ang lugar na ito.

Due to the alcohol he made me drink, it eventually resulted in the heaviness of my eyelids and the blurring of my vision, making it easy for me to doze off.

Gayunpaman, lingid sa kaalaman ng lalaki, maaga akong nagising at agad na kinuha ang aking mga gamit. Hindi na ako nagpaalam pa. Muling napuno ng luha ang aking mga mata nang masilayan ang dugo sa higaan na siyang patunay na wala na ang aking pinakaiingatang virginity.

Punò man ng panghihinayang ang aking puso, pinangako ko sa sariling hindi ko kalilimutan kailanman ang pangyayaring ito kasama ang misteryosong lalaki.

Nang umaga ring ‘yon, napagkasunduan ng dalawa kong kaibigan na puntahan ako sa inuupahan kong bahay.

“K-Kumusta, bes? Ah… ano, okay ka lang ba?” may pag-aalinlangang tanong ni Bianca.

“Okay naman…”

Looking back on what happened last night, tahimik na umagos ang aking mga luha sa aking magkabilang pisngi.

Magkasabay lamang silang dalawa sa pag-console sa akin. Si Bianca ay tumayo at marahang hinaplos ang aking likod habang si Daisy naman ay agad na hinawakan ang dalawa kong kamay na magkasalikop.

“Ara, sana hindi ito ang maging dahilan para magkimkim ka ng galit sa’kin. Alam kong mali, pero ‘yon lang talaga ang nakita kong solusyon para mapagaan ang mga problema mo. Sorry ulit, bessie,” maluha-luhang paghingi ng tawad ni Daisy.

“Hindi kita sinisisi, bessie. Ako rin naman ang nag-desisyon. Gusto ko pa nga magpasalamat, eh, kasi ngayon meron na akong magiging paunang bayad sa ospital,” pinunasan ko ang aking mga pisngi. “Kaya lang naman ako naiiyak kasi ganito pala kasakit isipin na nakuha lang ng kung sinong lalaki yung iniingatan mo,” muling umagos ang aking mga luha.

“Huwag kang mag-alala, hindi na ako ulit mag-o-offer ng kung ano na magpapaalala sa’yo nito.”

Binuksan ni Daisy ang kanyang handbag at iniabot sa akin ang isang sobre na naglalaman ng perang napagkasunduan. “Ito na nga pala yung pera, bessie. Siguro, iisipin mong ako na ang pinaka-walang hiyang kaibigan sa buong mundo sa inalok ko na ‘yon sa’yo pero sana makatulong ‘to ng malaki sa pagpapagamot ni Tito Greg.”

“Daisy, ‘wag kang magsalita ng ganyan. Hindi ako galit sa’yo.” Kinuha ko ang sobre mula sa kanya. “Ito ang magpapatunay kung gaano niyo inaalala ang kalagayan ko. Kaya ‘wag kayong mag-alala, walang magbabago sa pagkakaibigan natin sa nangyari sa’kin.”

Tumayo na rin si Daisy at sabay nila akong niyakap ni Bianca.

Alas nueve ng gabi, pagkagaling sa bakeshop ay agad akong nagtungo sa ospital kung saan naroon ang aking amang nakaratay.

Ilang buwan na ang nakakaraan mula nang barilin siya ng hindi pa nakikilalang salarin.

Laking palaisipan pa rin sa akin kung sino ang gagawa ng bagay na ‘yon sa kanya. Hindi siya mahilig makipag-away ni magagalitin, marami rin siyang kaibigan kaya naman kahit ako ay nagtataka kung ano ang motibo ng taong ‘yon para barilin si Papa.

Pasalamat ako at sa pagkakabaril sa kanya ay nanatili siyang buhay. Kasalukuyan siyang walang malay dahil base sa pahayag ng doktor ay binaril si Papa sa ulo at tinamaan ng bala ang kritikal na bahagi ng kanyang utak na naging sanhi ng comatose.

Magkagayunman, patuloy ang aking panalangin na magising na siya at manumbalik ang dating kalusugan ng kanyang katawan.

Inabot ko ang aking bag at inilabas rito ang sobre na naglalaman ng pera. “Pa, may pambayad na po tayo dito sa ospital. Nakahanap po ako ng paraan.”

Nagsimula na namang lumabo ang aking mata dahil sa mga luhang namumuo rito. “Hindi po maganda yung ginawa ko Pa, pero yun lang po yung tanging solusyon para mabayaran ang utang natin dito sa ospital. Natatakot kasi akong baka ipatanggal na ang mga nakakabit sa’yo kapag hindi pa rin makabigay kahit konti. Ayokong mawala ka, Pa. Huwag mo kong iiwan,” humahagulgol kong wika habang hinahayaang umagos ang mga luha sa aking mga pisngi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status