Share

CHAPTER THIRTY-EIGHT

Wait.

Tama ba ang narinig ko?

Na-miss niya ako?

Na-miss ako ni Travis?

Huh?

Bakit?

Isa lang iyan sa mga katanungang gumagambala sa isip ko habang nakatitig kami sa isa't isa. Bakas ang ngiti sa mukha niya lalo na nang makita niya kung paanong nangunot ang noo ko nang dahil sa sinabi niya. Si Travis, mami-miss ako? Miss ako? Bakit? Anong nakain niya?

Hindi ko tuloy napigilang mahiwagaan sa sinabi niya. Ito pa lang kasi ang kauna-unahang pagkakataon na sinabi niya sa akin ang bagay na iyon. Kahit sino naman ay magugulat, hindi ba? Ni minsan hindi kailanman pumasok sa isip ko na mami-miss niya ako. Halos isumpa niya nga ako noon pagkatapos ngayon ay biglaan niyang sasabihin sa akin ang bagay na iyon?

Not unless, iba ang ibig niyang sabihin?

Kunot noo akong bumaling ng tingin sa kanya nang dahil sa labis na kuryoso sa sinabi niya. Ewan ko ba pero tila ba ang hirap paniwalaan ng sinabi niya, at isa pa... bakit niya ako mami-miss? May relasyon ba kaming dalawa?

"Anong sinabi mo, Travis?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status